Chapter: Chapter 3Chantal's POV)Halos magyelo ang buong katawan ko sa sobrang lamig ng aircon sa loob ng sasakyan ni Alfonso. Nakayakap ako sa sarili ko habang nakatingin sa bintana, pinapanood ang mabilis na pagdaan ng mga ilaw sa kalsada. Basang-basa pa rin ang bestida ko at nanginginig ang panga ko, pero pilit kong pinipigilan ang pagngangalit ng mga ngipin ko. Ayokong magmukhang kawawa sa harap niya. Nakapirma na ako sa kontrata ng paghihiganti nang sumakay ako sa kotse na ito, at hindi na ako puwedeng umatras.Narinig ko ang pagkaluskos sa tabi ko. Biglang may tumabing na makapal at mabangong tela sa balikat ko. Napalingon ako at nakita ang mamahaling suit jacket ni Alfonso na nakabalot na sa akin. Amoy mamahaling pabango at matapang na kape."Don't get the wrong idea," malamig niyang sabi habang nakatingin pa rin sa hawak niyang tablet. "I just don't want you getting sick on your first day. Sino na lang ang maglilinis ng penthouse ko kung mamamatay ka sa pulmonya?"Napakagat ako sa labi ko at ma
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-11-21
Chapter: Chapter 2Alfonso's POV)Pinapanood ko siya mula sa likod ng heavily tinted glass ng sasakyan ko. Basang-basa siya ng ulan, nanginginig ang buong katawan, at nakayuko habang nakaharang sa harapan ng kotse ko. Kahit nakatalikod o nakayuko, kahit ilang taon pa ang lumipas, kilalang-kilala ko ang hugis ng katawan niya.Si Chantal. Ang babaeng nagparamdam sa akin kung gaano kasakit at kahirap ang maging mahirap.Kaninang umaga pa lang, eksaktong alas-otso nang mag-report ang executive secretary ko sa opisina para sabihing nasa lobby siya. Buong araw akong hindi mapakali sa executive suite ko. Kahit may mahalaga kaming board meeting kasama ang mga foreign investors, lumilipad ang isip ko. Ilang beses akong tumayo sa tapat ng floor-to-ceiling glass window ng opisina ko sa fiftieth floor para tingnan siya mula sa itaas. Nakita ko kung paano siya umupo sa gilid ng entrance. Nakita ko kung paano siya naghintay nang walang kain, walang tubig, at walang pahinga sa ilalim ng matinding sikat ng araw hanggan
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-11-21
Chapter: Chapter 1Hinding-hindi ko malilimutan ang amoy ng mamahaling pabango na kumapit sa sofa namin nang gabing iyon. Dahil hindi iyon sa akin. Masyadong matapang, masyadong matamis, at sigurado akong galing iyon sa babaeng nakaupo ngayon sa kandungan ng asawa ko.Nakatayo lang ako sa bungad ng sala, mahigpit ang hawak sa laylayan ng simple kong bestida. Dalawang taon. Dalawang buong taon akong nagbulag-bulagan sa lahat ng kalokohan ni Gideon. Kinaya ko ang malamig niyang pakikitungo tuwing uuwi siya nang madaling-araw. Tiniis ko ang mga bulung-bulungan at mapang-uyam na tingin ng mga amiga niya tuwing may party kaming dinadaluhan. Pinilit kong intindihin ang mga gabing hindi siya umuuwi dahil daw sa trabaho, kahit alam kong nasa ibang kama siya. Pero ang dalhin ang kabit niya dito mismo sa pamamahay namin? Ibang usapan na iyon."Gideon," tawag ko, pilit na pinapatatag ang boses ko kahit nanginginig na ang buong katawan ko sa pinaghalong galit at sakit.Sabay silang lumingon sa direksyon ko. Ni hind
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-11-21

After Divorce: I am now Mrs. Villareal
Apat na taon siyang nagtiis. Isang gabi lang ang kailangan para tuluyan siyang
magising.
Sa mismong wedding anniversary nila, itinapon si Hiraya na parang basura ng
asawang si Gabriel Buenaventura matapos nitong makuha ang mana—at matapos
siyang pagtaksilan sa sarili nilang kama. Pero hindi lang dignidad ang nawala kay
Hiraya nang gabing iyon. Kasabay ng paglisan niya sa bahay na iyon, nawala rin ang
sanggol na hindi pa man niya alam na nabubuo na sa sinapupunan niya.
Basang-basa sa ulan, sugatan, at walang-wala nang lisanin niya ang lahat.
Pero sa paglabas niya sa kalsada, isang lalaki ang naghihintay sa kaniya sa dilim. Si
Rafael Villareal—isang mayaman at mailap na negosyanteng nangangailangan ng
substitute bride kinabukasan. Isang kasal sa papel na magbibigay kay Hiraya ng lakas
para lumaban, pero magdadala rin sa kaniya sa isang lihim na sampung taon nang
tinatago ng nakaraan.
Sa muling pagbabalik ni Hiraya gamit ang tunay niyang pangalan, isa-isang sisingilin
niya ang mga nanakit sa kaniya. Pero sa pagitan ng dating asawang gustong bawiin
ang sinayang niya, at ng bagong asawang hindi niya alam kung ano ang totoong motibo
—kanino nga ba siya dapat magtiwala?
อ่าน
Chapter: Chapter 3Panay ang hawak ko sa tagiliran ko habang marahang hinihila ang isang maleta na naglalaman ng mga personal kong gamit—ilang damit, cellphone, at mga mahahalagang dokumento. Ang tanging dinala ko lang ay ang mga bagay na binili ko mula sa sarili kong sikap at ipon bilang isang artisan pastry chef.Lilisanin ko na ang impyernong ito. Iiwan ko na ang lahat ng bagay na galing sa asawa ko at sa pamilya niya—kasama na roon ang boutique café na ipinundar para sa akin ni Lolo Arturo. Mabigat man sa loob ko dahil pinaghirapan kong palaguin iyon, buo na ang desisyon ko. Mas lalong sumasama ang pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko ang mukha ni Gabriel—hindi, ex-husband ko na, dahil pinirmahan ko na ang annulment papers matapos ko siyang mahuli sa kama kasama si Camille. At sa mismong araw ding iyon, nawala ang sanggol na nabubuo pa lang sa sinapupunan ko.Ayoko sanang isisi nang buo kay Gabriel ang pagkawala ng baby namin. Pareho naming hindi alam na buntis ako, at aminado akong nagpabaya rin ako
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-11-21
Chapter: Chapter 2Halos mapugto ang hininga ko sa paghagulgol sa sinabi ng sarili kong asawa. Hindi ko lubos maisip na ang bangungot na naranasan ng mama ko noon ay mauulit sa akin ngayon—ang pagtaksilan ng lalaking pinagkatiwalaan ko ng buong buhay ko.Alam kong malamig ang pakikitungo sa akin ni Gabriel, pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na lolokohin niya ako nang ganito. At ngayon, harap-harapan niya akong pinapalayas at pinapapirma sa annulment papers."Ano'ng gulo 'to?! Bakit nagsisigawan kayo?!" mataas ang boses na tanong ni Donya Imelda pagpasok niya sa kuwarto.Dinig na dinig na sa buong villa ang sigawan namin kaya walang sinayang na oras ang Donya at inalam kung ano ang nangyayari. Bumungad sa kaniya si Gabriel na nakatapis lang ng tuwalya at nagmamadaling isinusuot ang polo niya, habang ang babaeng kasiping niya ay nagtatago pa rin sa likod ng makapal na kumot."What is the meaning of this, Gabriel?""Sorry, Ma, wala 'to. Maliit na bagay lang.""Wala?! Eh, ganiyang nakahubad ka riyan
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-11-21
Chapter: Chapter 1Engrande ang selebrasyong ginanap sa private luxury villa ng pamilya Buenaventura sa Batangas—ito ay para sa ika-apat na wedding anniversary namin ni Gabriel. Halos lahat ng bigating business partners ng mayamang angkan ay imbitado, dumating din ang mga malalayong kamag-anak nila, at ilang piling kaibigan ni Gabriel.Sa kabilang banda, napipilitan lang akong makihalubilo sa mga bisitang ni hindi ko kilala. Paano ba naman, wala man lang ni isang bisita galing sa panig ko—iyon ang mahigpit na utos ni Gabriel. Sa paningin nila, ulilang lubos na ako at walang maipagmamalaking pamilya, gaya na lang noong kasal namin kung saan napilitan pa akong umupa ng mga taong magpapanggap na magulang ko para lang may maghatid sa akin sa altar—isang sikretong hindi alam ng mapagmataas kong biyenan na si Donya Imelda.Nang makatakas ako mula sa halos sampung minutong pakikipag-usap sa isang mag-asawang negosyante, dumiretso ako sa loob ng main villa para maghanap ng ibang maiinom. Umay na umay na ako sa
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-11-21