Maynila – Abala, mabagal na trapiko, at higit sa lahat, napakainit.
Lahat ng Pilipino ito ang reklamo sa Maynila. Sa pangit na pamamahala ng gobyerno, hindi malabong na isa ang Pilipinas sa “Third World Country” kung tawagin. Ano pa nga bang bago doon? Sa dami na ng presidente na namuno dito, iisang lang naman talaga ang may malasakit. At isa na sa mga patay na pinuno iyon. Nagtimpla ng kape si Sofia sa kusina na kanilang opisina. May Barista Express silang ginagamit kaya kalidad na kape ang kanyang naiinom palagi. Hindi na niya kailangan pang magpunta ng Coffee Shop para lang makatikim nito. Isa pa, libre at sariling timpla pa niya ang magagawa. “Sofia,” pagkaway ng Manager ni Sofia sa kaniya. Siya si Sir George, matalik na kaibigan ng ama ni Sofia. Si George Alcantara ang manager at may-ari ng Lexa House and Publishing na nakatayo sa Quezon City na nasa isang dekada na mula nang itinayo. Bagong renovate ang gusali dahil nagdiwang ito ng ika-sampung taon at nais ng pamahalaan ng negosyos lalo na si George na maging bagong mukha ito at hustong makilala sa buong Pilipinas sa larangan ng literatura at kumpanyang tagapaglathala. At hindi naman sila nagbibiro dahil mas lalong nakilala ang Lexa House and Publishing at dumami ang nakuha nilang manunulat para sa kanila maglathala ng mga librong naisulat. Sila rin ang gumagawa ng mga okasyon para sa tinatawag na book signing nito. Marami silang ginagawang marketing strategy upang makilala ng husto ang manunulat at mas marami ang tumangkilik ng libro nito. At dahil doon, marami ang kanilang mabebentang kopya. “Around 1pm ang meeting mo kay Theo today. Pero nabanggit niya na mahuhuli siya dahil sa traffic. Galing pa kasi siya ng Pasay.” Sabi ni George ng makalapit na ito sa pwesto ni Sofia sa kusina. “Ayos lang Uncle, wala naman akong appointment mamaya. Hihintayin ko nalang siya bago magpunta sa Marikina. Pinapasuyo kasi ni Dad yung isang property doon. May nagreklamo raw na tenants dahil may nanakawan. Ipapa-check ko lang iyong CCTV.” Tugon ni Sofia na siya naming higop ng mainit na kape na kakatapos lang niyang gawin. Bahagyang naasihan siya sa gawa niya dahil hindi niya namalayan na madami na ang na-extract niya sa coffee beans at hindi niya ito nahinto agad. Pero hinayaan niya na lang din dahil sayang naman. “Just a heads up, anak. Palabiro si Theo. Minsan off na iyong mga hirit niya kasi may iba na hindi siya gustong kausap. Kapag pakiramdam mong nababastos ka na, sabihan mo ako at ako na ang bahalang pagalitan siya. Pero alam ko naman din na kaya mo iyong mga ganoong tao kaya ikaw ang napili kong pumalit kay Monty.” Pagpapaliwanag ni George. Inaanak niya si Sofia sa binyag, ngunit ayaw nitong nagpapatawag ng ninong dahil kapatid ang turing nito sa tatay ni Sofia. Kaya kahit pa inaanak niya si Sofia, mas gusto ni George na Uncle ang tawag sa kanya ng dalaga. “Walang problema, Unlce George. Ako pa ba?” Sabay tawanan nila. Ginulo-gulo naman ni George ang buhok ni Sofia kaya nagusot ito. Napabusangot naman ang dalaga na mas lalong ikinalakas ng tawa ni George. “O, sige na. May lakad pa kami ni Tita Rose mo. May pwesto na naman siyang nagustuhan na gagawin niyang boutique store. Balitaan mo nalang ako anak kung anong ganap sa meeting niyo ni Theo.” Tapik nito sa balikad ni Sofia. Tumalikod na ito pero may naalalang sabihin kaya pumihit ulit at hinarap siya. “Nga pala, baka dumaan dito si Kuya Migz mo, sa kanya ka na sumabay umuwi. Kung gusto mo magpasama sa Marikina, mas Maganda para hindi ka na mamasahe. At pagkatapos at dumiretso kayo sa bahay. Doon ka na maghapunan. May good news akong ibabalita.” Malaki ngiti nitong sabi sa kanya. “Sige po Uncle. Ingat po kayo.” Kumaway na siya at bumalik sa office niya. Dahil sa isa si Sofia sa magagaling na editor-in-chief, may sarili siyang opisina at may sariling oras sa pagpasok. Kahit naman kasi sa gabi ay nagtatrabaho siya basta sinipag o hindi makatulog. Gustung-gusto niyang magsulat at makabuo ng libro ngunit wala siyang istorya na sa tingin niya ay papatok sa masa. Tumingin siya sa orasan ng dingding ng opisina. “Alas dose,” bulalas niya. Binasa niyang mula ang nobela ni Theo at sa imahinasyon niya, pakiramdam niya at tunay itong nangyayare. Bawat detalye, pagpili ng salitang gagamitin, pati ang emosyon. Nandoon lahat. Marahil pa at sinusulat niya ito habang nangyayare. Napalunok siya ng maisip niya iyon. Naging interesado tuloy siya kung anong klaseng tao si Theo. Sa isip ni Sofia, talented ito sa pagsusulat. Hindi basta kung sino lang na sumulpot at nagsulat sa Internet. Pumikit siya ng mariin ng maramdamang pumitik ang kanyang sentido. Sa halip at uminom siya ng tubig at tumayo. Balak na naman niyang kumuha ng kape ngunit natigilan siya ng tumunog ang kanyang telepono. “Hello. Sofia speaking.” Bungad niya. “Hi Iya!” Masayang bulalas ng kausap niya sa kabilang linya. Nakilala niya agad na boses nito kaya napangiti na rin siya sa bati nito. “Hello Kuya Migz!” Sagot niya. Nagtaka siya kung bakit numero lang ang lumabas sa screen ng telepono niya. “Bakit iba ang number mo? Nagpalit ka?” tanong niya. “Hindi. Number ito ng kasama ko sa work. Namatay na kasi ung phone ko kaya hindi kita matawagan. Wala akong charger na dala, e. Buti saulo ko ang number mo. Papunta na ako diyan, siguro mga isang oras. Hintayin mo ako, ha? Ba-bye na.” Dire-diretso nitong sabi kay Sofia. Napatulala na lang siya sa mga impormasyong narinig niya. Nangiti na lamang siya at napailing ng kusa. Si Kuya Migz talaga, isip niya. ~~ Bago pa man mas ala-una ng hapon ay dumating na si Theo. Pumasok ito sa opisina ng Lexa House and Publishing. Dahil ang opisina ni Sofia ay tanaw ang glass door entrance ng main building, Nakita niya agad ito. Dali-dali siyang lumabas ng opisina niya at sinalubong si Theo. “Hi Theo, I’m Sofia Reyes. Your new editor. Ako rin ang editor-in-chief ng company bukod kay Monty na nag-retire na. Nice to meet you.” Nilahad ni Sofia ang kamay upang makipagkamay kay Theo. “Hi Sofia. I’m Theo.” Maikling sagot nito na hindi man lang ngumiti at nakatingin lang sa kanya ng mairiin. Inabot nito ang kamay ni Sofia na bahagya namang nag-alangan ang dalaga dahil sa matagal na titig nito at pagpisil nito sa kamay niya. Binawi ni Sofia ang kamay niya ng pabagyang marahas para matauhan ang kaharap. Nagpakurap kurap naman ito at unti unting ngumiti nang nakakaloko.He really wanted to say sorry but seems like he’s apologising what happened yesterday, which he doesn’t feel sorry at all. He liked it, and he would like to do it again if there will be a chance or if she let him.May mainit na tensyon sa kanilang dalawa at alam nilang parehas nilang nararamdaman iyon. Sadya nga bang trabaho lang ang kanilang gagawin dahil sa pakiramdam ni Sofia ay hindi.“Let’s start?” Anyaya ni Sofia na ngayon ay nakatungaw na sa bintana at inilalabas ang kaniyang mga gamit.Sadya nga namang nakakakalma ang panahon at tanawin sa labas ng bintana ng study room ni Theo. Kaya siguro marahil nakakasulat siya ng mga magagandang libro ay dahil dito.Naupo si Theo sa tabi ni Sofia, hindi ganoon kalayuan dahil na rin sa hindi naman ganoon kalaki ang study room. Ngunit mayroong sapat na espasyo para hindi sila magkatungo ng mga balikat.Kinuha ni Theo ang nakasarang laptop sa bookshelf at inumpisahan na nila ang pag-edit.Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. Hindi ko noon
Araw ng Sabado, natagpuan na lamang ni Sofia ang sarili sa address na nilagay ni Theo sa contact information niya. Nakita niya ang isang malaking gate at sa likod niyon ay may tila mansyon sa hindi kalayuan. Hindi naman nagtaka si Sofia na maaaring ganitong buhay ang madatnan niya. Kita naman sa mukha at pananamit ni Theo na galing siya sa isang mayamang pamilya.Pagkababa niya sa sasakyan ay pinindot niya ang doorbell. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya matapos nang nangyare kahapon. Nagdadalawang isip nga siya na tuparin ang napagkasunduan nilang schedule dahil sa nangyare ngunit ayaw naman niyang maging unprofessional sa bagay na gustung-gusto niyang gawin. Kaya kahit butil butil ang pawis niya at nilalamig ang kamay sa sobrang kaba, nilakasan niya ang loob at pinuntahan si Theo. Kailangan na rin naman nilang matapos at nakatakda na ilabas sa katapusan ng taon.“Nandito ako bilang editor niya. Nothing more, nothing less.” Bulong ni Sofia sa sarili.Namataan niya ang isang
Pumaling ng tingin si Lucas sa lalaking nakaupo sa harap ni Sofia at inabot ang kamay nito.Siya namang tumayo si Theo at inabot din ang kamay nito para makipagkamay. Nagulat si Lucas sa tangkad ni Theo dahil hanggang balikat lamang siya nito.“How are you?” Balik composure naman si Lucas. “I’m Lucas.”“Thanks, I’m fine. Yourself?” Sagot ni Theo, balik tanong kay Lucas na ngayon at seryoso ang mukha.“Same.” Tipid na sagot nito. Bumaling agad ito kay Sofia at ibinalik ang masayang ngiti sa labi. “Hey, Sofia, do you have free time on Saturday? May gathering kasi sa side ng father ko. I was hoping you can come with me?” Matamis nitong sabi.Biglang tumikhim nang malamim si Theo at tinitigan ng masama si Sofia. Don’t you dare.Napalunok naman ng wala sa oras si Sofia at naalala ang kaninang napag-usapan nila ni Theo. Kahit pa man wala pang opisyal na sagot ang Unle George niya ay sigurado naman siyang papayag ito. Isa pa ay maganda ang ganoong schedule sa kaniya upang matagal siya sa Bul
Pagkatapos ng tanghalian ang schedule na sinabi ni Sofia kay Theo para sa editing process ng kaniyang libro. Saktong oras naman na iyon ay dumating si Theo at pinuntahan ng kusa sa opisina nito nang malaman sa Receptionist kahit pa sinabi nito na pumunta na sa conference room.Kumatok si Theo sa pintuan ng opisina ni Sofia.”Come in.” Sagot ni Sofia.Pumasok si Theo na may matamis na ngiting ibinungad sa dalaga. “Sofia”. Sabi nito.Tumango naman si Sofia dahil na rin sa gulat. Sinabi niya kay Marie na dalin diretso si Theo sa conference room at intayin na lamang siya doon dahil may tinatapos pa siya.“Oh, Theo. Sinabi ko sa receptionist na sa conference ka na dumiretso. May kailangan lang akong tapusin sandali”.Sumimangot naman ang binata at naupo sa bakanteng upuan sa harap ng lamesa ni Sofia. Nangalumbaba ito at tinitigang maiigi ang dalaga.Bumuntong hininga naman si Sofia at ibinaba ang ballpen na hawak.“What?” Tanong ni Sofia na sumandal na sa kaniyang office chair.“Aren’t you
Bumangon siya at naupo sa gilid ng kama. Hinanap niya ang numero ni Theo. Makalipas ang ilang tunog sa bilang linya ay sinagot na rin ito."Good morning. This is Sofia. Let's meet tomorrow for another editing session at the office. Paki-accept ang calendar invite kung available ka. If not, propose another date and time." Diretso niyang sinabi nang hindi na inintay na sumagot si Theo. Kumakabog ang kaniyang dibdib at habang nagsasalita ay sapo-sapo niya ito.Matapos ibaba ang telepono ay napabuga sila ng malakas ng hangin. Hindi niya maintindihan ang sarili. Ibinaba niya ang telepono sa katabing side cabinet at bumalik sa paghiga.Napapikit siya ngunit mukha ni Theo ang nakikita niya. Shit! Pinagpapantasyahan ko ba siya?Pagkatapos ng tanghalian ang schedule na sinabi ni Sofia kay Theo para sa editing process ng kaniyang libro. Saktong oras naman na iyon ay dumating si Theo at pinuntahan ng kusa sa opisina nito nang malaman sa Receptionist kahit pa sinabi nito na pumunta na sa conferen
"I miss you too, Ate Rafa!" Balik naman ni Sofia.Bumitaw sa yakap si Rafa pero kasabay noon ay hinikit naman nito ang bras oni Sofia at inakay papunta sa loob ng bahay nila Miguel. Wala na nagawa ang binata at hinayaan na lamang ang dalawa na magkwentuhan.Ibinigay ni Miguel ang susi ng sasakyan sa tauhan nila at sumunod na rin sa loob ng bahay. Napa-iling iling na lamang ito habang nakatawa. Labis ang saya niya kapag nakikitang magkasundo ang dalawa."Ano na bang ganap sa iyo ngayon, Sofia? Wala ka pa bang boyfriend?" Pang-uusisa ni Rafa. Lagi itong tinatanong ang dalawa dahil nasa tamang edad naman na ito para magkaroon..Bente-singko anyos na si Sofia at nasa edad na ito para magkanobyo. Bumalik ang isip niya sa madilim na mukha ni Theo. Napailing siya sabay maiging inabala ang sarili sa pagkukwentuhan nila si Rafa."Nako ate Rafa, wala pa talaga. Hayaan mo ikaw ang unang makakaalam.""Baka magkaroon na iyon ngayon. Parang nakakaramdam ako na may aaligid na diyan sa mga susunod na