Mag-log inBumalik sa kanyang ulirat si Diego nang maramdaman niyang may sumiko sa kanya. Nag-angat siya ng tingin at kalaunan ay napukol ang tingin niya kay Malea na mataman lamang na nakatitig sa kanya. Suot nito ang pagtataka sa mukha nito kasunod niyon ay ang ngiting gumuhit sa mga labi nito.Ibinaba niya sa lamesa ang hawak niyang bote ng beer at hinarap ang dalaga. Ngunit nang akmang magsasalita na siya ay natigilan siya nang mapagtanto niya na silang dalawa na lamang ang naiwan sa lamesa."Nasaan sila?" tanong niya at lumingon-lingon pa sa kanilang paligid. Muli ay tinapunan niya ng tingin si Malea. "Umuwi na ba sila? O may pinuntahan lang sila?"She shook her head. "Napagdesisyunan nilang pumasyal doon sa bagong bukas na carnival. Actually, kanina pa sila umalis, mga five minutes siguro.""Five minutes," ulit niya, habang hindi maalis-alis ang pagkakatitig sa dalaga. "Bakit hindi ko man lang sila napansin na umalis? Ganon na ba 'ko katagal na nakatulala?""Hindi naman, sakto lang." Nataw
Agad na nagkasalubong ang dalawang kilay ni Aki nang bumungad sa kanya sa living room ang kanyang pinsan. Ikinuyom niya ang kanyang mga kamao habang hindi maalis-alis ang pagkakatitig sa dalaga.She's basically not doing anything, but sitting on the couch while reading a magazine.Pero sa puntong iyon ay kulang na lang na ibato ni Aki ang hawak niyang suitcase sa pinsan. Ilang saglit pa ay isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan niya at bahagyang umiling."Sa dinami-rami ng taong nandito sa bahay, bakit ikaw pa ang naabutan ko sa pagdating ko?" Hawak ang kamay ni Jessica, hinila niya ang dalaga patungo sa living room. "Actually, why are you always around sa tuwing dumarating ako? Do you want anything from me? O nananadya ka lang talaga?"Umangat ang dalawang kilay ng dalaga kasabay ng pagsara nito ng binabasa nitong magazine. Padabog nitong inilapag iyon sa coffee table at kalaunan ay nakabusangot na nilapitan ang pinsan."What's your problem?" Nakapameywang na anas nito. "Kada
Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ni Jessica sa mga sandaling iyon. Kung tutuusin, kanina pa siya hindi mapakali nang malaman niyang iuuwi siya ni Aki sa probinsya nito.He's going to introduce her to his parents.Those were the exact words Aki stated right after she finished packing her things. Sa katunayan hindi lamang isa kundi higit pa roon ang ginawa niyang dahilan para lamang hindi siya isama nito, ngunit wala pa rin siyang nagawa.Bagama't ilang buwan pa lamang niyang nobyo si Aki, kabisado na niya ang pag-uugali nito.He's not taking no for an answer.Katulad nito ang kanyang kaibigang si Elyan.But that wasn't the only reason kung bakit lubos ang kabang nararamdaman ni Jessica. Bukod kasi sa gusto nitong makilala niya ang buong pamilya nito, iuuwi siya roon hindi bilang nobya kundi bilang mapapangasawa ni Aki.She's pregnant.Sinubukan niyang itago kay Aki ang katotohanan pero ang loko ay nakita ang pinakatatago niyang pregnancy test. Sa mga nangyayari ngayon sa kany
Nabulabog ang pananahimik ni Bella nang maramdaman niya ang pagbukas at pagsara ng front door. Mula roon ay pumasok ang kanyang kapatid na si Arnulfo, hawak nito ang mug na wala nang laman.Matapos ang naganap na dinner ay napagpasyahan ng mga ito na magtambay sa labas. Tulad ng kadalasan nilang ginagawa, kuwentuhan at tawanan.Kung tutuusin, matagal-tagal na rin nang huli silang mag-bonding. Simula kasi nang lumayas si Yugi, halos lahat ng miyembro ng pamilya Zafara ay hindi na nagkikita-kita. Ang mga bata ay abala sa kanilang pag-aaral habang ang kanilang mga magulang naman ay abala sa kani-kanilang trabaho.Kaya naman nang malaman nila ang pagbabalik ni Yugi, tila ba bumalik ang kanilang sigla. Ang dating tahimik at boring na family gathering ay naging mas maingay at katuwa-tuwa.Yugi was not the head of the Zafara family, but he was indeed the glue of it."Why don't you come outside?" tanong ni Arnulfo at umupo sa couch, sa tapat ng puwesto ni Bella. "Halos lahat sila ay nandoon.
Gustong-gustong ibalibag pasara ni Yugi ang pinto ng kuwarto pagpasok pa lamang niya rito. Gusto niyang itapon ang kanyang mga gamit at wala siyang pakialam kung mabasag o magkandagulo-gulo sa loob ng kanyang kuwarto. Gusto niyang ilabas ang galit niya sa kanyang tiyahin at sa puntong iyon ay hindi niya alam kung paano niya gagawin iyon.Kaya naman sa mga sandaling iyon ay umupo na lamang siya sa gilid ng kanyang kama. Tiim-bagang niyang ikinuyom ang kanyang mga kamao habang pikit-matang sinasariwa ang mga narinig niya mula sa kanyang tiyahin."I was just looking out for you, my dear nephew. Saka, tama naman ako, di ba? Isa pa, hindi ninyo masasabi kung magtatagal nga ba kayo sa relasyon ninyo? Mas mabuti pa kung pag-isipan ninyo nang mabuti ang tungkol dyan para sa huli ay wala na kayong maging problema pa."Napahilamos siya sa kanyang mukha."Looking out for me?" Iling niya. "Umaasta siya na parang may pakialam siya pero ang totoo, wala naman talaga. This has happened before. At hin
"So, tell us, Mr. Diego," Maya-maya'y anas ni Arthur matapos nitong uminom ng beer. "Kumusta naman ang kaibigan mong si Jessica? Is she doing well? Sobrang saya ba niya dahil sa ginawa niyang pamamahiya kay Elyan? How is she? What is she doing right now? Having a fiesta or something?"Agad na siniko ni Lorea ang binata at pinanlakihan ng mata. Ngunit nanatiling buo ang loob ni Arthur at matapang na pinanindigan ang mga pahayag nito."What? Do you want me to stop?" Pagak itong natawa at muli ay tinapunan ng tingin si Diego. "I won't! Do you know why? Dahil hindi lang kaibigan ang turing ko kay Elyan kundi parang kapatid na rin. And I would do anything in my power lang maprotektahan siya. You have no idea what things I did before when someone humiliated her in front of me."Nagkatinginan sina Malea, Lorea at Ara sa tinuran na iyon ng binata.Arthur is indeed a big brother to Elyan.Hindi lang siya umaasta na kapatid kundi maging si Elyan ay iyon din ang turing sa kanya. Malea and Lorea
Matapos ang naganap na meeting sa conference room ay agad na ring nagsialisan ang mga professor. Nagpunta na sila sa kanya-kanya nilang mga klase ganoon din ang Dean na agad na ring bumalik sa opisina nito.Ngunit nanatiling tahimik at tulala si Yugi sa loob ng silid na iyon.Napahilamos siya sa kan
Saktong alas-kuatro trenta nang magising si Elyan. Today is Saturday. Kadalasan kapag ganitong mga araw ay late na siyang gumigising dahil wala siyang pasok. Kung tutuusin nga ay pinagsabihan siya ng kanyang ama na kailangan niyang kumuha ng saturday class para advanced na siya at para mabilis siya
Hindi man niya aminin ngunit labis ang pagkahumaling ni Elyan kay Professor Yugi.Kung tutuusin ay tuwang-tuwa siya sa tuwing rinig niya ang inis at inggit ng mga kaibigan niya sa tuwing sinasabi ng mga ito na sana ay Professor nalang din nila ito - kahit sa isang subject lang.Well, hindi siya prou
Papunta na sana si Yugi sa library nang isang masigabong palakpakan ang narinig niya mula sa gym. Natigil siya sa paglalakad at mula sa loob ay nakita niya ang ilang mga cheerleaders na nagpa-practice. Akmang lalakad na sana siya upang magpatuloy papuntang second floor ay natigil siya nang marinig n







