“So ikaw pala ang bagong Monty. Buti nalang kahit papaano hindi ko na maamoy ang matandang iyon. Amoy lupa na kasi, sakit sa ilong.”
Hindi namalayan ni Sofia na lumapat na ang palad niya sa pisngi ni Theo. Kahit pa mas mataas ito sa kanya ay inabot niya pa rin ito ng sampal. Nagngangalit ang panga niya sa galit. Nagtaasan ang ulo ng mga ibang nasa office na iyon dahil sa malakas na lagapak na tunog. Namumurirat naman ang mata ni Theo sa ginawa ni Sofia. Hindi ito makapaniwala na nangyari. “What the fuck!” Bulalas nito sabay hawak sa kaliwang pisngi. Tumikhim si Sofia at inayos ang damit. Pumikit ito ng mairiin bago magsalita. “I don’t care if you’re the raising star o kung sino ka pang kilalang pilato. Gusto ko lang ipaalala sayo na kung hindi sa galing ni Monty sa pag-eedit ng gawa mo, sa kangkungan ang bagsak mo.” Mariin nitong sabi. Para namang tumimo sa dibdib ni Theo ang sinabi ni Sofia na nagpaasim ng mukha niya. Para itong isang bata na pinagsasabihan ng magulang matapos gumawa ng kasalanan. Sa edad na tatlumpu, wala na hitsura nito ang umakto ng ganoon. “I don’t care if you sue me. We have CCTV sa building na ito. Pwede kong sabihin sa kanila na naninirang puri ka.” Taas kilay nitong sabi. “What the… nagbibiro lang naman ako kay tanda. Bawal na ba siyang biruin ngayon?” tutol niya. “Give respect to the person who helped you famous.” Balik ni Sofia. “Yeah right. You’re not my mom, ipaalala ko lang sayo. Isa pa kailangan niyo din ako.” Pagyayabang ni Theo. “To be honest, mas maraming magagaling sayo. Don’t be too proud. Kung wala ka na sasabihin, mamili ka. Pupunta ka sa conference room or aalis ka?” Mataray na sabi ni Sofia. Bahagyang nag-isip muna si Theo bago lumakad papunta sa conference room at nilagpasan si Sofia. Napangiti naman si Sofia sabay tingin sa mga usisero niyang katrabaho. Pero nagulat siya nang lahat ng mga ito at nag-thumbs up sa kanya at mga nakangiti. Napatunayan ni Sofia na natatakot or naiinis sila kay Theo kaya parang selebrasyon pa ang nangyare. Kinuha ni Sofia ang mga gamit niya sa kanyang opisina at sinundan si Theo sa conference room. Sinara niya ang pintuan at blinds para matutukan nila parehas ang pag-eedit. Karaniwan ng mga manunulat ay pinapadala nalang nila ang manuscript via email pero iba si Theo. Tinututukan niyang maigi ang pag-eedit. Karamihan kasi sa mga editor ay tinatanggal ang mga paboritong parte ng manunulat sa libro na tingin nila at hindi maaya-aya or kaya naman ay walang kinalaman sa istorya. Ngunit ayaw ni Theo ng ganoon. Para sa kanya, hindi mabubuo ang istorya kung wala ang mga ganoong eksena sa libro. Naupo si Sofia sa kabilang bahagi ng lamesa katapat ni Theo. Dala niya ang laptop niya at Bluetooth mouse. Sabay nilang babasahin ulit ang isinulat ni Theo upang ayusin ang mga salita, maging klaro ang ipinaparating ng istorya at upang maging kaaya-aya sa mga magbabasa. Binuksan ni Sofia and laptop niya at pinakita sa wide screen ng conference room. Habang abala si Sofia sa ginagawa niya, nakatingin lang si Theo sa kanya. Nakamasid na parang may gustong sabihin o sadyang nagbibighani lamang ito sa dalaga? Amin man sa dalawa, hindi alam ni Theo kung bakit sya nakatingin dito. “Ngayon ka lang ba nakakita ng maganda?” tanong ni Sofia kahit na hindi ito nakatingin sa binata. Agad naman nag-iwas ng tingin si Theo at nagdilim ang paningin nito. Hindi na niya nakuha magsalita at patuloy lang siyang mapapahiya kay Sofia. Sa unang pagkikita nila, ganito pa ang nangyare na hindi naman niya sinasadya na insultuhin si Monty. Sadyang ganoon ang biruan nila ng matanda at akala nito at ayos lang magbiro ng ganoon sa mga taong di alam ang inside joke nila. Matagal na nakasama ni Theo si Monty. Sa limang taon niya bilang manunulat, si Monty na ang palagi niyang kasama. Nakilala niya ito sa isang book fair kung saan ay nag-self publish si Theo ng libro niya. Matagal na si Theo nagsusulat sa internet pero walang kumukuha sa kanyang publisher. Marahil dahil na rin sa hindi rin naman siya interesado noon na magpatulong sa iba dahil kaya naman niya. Nasa kanya pa ang Royalty ng mga sinusulat niya at iyon ang mahalaga sa kanya. Ngunit isang pagkakataon na nilapitan siya ni Monty at kinausap na maging editor siya ni Theo at kahit hindi ito bayaran. Nakitaan daw nito ng potensyal ang binata kaya nais itong tulungan. Hanggang sa nagkaroon na ng sariling pangalan ni Theo sa mundo ng literatura sa tulong ni Monty. Editor-in-Chief noon si Monty sa Lexa House and Publishing kaya hinikayat niya si Theo na magpasa dito para mas matulungan sila. Malaki ang tiwala ni Theo kay Monty at ganoon din ang matanda sa kanya. At si Monty pa mismo ang nagsabi kay George na si Sofia ang gusto nitong pumalit bilang editor ni Theo. Alam ng matanda na matutulungan ni Sofia ang binata at mas makakaisip pa ito ng ibang istorya na isusulat. Inabot na halos ng isang oras ang pag-uusap ni Theo at Sofia ngunit iilang pahina palang ang kanilang natatapos. May kailangan pang puntahan si Sofia at maaari naman nilang ituloy ito sa susunod na mga araw. Kapag may pagkakataon ay sumusulyap si Theo sa dalaga na para pang sinusuri nito ang buong pagkatao nito. Hinayaan nalang ni Sofia basta sa isip niya ay hindi ito gagawa ng masama. Tumunog ang telepono ni Sofia hudyat na may nagpadala ng mensahe sa kanya. Si Marie ito, isa sa clerk ng opisina. Nandito po si Sir Miguel, hinahanap kayo.He really wanted to say sorry but seems like he’s apologising what happened yesterday, which he doesn’t feel sorry at all. He liked it, and he would like to do it again if there will be a chance or if she let him.May mainit na tensyon sa kanilang dalawa at alam nilang parehas nilang nararamdaman iyon. Sadya nga bang trabaho lang ang kanilang gagawin dahil sa pakiramdam ni Sofia ay hindi.“Let’s start?” Anyaya ni Sofia na ngayon ay nakatungaw na sa bintana at inilalabas ang kaniyang mga gamit.Sadya nga namang nakakakalma ang panahon at tanawin sa labas ng bintana ng study room ni Theo. Kaya siguro marahil nakakasulat siya ng mga magagandang libro ay dahil dito.Naupo si Theo sa tabi ni Sofia, hindi ganoon kalayuan dahil na rin sa hindi naman ganoon kalaki ang study room. Ngunit mayroong sapat na espasyo para hindi sila magkatungo ng mga balikat.Kinuha ni Theo ang nakasarang laptop sa bookshelf at inumpisahan na nila ang pag-edit.Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. Hindi ko noon
Araw ng Sabado, natagpuan na lamang ni Sofia ang sarili sa address na nilagay ni Theo sa contact information niya. Nakita niya ang isang malaking gate at sa likod niyon ay may tila mansyon sa hindi kalayuan. Hindi naman nagtaka si Sofia na maaaring ganitong buhay ang madatnan niya. Kita naman sa mukha at pananamit ni Theo na galing siya sa isang mayamang pamilya.Pagkababa niya sa sasakyan ay pinindot niya ang doorbell. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya matapos nang nangyare kahapon. Nagdadalawang isip nga siya na tuparin ang napagkasunduan nilang schedule dahil sa nangyare ngunit ayaw naman niyang maging unprofessional sa bagay na gustung-gusto niyang gawin. Kaya kahit butil butil ang pawis niya at nilalamig ang kamay sa sobrang kaba, nilakasan niya ang loob at pinuntahan si Theo. Kailangan na rin naman nilang matapos at nakatakda na ilabas sa katapusan ng taon.“Nandito ako bilang editor niya. Nothing more, nothing less.” Bulong ni Sofia sa sarili.Namataan niya ang isang
Pumaling ng tingin si Lucas sa lalaking nakaupo sa harap ni Sofia at inabot ang kamay nito.Siya namang tumayo si Theo at inabot din ang kamay nito para makipagkamay. Nagulat si Lucas sa tangkad ni Theo dahil hanggang balikat lamang siya nito.“How are you?” Balik composure naman si Lucas. “I’m Lucas.”“Thanks, I’m fine. Yourself?” Sagot ni Theo, balik tanong kay Lucas na ngayon at seryoso ang mukha.“Same.” Tipid na sagot nito. Bumaling agad ito kay Sofia at ibinalik ang masayang ngiti sa labi. “Hey, Sofia, do you have free time on Saturday? May gathering kasi sa side ng father ko. I was hoping you can come with me?” Matamis nitong sabi.Biglang tumikhim nang malamim si Theo at tinitigan ng masama si Sofia. Don’t you dare.Napalunok naman ng wala sa oras si Sofia at naalala ang kaninang napag-usapan nila ni Theo. Kahit pa man wala pang opisyal na sagot ang Unle George niya ay sigurado naman siyang papayag ito. Isa pa ay maganda ang ganoong schedule sa kaniya upang matagal siya sa Bul
Pagkatapos ng tanghalian ang schedule na sinabi ni Sofia kay Theo para sa editing process ng kaniyang libro. Saktong oras naman na iyon ay dumating si Theo at pinuntahan ng kusa sa opisina nito nang malaman sa Receptionist kahit pa sinabi nito na pumunta na sa conference room.Kumatok si Theo sa pintuan ng opisina ni Sofia.”Come in.” Sagot ni Sofia.Pumasok si Theo na may matamis na ngiting ibinungad sa dalaga. “Sofia”. Sabi nito.Tumango naman si Sofia dahil na rin sa gulat. Sinabi niya kay Marie na dalin diretso si Theo sa conference room at intayin na lamang siya doon dahil may tinatapos pa siya.“Oh, Theo. Sinabi ko sa receptionist na sa conference ka na dumiretso. May kailangan lang akong tapusin sandali”.Sumimangot naman ang binata at naupo sa bakanteng upuan sa harap ng lamesa ni Sofia. Nangalumbaba ito at tinitigang maiigi ang dalaga.Bumuntong hininga naman si Sofia at ibinaba ang ballpen na hawak.“What?” Tanong ni Sofia na sumandal na sa kaniyang office chair.“Aren’t you
Bumangon siya at naupo sa gilid ng kama. Hinanap niya ang numero ni Theo. Makalipas ang ilang tunog sa bilang linya ay sinagot na rin ito."Good morning. This is Sofia. Let's meet tomorrow for another editing session at the office. Paki-accept ang calendar invite kung available ka. If not, propose another date and time." Diretso niyang sinabi nang hindi na inintay na sumagot si Theo. Kumakabog ang kaniyang dibdib at habang nagsasalita ay sapo-sapo niya ito.Matapos ibaba ang telepono ay napabuga sila ng malakas ng hangin. Hindi niya maintindihan ang sarili. Ibinaba niya ang telepono sa katabing side cabinet at bumalik sa paghiga.Napapikit siya ngunit mukha ni Theo ang nakikita niya. Shit! Pinagpapantasyahan ko ba siya?Pagkatapos ng tanghalian ang schedule na sinabi ni Sofia kay Theo para sa editing process ng kaniyang libro. Saktong oras naman na iyon ay dumating si Theo at pinuntahan ng kusa sa opisina nito nang malaman sa Receptionist kahit pa sinabi nito na pumunta na sa conferen
"I miss you too, Ate Rafa!" Balik naman ni Sofia.Bumitaw sa yakap si Rafa pero kasabay noon ay hinikit naman nito ang bras oni Sofia at inakay papunta sa loob ng bahay nila Miguel. Wala na nagawa ang binata at hinayaan na lamang ang dalawa na magkwentuhan.Ibinigay ni Miguel ang susi ng sasakyan sa tauhan nila at sumunod na rin sa loob ng bahay. Napa-iling iling na lamang ito habang nakatawa. Labis ang saya niya kapag nakikitang magkasundo ang dalawa."Ano na bang ganap sa iyo ngayon, Sofia? Wala ka pa bang boyfriend?" Pang-uusisa ni Rafa. Lagi itong tinatanong ang dalawa dahil nasa tamang edad naman na ito para magkaroon..Bente-singko anyos na si Sofia at nasa edad na ito para magkanobyo. Bumalik ang isip niya sa madilim na mukha ni Theo. Napailing siya sabay maiging inabala ang sarili sa pagkukwentuhan nila si Rafa."Nako ate Rafa, wala pa talaga. Hayaan mo ikaw ang unang makakaalam.""Baka magkaroon na iyon ngayon. Parang nakakaramdam ako na may aaligid na diyan sa mga susunod na