Share

Chapter 4

Author: Maegami
last update Last Updated: 2025-08-06 12:27:52

“Mang Berto, maaari niyo po bang linisin ang sasakyan ko bago iparada?” Inabot niya ang susi sa matandang nasa cincuenta y cinco na. Ang sasakyan niya ay isang Toyota Fortuner na kulay itim. Matte ang kulay nito at tinted ang mga salamin. Pinaayos niya ito pagkatapos bayaran ng cash sa isang bilihan ng mga sasakyan sa Bulacan para umayon sa kaniyang gustong maging itsura.

‘Sige Theo. May lakad ka pa ba ngayong araw?” tanong ng matanda. Halata na sa balat at kilos nito ang edad pero nandoon pa rin ang kakisigan sa pangangatawan. Kapag tinitigang mabuti ay may mga maliliit pa ring ulbok ito sa dibdib at braso na bunga siguro ng pagtatrabaho sa bukid.

“Wala na po. Pagkalinis niyo po ay itabi niyo na rin po siguro. Pero kung gusto niyo pong gamitin sa pamamalengke, ayos lang po”. Magalang nitong sagot. Tila ibang-iba ang ugali ni Theo kanina sa opisina sa ngayon na nasa bahay na siya.

“Nako ayos na sa amin ang electric bike. Baka magasgasan pa ito sa palengke.”

Matapos iyon ay ngumiti nalang si Theo sa matanda sabay tapik sa balikat nito. Tumalikod na si Theo at nagpaalam na papasok na sa loob. Hindi pa man nakakalayo ang binata ay tinawag ito ulit ng matanda.

“Nako bata ka, mag-asawa ka na nga at ng hindi ko na nakikita itong mga kalat mo dito!” Bulyaw nito habang hawak ang tissue na ginamit niya kanina.

Tumawa nalang si Theo sa biro ng matanda. Palagi kasing nakakakita si Mang Berto ng mga pinaggamitan ni Theo sa sasakyan at minsan ay sa loob ng kwarto nito.

Natatawang pumasok si Theo sa loob ng bahay pero lumabas din siya sa mansiyon na kanyang pinasukan. Sa halip ay dumako ang mga paa niya sa bahay na nasa likuran ng mansiyon.

Ang bahay na una niyang pinasukan ay tahanan nila noong siya pa ay bata, pero simula nang tumungtong siya ng edad disy-otso, pinakiusapan niya ang kaniyang mga magulang na patayuan siya ng sariling bahay - hindi kasing laki ng mansiyon ngunit binubuo ng tatlong kwarto, study room, theater room at dalawang banyo - ang isa ay nasa loob ng master ensuite. Nais niyang magsarili kahit papaano at matutong mamuhay mag-isa. Pero kapag minsan ay mas nananatili pa doon ang kanyang mga magulang upang makitulog. Hinayaan niya na lang ito dahil siguro ay naglalambing. Naisip niyang hindi na bumabata ang kaniyang mga mga magulang kaya kung ano man ang hiling nito ay sinusunod niya na lamang. Maliban sa isang hiling na hanggang ngayon ay hindi pa niya masunod. Iyon ay ang magkaroon na ng tahimik na buhay - asawa at sariling pamilya.

Si Theo ay nasa edad tatlumpu na at wala pa sa isipan ang magseryoso sa buhay. Dati siyang may kasintahan at nagpaplano na magpakasal ngunit pinili ng dalaga na lumipad sa America para magtrabaho at doon manirahan. Lingid sa kaalaman ng kaniyang kasintahan na nais niyang sumama papunta doon sa ibang bansa ngunit nakipaghiwalay ito bago pa man niya alukin na sumunod siya.

Nagunaw ang mundo ni Theo noon. Tatlong taon na ang nakakaraan. Lipas na at tingin niya at nakaya na niya ang dagok na iyon sa buhay niya. Ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin siya nag-iisip na mag-settle down at natatakot ang kanyang mga magulang na hindi na niya ito maisip. Tumatanda na siya pati ang kanyang mga magulang kung kaya palagi ang pangungulit ng mga ito sa kanya at nagrereto ng mga anak ng kaibigan o kung sino man na matipuhan ng mga ito.

Pagkabukas ng pinto ng bahay ay dumiretso si Theo sa kanyang kwarto at naghubad ng damit. Nakatanaw siya sa malaking salamin at pinagmasdan ang katawan. Mukang nadadagdagan na ang kaniyang timbang kung kaya napagdisisyunan nitong bumalik sa pagbubuhat. Nagpagawa siya ng gym area sa alfresco ng kaniyang bahay upang hindi na umalis. Tutal ay full time writer siya at hindi kailangan lumabas ng bahay.

Bumalik sa isip niya si Sofia. “Damn” aniya. Napapikit siya at inalisang mabuti na naman sa isipan ang pigura nito. Mula sa noo, kilay, mata, at labi. Sa isip niya ay bumaba ang tingin niya sa balikat at dibdib nito. Naiyukom niya ang kanyang mga kamay. Pagbukas ng kaniyang mata at pagtingin sa salamin, nakita niya ang kaniyang harap na matigas at nakatayo.

Sa panahong iyon, hindi na naman niya napigilan ang sarili at hinayaang lamunin siya ng malisosyong isipan. Hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang pinasaya ang sarili hanggang sa makuntento na siya at saka tuluyang pumasok sa banyo upang maligo. Ngunit sa init na kaniyang nararamdaman, may isang beses pa siyang pinaligaya ang sarili habang nasa loob. Sa isip niya ay kasabay niyang naliligo si Sofia.

Para na siyang baliw sa ginagawa niya sa kaniyang sarili. Hindi niya mapigilan ang bugso ng damdamin. Nag-alala siya na baka sa susunod nilang pagkikita ay bigla niya na lamang sunggaban si Sofia at iyon ang ayaw niyang mangyare. Ayaw niyang matakot ito sa kaniya at layuan siya. Sa naisip niyang iyon, binuksan niyang muli ang shower sa pagkakataong ito ay malamig na tubig ang kaniyang pinili upang maibsan ang kaniyang nararamdaman.

Paglabas ng banyo ay magbihis na siya at lumabas ng kwarto. Nakangisi naman niyang nadatnan si Mang Berto sa kusina nang makita siya nito.

“Mukang iba ang tama mo ngayon, anak.” Pangbubulasko ng matanda sa binata. Itinuturing na kasi nitong parang anak si Theo sa tagal na ng paninilbihan nito sa pamilya Garcia. Noong pinanganak si Theo ay si Mang Berto na ang katiwala nila. Lumaki itong kasama ang mga magulang niya at magkababata sila. Hanggang sa nagkaasawa na, na naging kasama na rin nila sa bahay, at nagkaanak. Ang pamilya Garcia din ang nagpaaral kay Tinay na anak nila Mang Berto at Manang Peta, na naging katulong ng kaniyang mga magulang sa pangangasiwa sa farm at iba pa nilang property. Malaki ang respeto ng pamilya nila Mang Berto sa pamilya nila Theo at ganoon din naman ang turing nila sa mga ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Affair with Editor-in-Chief   Chapter 13

    He really wanted to say sorry but seems like he’s apologising what happened yesterday, which he doesn’t feel sorry at all. He liked it, and he would like to do it again if there will be a chance or if she let him.May mainit na tensyon sa kanilang dalawa at alam nilang parehas nilang nararamdaman iyon. Sadya nga bang trabaho lang ang kanilang gagawin dahil sa pakiramdam ni Sofia ay hindi.“Let’s start?” Anyaya ni Sofia na ngayon ay nakatungaw na sa bintana at inilalabas ang kaniyang mga gamit.Sadya nga namang nakakakalma ang panahon at tanawin sa labas ng bintana ng study room ni Theo. Kaya siguro marahil nakakasulat siya ng mga magagandang libro ay dahil dito.Naupo si Theo sa tabi ni Sofia, hindi ganoon kalayuan dahil na rin sa hindi naman ganoon kalaki ang study room. Ngunit mayroong sapat na espasyo para hindi sila magkatungo ng mga balikat.Kinuha ni Theo ang nakasarang laptop sa bookshelf at inumpisahan na nila ang pag-edit.Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. Hindi ko noon

  • Affair with Editor-in-Chief   Chapter 12

    Araw ng Sabado, natagpuan na lamang ni Sofia ang sarili sa address na nilagay ni Theo sa contact information niya. Nakita niya ang isang malaking gate at sa likod niyon ay may tila mansyon sa hindi kalayuan. Hindi naman nagtaka si Sofia na maaaring ganitong buhay ang madatnan niya. Kita naman sa mukha at pananamit ni Theo na galing siya sa isang mayamang pamilya.Pagkababa niya sa sasakyan ay pinindot niya ang doorbell. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya matapos nang nangyare kahapon. Nagdadalawang isip nga siya na tuparin ang napagkasunduan nilang schedule dahil sa nangyare ngunit ayaw naman niyang maging unprofessional sa bagay na gustung-gusto niyang gawin. Kaya kahit butil butil ang pawis niya at nilalamig ang kamay sa sobrang kaba, nilakasan niya ang loob at pinuntahan si Theo. Kailangan na rin naman nilang matapos at nakatakda na ilabas sa katapusan ng taon.“Nandito ako bilang editor niya. Nothing more, nothing less.” Bulong ni Sofia sa sarili.Namataan niya ang isang

  • Affair with Editor-in-Chief   Chapter 11

    Pumaling ng tingin si Lucas sa lalaking nakaupo sa harap ni Sofia at inabot ang kamay nito.Siya namang tumayo si Theo at inabot din ang kamay nito para makipagkamay. Nagulat si Lucas sa tangkad ni Theo dahil hanggang balikat lamang siya nito.“How are you?” Balik composure naman si Lucas. “I’m Lucas.”“Thanks, I’m fine. Yourself?” Sagot ni Theo, balik tanong kay Lucas na ngayon at seryoso ang mukha.“Same.” Tipid na sagot nito. Bumaling agad ito kay Sofia at ibinalik ang masayang ngiti sa labi. “Hey, Sofia, do you have free time on Saturday? May gathering kasi sa side ng father ko. I was hoping you can come with me?” Matamis nitong sabi.Biglang tumikhim nang malamim si Theo at tinitigan ng masama si Sofia. Don’t you dare.Napalunok naman ng wala sa oras si Sofia at naalala ang kaninang napag-usapan nila ni Theo. Kahit pa man wala pang opisyal na sagot ang Unle George niya ay sigurado naman siyang papayag ito. Isa pa ay maganda ang ganoong schedule sa kaniya upang matagal siya sa Bul

  • Affair with Editor-in-Chief   Chapter 10

    Pagkatapos ng tanghalian ang schedule na sinabi ni Sofia kay Theo para sa editing process ng kaniyang libro. Saktong oras naman na iyon ay dumating si Theo at pinuntahan ng kusa sa opisina nito nang malaman sa Receptionist kahit pa sinabi nito na pumunta na sa conference room.Kumatok si Theo sa pintuan ng opisina ni Sofia.”Come in.” Sagot ni Sofia.Pumasok si Theo na may matamis na ngiting ibinungad sa dalaga. “Sofia”. Sabi nito.Tumango naman si Sofia dahil na rin sa gulat. Sinabi niya kay Marie na dalin diretso si Theo sa conference room at intayin na lamang siya doon dahil may tinatapos pa siya.“Oh, Theo. Sinabi ko sa receptionist na sa conference ka na dumiretso. May kailangan lang akong tapusin sandali”.Sumimangot naman ang binata at naupo sa bakanteng upuan sa harap ng lamesa ni Sofia. Nangalumbaba ito at tinitigang maiigi ang dalaga.Bumuntong hininga naman si Sofia at ibinaba ang ballpen na hawak.“What?” Tanong ni Sofia na sumandal na sa kaniyang office chair.“Aren’t you

  • Affair with Editor-in-Chief   Chapter 9

    Bumangon siya at naupo sa gilid ng kama. Hinanap niya ang numero ni Theo. Makalipas ang ilang tunog sa bilang linya ay sinagot na rin ito."Good morning. This is Sofia. Let's meet tomorrow for another editing session at the office. Paki-accept ang calendar invite kung available ka. If not, propose another date and time." Diretso niyang sinabi nang hindi na inintay na sumagot si Theo. Kumakabog ang kaniyang dibdib at habang nagsasalita ay sapo-sapo niya ito.Matapos ibaba ang telepono ay napabuga sila ng malakas ng hangin. Hindi niya maintindihan ang sarili. Ibinaba niya ang telepono sa katabing side cabinet at bumalik sa paghiga.Napapikit siya ngunit mukha ni Theo ang nakikita niya. Shit! Pinagpapantasyahan ko ba siya?Pagkatapos ng tanghalian ang schedule na sinabi ni Sofia kay Theo para sa editing process ng kaniyang libro. Saktong oras naman na iyon ay dumating si Theo at pinuntahan ng kusa sa opisina nito nang malaman sa Receptionist kahit pa sinabi nito na pumunta na sa conferen

  • Affair with Editor-in-Chief   Chapter 8

    "I miss you too, Ate Rafa!" Balik naman ni Sofia.Bumitaw sa yakap si Rafa pero kasabay noon ay hinikit naman nito ang bras oni Sofia at inakay papunta sa loob ng bahay nila Miguel. Wala na nagawa ang binata at hinayaan na lamang ang dalawa na magkwentuhan.Ibinigay ni Miguel ang susi ng sasakyan sa tauhan nila at sumunod na rin sa loob ng bahay. Napa-iling iling na lamang ito habang nakatawa. Labis ang saya niya kapag nakikitang magkasundo ang dalawa."Ano na bang ganap sa iyo ngayon, Sofia? Wala ka pa bang boyfriend?" Pang-uusisa ni Rafa. Lagi itong tinatanong ang dalawa dahil nasa tamang edad naman na ito para magkaroon..Bente-singko anyos na si Sofia at nasa edad na ito para magkanobyo. Bumalik ang isip niya sa madilim na mukha ni Theo. Napailing siya sabay maiging inabala ang sarili sa pagkukwentuhan nila si Rafa."Nako ate Rafa, wala pa talaga. Hayaan mo ikaw ang unang makakaalam.""Baka magkaroon na iyon ngayon. Parang nakakaramdam ako na may aaligid na diyan sa mga susunod na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status