Share

Chapter 7

Author: Maegami
last update Last Updated: 2025-08-08 13:10:33

Tinawanan na lamang ito ni Sofia at hinayaan silang maglaro ang pantasya sa kanilang isipan.

Nakita niya ang sasakyan ni Miguel na nakaparada sa mga reserved parking bay ng opisina. Lumapit siya at kinatok ang bintana. Lumingon si Miguel na noong una at abala ito sa kape na iniinom.

"Wala ka na bang naiwan?" Tanong nito sa kaniya nang pumasok siya at maupo sa tabi.

Napangiti naman siya dahil talagang kabisado na siya ni Miguel. Alam nitong makakalimutin siya at may mga panahon na bumabalik sila sa opisina dahil may mga gamit niyang nakalimutan na bitbitin.

Tiningnan niyang muli ang mga gamit at saka ngumiti kay Miguel. "Wala na naman na Kuya Migs".

Nagpunta na silang dalawa sa Marikina unang puntahan ang isa nilang rental property nila doon. Nagkaroon kasi ng issue ang mga tenant na may nanakawan daw at gustong makakuha ng kopya ng CCTV para maipakita sa barangay.

Nang makarating si Sofia sa gate ay bumaba na siya at pinuntahan ang mga tenant. Habang si Miguel naman ay nagpaiwan na sa sasakyan dahil sabi ni Sofia at saglit lang naman siya. Kinausap ni Sofia ang mga tenant at binigyan ng kopya para sa barangay. Pinapirmahan niya lamang ang mga tenant ng waver na sila at nakakuha na ng kopya at gagamitin ito para maging ebidensya lamang.

Matapos maiayos ni Sofia ang kaniyang pakay, nagpunta na sila ni Miguel sa bahay ng kaniyang mga magulang para doon maghapunan. Naalala ni Sofia na mayroon daw itong good news at gusto siyang kasama sa pagbalita nito.

Si Sofia ay anak nila Sergio at Hazel Reyes na parehas nakatira sa Australia. Taong 2015 nang magpunta ang pamilya sa ibang bansa upang doon na manirahan. Nasa edad kinse anyos palang si Sofia at nakatapos na ng highschool sa Pilipinas. Sa Australia na siya nagtapos ng kolehiyo sa kursong Journalism and Mass Communication. Siya rin ang President at Editor-in-Chief ng school paper nila na siyang may pinakamagandang edisyon sa history ng paaralan nila. Kung kaya ganoon na lamang ang lungkot ng kaniyang mga magulang nang ito ay magdesisyong umuwi ng Pilipinas at doon maghanap ng trabaho. Mapapalayo na sa kanila ang kanilang prinsesa ay hindi pa nito natupad ang pangarap ng kaniyang mga magulang sa kaniya.

Ngunit hinayaan na lamang ito ni Sergio at Hazel dahil naisip nilang baka magrebelde ito sa kanila at mas lalong hindi nila ito makakaya.

Naging maganda naman ang takbo ng buhay ni Sofia sa Pilipinas dahil nakakuha ito ng magandang posisyon sa kumpanya ni George at nababalanse ang negosyo ng kaniyang mga magulang. May mga ibang bagay din siyang napagkakaabalahan kaya nga naman ganoon na lang din ang hang ani Miguel sa kaniya.

Palaging nakasuporta si Miguel sa kaniya simula nang umuwi siya at manirahan sa Pilipinas. Dahil sa ayaw niyang kumuha ng sasakyan at tingin niya at hindi importante ito, madalas na sinusundo siya ng binata. Ngunit kapag minsan ay busy ito, si Miguel ang kumukuha ng uber para masundo ito.

Malaki ang pagprotekta nito sa dalaga kaya nga sa opisina ay ganoon na lamang kung tuksuhin silang dalawa na pinagkikibit balikad na lamang niya. Hindi naman lingid sa kaalaman niyang may fiancée si Miguel at na-engage ito bago pa man siya bumalik. Dahil malapit din siya kay Rafa, hindi nila binibigyan ng kahulugan ang pagiging malapit din ni Miguel sa kaniya. Sa paningin niya ay nakatatandang kapatid is Miguel at wala nang iba.

Naubos ang oras nila Miguel at Sofia sa byahe habang masayang nagkukwentuhan. Marami ring paalala ang binata sa kaniya dahil sa mga delikadong nababalitaan sa paligid.

"Oo Kuya Migs, alam ko na ang mga iyan." Pagputol nito sa kung anu-anong paksa about sa pagiging maingat mga taong nakakasalamuha.

"Bakit ba kasi hindi ka pa kumuha ng sariling mong sasakyan. Minsan napapaisip ako, napapagod na ata akong sunduin ka palagi," patawa-tawa nitong sabi sa kaniya na siya namang ikinasimangot ni Sofia.

"Grabe ka sakin ha! Pwede naman ako mag-uber kasi, no? Hindi na ako bata. I can take care of myself." Sagot niya sabay irap at hinalukipkip ang sarili.

"I know you can take care of yourself, but I made a promise to Tito Sergio at Tita Hazel that will take care of you. Kung siraan kaya kita sa kanila at pabalikin ka ng Australia?" panghahamon nito.

"Joke lang. Ikaw naman masyado kang matampuhin." Pang-aamo ni Sofia.

Ngumisi naman nang nakakaloko si Miguel. Kabisado na niya ang kinakapatid. At alam din naman niyang masyado siyang protektado dito kung kaya ganoon na lamang ang pag-aalala niya kapag hindi ito nakakauwi ng maayos.

"Nga pala, sino iyong lalaking kasama mo sa conference room? Grabe makatingin, ah. Akala mo kakain ng tao, eh". Sabi ni Miguel habang nagmamaneho at nakatingin sa daan. Kapag may pagkakataon ay tumitingin ito kay Sofia.

"Si Theo Garcia iyon. Contract writer under ng Alexa House. Madami siyang naisulat na magagandang libro at marami rin ang fans." Sagot ni Sofia na ngayon ay busy na sa pag-scroll sa socia media accounts niya.

Nagdako ang mga daliri niya at hinanap ang page ni Theo sa I*******m. Laking gulat nito nang makitang halos 100k followers mayroon ito. Wow. Isip niya. Hindi niya akalain na ganoon ito kasikat. Tiningnan niya kung sino ang mga naka-follow dito at napansin karaniwan ay mga babae. Hindi naman nakakapagtaka. Sabi ng loob niya.

Ipinarada na ni Miguel ang sasakyan matapos makapasok sa malaking gate ng bahay nila. Bumaba silang dalawa at nagulat s amalakas na hiyaw ng isang babaeng papalapit sa kanila.

"Iyaaa...!!" Patakbong hiyaw ng babaeng papalapit sa pwesto ni Sofia. Nakadipa ang mga braso nito at akma siyang yayakapin.

Wala na nagawa si Sofia kundi tanggapin na lamang ang mainit na yakap ni Rafaela Santiago, o mas kilalasa pangalang Rafa, ang nobya ni Miguel. Malapit nga Talaga ang dalawang ito na para bang nakababatang kapatid din ang tingin sa kaniya ni Rafa.

Bumalik naman ng yakap si Sofia at masaya silang nagkamustahan.

"I miss you, Sis!" Sabi ni Rafa na tumatalon habang yakap si Sofia.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Affair with Editor-in-Chief   Chapter 13

    He really wanted to say sorry but seems like he’s apologising what happened yesterday, which he doesn’t feel sorry at all. He liked it, and he would like to do it again if there will be a chance or if she let him.May mainit na tensyon sa kanilang dalawa at alam nilang parehas nilang nararamdaman iyon. Sadya nga bang trabaho lang ang kanilang gagawin dahil sa pakiramdam ni Sofia ay hindi.“Let’s start?” Anyaya ni Sofia na ngayon ay nakatungaw na sa bintana at inilalabas ang kaniyang mga gamit.Sadya nga namang nakakakalma ang panahon at tanawin sa labas ng bintana ng study room ni Theo. Kaya siguro marahil nakakasulat siya ng mga magagandang libro ay dahil dito.Naupo si Theo sa tabi ni Sofia, hindi ganoon kalayuan dahil na rin sa hindi naman ganoon kalaki ang study room. Ngunit mayroong sapat na espasyo para hindi sila magkatungo ng mga balikat.Kinuha ni Theo ang nakasarang laptop sa bookshelf at inumpisahan na nila ang pag-edit.Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. Hindi ko noon

  • Affair with Editor-in-Chief   Chapter 12

    Araw ng Sabado, natagpuan na lamang ni Sofia ang sarili sa address na nilagay ni Theo sa contact information niya. Nakita niya ang isang malaking gate at sa likod niyon ay may tila mansyon sa hindi kalayuan. Hindi naman nagtaka si Sofia na maaaring ganitong buhay ang madatnan niya. Kita naman sa mukha at pananamit ni Theo na galing siya sa isang mayamang pamilya.Pagkababa niya sa sasakyan ay pinindot niya ang doorbell. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya matapos nang nangyare kahapon. Nagdadalawang isip nga siya na tuparin ang napagkasunduan nilang schedule dahil sa nangyare ngunit ayaw naman niyang maging unprofessional sa bagay na gustung-gusto niyang gawin. Kaya kahit butil butil ang pawis niya at nilalamig ang kamay sa sobrang kaba, nilakasan niya ang loob at pinuntahan si Theo. Kailangan na rin naman nilang matapos at nakatakda na ilabas sa katapusan ng taon.“Nandito ako bilang editor niya. Nothing more, nothing less.” Bulong ni Sofia sa sarili.Namataan niya ang isang

  • Affair with Editor-in-Chief   Chapter 11

    Pumaling ng tingin si Lucas sa lalaking nakaupo sa harap ni Sofia at inabot ang kamay nito.Siya namang tumayo si Theo at inabot din ang kamay nito para makipagkamay. Nagulat si Lucas sa tangkad ni Theo dahil hanggang balikat lamang siya nito.“How are you?” Balik composure naman si Lucas. “I’m Lucas.”“Thanks, I’m fine. Yourself?” Sagot ni Theo, balik tanong kay Lucas na ngayon at seryoso ang mukha.“Same.” Tipid na sagot nito. Bumaling agad ito kay Sofia at ibinalik ang masayang ngiti sa labi. “Hey, Sofia, do you have free time on Saturday? May gathering kasi sa side ng father ko. I was hoping you can come with me?” Matamis nitong sabi.Biglang tumikhim nang malamim si Theo at tinitigan ng masama si Sofia. Don’t you dare.Napalunok naman ng wala sa oras si Sofia at naalala ang kaninang napag-usapan nila ni Theo. Kahit pa man wala pang opisyal na sagot ang Unle George niya ay sigurado naman siyang papayag ito. Isa pa ay maganda ang ganoong schedule sa kaniya upang matagal siya sa Bul

  • Affair with Editor-in-Chief   Chapter 10

    Pagkatapos ng tanghalian ang schedule na sinabi ni Sofia kay Theo para sa editing process ng kaniyang libro. Saktong oras naman na iyon ay dumating si Theo at pinuntahan ng kusa sa opisina nito nang malaman sa Receptionist kahit pa sinabi nito na pumunta na sa conference room.Kumatok si Theo sa pintuan ng opisina ni Sofia.”Come in.” Sagot ni Sofia.Pumasok si Theo na may matamis na ngiting ibinungad sa dalaga. “Sofia”. Sabi nito.Tumango naman si Sofia dahil na rin sa gulat. Sinabi niya kay Marie na dalin diretso si Theo sa conference room at intayin na lamang siya doon dahil may tinatapos pa siya.“Oh, Theo. Sinabi ko sa receptionist na sa conference ka na dumiretso. May kailangan lang akong tapusin sandali”.Sumimangot naman ang binata at naupo sa bakanteng upuan sa harap ng lamesa ni Sofia. Nangalumbaba ito at tinitigang maiigi ang dalaga.Bumuntong hininga naman si Sofia at ibinaba ang ballpen na hawak.“What?” Tanong ni Sofia na sumandal na sa kaniyang office chair.“Aren’t you

  • Affair with Editor-in-Chief   Chapter 9

    Bumangon siya at naupo sa gilid ng kama. Hinanap niya ang numero ni Theo. Makalipas ang ilang tunog sa bilang linya ay sinagot na rin ito."Good morning. This is Sofia. Let's meet tomorrow for another editing session at the office. Paki-accept ang calendar invite kung available ka. If not, propose another date and time." Diretso niyang sinabi nang hindi na inintay na sumagot si Theo. Kumakabog ang kaniyang dibdib at habang nagsasalita ay sapo-sapo niya ito.Matapos ibaba ang telepono ay napabuga sila ng malakas ng hangin. Hindi niya maintindihan ang sarili. Ibinaba niya ang telepono sa katabing side cabinet at bumalik sa paghiga.Napapikit siya ngunit mukha ni Theo ang nakikita niya. Shit! Pinagpapantasyahan ko ba siya?Pagkatapos ng tanghalian ang schedule na sinabi ni Sofia kay Theo para sa editing process ng kaniyang libro. Saktong oras naman na iyon ay dumating si Theo at pinuntahan ng kusa sa opisina nito nang malaman sa Receptionist kahit pa sinabi nito na pumunta na sa conferen

  • Affair with Editor-in-Chief   Chapter 8

    "I miss you too, Ate Rafa!" Balik naman ni Sofia.Bumitaw sa yakap si Rafa pero kasabay noon ay hinikit naman nito ang bras oni Sofia at inakay papunta sa loob ng bahay nila Miguel. Wala na nagawa ang binata at hinayaan na lamang ang dalawa na magkwentuhan.Ibinigay ni Miguel ang susi ng sasakyan sa tauhan nila at sumunod na rin sa loob ng bahay. Napa-iling iling na lamang ito habang nakatawa. Labis ang saya niya kapag nakikitang magkasundo ang dalawa."Ano na bang ganap sa iyo ngayon, Sofia? Wala ka pa bang boyfriend?" Pang-uusisa ni Rafa. Lagi itong tinatanong ang dalawa dahil nasa tamang edad naman na ito para magkaroon..Bente-singko anyos na si Sofia at nasa edad na ito para magkanobyo. Bumalik ang isip niya sa madilim na mukha ni Theo. Napailing siya sabay maiging inabala ang sarili sa pagkukwentuhan nila si Rafa."Nako ate Rafa, wala pa talaga. Hayaan mo ikaw ang unang makakaalam.""Baka magkaroon na iyon ngayon. Parang nakakaramdam ako na may aaligid na diyan sa mga susunod na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status