LOGIN"Kapag naabutan ka ng girlfriend ko na nakatitig sa 'kin…magagalit 'yon sa 'yo," nakapikit na anas ni Yugi at hindi kalaunan ay tinapunan ng tingin ang nobya.
Natawa na lamang si Elyan sa pahayag na iyon ng binata. Maya-maya ay bahagya niyang pinisil ang dulo ng ilong nito kasunod niyon ay ang paghalik niya sa pisngi nito."What's on your mind?" baritono ang boses na tanong ni Yugi.Hindi siya sumagot bagkus ay nanatiling nakatuon ang tingin niya sa nNatigil sa pagpupunas ng kanyang mukha si Jessica nang pumasok sa banyo si Aki. Walang suot na pang-itaas na damit ang binata at tanging sweatpants lamang ang suot nito sa pang-ibaba nito.Umangat ang dulo ng kanyang mga labi habang hindi maalis-alis ang pagkakatitig niya sa matipunong katawan ng nobyo. Hanggang sa hindi nagtagal ay unti-unting napadpad ang kanyang tingin sa V-cut abs nito.Napalunok siya at mabilis pa sa alas-kuwatrong napailing.These past few days, she's always wanted to be with Aki. Sure, hindi siya lumalabas dahil sa iskandalong kumalat. Pero hindi pa rin mababago ang katotohanan niyon na wala na siyang ibang gustong makita at makasama kundi ang kanyang nobyo.Kung tutuusin, nagsimula ang lahat ng iyon nang bisitahin sila ni Yugi.Pakiramdam niya ay nagising ang kanyang diwa at sistema. Pakiramdam niya ay nagbago ang pakikitungo niya sa binata nang marinig niya ang mga binitawang salita ng kaibigan nito."Aki's right there. Hindi pa ba siya sapat para sa 'yo? You
Hindi malaman ni Elyan kung ano ang kanyang mararamdaman pagpasok pa lamang niya sa loob ng kwarto ng nobyo. Hindi lamang nagulantang ang kanyang sistema kundi natigil din siya sa mga sandaling iyon.Napalunok siya at kalaunan ay tinapunan ng tingin si Levian. She's not just smiling, but her eyes were beaming with excitement. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi nito habang titig na titig sa magiging reaksiyon ng dalaga.Ngunit bukod kay Elyan, tila ba nagitla rin ang kambal na sina Talia at Kaliya."Wow!" bulalas ni Kaliya at napatutop sa bibig nito. "Look at those jewelry. These are all…limited edition.""Are all these for her, Mamá?" tanong naman ni Talia. "Kaliya and I were asking you to buy these for us—for our graduation. Iyon pala, may iba kang pagbibigyan! Matagal na ba 'tong nakaplano?"Sumimangot ang dalaga habang ang kambal naman nitong kapatid ay napameywang na hinarap ang kanilang ina. Sa kabilang banda naman ay natawa na lamang si L
"So, how's the food, Elyan?" nakangiting tanong ni Levian. "Ayos lang ba ang pagkain? Sakto lang ba sa panlasa mo? Hindi ba maalat o matabang? Naku, sinigurado ko sa cook namin na papasok sa panlasa mo ang mga kakainin mo ngayon at habang nandito ka."Umiling si Elyan. "Hindi niyo naman na ho kailangang gawin 'yon, Tita…""Mamá," madiing anas ni Levian. "Hindi ba't napag-usapan na natin kanina na 'yon lang ang itatawag mo sa 'kin? Akala ko ba nagkaintindihan na tayo? Don't you want me to be your mother-in-law?"Sumabat si Talia. "Oo nga, Ate Elyan! Iyon na ang itawag mo kay Mamá, tutal naman at welcome na sa pamilya namin. I'm sure, magugustuhan din ni Papá if you're going to drop the word, Tito."Natawa si Arnulfo at mabilis na tumango. "I would be glad if that happens. Besides, Talia is right. Being here with us, that only explains one thing—you are already a part of our family."Hindi nakasagot si Elyan sa sunod-sunod na pahayag nilang iyon. Sa puntong iyon ay nginitian lamang niya
"What?" kunot-noong tanong ni Yugi nang marinig niya ang sumunod na sinabi ng kanyang ama. "You want me to make a dessert?"Si Kaliya ang sumagot. "Yes, please, Kuya!""Matagal na kaming hindi nakakatikim ng luto mo," nakangusong dagdag ni Talia. "Tapos sobrang strict pa ni Mamá pagdating sa pagkain ng matamis. Mukha yatang wala na kaming sugar sa katawan.""Oo nga!" wika ni Kaliya. "Kahit ngayon lang, Kuya. Patikimin mo kami ng dessert na palagi mong ginagawa. Para matikman din ni…Ms. Marquez."Umangat ang dalawang kilay ni Yugi sa huling katagang binanggit ng kanyang kapatid. Hindi siya sumagot, bagkus ay tinapunan niya ng tingin si Elyan na sa mga sandaling iyon ay nginitian lamang siya."Fine," anas niya at napakamot sa kanyang batok. "Basta wag ninyong masyadong tagalan ang pag-uusap dahil baka ubusin ni Arthur ang mga dessert na gagawin ko."Napabuga ng hangin ang kambal na magkapatid at taas-kilay na tinapunan ng tingin si Arthur. Umatras ang butler at mabilis na umiling.Sa ka
Ilang oras ang nagdaan ay tuluyan na rin silang nakarating sa kanilang paroroonan. Pagpasok pa lang nila ay agad nang namilog ang mga mata ni Elyan nang bumungad sa kanya ang napakalaking gate."Welcome to Hacienda Aliano, my dear daughter," maya-maya'y anas ni Levian kasabay ng pagtapik nito sa kanyang balikat.Bahagya siyang natigil sa narinig niyang iyon.Hacienda Aliano.Nabura ang ngiti sa kanyang mga labi at kalaunan ay nilingon si Levian sa backseat."Kayo ho ang may-ari ng haciendang 'to?" kunot-noo niyang tanong. "But I heard from the news that this is owned by Magnus Valencia. Ang sikat na business tycoon sa bansa natin. Ibig bang sabihin niyon ay kamag-anak niyo siya? Is he Yugi's cousin?"Hindi umimik si Levian bagkus ay tinapunan niya ng tingin ang anak na sa mga sandaling iyon, bagama't diretso ang tingin sa tinatahak nilang daan, ay napapangiti sa mga narinig nito mula sa nobya."Magnus Valencia is Yugi's code name," nakangiti nitong tugon. "Elyan, my dear daughter, mar
Inabot na ang ilang minuto ngunit hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin lumalabas sina Elyan at Levian. Kaya naman sa mga sandaling iyon ay isang dismayadong buntong-hininga ang pinawalan ni Yugi.He leaned back on the driver's seat as he closed his eyes.It's past six o'clock, and up until now, hindi pa rin sila nakakaalis. Sa ngayon, dapat nasa daan na sila at tinatahak ang daan pauwi sa kanilang probinsya. Pero ang masaklap, hinihintay pa rin niya ang kanyang nobya at ang kanyang ina na naghahanda ng kanilang mga gamit.Tawang-tawa nga si Ara kanina nang lumabas ito ng bahay."Kaya pala naging close agad sina Tita at Elyan dahil parehong-pareho pala sila. Good luck na lang sa magiging future mo, insan!"Napailing siya nang muli niyang maalala ang mga katagang iyon na binitawan ng dalaga."Good luck saan?" anas niya sa kanyang sarili. "Sa kabagalan nilang dalawa? As if it's new to me, anyway!"Maya-maya ay iminulat niya ang kanyang mga mata upang uminom ng tubig. Kasabay ng
Inabot lamang ng ilang minuto ang pagmamaneho ni Yugi bago niya tuluyang maiuwi si Elyan sa bahay nito. Kung tutuusin ay may usapan sila ng kanyang mga kasamahan na matapos ang event ay didretso sila sa paborito nilang coffeeshop. Matagal-tagal na rin kasi simula nang huli silang magkaroon ng bond
Hindi maipinta ang mukha ni Yugi habang naghuhugas siya ng pinggan. Kung tutuusin ay noong nakaraang araw pa nga siya hindi mapakali dahil sa pinag-usapan nila ni Mr. Yal Marquez.Gusto niyang magwala.Magreklamo.Tumanggi.Ngunit imbes na gawin ang mga bagay na iyon ay nabigo siya. Hindi niya magaw
Saktong alas-kuatro trenta nang magising si Elyan. Today is Saturday. Kadalasan kapag ganitong mga araw ay late na siyang gumigising dahil wala siyang pasok. Kung tutuusin nga ay pinagsabihan siya ng kanyang ama na kailangan niyang kumuha ng saturday class para advanced na siya at para mabilis siya
Matapos ang naganap na meeting sa conference room ay agad na ring nagsialisan ang mga professor. Nagpunta na sila sa kanya-kanya nilang mga klase ganoon din ang Dean na agad na ring bumalik sa opisina nito.Ngunit nanatiling tahimik at tulala si Yugi sa loob ng silid na iyon.Napahilamos siya sa kan







