Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Tila huminto ang pag-ikot ng mundo ko.
Tama ba ang narinig ko? Arrex's...son? May anak sila?
Natutop ko ang aking bibig. Nanginginig, muli akong napaatras ng isang beses at umiling. This can't be true.
"You looked so stunned, hindi mo ba kami papapasukin?" nakangising pagtataas niya ng kilay, animo'y natutuwa sa nakikitang reaksyon sa mukha ko.
Hindi ako gumalaw. Halos lukot na ang envelope sa higpit ng pagkakahawak ko roon. Gustuhin ko mang patuluyin sila pero tila nanigas na ang mga paa ko sa sobrang pagkabigla sa mga nangyayari. Magkahalong gulat, pangamba...at pagkabigo ang nararamdaman ko ngayon.
"Well, hindi kita masisisi." Bumuntong-hininga siya. Binalik niya sa stroller ang bata at muli akong hinarap. "It's been years. Arrex and I used to be so madly in love with each other. He used to be mine...not until his marriage came." Mula sa pagkakangisi ay rumehistro ang pait at sakit sa mga mata niya, tila inaalala ang nakaraan.
Napayuko ako. Hindi alam kung paano haharapin ang bigat ng mga salitang binitiwan niya.
"Kasal na kayo nang malaman kong buntis pala ako sa anak namin. I wanted so badly to tell him but I couldn't. I love him so much that I don't want to ruin his marriage life. At kapalit no'n ang pagtatago ko mula sa kaniya," pagpapatuloy niya.
My lips parted. Slowly, the truth dawned on me. Kasabay ng pangingilid ng luha ko ang pagbigat ang paghinga ko. May anak sila ni Arrex... Guilt washed over me. Parte ako ng dahilan kung bakit kinailangan niyang itago ang anak nila.
"God knows how much I suffered giving birth and raising our son alone. Pagod na akong magtago, and I think it's already time to regain my position. I'm his first love and probably his greatest love after all," she said mercilessly.
I couldn't look at her. Hindi ako makapagsalita. Nanatili akong nakayuko, pinipigilan ang pag iyak. Pagod na ako at wala akong karapatan dahil sinasabi ng konsensya ko na tama ang lahat ng sinasabi niya.
"Iyan ba ang divorce agreement? Napirmahan mo na?" Sa tanong niya'y, laglag-pangang nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nakaturo siya sa hawak kong envelope at bumalik na ang mapanuyang ngisi sa kaniyang labi.
Alam niya ang tungkol sa divorce? Paano?
"P-paano mo–" hindi ko magawang kumpletuhin ang tanong, napasinghap ako.
"Well, nakausap ko na kanina si Chairman Lyverigo at si Arrex. Alam na nila ang tungkol kay Alex at pinapunta ako ni Arrex dito para siguraduhing pipirmahan mo ang papel na 'yan," aniya, naglalaro ang ngiti sa labi.
I froze. Nag-usap na sila? At... alam din ni Chairman? Imposible.
"You're lying," iling ko, ayaw tanggapin ang sinabi niya.
"Why would I? Arrex and Chairman Lyverigo are in Germany right now. You can check if you want," aniya, nakataas ang mga kilay. "Two years naman na kayong nagsama ni Arrex, Kleer. Sapat na iyon. Alam kong mahal na mahal pa rin ako ni Arrex, and with our son, we can live happily. You're just one of the antagonists in our story. Just sign it and leave us alone, " giit niya, may diin ang bigkas sa bawat salita.
Nabitawan ko ang envelope. Pakiramdam ko ay huminto ang paghinga ko. Parang pinupukpok ang puso ko dahilan upang mag-unahan sa pagtulo ang pangahas kong mga luha. Nanginginig ang buong katawan ko. Humawak ako sa pintuan para hindi ako matumba.
Kung nananaginip lang ako, gisingin niyo na ako, pakiusap.
May sasabihin pa sana siya pero hindi na niya natuloy dahil bigla kong sinara ang pintuan. Kabastusan man pero wala na akong ibang iniisip kundi ang humagulgol para mabawasan ang sakit. Ang sakit-sakit na.
Nakatakip ang dalawang kamay sa bibig, sumandal ako sa pintuan at lumuluhang napaluhod. Sinabi niya pang babalik siya bukas bago ko narinig ang papaalis na yabag ng paa niya at ng gulong ng stroller. Pumikit ako ng mariin at mas lalo pang bumuhos ang mga luha. Ang daming tanong sa isip ko. Pakiramdam ko ay hinagisan ako ng bomba at sunod-sunod ang pagputok no'n. Parang sasabog na rin ang utak ko sa mga nangyayari. Ang pagbubuntis ko. Ang Divorce. Arrex's hidden son. And me hindering his happiness.
Humagulgol ako. Tila narinig iyon ni Manang Lelia kaya mula sa kusina ay mabilis siyang tumakbo papalapit sa akin. Tinatanong niya kung ano ang nangyari pero pagtangis lang ang naging sagot ko.
Wala akong mahanap na sagot sa mga katanungan ko at isang solusyon lang ang naiisip ko. Tama si Jamaira. Isa lang akong kontrabida sa pag-iibigan nila. Siya lang ang mahal ni Arrex at kahit anong gawin ko, hindi niya ako mamahalin.
I should leave them alone.
With that thought, I ran towards my room, holding the envelope. Sumunod si Manang Lelia pero sinarado ko ang pinto kaya hindi siya nakapasok. Tinatawag niya pa ang pangalan ko at kumakatok sa pintuan pero inignora ko dahil isa lang ang pumapasok sa utak ko sa mga oras na ito.
I should leave.
Kinuha ko ang maleta ko at nilagay ang iilang mga damit ko roon. Si Chairman ang bumili lahat ng mga alahas at cellphone ko kaya hindi ko iyon pinansin at iniwan sa tukador. Naghanap ako ng ballpen at nang may makita ay nilabas ko ang puting papel sa lukot na envelope. Ilang minuto pa akong umiiyak na nakatitig doon bago ako nakakuha ng lakas ng loob at pinirmahan iyon.
Tapos na. Pirmado na...maatutuwa na siguro si Arrex.
Pilit kong pinalis ang mga luha kong ayaw pa rin huminto sa pag-agos. Huminga ako ng malalim at hatak-hatak ang maleta'ng lumabas sa kwarto.
"Ma'am Kleer, s-saan po kayo pupunta? Madilim po ang kalangitan, paniguradong uulan. Delikado po kung aalis kayo," anito, gulat at nag-aalala.
Pinilit kong lunukin ang bukol na bumara sa aking lalamunan upang maayos na makapagsalita. "P-pakisabi po kay Arrex, napirmahan ko na... Pakisabi rin po na patawad–" pumiyok ako kaya hindi ko na natuloy ang nais sabihin.
At... Malaya na siya.
Tumalikod na ako walang lingon-lingong tinahak ang tarangkahan ng mansion. Sinubukan pa akong pigilin at habulin ni Manang Lelia pero masyadong naging mabilis ang pagkilos ko. Mabilis akong naglakad palayo ng village, takot na baka mawala ang lakas ng loob kong magpatuloy.
Kung totoo ang sinabi ni Jamaira na nakausap na niya chairman, wala na ring saysay pa kung pupuntahan ko pa siya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang tanging alam ko lang ay kailangan ko nang magpakalayo-kayo sa mga Lyverigo. Pagod na pagod na akong umiyak. Mahal ko si Arrex pero sobrang sakit na. Gustuhin ko mang magalit pero wala akong karapatan. Ako ang may kasalanan kung bakit ko dinanas ito. Kung sana ay hindi ko pinairal ang puso ko at kung sana'y hindi ako pumayag sa kasal, baka hindi ako kinasusuklaman ni Arrex ngayon at hindi niya sana kailangang mawalay sa babaeng mahal niya at anak nila.
My tears flowed like waterfalls. Halos hindi na ako humihinga para pigilan iyon pero mas lalo lang akong naiyak nang biglang bumuhos ang ulan. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Napahinto ako sa paglalakad, patuloy ang paghikbi.
Sa nanlalabo kong mga mata, napansin ko ang isang kotse na mabilis na paparating. Naestatwa ako. Sa isang iglap, bumagal ang oras. Tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko.
Dito na ba matatapos ang lahat?
Mahigpit kong hinawakan ang tiyan ko. Bago pa man ako makaisip ng gagawin, bumigat ang talukap ng mga mata ko at biglang dumilim ang paligid.
"Are you sure that she's fine? Bakit hindi pa rin siya nagigising?"
"Calm down, Mamita. Baka mamaya ay magising na rin siya."
Bahagyang malabo ang tunog. Hindi pamilyar ang mga boses. Ilang segundo pa ay bigla kong naramdam ang mainit na kamay na humawak sa aking kamay.
I forced my heavy-lidded eyes to open. Medyo masakit ang ulo ko. Nang tuluyan kong naimulat ang aking mga mata, una kong nakita ang puting makinis na kisame. Naningkit ang mga mata ko, nad-a-adjust sa liwanag.
"She's awake," deklara ng isang boses ng lalaki.
"Oh, finally! Thanks God!" boses ng isang babae.
Inikot mo ang paningin ko upang tignan ang mga ito. Isang lalaking nakasuot ng lab gown ang nakapamulsang nakatayo sa gilid ko at nakatingin sa akin. Pagbaba ko ng tingin, isang elaganteng matandang babae ang nakahawak sa kaliwang kamay ko. Kumunot ang noo ko sa pagtataka, inaalala ang nangyari.
Nasaan ako?
Kaagad anong napahawak sa tiyan ko nang maalala ang nangyari. My heart pounded.
"A-ang baby ko?"
Pinilit kong tumayo pero nakaramdam ako ng pagkahilo. Mabilis na tumayo ang ginang at dinaluhan ako.
"Huwag ka munang gumalaw. Your child is fine, huwag kang mag-aalala," nakangiting aniya, tinutulungan akong maupo.
Napabuga ako ng hangin dahil doon. It's a relief. Muling kumunot ang noo ko at kabado silang tinignang mabuti. Kahit may edad na ay bakas na bakas ang kagandahan ng ginang at sumisigaw ng karangyaan ang suot niyang mga alahas. At ang lalaki naman, tingin ko ay matanda lang ng ilang taon sa akin. May nakasabit na stethoscope sa kaniyang leeg.
"S-sino ho kayo?" tanong ko, nag-aalinlangan.
Nagkatinginan silang dalawa. Nakita kong tumango ang lalaki, binalik ng ginang ang tingin niya sa akin at kitang-kita ang pag-aalinlangan sa kaniyang mukha.
"I don't want to make you shock but, I'm Helena Solarez and... I'm your grandmother."
Halos hindi ako makahinga sa bigat ng tanong niya. Napalunok ako, pilit na pinipigilan ang kaba sa dibdib ko."I adjusted the time already but you're still late? Gano'n ba talaga kahalaga sa'yo ang love life mo para ma-late ng almost 40 minutes?" may bahid na panunuya at panghuhusgang aniya.I gasped.Bakit ba iniisip niya na love life ang pinagkakaabalahan ko? For pete's sake, it's her daughter! Sabagay wala nga pala siyang alam. I silently calmed myself. Hindi ako pwedeng makipagtalo sa kaniya. Useless din naman. I set aside my frustrations. Kailangan kong tapusin na agad itong meeting nang makauwi na ako kay Rovie.Observing his looks, masasabi kong medyo tinamaan na siya ng alak.Hindi ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang ganito. Noon pa man, mabilis na siyang malasing. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit siya uminom gayong may meetin
The MeetingPagkatapos ko pag-isipan nang mabuti ang dapat kong gawin bumalik ako sa kwarto ni Rovie. Kakausapin ko si Mamita, I had no choice but to prepare for the meeting later. Hindi ko maiwasang mapaisip, how could he be so mean and cold to me? Samantalang kay Jamaira napakalambot niya na nagagawa na siya nitong lokohin. Naabutan ko si Mamita na hinahaplos ang buhok ni Rovie na nakatulog na ulit. A soft smile on her face and I felt a little relieved. I walked over and stand beside her."Mamita," panimula ko, mahina lang para hindi maistorbo sa pagtulog si Rovie."Ano 'yon, apo? Sino ang tumawag?"Nagdadalawang isip pa ako pero sa huli ay napabuntong-hininga na lang. "Si Arrex po, he scheduled a meeting at 6 pm later," I started, trying to keep my voice calm, though I could feel my heart racing. "If I don't attend, it will be over. The proposal will be rejected."Mamita turned to me, her eyes filled with wisdom and understanding. She sighed deeply, as if contemplating what I ha
It's Arrex.Nilingon ako ni Mamita at Rovie. Tinago ko ang pagkagulat sa isang ngiti at minuwestra ang cellphone ko para ipaalam na may kakausapin lang ako sabay labas ng kwarto. I walked to the staircase far from Rovie's bed and Mamita.The silence from the other line only made my chest tighten. Paano niya nakuha ang number ko? At bakit siya napatawag? Humugot ako ng malalim na hininga para isantabi ang mga tanong sa aking isipan. "What do you want?" I asked, keeping my voice as steady as I could."Let’s talk about your business proposal," he replied smoothly, kasing lamig pa rin ng yelo ang boses. "Schedule a meeting at 2 PM."I gasped softly. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. It was already 1:47 PM! I hadn’t expected this, especially not today when Rovie is sick.Kakausap lang namin kahapon tungkol sa business proposal, a? Bakit? Is he going to reject the proposal now? Kumabog ang dibdib ko sa naisip. Sana hindi.Sandali akong natahimik para mag-isip ng magandang isasagot. Ni
Buo na ang desisyon ko. I knew it was a gamble, but I couldn’t just sit idly by while Jamaira manipulated Arrex further. Kailangan ko siyang iligtas sa sarili niyang bulag na pagmamahal para sa babaeng iyon. The first step was simple, get closer to Arrex. The rest? Bahala na. But I knew one thing for sure, hindi ako papayag na hindi mabunyag at maparusahan si Jamaira.Madalim na ang kalangitan nang makauwi ako sa mansion. Sinabi ni Manang Edna na masyadong napagod ang maglola kaya nakatulog na si Rovie at si Mamita naman ay binabantayan ito. Dumiretso na ako sa kwarto namin ni Rovie at nakitang mahimbing na nga ang kaniyang pagtulog. Sa tabi niya ay si Mamita na may hawak na libro. Kaagad siyang ngumiti nang makita ako at maingat na umalis sa kama. Binaba ko ang mga gamit ko at kaagad ding ngumiti upang maisantabi muna ang ibang iniisip. "Good evening, Mamita. Maagang nakatulog si Rovie?" tanong ko pagkatapos bumeso. "Nag-enjoy siya masyado sa pag-p-paint kaya napagod at mabilis
Pilit kong pinakalma ang sarili habang tumatakbo ang kotse pa-opisina. My thoughts were spinning, and the weight of everything I had learned felt like a storm brewing inside me. Napakamanloloko ni Jamaira! Tumintindi pa lalo ang nararamdaman kong poot para sa kaniya. Pinikit ko ang mga mata ko, trying to steady my breathing. Jamaira had lied to him, and not just lied– she had manipulated him to the point na ipinaniwala niyang may anak sila. At ako, tinatago ang totoong anak ni Arrex. This was bigger than I could’ve ever imagined, and one wrong move could put us all in danger. Pagbukas ng pinto ng opisina ko, halos ibagsak ko ang sarili sa swivel chair. Nanginginig pa ang mga kamay kong hinawakan ang mga dokumentong nilapag ko sa mesa, tila biglang lumamig ang paligid kahit tirik ang araw sa labas. Sumasakit ang sintido ko sa bigat ng mga iniisip. Kailangan kong pag-isipan nang mabuti ang bawat galaw ko. One wrong move, and this could all spiral out of control.Ibinagsak ko ang l
Pagkalabas ko ng lobby, my car was already waiting for me. Tumunog ang aking cellphone. It was Angela again, sending me the address of her brother’s firm and his name. I replied with a confirmation and quickly slid into the backseat, nodding at my driver to get going."Dito po tayo, Manong," utos ko habang pinapakita ang address na naka-flash sa screen ng aking cellphone. Ilang minuto lang ay narating na namin ang address na ibinigay ni Angela. The building was an old but well-kept structure, tucked away in a quiet part of the city. Napansin ko agad ang discreet na signage na may nakalagay na "MTR Private Investigations."I straightened my posture as the car stopped in front of the entrance.“Ma’am, nandito na po tayo,” sabi ng driver."Salamat po, pakihintay na lang po ako sa parking lot."I stepped out, clutching my bag tighter. This is it. Time to get some answers.Pagpasok ko sa loob ng building, I was greeted by the receptionist, with a polite smile on her face. “Good afternoon,