Buong gabi, wala akong ginawa kundi umiyak. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ngayong gusto ni Arrex ng divorce at sinabi niyang pinagsisisihan niya ang nangyari sa amin, mas lalo niyang hindi matatanggap ang magiging anak namin kapag nalaman niya ang tungkol dito. Iniisip ko pa lang na kamumuhian niya rin ang anak namin ay parang binibiyak na ang puso ko sa sakit.
Magkabukod kami ng kwarto ni Arrex. Ayaw niya akong makasama sa iisang kwarto at ngayon lang ako natuwa sa bagay na iyon dahil hindi niya makikita ang pagtangis ko. Hawak ang tiyan ko, napatingin ako sa picture namin ni Mama na nakapatong sa lamesa sa gilid ng aking kama. Wala pang isang taon nang ikasal kami ni Arrex ay pumanaw siya. Galit din siya kay Mama dahil iniisip niyang totoo ang mga sinasabi ng mga maid noon kaya tanging ang chairman lang ang kasama kong magluksa kay Mama.
Ang hindi alam ni Arrex, Hindi tinanggap ni Mama ang hacienda. Pumayag lang daw siyang ipakasal ako dahil malaki ang utang na loob namin kay Chairman at alam niya na ring may taning ang buhay niya kaya kung maikakasal ako ay hindi na ako maiiwang mag-isa sa buhay. Tinanggihan ko rin ang alok ni Chairman na bigyan ako ng share sa kumpanya. Tanging ang gusto ko lang ay makasama si Arrex.
Kapag sinabi ko kaya sa kaniya ang bagay na iyon, magbago kaya ang desisyon niya?
Mariin akong napapikit at umiling. Imposible. Sa tigas ng puso ni Arrex, kahit anong sabihin ko ay hindi na magbabago ang tingin niya sa akin. Isa lang akong hamak na bayaran... na sumira sa buhay niya.
Sa sobrang pagod sa pag iyak ay nakatulog ako. Katok sa pintuan ang gumising sa akin kinabukasan. It was Manang Lelia calling me for breakfast. Nanlalata akong bumangon. Pakiramdam ko ay lalagnatin ako. Mugtong-mugto ang mga mata ko kaya natagalan ako bago ako nakalabas ng kwarto.
Maagang pumapasok sa trabaho si Arrex kaya hindi na ako nagtaka nang pagkababa ko sa dining area ay nakaalis na siya. Bagsak-balikat akong naupo sa hapag. Wala man akong gana pero kailangan kong kumain para sa baby ko. Napagdesisyunan ko rin kagabi na pupuntahan ko si Chairman ngayon. Kakausapin ko siya. Ayokong gumawa ng desisyon nang hindi kinukompronta sa kaniya.
"Ma'am Kleer." Lumapit si Manang Lelia sa akin. "Binilin po ni Sir na huwag niyo raw po kalimutang pirmahan iyong pinapipirmahan niya. Matutuwa raw ho siya kung pag-uwi niya galing Germany ay pirmado na iyon."
Napalunok ako. Pumunta siyang Germany?
"K-kailan daw po ang uwi niya?" tanong ko sa maliit na boses. Nanghihina talaga ang buo kong katawan.
Nagtaka ang mukha ni Manang Lelia. "Wala pong nabanggit, hindi niya po ba nasabi sa inyo?"
Umiling ako at nagpilit ng ngiti. "Baka nakaligtaan lang po," pagsisinungaling ko.
Sa loob ng dalawang taong pagsasama namin, kahit kailan ay hindi nagsabi sa akin si Arrex ng mga plano niya. Literal na nagsasama lang kami sa iisang bubong at hanggang doon lang iyon.
"Baka nga po, madaling araw din po kasi umalis. Nandoon po sa sala iyong envelope. Mukha po kayong matamlay, mas mabuti po sigurong mapahinga kayo pagkatapos, Ma'am," anito sa nag-aalalang boses. Tumango na lang ako at ngumiti.
Si Manang Lelia lang ang kasambahay namin. Kasing edad lang niya si Mama. Sinabi ko sa kaniya dati na huwag na akong tawaging "Ma'am" pero utos daw iyon ni Chairman kaya kailangang sundin. Gusto ko ring tumulong sa gawaing bahay pero ayaw din niya akong payagan.
Kung ano ang dahilan ng pagiging mabait masyado sa akin ni Chairman ay hindi ko rin alam. Minsan ko na siyang tinanong kung bakit sa dinami-rami ng babae ay ako pa ang pinakasal niya kay Arrex, ang sagot lang niya ay alam daw niyang mapapabuti si Arrex kapag sa akin kinasal at apo na rin naman daw ang turing niya sa akin kaya bakit hindi pa totohanin.
Gustong-gusto ko nang makausap si Chairman kaya pinilit kong bilisan ang pagkain. Pagkatapos ay dali-dali akong naligo at nag-ayos. I'm confident that the Chairman won't despise his great-grandchild. Tuwing bumibisita siya rito ay lagi niyang kinakamusta ang pagsasama namin ni Arrex. Lagi kong sinasabing maayos kahit hindi naman. Noong minsan pang dumalaw siya, habang nagtatanghalian kami ay nabanggit niyang gusto na niya ng apo sa tuhod. Bakas ang pagkairita sa mukha ni Arrex noon, bigla niyang tinapos ang pagkain niya dahil nawalan daw siya ng gana. Natihimik si Chairman noon at sinabing kakausapin niya si Arrex.
Si Chairman lang talaga ang dahilan kung bakit nakatagal si Arrex sa makasama ako sa loob ng dalawang taon. Isang tanikala para sa kaniya ang pagsasama namin kaya hindi na ako magtataka kung gusto na niya ng divorce...
Nang matapos ako mag ayos ay bumaba na ako at dumiretso sa sala. I just wore a simple dress and flat shoes. Kaagad kong nakita ang envelope. I bit my lip and it took a second before I could swallow my bitterness and took it.
Ipapakita ko iyon sa Chairman. Sigurado rin akong tututol siya roon pero gaya ng sabi ni Arrex kahit ang chairman ay wala na ring magagawa kaya kailangan ko lang ng payo ni Chairman. Alam ko ang pakiramdam ng lumaking walang ama at ayokong mangyari sa anak ko iyon. Baka magawaan pa ng paraan na hindi matuloy ang divorce...baka kaya pang lumambot ng puso ni Arrex.
May parte pa rin sa akin na umaasang baka pwede pa akong mahalin ni Arrex— o kahit ang anak na lang namin. Pero tuluyang gumuho ang pag-asa ko nang pagbukas ko ng pintuan...bumungad doon ang isang pamilyar na babae na may hawak na stroller sa kaniyang tabi.
Nalaglag ang panga ko at bahagyang napaatras. May malawak na ngisi sa kaniyang labi. Nakasuot siya ng kulay pulang turtle neck bodycon dress na nagpatingkad sa makinis niyang balat. Naka-bun ang buhok niya kaya kitang-kita ang perpektong hugis ng mukha niya. Taon na rin ang lumipas, pero hindi ako maaaring magkamali sa pagkakakilanlan niya...
Bakit siya nandito?
"Kleer, right? I'm Jamaira Lee," pakilala niya sa malambing ngunit malamig na boses.
Siya nga, tama ako.
Para akong napako sa kinatatayuan ko. "I'm pretty sure that you know me." Naglahad siya ng kamay, ang ngisi niya ay nanunuya.
Napalunok ako at naikuyom ko ang mga kamao ko para pigilan ang panginginig ng mga kamay ko. In front of me was Jamaira Lee... Arrex's greatest love. Bukambibig ni Arrex ang pangalan niya kaya hinding-hindi ko siya makakalimutan. Tandang-tanda ko pa rin kung paano niya sinampal nang malakas si Arrex at tinapos ang lahat sa kanila noong araw na i-announce ni Chairman ang kasal.
"A-anong sadya mo?" tanong ko nang makabawi sa pagkabigla.
Mas lalong lumawak ang ngisi niya, halos abot-tainga. "Oh! About that, wait," aniya, sabay bukas ng takip ng stroller. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang isang batang lalaki na binuhat niya mula roon. Sa tingin ko'y nasa dalawa o tatlong taong gulang lamang ito.
Biglang gumapang ang kaba sa sistema ko, parang hinigpitan ang dibdib ko. Isang kutob ang naramdaman ko.
Don't tell me...
"This is Alex..." Hinarap niya sa akin ang bata, ang mga mata nito'y inosente at walang muwang.
"Arrex's son."
For a split second, akala ko guni-guni ko lang. Parang multo lang siya na lumitaw sa gitna ng bangungot ko. Dahil sa lahat ng tao, siya ang huling aasahan kong makita roon. But no—he was there. Real. His broad frame filled the doorway, the dim light catching the sharp angles of his face. His eyes narrowed the moment they landed on me, then his lips curled in frustration.“D*mn it, Kleer,” he muttered under his breath, voice rough, parang pinipigilan ang mas malakas pang mura.I didn’t know if it was anger, exhaustion, or something else buried beneath his tone, pero ramdam ko ang tensyon. He stepped inside, shoulders stiff, his gaze heavy on me, at kasabay no’n, unti-unting nagsara ang pinto, sealing us inside the cramped metal box.My chest constricted. Hindi ako makapagsalita. Ang takot at panic ko ay napalitan ng gulat dahil sa kaniya. Mas rumahas pa lalo ang tibok ng puso ko pero hindi ko na alam kung dahil pa ba 'yon sa trauma ko o dahil na sa kaniya. Every thud echoed painfully
Sandali akong naestatwa sa aking kinatatayuan. Ronnilaine.It slipped from his lips so effortlessly, yet it struck me like a thousand needles. Siya lang ang tumatawag sa akin sa pangalang 'yon. No one else. Everyone calls me Kleer. Everyone… except him.And this was only the second time I’d ever heard him say my second name. The first was that night. The night something happened between us—something I swore I’d lock away in the darkest corners of my memory. A night I could never erase, no matter how hard I tried. A night where Rovie was conceived... A night he claimed he regretted.I bit my lower lip, tasting the faint metallic tang where my teeth pressed too hard. Parang sinadya niyang sambitin ang pangalan para ipaalala kung gaano niya akong kayang wasakin sa pinakamadali at pinakamasakit na paraan. Every syllable sounded like mockery, like he was spitting out a piece of my soul I once gave him, only to crush it right in front of me.Ramdam na ramdam ko na ang luha ko, kaonti na lan
Halos hindi ako makahinga sa bigat ng tanong niya. Napalunok ako, pilit na pinipigilan ang kaba sa dibdib ko."I adjusted the time already but you're still late? Gano'n ba talaga kahalaga sa'yo ang love life mo para ma-late ng almost 40 minutes?" may bahid na panunuya at panghuhusgang aniya.I gasped.Bakit ba iniisip niya na love life ang pinagkakaabalahan ko? For pete's sake, it's her daughter! Sabagay wala nga pala siyang alam. I silently calmed myself. Hindi ako pwedeng makipagtalo sa kaniya. Useless din naman. I set aside my frustrations. Kailangan kong tapusin na agad itong meeting nang makauwi na ako kay Rovie.Observing his looks, masasabi kong medyo tinamaan na siya ng alak.Hindi ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang ganito. Noon pa man, mabilis na siyang malasing. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit siya uminom gayong may meetin
The MeetingPagkatapos ko pag-isipan nang mabuti ang dapat kong gawin bumalik ako sa kwarto ni Rovie. Kakausapin ko si Mamita, I had no choice but to prepare for the meeting later. Hindi ko maiwasang mapaisip, how could he be so mean and cold to me? Samantalang kay Jamaira napakalambot niya na nagagawa na siya nitong lokohin. Naabutan ko si Mamita na hinahaplos ang buhok ni Rovie na nakatulog na ulit. A soft smile on her face and I felt a little relieved. I walked over and stand beside her."Mamita," panimula ko, mahina lang para hindi maistorbo sa pagtulog si Rovie."Ano 'yon, apo? Sino ang tumawag?"Nagdadalawang isip pa ako pero sa huli ay napabuntong-hininga na lang. "Si Arrex po, he scheduled a meeting at 6 pm later," I started, trying to keep my voice calm, though I could feel my heart racing. "If I don't attend, it will be over. The proposal will be rejected."Mamita turned to me, her eyes filled with wisdom and understanding. She sighed deeply, as if contemplating what I ha
It's Arrex.Nilingon ako ni Mamita at Rovie. Tinago ko ang pagkagulat sa isang ngiti at minuwestra ang cellphone ko para ipaalam na may kakausapin lang ako sabay labas ng kwarto. I walked to the staircase far from Rovie's bed and Mamita.The silence from the other line only made my chest tighten. Paano niya nakuha ang number ko? At bakit siya napatawag? Humugot ako ng malalim na hininga para isantabi ang mga tanong sa aking isipan. "What do you want?" I asked, keeping my voice as steady as I could."Let’s talk about your business proposal," he replied smoothly, kasing lamig pa rin ng yelo ang boses. "Schedule a meeting at 2 PM."I gasped softly. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. It was already 1:47 PM! I hadn’t expected this, especially not today when Rovie is sick.Kakausap lang namin kahapon tungkol sa business proposal, a? Bakit? Is he going to reject the proposal now? Kumabog ang dibdib ko sa naisip. Sana hindi.Sandali akong natahimik para mag-isip ng magandang isasagot. Ni
Buo na ang desisyon ko. I knew it was a gamble, but I couldn’t just sit idly by while Jamaira manipulated Arrex further. Kailangan ko siyang iligtas sa sarili niyang bulag na pagmamahal para sa babaeng iyon. The first step was simple, get closer to Arrex. The rest? Bahala na. But I knew one thing for sure, hindi ako papayag na hindi mabunyag at maparusahan si Jamaira.Madalim na ang kalangitan nang makauwi ako sa mansion. Sinabi ni Manang Edna na masyadong napagod ang maglola kaya nakatulog na si Rovie at si Mamita naman ay binabantayan ito. Dumiretso na ako sa kwarto namin ni Rovie at nakitang mahimbing na nga ang kaniyang pagtulog. Sa tabi niya ay si Mamita na may hawak na libro. Kaagad siyang ngumiti nang makita ako at maingat na umalis sa kama. Binaba ko ang mga gamit ko at kaagad ding ngumiti upang maisantabi muna ang ibang iniisip. "Good evening, Mamita. Maagang nakatulog si Rovie?" tanong ko pagkatapos bumeso. "Nag-enjoy siya masyado sa pag-p-paint kaya napagod at mabilis