NANLAKI ang mga mata niya ng makita niya si Lander na pasuray-suray na pumasok sa loob ng unit nila, halos hindi na maitayo ni Lander ang sarili dahil sobrang kalasingan kaya kahit naalimpungatan ay dali-dali ang naging pagtayo niya upang alalayan ang asawa.
Kanina niya pa talaga ito hinihintay pero dahil sa tagal nitong dumating ay hindi niya na napigilan ang sarili niyang umidlip sa sofa at nagising na nga lang siya ng marinig ang malakas na pagkakabukas ng kanilang pintuan. Isang linggo na simula nang ikasal sila pero nanatili ang cold treatment sa kanya ni Lander, hindi siya nito kinakausap at kung kakausapin naman siya nito ay pasigaw at laging galit. "Lander." Nag-aalalang tawag niya sa asawa ng makita niyang natumba ito. Mabilis niyang kinuha ang braso nito tsaka niya iyun dinala sa balikat niya upang masuportahan niya ang bigat nito , hinawakan niya sa bewang si Lander upang mailakad niya ito papasok sa kwarto nito pero ganun na lang ang galit at piksi nito dahil sa gianwa niya. "Dont touch me." He shouted. Hindi niya ito pinakinggan at pinagpatuloy niya pa din ang pag-alalay sa asawa na katulad kanina ay panay pa din ang iwas sa kanya, pilit nitong inaalis ang kamay niyang nakahawak sa bewang nito pero dahil sa sobrang lasing ay halos wala itong lakas para itulak siya. "Stop struggling Lander, parehas tayong tutumba kapag nagpatuloy ka." Mahinahon niyang saad sa binata. "You can touch me if you're my Lizzy." Ilang libo yatang karayom ang tumusok sa puso niya ng sabihin nito yun. "Si Lizzy lang ang mamahalin ko." Nabubulol pang sabi nito tsaka pinilit nitong tumayo nang tuwid, inalis nito ang pagkakahawak niya tsaka walang salitang pumasok ito sa sariling kwarto nito habang siya naman ay naiwang nakatulala sa mga binitawan nitong salita. Gustong-gusto talaga nitong sinasaktan siya. Gustong-gusto talaga nitong madurog siya. Ang sakit lang na kahit siya ang nandito ay iba parin ang tinatawag nito... na kahit siya yung nasa harapan nito at ginagawa ang lahat para maging mabuting asawa ay di parin nito makita iyun. Winaglit niya ang sakit at napapabuntong-hiningang agad niyang sinundan ito, hindi niya pwedeng pabayaan ang asawa. Dahan-dahan siyang sumunod sa kwarto nito, naabutan niya itong nakasalampak ng upo sa carpeted floor, nakayukyok ang ulo at bahagyang yumuyugyog ang balikat. Para siyang natulos sa kinatatayuan sa nakikita. Biglaan din ang paninikip ng dibdib niya ng marinig ang mahina nitong paghikbi. Nasapo niya ang bibig para pigilan ang pagsinghap. He's miserable... at dahil yun sa kanya. Gusto niyang sumaya ito pero alam niyang hindi siya ang makakapagbigay ng kasiyahan sa binata kahit ano pa ang gawen niya. It will always be lizzy... What they did was horrible, kahit para iyun sa kapakanan ng binata. "A-ang sama niyo!" Nagtaas ito ng tingin at diretso ang masamang titig nito sa kanya. "Why did you give Lizzy money? Bakit pilit niyo siyang binayaran para hiwalayan ako?" Tanong nito sa kanya, hindi siya nakaimik dahil doon. Hindi niya alam ang bagay na yon, walang nabanggit ang Mommy ni Lander tungkol sa bagay na yon. "Of course she'll take that f*cking money because her Mom needs it." Pagak itong tumawa tsaka nito sinuntok ang tiled floor. "Ang sama niyo, I will never forgive you!" Mahina ngunit galit at mariin nitong saad sa kanya habang hindi pa din inaalis ang masamang tingin sa kanya. Unti-unti niyang nilapitan si Lander tsaka siya lumuhod sa harap nito, she tried to touch his face. "Why are you doing this to me, Samantha?" Parang batang tanong nito sa kanya. "T-this is for your own good." She said while she tried to stop herself from tearing apart. Masakit makitang nagkakaganto si Lander, kung alam niya lang na ganto ang kahihinatnan hinayaan niya na lang sana ang lahat. Bakit ba hindi niya naisip ang bagay na ito? Masyado siyang natakot na masaktan at lokohin ito ni Lizzy na nakalimutan niyang maaari nga din pala itong masaktan sa gagawen nila. Paulit-ulit itong umiling at muling humikbi, she tried to touch and hugged him and to her suprised he did not push her again. Dumantay ang noo nito sa balikat niya habang patuloy sa paghikbi. Mariing napapikit ang mga mata niya, triple ang sakit na nararamdaman nya habang nakikita niya ang taong mahal niya na nasasaktan dahil sa kagagawan nila. Unti-unting bumigat ang katawan ni Lander kaya napagtanto niyang tulog na ito, bahagya niyang niyugyoh ito upang makasiguro. Mabilis ang kilos niya na inalalayan itong mailipat sa kama nito. Nang mahiga niya ito ng tuluyan ay tsaka niya lang napagtanto ang itsura nito ngayon, there's a dark circle below his eyes. May kahabaan na din ang bigote at balbas nito. "I'm sorry Lander." Yumukod siya upang halikan ang noo nito bago siya kumuha ng bimpo na ipangpupunas niya dito. Nag-umpisa siyang punasan ang mukha nito pababa sa leeg nito, inumpisahan niyang buksan ang butones ng suot nitong polo shirt hanggang sa lumantad ang katawan nito, napasinghap siya ng makita niya ang kanang dibdib nito kung saan merong tattoo ng pangalan ni Lizzy. Tinitigan niya iyun at ganun na lang ang sakit na rumagasa sa dibdib niya habang pinagmamasadan ang tintang kusa nitong pinalagay. Agad niyang ibinalik sa pagkakasuot ang polo ni Lander tsaka siya mabilis na lumabas sa kwarto nito sapo ang kanyang dibdib sa matinding kirot na umuukit mula roon. Eto na nga yata yung parusa sa kahibangan niya.... Na kahit san siya tumingin at kahit pagbali-baligtarin ang mundo inagaw niya si Lander sa tunay nitong mahal at wala siyang ibang magagawa kung hindi tanggapin ang galit nito. PINUNASAN niya ang takas na luhang tumulo sa kanyang kaliwang mata habang pinagmamasdan niya ang dalawang taong masayang nag-uusap ilang metro ang layo sa kinatatayuan niya. Seeing him holding someone's waist makes her heart aches. He seems so gentle while he's busy smiling to that girl. Hindi niya nakikita ang mukha ng babaeng kasama nito dahil nakatagilid ang mga ito sa kanya, pero mukhang alam niya na kung sino ang taong iyun. Isang babae lang naman ang nakakapag-pangiti kay Lander ng ganun. She's none other than Lizzy Sorano. "Sila na kaya ulit?" Tanong niya sa sarili habang malungkot na tinitignan ang dalawa. Hindi niya mapigilan ang hikbi niya habang tinatanaw ang mga ito mula sa labas ng restaurant kung saan kumakain ang dalawa. May sariling mundo ang dalawa na alam niyang hindi niya kayang pasukin. Hindi niya sinasadyang makita ang dalawa, namili kase siya ng mga pagkain para sa kanila dahil naubos na ang mga stocks nila nung nakaraang linggo tapos sakto nang dapat ay papasok na siya sa restaurant na ito para kumain ay nakita niya nga ang dalawa na masayang-masayang kumakain at nag-uusap. "Lander." Mahinang bulong niya, ang saya-saya nito, sayang madalang niyang makita kahit dalawang linggo na silang mag-asawa. Nginitian ni Lander ng napakatamis na ngiti si Lizzy matapos nitong punasan ang gilid ng labi ng babae. Yung ngiti ni Lander, yan yung ngiting hindi niya nakikita tuwing sila ang magkasama. Yan yung ngiting madamot nitong ibigay kapag siya ang kaharap nito. Kitang-kita niya sa kinatatayuan niya kung paano unti-unting nilalapit ni Lander ang mukha nito kay Lizzy at bago pa nga magdikit ng tuluyan ang mga labi ng dalawa ay siya na ang kusang tumalikod. She can't bear to see them kissing in public. Ang sikip-sikip ng dibdib niya ngayon, alam niya ring nagmumukha na siyang tanga dahil sa pag-iyak niya dito sa mismong mall pero wala na siyang pakielam kung nagmumukha na siyang ewan... nasasaktan siya at ayun ang hindi niya kayang pigilan pa. Dahan-dahan siyang lumakad paalis doon, sapo-sapo ng kanyang kaliwang kamay ang dibdib dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman niya. Huminto muna siya bago huminga ng malalim at marahas na pinunasan ang luha niyang tulo ng tulo, kinalma niya rin ang sarili niya para makapaglakad siya ng maayos. Nang tuluyan niyang makalma ang sarili ay dumire-diretso na siya palabas ng Cien Fleur Mall na para bang wala siyang nakitang kahit ano. Asawa siya at may karapatan siyang sugurin ang dalawa, kaya lang wala siyang lakas ng loob na gawen yun. Natatakot kase siya e, natatakot siya na baka mas kampihan nito si Lizzy habang siya naman ay pagmukain nitong kawawa. Dapat ngayon pa lang pala ay makuntento na siyang apelyido lang ang kaya nitong ibigay, dapat makuntento na lang pala siya dun. Dapat pala hindi na siya umasang mamahalin pa siya nito katulad na lang ng pagmamahal nito sa babaeng mapagpanggap na yun. Kung sa ibang pagkakataon siguro nasaktan na niya ang mga ito. Kung matapang lang sana siya para komprontahin ang dalawa ay ginawa na niya pero duwag kase siya. Patuloy na umuukilkil sa pagkatao niya na she's just his wife. Asawa lang sya sa papel, na kay Lizzy ang puso ng lalaking mahal kaya't alam niyang kahit pagbalibaligtarin ang mundo hindi siya nito magagawang mahalin...... Kahit konti...... Kahit kunware lang.⚠️ WARNING: MATURE CONTENT GUSTO mang hindi tugunin ni Lander ang bawat mapusok na halik na ginagawad ni Samantha ay hindi niya mapigilan. Alam niyang sa kanilang dalawa ay siya ang nasa matinong isip ngunit bakit nga ba hindi niya kayang huminto? Nakakadarang ang bawat halik na pinagsasaluhan nila kaya nga siguro miske siya ay tinatangay na din ng makamundong pagnanasa. He knows that he should not take advantage of the situation but he can't help but to respond to her kisses and to her touch. "T-touch me Lander..." 'Putangina.' Hindi na din niya mapigilang magmura sa kanyang isip dahil sa sinabi ni Samantha. Kahit sinong matinong tao ay hindi makaka hindi sa mapang-akit at mapagpaubayang salitang sinabi nito sa kanya. He knows that he needs to stop, god knows how hard he is trying to stop. However, as he try to do what is right his body and mind is not in the right state. He opened his eyes and look at the most beautiful eyes he has ever seen, kapag nakatingin siya sa mg
"SAMANTHA mija, have some drinks with me." Pinilit niyang ngumiti habang inaabot sa kanya ng Mommy ni Lander ang baso na naglalaman ng alak. Tinitignan niya pa lang ang alak ay napapangiwe na siya, she doesn't have high tolerance when it comes to alcoholic drinks. One to two shots and she'll be in daze. She bit her lips as she tried to think of a valid excuse. "It's my birthday today mija." Napabuga na lang siya ng hininga ng magsalita itong muli, na para bang sinasabihan siyang bawal tumanggi. She forced a smile as she raised the glass she was holding, which Lander's Mother imitated. "Cheers." They both said as they drink the bittersweet beverage. "I am so glad that you came on my birthday," mabilis nitong kinuha ang baso nya tsaka nito muling sinalinan ng alak iyun. "Ilang beses na din kitang natanggihan tita kaya bumawe ako ngayon, tska isa pa naisip ko din na ito na yung chance na makilala ni Tito Xander ang apo niya." Nakangiting tinanaw niya si Brighton at ama ni Lan
"HI Mommy. Can you sama me in the mall? We have an event tomorrow and I want to buy a new dress, please" nag-isang linya ang mga labi ni Samantha habang tinitignan ang taong nasa likod ni Britallie, hindi ito makatingin ng diretso sa kanya at alam niya kung anong rason nun. Kakauwe lang niya mula sa pagsundo niya kay Brighton sa school at hindi pa nga umiinit ang puwet niya mula sa pagkakaupo ng may mag doorbell at ng buksan niya nga ang gate ay si Lander at Britallie ang bumungad. Nilakihan niya ang pagkakabukas ng gate at hindi pa nga siya nagsasalita para paunlakan ang nasa kanyang harapan pero heto at tuluy-tuloy ng pumasok ang dalawa na pasimple niyang ikinailing, mukhang nasasanay na ang mga ito sa bahay nya at hindi niya alam kung matutuwa ba siya o magagalit dahil doon dahil inaraw-araw na talaga ng dalawa ang pagbisita na para bang kulang na lang ay sa kanila na tumira ang mga ito. A part of her is happy that she got time to bond with Britallie because she dreamed of havi
"SAMANTHA!" walang buhay ang mga matang nilingon niya si Lander ng mariin nitong tinawag ang pangalan niya. Wala pang ilang segundo ng nagmartsa siya papasok sa loob at heto si Lander ngayon at mabilis na pa lang nakasunod sa kanya. Kunut na kunot ang noo nito at bahagyang namumula ang pisngi at tiim ang bagang na inisang hakbang nito ang pagitan nila. "What?" asar niyang tanong dito. Hindi pa din humuhupa ang nararamdaman niyang inis at parang nakukulangan pa siya sa ginawa niyang pagsampal kay Lizzy. Nagsisisi tuloy siya na tinatlo niya lang ang sampal dito, she should grab her hair and pull it like she is riding a horse. Sayang ang opportunity, ni hindi niya man lang iyun nasulit. "Why did you leave me there?" he was annoyed. "I am giving you some privacy," walang emosyon niyang tugon. "Bullshit!" frustrated nitong sinuklay ang buhok nito gamit ang kaliwang kamay tsaka nito ipinatong ang kanang kamay sa sariling bewang at inis na nakatingin sa kanya at mariing nakagat ang
"BAKIT po siya nandito?" Pasimpleng tanong sa kanya ni Brighton ng makita nito si Lander, bakas ang pagkainis sa gwapong mukha ni Brighton habang tinitignan ang ama nito na nakaupo sa sofa. Maaga pa ng magtungo ito dito sa bahay nila, after their talk last night she decided not to give in but they will act as civil as possible. Wala itong nagawa sa naging desisyon niya, na kahit paulit-ulit ang naging pagmamakaawa at pakiusap nitong ayusin nila ang relasyon nila ay hindi talaga siya pumayag sa gusto nitong mangyare. Selfish it might seem but she would rather be selfish than to be hurt again. "Prince..." tawag ni Lander sa anak nito na hindi man lang nagbago ang itsura habang kaharap ang ama nito. "I brought you some donuts." Itinaas ni Lander ang hawak na box ng donut pero hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Brighton sa halip ay bumaling ito sa kanya. "Mama, can you call Papa Anjo? I want some cookies please." halata ang pag-iwas nito ng sabihin iyun sa kanya kaya't pilit a
"P-PLEASE Samantha, don't do this to us. We can heal together, just give me one last chance to prove my love to you. Hindi ko na kaya kung hahayaan ko ulit ang sarili kong mapalayo sa inyo..." nagmamakaawang saad ni Lander tsaka nito hinawakan ang kamay niyang sapo ang pisngi nito. "Kaya mo Lander, we've been separated for five years and we just recently bumped into each other, nakaya mong wala ako sa loob ng limang taon na yon kaya alam kong kaya mo ngayon." mahinang saad niya sapat lang para marinig nilang dalawa. Marahas itong umiling habang patuloy pa din ang pag-iyak at pagmamakaawa sa harapan niya. "Five years ago was different, Samantha. Nakaya ko yun noon kase dala ko ang paniniwalang niloko mo ako." bwelta nito sa kanya kaya't siya naman ngayon ang napailing. "Lander please, wag na nating pahirapan ang isa't-isa. We need to heal separately. Ilang buwan pa lang simula ng muli tayong magkita pero nagkasakitan na ulit tayo." Paliwanag niya pero tila naging bingi ito sa la