KINALADKAD NA NI Rohi ang hinang-hina na dalaga papasok ng banyo upang linisin ang kanyang sarili. Habang hinuhugasan ng binata ang kamay niya ng tubig upang hilamusan sana ang babaeng kasama nang mahimasmasan na ito ay paulit-ulit pa siyang mahinang napamura sa isipan niya. Gigil na gigil siya sa kaibigang nag-ayang magtungo sila sa bar. Umigting pa ang panga ni Rohi nang makita ang inosenteng mukha ni Daviana sa kanyang gilid. Prenting nakatayo at hinihintay ang gagawin niya rito.âIto ang sinasabi ko sa'yo eh, iinom-inom ka hindi naman pala kaya ng katawan mo! Feeling strong, hindi pa naubos ang isang baso ng tequilla tumba ka na noon kaagad.â hindi na napigilan na sabihin ni Rohi iyon nang tingnan pa ng galit na mata ang hitsura ng suot niyang damit sa harapan ng salamin.Sinubukan niyang linisan ang kanyang katawan kahit pa diring-diri na siya sa amoy nito at hitsura. Buong buhay niya ay ngayon lang din niya naranasan ang masukahan ng ganito. Ang dami pa naman nitong kinain na mg
HINDI NA NAG-IWAS ng mga mata si Rohi nang makita niyang bumakat pa ang malusog na dibdib ni Daviana nang bahagyang gumalaw siya at nagbago ng pwesto ng kanyang higa. Tumagilid na siya paharap sa may banda niya. âTsk, kung mapagsamantala lang ako o ang mga nasamahan niya na hindi kilala, paniguradong napariwara na ang buhay niya, kulang na ang katawan niya pagkagising niya dahil ganito siya.â turan ni Rohi habang pinagmamasdan pa rin siya.Maya-maya pa ay patingkayad siyang lumapit sa kama. Hinila na ang comforter upang ibinalot na iyon sa katawan niyang nakaramdam na ng lamig. Pagkaraan pa ng ilang minutong pagtayo doon ay tumalikod na rin siya upang umalis na. Hindi niya kailangang bantayan ito hanggang umaga. Safe na safe na ito sa kinaroroonang silid.NANG SUMUNOD na araw, nagising na lang si Daviana nang dahil sa sobrang sakit ng ulo niya. Para iyong nilalagare at nahahati na sa dalawa. Dahan-dahan siyang bumangon ng kama ngunit muli siyang napahiga nang makaramdam ng labis na p
NAPUNO NG KURYUSIDAD ang mga mata ni Daviana. Hindi niya na masundan kung ano ang sinasabi ng binatang nasa harapan niya. âSobrang nalasing akoâŠâ aminadong turan niya na pilit inaalala kung may iba pa siyang nagawa ngunit wala naman siyang matandaan, âAt since lasing ako nakatulog ako doon sa bar. Dinala mo ako dito sa hotel keysa iuwi mo ako sa dorm ko. Ganun ang nangyari hindi ba?âHindi sumagot si Rohi. Tinaasan lang siya ng isang kilay nito. Naupo na ito sa sofa ngunit may kaunting distansya pa rin naman sa kanya. Sinundan ni Daviana siya ng tingin. Pinanood ng dalaga ang ginawa nitong marahang paglagok ng tubig mula sa basong kanyang tangan doon. Nakaramdam ng inis ang dalaga sa attitude nitong ipinapakita. Maano bang sagutin nito ang tanong niya dahil wala talaga siyang maalala kahit anong piga ang gawin niya sa isipan niya. âRohi? Bakit hindi ka magsalita?âTotoo naman iyon. Nagising na lang siya sa kama at natagpuan ang kanyang sarili sa ibabaw ng kama. Nang igala niya ang m
HINDI MA-PROSESO NANG maayos ni Daviana ang mga sinasabi ng kanyang kaibigan. Hindi niya rin alam. Ang huling kita nilang dalawa ay noong inaaya siya nitong kumain sila ng breakfast. Mula noon ay never na itong komontak sa kanya. Kung kaya naman hindi niya rin alam kung paano nito nalaman na nasa bar siya. Imposible namang sasabihin iyon ni Rohi, hindi sila magkabati. Wala silang maayos na relasyon ng binata. Kung sakali man na nagkausap sila ni warren, hindi niya talaga iyon matandaan. Wala ito sa alaala niya eh. âPasensya na Anelie kung nadamay ka pa. Ako na ang bahala sa kanya.â âNaku, ayos lang naman. Wala iyon. Maliit na bagay. Sanay na ako. Ang mahalaga ay ayos ka lang at hindi ka napahamak diyan sa pagpunta mo ng bar kung totoo man na pumunta ka talaga.â anitong mahinang natawa, nangunot ng muli ang noo ni Daviana dahil wala namang nakakatawa sa sinabi niya. Ganunpaman ay hindi na lang niya ito sinita at baka awayin pa siya at paulanan na naman ng mga katanungan. âPero alam m
PROBLEMADONG HINDI UMALIS sa kinatatayuan niya si Daviana. Iniisip kung paano sasabihin sa binata ang next na pabor na kanyang hihilingin. Napansin iyon ni Rohi ngunit hindi niya pinag-ukulan ng pansin. Muli niyang dinampot ang kanyang cellphone upang doon ibaling ang atensyon ngunit muli iyong naibaba ng binata nang muling magsalita si Daviana. âHmm, Rohi nakakahiya man pero pwede rin ba akong makahiram ng damit? Ang baho ng suot ko kaya kahit maligo ako kung ito ang muli kong isusuot, hindi mawawala ang amoy ng alakâŠâ Walang anumang naging reaction doon si Rohi ngunit sa kanyang isipan ay napamura na siya. Hindi man lang niya iyon naisip kanina, e âdi sana nabilhann niya ang dalaga ng extra na damit. âPasensya na ha? Alam kong doble-dobleng abala na ang ginagawa ko saâyo dito.âHumakbang si Rohi papasok ng kanyang silid. Hindi sinagot si Daviana kung mapapahiram niya nga ba ito o hindi. Inasahan na ni Daviana na baka wala itong maipapahiram sa kanya. Kung mayroon ay di sana suma
NAPALUNOK NA NG laway si Daviana. Matinding kumabog na ang dibdib niya. Hindi na niya maitago ang pamumutla ng mukha at pangangatal ng kanyang labi. Nag-aalala siya na baka may mas malala pa siyang nagawa. Pakiramdam niya ay hihimatayin na siya oras na malaman niya na mas nakakahiya rin iyon. âA-Anong ibig mong sabihin diyan, Rohi?â Tiningnan na siya ni Rohi nang malalim. Iniisip kung itutuloy pa niya ang pagsasabi dito ng mga nagawa nito habang nasa ilalim ng espiritu ng alak. Halata namang hindi siya handa roon. Baka mamaya kapag sinabi niyang nagsuka ito, hindi lang basta nagsuka kundi sinukahan siya nito ay habangbuhay na itong mahiya sa kanya. Ayaw naman niyang mailang ito at palaging isipin ang pagkakamaling nagawa niya. Ani nga nito, wala siyang maalala sa mga nangyari. Naniniwala naman siya. Hindi ito magsisinungaling doon.âBaka mamaya maisipan mo pang tumalon mula sa itaas ng building kung malalaman mo pa ang iba.â Muling nasamid si Daviana dahil malakas ang kutob niyang
NAPUNO NA NG pag-aalala ang isipan ni Daviana, baka masaktan niya ang damdamin ng binata. Nagmalasakit lang naman siya sa kanya. Wala namang masama doon sa kanyang ginawa eh. Huwag naman niya sanang isipin na may masama siyang intensyon o minamaliit niya ang kakayahan nito. âOkay, tinulungan mo na ako noon sa pamamagitan ng pera. Inalaagan naman kita kagabi. Sa tingin ko ayos na iyon. Fair na. Quits na. Hindi mo na kailangan pang tumanaw sa akin ng utang na loob sa mga ginawa ko. Kalimutan mo na iyon. Wala ka ng utang sa akin na kailangan mong pagbayaran at suklian.âNapahinga na doon nang maluwag si Daviana ngunit may agam-agam pa rin sa kanyang damdamin. Parang may kulang. Pakiramdam niya ay malaki pa rin ang utang na loob niya sa binata kahit na sinabi na nitong okay na iyon. Hindi sapat dito ang perang ibinigay niya kapalit ng dalawang beses nitong walang pag-aalinlangan na pagtulong sa kanya. Ganunpaman ay hindi na niya isinatinig dahil paniguradong hindi nito magugustuhan kung
NAKAHINGA NA NANG maluwag si Rohi, unti-unting lumuwag na rin ang kanyang hawak sa manibela. Gumaan ang pakiramdam niya ng malamang at least, pinapaniwalaan siya ng dalaga. Sa sobrang saya niya hindi niya napigilang umangat ang gilid ng kanyang labi. Facial reaction ni Rohi na hindi nakaligtas sa paningin ni Daviana na sa sandaling iyon ay nakatitig pa rin sa mukha ng binata Binabasa kung nagsasabi ba ito ng totoo ang o ini-echos niya lang ang naging sagot niya sa kanya para bilugin pa ang ulo niya.âAnong nakakatawa, Rohi?â hindi na napigilan ni Daviana na itanong sa kanya. Nakita niyang bahagyang ngumisi ito kanina at para sa kanya ay sobrang estranghero noon. Curious siyang malaman kung bakit ito biglang napangisi nang sabihin niyang naniniwala siya.âWala. Hindi naman ako tumatawa ah?â âAnong hindi? Ngumisi ka kaya. Huwag mo akong gawing bulag. Nakita ko âyun!âHindi siya sinagot ni Rohi na biglang bumalik ang dati nitong itsura na walang anumang emosyon roon. Good mood na ang n
NABUBUHAYAN NG KAUNTING pag-asa ang mga matang nilingon na si Rohi ni Daviana. Mukhang nakuha niya ang atensyon ng lalaki na akala niya ay hindi magagawang makasagot kanina. âMasyado akong old-fashioned, Viana pagdating sa bagay na ito. Mula sa engagement hanggang sa kasal, hanggang sa ating kamatayan. Oras na sinimulan na natin ang engagement, dapat hanggang kamatayan na natin na magsasama tayo anuman ang mangyari. Makakaya mo bang gawin; ang hindi mang-iwan?â Bahagyang nagulat si Daviana pero nagawa pa rin niyang i-angat ang ulo para tingnan si Rohi. âHabangbuhay itong desisyon, Viana. Hindi ka pwedeng mag-back out oras na mahirapan ka. Kaya mo ba iyon? Napag-isipan mo na bang mabuti ito?â Lumalim pa ang tingin sa kanya ni Rohi habang naghihintay ng sagot. Hindi na matagalan ni Daviana ang mga titig nito sa kanya. Maganda nga iyon, naging blessing in disguise ang paglayas ni Warren sa kanila ni Rohi. Kung kailangan niyang ibigay ang kanyang buhay sa isang lalaki, si Rohi agad an
HINDI GUMALAW SA kinatatayuan niya si Daviana na nanatili ang malamlam na tingin sa nasa harapang si Rohi. Gusto niyang sundin ang suggestion nito ngunit pinigilan niya doon ang kanyang sarili. Pinagmasdan pa siya ni Rohi nang tahimik na may nase-sense na kakaiba kung bakit ganun na lang ang hitsura ni Daviana. Hindi mapigilan ng lalaki na punahin kung gaano kaganda ni Daviana sa kanyang suot na damit. Dangan lang at ayaw niyang purihin ito nang tahasan at sa malakas na tinig dahil paniguradong iiyak siya dahil sa ibayong sakit lang din ang dulot nito sa kanya. Hindi na nakaligtas sa kanyang mga mata ang emosyon ng pagiging desperado sa mga mata ng babae niyang kaharap. Pinatay na niya ang apoy ng sigarilyo at itinapon na iyon sa basurahan. Mabagal ng humakbang palapit kay Daviana. Gusto na niyang tanggalin ang suot na coat at ibigay sa babae dahil nakita niyang nangangatal na ang labi nito sa lamig.âAnong nangyari, Viana?ââBiglang nawala sa hotel na ito si Warren, mukhang pinuntaha
ILANG SANDALI PA ang lumipas at umahon na si Daviana sa sofa at mabagal na lumabas na ng dressing room na walang sinuman ang nagbibigay sa kanya ng atensyon. Busy ang lahat sa kanilang ginagawa kung kaya naman nagawa niyang makalabas nang walang sinuman ang nakakakita. Puno ng pananantiya ang hakbang niya sa hallway, tumitingin-tingin sa paligid kahit na kahibangan kung makikita niya doon si Warren. Hindi alam ni Daviana kung saan siya papunta. Gusto niyang lumabas na ng hotel kung kaya naman pumanaog siya kung nasaan ang banquet hall na puno na ng mga bisita. Kung dadaan siya doon, agaw pansin ang kanyang suot na damit. Paniguradong makikilala siya sa isang lingon lang nila.âPunyeta ka talaga, Warren! Ipapahiya mo ba talaga ako? Bakit mo ako iniwan dito? Tatakas ka rin lang naman pala!âNamumutla pa rin ang kanyang mukha. Sa halip na dumiretso at ituloy ang kanyang paglalakad, muli siyang umikot upang bumalik sa kanyang pinanggalingan. Hindi siya pwedeng lumabas. Dinala siya ng kany
HINDI RIN SUKAT-AKALAIN ni Daviana na biglang tatakbuhan siya ni Warren. Kahit siya ay hindi naisip na magagawa niya ang bagay na iyon lalo pa at mayroon silang matinong kasunduan. Hindi nila nahulaan na angyayari ito kaya pati ang kanilang magulang ay nagawang mag-relax lang at makampante. Akala niya magiging kuntento na ito sa kanilang pekeng engagement, kaya bakit niya ginawa ang tumakas? Wala iyon sa choices.âHindi siya nag-iisip! Ano na lang ang mangyayari sa kahihiyan ng ating pamilya?!â problemadong sambit ni Welvin na hindi na mapalagay, kung sinu-sino na ang tinawagan nito at kinakausap. âMabuti sana kung tayo-tayo lang din na pamilya ang nakakaalam. May mga invited ka pang mga media, Carol!â baling na nito sa kanyang asawa.âAno ba talaga ang nangyari, Daviana? Tumakas ba siya kasama ang babaeng iyon?â baling muli ng babae kay Daviana upang magtanong muli. âHindi ko po alam, Tita Carol. Ang sabi lang po ni Warren ay may tatawagan lang siya.â hindi na niya sinabi pa ang pan
MAKAHULUGAN NG TININGNAN ni Anelie si Daviana na para bang binabasa nito ang laman ng kanyang isipan ng sandaling iyon na nabanggit ang lalaking alam naman nilang pareho na laman ng puso ni Daviana at hindi ito si Warren. Napaiwas na ng tingin si Daviana sa kaibigan niya. Kilala niya ang mga tinging iyon. Ayaw niyang kaawaan siya nito na iyon na ang nakikita dito.âOo, Viana. Hindi lang din kaming dalawa ang narito. Actually, marami kami sa mga employee ng Gonzales Group kabilang na si Keefer. Nasa banquet hall na kami kanina malapit doon sa may pagdadausan ng engagement niyo. Inutusan lang ako ni Keefer na pumunta dito sa'yo upang alamin kung nagkita ba kayo ni Rohi. Alam mo na, iniisip lang namin na baka gumawa pa siya ng gulo.â Bumigat ang pakiramdam ni Daviana na para bang may invisible na mga kamay na pumipiga sa kanyang puso paulit-ulit at ayaw bumitaw. Bakit pa siya pumunta ng araw na iyon doon? Hindi naman na niya kailangan pang magpakita. Ayaw din naman niyang makita ang lal
HINDI SUMAGOT SI Melissa. Umiyak lang nang umiyak. Umiihip pa rin ang malakas na hangin sa pandinig niya. Pakiramdam ni Warren ay malapit na siyang liparin ng napakalakas na pressure ng hanging iyon. âSige na Melissa, please? Bumaba ka na diyan at pumasok ka sa loob ng silid. Pag-usapan natin mabuti ang suggestion ko. Hmm? Makinig ka naâŠâ That was a life, not to mention na girlfriend niya iyon. Umiinit na ang kanyang ulo pero pilit na kinakalma upang huwag siyang magalit. Nanghihinang sumandal na ang katawan niya sa pader. Pumikit na siya nang mariin. Tila may dumaang picture ni Melissa sa balintataw na nahulog ito mula sa palapag, may dugo at scenes na lumilipad sa kanyang isipan.âI don't want you to get engagedâŠâ nabubulunan ng sariling luha na sambit ni Melissa, âHindi ko kayang tanggapin. Sinabihan na kita noon di ba? Bakit ayaw mong umalis ng bansa at sumama sa akin? Pumunta tayo sa lugar na walang nakakakilala sa atin. Lugar na hindi nila tayo mapipilit na maghiwalay, Warren.
GANUN NA LANG ang naging pag-iling ni Warren matapos na huminga nang malalim. Nasa screen pa rin ng kanyang cellphone ang mga mata; sa nunero ng nobya na patuloy pa rin sa ginagawang pagtawag.âHindi na. She might be a little emotional todayâŠalam mo na, engagement natin. Ayokong marinig ang boses niya na umiiyak at nasasaktan dahil baka hindi ko kayanin.â sagot nitong nakatitig pa rin sa screen. Napakunot na ang noo ni Warren nang may picture na sinend si Melissa at nag-appear iyon sa notification bar ng kanyang cellphone. Nagbago ang hilatsa ng kanyang mukha nang makita iyon. Masusi at tahimik na pinanood pa ni Daviana ang kanyang reaction. Nahuhulaan na niyang may mali sa kaharap.âAnong meron, Warren?â tanong niya nang mapansing namutla pa ang kanyang mukha, napuno ng takot ang mga mata ng malingunan na si Daviana. âV-Viana, saglit lang ha? Tatawagan ko lang siya.âIpinagkibit-balikat iyon ni Daviana kahit na medyo bothered na siya sa naging reaksyon ng lalaki. Alam niyang may ma
ILANG SANDALI PA ay pumanaog na si Daviana hawak ng magkabila niyang kamay ang gilid ng damit upang huwag niyang maapakan. Nang makita niyang naroon na si Warren ay bahagya lang siyang tumango dito at naglakad na patungo sa ina niyang si Nida. Nakatitig pa rin sa kanya si Warren ng mga sandaling iyon. Ang tagal niyang hindi nag-react. Nang bumalik siya sa kanyang katinuan, ang kanyang puso ay marahas na tumitibok na animo ay tinatambol. Hindi niya maiwasang tumingin ulit sa likod niya kung nasaan ngayon si Daviana kausap pa ang kanyang ina. Mula sa anggulo ni Warren ay kitang-kita niya ang magagandang collarbone nito ba nagmistulang butterfly at balingkinitan naman na puting swan ang leegnito. Binawi ni Warren ang tingin, ngunit ang bilis pa rin ng tibok ng puso niya. Kasama niyang lumaki si Daviana, kaya kailan pa siya naging ganito kaganda at bakit hindi niya ito nakita?Malalim ang hinga ni Nida nang pinagmamasdan ang anak na bihis na bihis. Malaki na ang anak na hindi man lang ni
SA BISPERAS NG kanilang engagement ay nagpadala ng message si Melissa kay Warren. Pinag-isipan niya itong mabuti. At nang hindi makatanggap ng reply sa kasintahan, minabuti na lang niya na katawagan na si Warren na kinailangan pang patagong lumabas ng kanilang bahay dahil sa maraming tao doon. Kinukumpirma nila ang mga detalye ng mangyayaring engagement nila ni Daviana kinabukasan. Sumasakit ang ulong sinagot na niya ang tawag ni Melissa. âHey, bakit ka tumatawag? Alam mo namang busy akoââ âAng engrande ng magiging engagement niyo ni Daviana aat halos mga kilalang tao ang bisita. Sa tingin mo magagawa mong i-cancel iyon at hindi matuloy na mauwi sa kasalan?â puno ng lungkot, selos at pagdududang turan ni Melissa dito. âSinabi ko naman saâyo di ba? Gagawa ako ng paraan. Hahanapan ako ng paraan. Wala ka bang tiwala sa akin, Melissa?â Suminghot na doon si Melissa na halatang umiiyak na naman dahil sa sinabi niya. âSinabi ko rin naman saâyo na hindi ko hawak ang lahat. Wala akong kon