Nang kumalma sila at naupo si Les sa tabi ng kama. “Damn Theo, sino si Sofia?” may hapdi sa kaniyang kalooban sa hindi inaasahang pangyayare. Siya ang kasama pero ibang pangalan ng babae ang binanggit nito. Alam naman ni Les na hindi siya dapat masaktan at malinaw sa kaniya kung anong mayroon sila. Ngunit mapapadalas ang p********k nila ni Theo at nasasanay na ito sa hawak ng binata kung kaya sa puso niya ay hindi ito tama.
Kahit pa patay ang ilaw at alam ni Les na nakatingin ang binata sa kaniya. “You don’t have the right to question me. Alam mo kung ano ka lang sa buhay ko.” Marahas na tumayo si Theo at pumasok sa banyo pagkabukas ng ilaw nito. Napaismid na lamang si Les at isinantabi ang nararamdaman. Mas mahalaga ang init na nararamdaman niya ngayon kaysa sa pride niya. Alam naman niyang hanggang ganito lamang ang kayang ibigay ni Theo at tatanggapin niya iyon para maibsan din ang sensuwal na ito. Sinundan niya si Theo sa banyo at makailang beses pa silang nagtalik. Kahit pa palaging binabanggit ni Theo ang pangalang Sofia, nagpanggap na lamang si Les na siya ang babaeng ito at pinasaya nila ang isa’t isa. ~~ Kinaumagahan ay nagising si Theo na wala na si Les sa tabi niya. Iyon naman kasi ang usapan nilang dalawa. Sa dilim lang sila magkasama at wala ng iba. Tumingin siya sa orasan na nakapatong sa side cabinet. 9:30am. Pupungas-pungas pa si Theo nang makita ang isang email. Mula ito kay Sofia kaya agad niya itong binuksan at binasa. Kakasend lamang ito makalipas ang ilang segundo. Napangiti siya ng makitang calendar invitation ito ng editing nila sa libro. Isang minuto pang makalipas ay tumunog ang kaniyang telepono na numero lang ang nakalagay. “Good morning. This is Sofia. Let’s meet tomorrow for another editing session at the office. Paki-accept ang calendar invite kung available ka. If not, propose another date and time.” Agad na binaba ni Sofia ang tawag kahit na walang narinig na sagot kay Theo. Nawala ang ngiti ni Theo at napatingin na lamang sa telepono matapos ibaba ni Sofia ang tawag. Ganoon ba kapangit ang first impression ko sa kaniya, isip niya. Natapik naman niya ang kaniyang ulo na parang sinisisi ang sarili. “Masama ito,” mapait niyang banggit. Nagpalit-palit ang tingin si Sofia sa pwestong inalisan ni Theo at kay Migiuel na ngayon ay nasa loob na ng conference room. Anong nangyare? tanong niya sa isip. "Ano, tara na Iya. Para makaabot tayo sa dinner ni Dad." Aya ni Miguel habang naglalakad papunta sa kinakatayuan ni Sofia. Napakurap-kurap siya at nang kumalma ang kaniyang dibdib at nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. Nanlalambot ang kaniyang mga tuhod kaya minabuti niyang maupo muli. Bumalik sa isip niya ang ekspresyon sa mukha ni Theo nang tanungin siya nito kung nobyo niya si Miguel, at nang sumagot ang huli ay mas lalong nagdilim ang paningin ni Theo. Umalis ang binata nang hindi nagpapaalam sa kaniya. Pumikit na lamang siya nang mariin at saka pinalis ang nabubuong ideya sa isip niya. Bakit? isip niya. Tumikhim si Miguel upang mapunta ang atensyon sa kaniya ni Sofia dahilan para magtaas ng tingin ang dalaga sa kaniya. Kita sa mga mata ni Sofia na malungkot ito at may halong pagtatanong. Kumunot ang noo ni Miguel. "Huwag mong sabihing mas gusto mong kausap ang lalaking iyon kaysa sa akin? Kita mo ba ang itsura niya? Mukha siyang hindi gagawa ng maganda." Pagkukumbinsi ni Miguel sa dalaga. Naupo ito sa kabilang bahagi ng lamesa. Hindi naman makakaila na may impresyon si Theo na mukhang basagulero. May magulo itong buhok, may hikaw sa tainga at higit sa lahat ay may matalim at malalim itong tingin. Mukhang mainitin ang ulo at kung makatingin ay para kang lalamunin. Ngunit may maamo itong ekspresyon sa kaniya at nakakaawang itsura rin nang sampalin niya ito. Sa paningin ni Sofia ay hindi naman ito ganoon na nakakatakot. Aaminin niya, guwapo ito at maganda ang katawan. Halatang nag-eehersisyo at maalaga sa sarili. "Huwag na nga nating pag-usapan ni Theo, Kuya Migs." Pagtutol ni Sofia sa gustong maging paksa ni Miguel. "Hindi tama na pumapasok ka nalang bigla sa conference room lalo at may ongoing na meeting. Trabaho pa rin itong pinag-uusapan namin ni Theo. Isa siya sa mga magagaling na contract writers natin at sayang kung sa ibang publishing company siya mapupunta." Pagpapaintindi ni Sofia sa nakabusangot na si Miguel. Hindi mapagkakailang napukaw kahit papano ang damdamin ni Sofia sa itsura ng binata pero naisip niyang dapat itong mapagsabihan. Una, nasa trenta na ang edad nito at dapat umakto ng tama. Pangalawa, nasa working hours siya at official meeting ang nangyare sa pagitan ni Theo at Sofia. "Okay, sorry na. Hindi ka kasi nagrereply. Hindi na mauulit". Sagot nito sabay ngiti at humihingi ng kapatawaran. Napabuntong hininga na lamang si Sofia at ngumiti kay Miguel. "Pwede mo ba akong intayin na lang sa sasakyan? Ayusin ko lang ito at ilalagay ang mga gamit sa opisina ko." "Sige, no problem. I'll get coffee first then I'll wait for you in the car." Tumayo na si Miguel at pumunta sa kusina ng opisina para gumawa ng kape. Nanatili naman si Sofia na nakaupo sa conference room at napaisip. Gusto niyang malaman kung ano ang dahilan sa likod ng mga tingin ni Theo. Noong una nilang magharap ay nakangiti ito at naging mapagbiro. Nahuhuli niya rin itong nakatingin sa kaniya at hindi sa wide screen. At higit sa lahat, nagbago ang mga tingin nito nang dumating si Miguel. Nakuha pa nitong tanungin siya kung magkasintahan sila ng binata. Nangilabot siya sa isiping iyon. Hindi kailanman niya naisip na magiging magkasintahan sila ni Miguel. Para na itong nakatatandang kapatid sa kaniya at nirerespeto niya ang relasyon ni Miguel at Rafa. Napagdesisyunan na ni Sofia na tumayo mula sa kinauupuan sa conference room at pumasok sa opisina para ibalik ang mga gamit. Kinuha niya ang maliit na Coach bag at ipinasok doon ang telepono niya. Nagpaalam siya sa mga ibang katrabaho bago tuluyang umalis. Ang iba niyang kabiruan ay tinukso pa siya kay Theo. Iilan sa kanila ay nagsasabing bagay silang dalawa. Mukhang may karibal na daw si Kuya Migs. Pinasabihan niya ang mga katrabaho at hindi hinayaan na bigyan ng malisya ang pagiging malapit nil ani Miguel. Ayaw niyang may pangit na balitang makarating kay Rafa dahil ayaw niyang masaktan ito.Bumangon siya at naupo sa gilid ng kama. Hinanap niya ang numero ni Theo. Makalipas ang ilang tunog sa bilang linya ay sinagot na rin ito."Good morning. This is Sofia. Let's meet tomorrow for another editing session at the office. Paki-accept ang calendar invite kung available ka. If not, propose another date and time." Diretso niyang sinabi nang hindi na inintay na sumagot si Theo. Kumakabog ang kaniyang dibdib at habang nagsasalita ay sapo-sapo niya ito.Matapos ibaba ang telepono ay napabuga sila ng malakas ng hangin. Hindi niya maintindihan ang sarili. Ibinaba niya ang telepono sa katabing side cabinet at bumalik sa paghiga.Napapikit siya ngunit mukha ni Theo ang nakikita niya. Shit! Pinagpapantasyahan ko ba siya?Pagkatapos ng tanghalian ang schedule na sinabi ni Sofia kay Theo para sa editing process ng kaniyang libro. Saktong oras naman na iyon ay dumating si Theo at pinuntahan ng kusa sa opisina nito nang malaman sa Receptionist kahit pa sinabi nito na pumunta na sa conferen
"I miss you too, Ate Rafa!" Balik naman ni Sofia.Bumitaw sa yakap si Rafa pero kasabay noon ay hinikit naman nito ang bras oni Sofia at inakay papunta sa loob ng bahay nila Miguel. Wala na nagawa ang binata at hinayaan na lamang ang dalawa na magkwentuhan.Ibinigay ni Miguel ang susi ng sasakyan sa tauhan nila at sumunod na rin sa loob ng bahay. Napa-iling iling na lamang ito habang nakatawa. Labis ang saya niya kapag nakikitang magkasundo ang dalawa."Ano na bang ganap sa iyo ngayon, Sofia? Wala ka pa bang boyfriend?" Pang-uusisa ni Rafa. Lagi itong tinatanong ang dalawa dahil nasa tamang edad naman na ito para magkaroon..Bente-singko anyos na si Sofia at nasa edad na ito para magkanobyo. Bumalik ang isip niya sa madilim na mukha ni Theo. Napailing siya sabay maiging inabala ang sarili sa pagkukwentuhan nila si Rafa."Nako ate Rafa, wala pa talaga. Hayaan mo ikaw ang unang makakaalam.""Baka magkaroon na iyon ngayon. Parang nakakaramdam ako na may aaligid na diyan sa mga susunod na
Tinawanan na lamang ito ni Sofia at hinayaan silang maglaro ang pantasya sa kanilang isipan.Nakita niya ang sasakyan ni Miguel na nakaparada sa mga reserved parking bay ng opisina. Lumapit siya at kinatok ang bintana. Lumingon si Miguel na noong una at abala ito sa kape na iniinom."Wala ka na bang naiwan?" Tanong nito sa kaniya nang pumasok siya at maupo sa tabi.Napangiti naman siya dahil talagang kabisado na siya ni Miguel. Alam nitong makakalimutin siya at may mga panahon na bumabalik sila sa opisina dahil may mga gamit niyang nakalimutan na bitbitin.Tiningnan niyang muli ang mga gamit at saka ngumiti kay Miguel. "Wala na naman na Kuya Migs".Nagpunta na silang dalawa sa Marikina unang puntahan ang isa nilang rental property nila doon. Nagkaroon kasi ng issue ang mga tenant na may nanakawan daw at gustong makakuha ng kopya ng CCTV para maipakita sa barangay.Nang makarating si Sofia sa gate ay bumaba na siya at pinuntahan ang mga tenant. Habang si Miguel naman ay nagpaiwan na sa
Nang kumalma sila at naupo si Les sa tabi ng kama. “Damn Theo, sino si Sofia?” may hapdi sa kaniyang kalooban sa hindi inaasahang pangyayare. Siya ang kasama pero ibang pangalan ng babae ang binanggit nito. Alam naman ni Les na hindi siya dapat masaktan at malinaw sa kaniya kung anong mayroon sila. Ngunit mapapadalas ang pagtatalik nila ni Theo at nasasanay na ito sa hawak ng binata kung kaya sa puso niya ay hindi ito tama.Kahit pa patay ang ilaw at alam ni Les na nakatingin ang binata sa kaniya. “You don’t have the right to question me. Alam mo kung ano ka lang sa buhay ko.” Marahas na tumayo si Theo at pumasok sa banyo pagkabukas ng ilaw nito.Napaismid na lamang si Les at isinantabi ang nararamdaman. Mas mahalaga ang init na nararamdaman niya ngayon kaysa sa pride niya. Alam naman niyang hanggang ganito lamang ang kayang ibigay ni Theo at tatanggapin niya iyon para maibsan din ang sensuwal na ito.Sinundan niya si Theo sa banyo at makailang beses pa silang nagtalik. Kahit pa pala
Napangisi naman si Theo sa komento ng matanda. “Wala po ito Mang Berto. Kayo talaga. Isusumbong niyo na naman po ako sa dalawa.” Pinapatungkulan niya ang mga magulang na siguradong maiintriga na naman sa mga kwento ng matanda.“Parang may kakaiba kasi sa iyo, anak. Saan ka ba galing, nga pala?” Pag-uusisa nito.Kinuha ni Theo ang meryendang nakalagay sa kitchen countertop. “Sa publishing house po. Nag-uumpisa na po kasing ayusin ung librong isinulat ko noong nakaraang taon.” Bahagi niya. May tatlong nobela siyang isinulat na hindi pa nailalathala kung saan napagdesisyunan niyang isang libro kada taon ang kaniyang ilalabas kahit pa marami siyang magawa sa isang taon.“Nabalitaan ko ay hindi na si Monty ang editor mo. Mabuti naman at nakinig na sa akin ang matandang iyon. Ang nais yata ay mamatay siyang hawak ang papel at pluma.” Pailing iling si Mang Berto.Nang maalala ni Theo ang nangyare sa opisina, napahawak siya sa kaliwang pisngi at ngumisi. Ramdam niya pa rin ang malambot na pal
“Mang Berto, maaari niyo po bang linisin ang sasakyan ko bago iparada?” Inabot niya ang susi sa matandang nasa cincuenta y cinco na. Ang sasakyan niya ay isang Toyota Fortuner na kulay itim. Matte ang kulay nito at tinted ang mga salamin. Pinaayos niya ito pagkatapos bayaran ng cash sa isang bilihan ng mga sasakyan sa Bulacan para umayon sa kaniyang gustong maging itsura.‘Sige Theo. May lakad ka pa ba ngayong araw?” tanong ng matanda. Halata na sa balat at kilos nito ang edad pero nandoon pa rin ang kakisigan sa pangangatawan. Kapag tinitigang mabuti ay may mga maliliit pa ring ulbok ito sa dibdib at braso na bunga siguro ng pagtatrabaho sa bukid.“Wala na po. Pagkalinis niyo po ay itabi niyo na rin po siguro. Pero kung gusto niyo pong gamitin sa pamamalengke, ayos lang po”. Magalang nitong sagot. Tila ibang-iba ang ugali ni Theo kanina sa opisina sa ngayon na nasa bahay na siya.“Nako ayos na sa amin ang electric bike. Baka magasgasan pa ito sa palengke.”Matapos iyon ay ngumiti nal