เข้าสู่ระบบHalos mapugto ang hininga ko sa paghagulgol sa sinabi ng sarili kong asawa. Hindi ko lubos maisip na ang bangungot na naranasan ng mama ko noon ay mauulit sa akin ngayon—ang pagtaksilan ng lalaking pinagkatiwalaan ko ng buong buhay ko.
Alam kong malamig ang pakikitungo sa akin ni Gabriel, pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na lolokohin niya ako nang ganito. At ngayon, harap-harapan niya akong pinapalayas at pinapapirma sa annulment papers. "Ano'ng gulo 'to?! Bakit nagsisigawan kayo?!" mataas ang boses na tanong ni Donya Imelda pagpasok niya sa kuwarto. Dinig na dinig na sa buong villa ang sigawan namin kaya walang sinayang na oras ang Donya at inalam kung ano ang nangyayari. Bumungad sa kaniya si Gabriel na nakatapis lang ng tuwalya at nagmamadaling isinusuot ang polo niya, habang ang babaeng kasiping niya ay nagtatago pa rin sa likod ng makapal na kumot. "What is the meaning of this, Gabriel?" "Sorry, Ma, wala 'to. Maliit na bagay lang." "Wala?! Eh, ganiyang n*******d ka riyan? At sino naman 'yang babaeng iniuwi mo rito, ha?!" nakataas ang isang kilay na tanong niya sa anak, bago bumaling sa akin. Marahas niyang sinundot ang binti ko gamit ang dulo ng kaniyang tungkod—iyon ang nakakadiring paraan niya para sitahin ako. "At ano'ng ginagawa mo rito, babae?! Sinong nagsabi sa'yong puwede ka nang umahon sa pool, ha?!" may halong galit at pagtataka sa boses ng Donya, pero hindi ko na halos maintindihan ang sinasabi niya. Masyadong malayo ang isip ko at naninikip ang dibdib ko sa sakit. "Hiraya!" bulyaw ni Gabriel. Ang sigaw lang pala niya ang magpapabalik sa akin sa ulirat, pero hindi pa rin mapigilan ang pagbuhos ng luha sa pisngi ko. Sirang-sira ang dignidad ko habang siya, napakataas pa rin ng tingin sa sarili. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano niya inalalayan ang kabit niya—halos siya pa ang magbihis sa malanding babaeng iyon. "Ano pang itinutunganga mo riyan?! Manonood ka pa ba ng palabas ng asawa mo?!" tiningnan ako ni Donya Imelda mula ulo hanggang paa na parang isa akong basahan. "Hayaan niyo na 'yan, Ma. Ito na ang huling araw niya rito. Nakahanda na ang annulment papers namin," walang kaabog-abog na anunsyo ni Gabriel. "Oh, really? Well, that's the best news I've heard all year! Mukhang kailangan nating magpa-party ulit!" Sumulpot na rin sa pintuan si Veronica, nakangisi habang pinapanood ang pagbagsak ko. Nanatili akong tahimik, pero sa loob-loob ko ay may namumuong galit na malapit nang sumabog. Pasimple kong naikuyom ang palad ko, mahigpit ang hawak sa brown envelope na ibinato niya sa akin kanina. "Paano ba 'yan, Hiraya? Babalik ka na sa kalyeng pinagpulutan sa'yo ng kapatid ko! Tama lang 'yan, dahil kahit kailan, hindi ka naging bagay sa pamilyang 'to." Marahas akong itinulak ni Veronica kaya bumalibag ang likod ko sa pader. Hindi ako gumanti. Nakayuko lang ako at pilit pinapakalma ang nanginginig kong katawan. Nilalamon na ako ng matinding lungkot at anxiety, parang nawalan na ako ng lakas para lumaban. Ilang beses nag-ring ang cellphone ko sa bulsa ng basa kong robe, pero hindi ko iyon pinansin. Hindi ko alam na ang nasa kabilang linya ay si Rafael Villareal na—ang bilyonaryong naghahanap sa akin para gawing substitute bride. Ilang segundo pa ang lumipas, unti-unting nawala ang pamamanhid ng katawan ko. Nagawa kong ihakbang ang mga paa ko. Buo na ang desisyon kong umalis sa impyernong ito. Pero bago ako umalis, gusto ko munang makita ang mukha ng kabit ni Gabriel. Gusto kong itatak sa isip ko ang pagmumukha niya para balang araw ay makaganti ako. "Aalis ako. Pipirmahan ko ang annulment na gusto mo sa isang kondisyon, Gabriel," malamig kong sabi. "Iharap mo sa akin ang babaeng 'yan." "What?! Naririnig mo ba ang sarili mo?! Wala kang karapatang magbigay ng kondisyon sa akin!" galit na bulyaw ni Gabriel. Nakatitig siya sa mga mata ko nang walang bahid ng awa. Simula pa lang ay ginamit lang pala niya ako para makuha ang mana niya sa lolo niya. "Bakit hindi mo maipakita ang kabit mo? Gano'n mo ba siya pinoprotektahan?! Gusto ko lang makilala kung sino ang sumira sa pamilya ko!" Maging si Donya Imelda ay natigilan sa tapang ng boses ko. "Aba't—" Akmang susugurin at sasampalin na ako ni Gabriel nang bigla siyang pigilan ng babae sa likuran niya. Sumenyas ang babae na hayaan na akong makita siya. Mataas ang kumpiyansa sa sarili ng babae. Matapos mag-ayos ng damit ay taas-noo siyang humarap sa akin. Nakangisi siya. Siya si Camille Legazpi—ang ikalawang anak ng mayamang pamilya Legazpi na nagmamay-ari ng pinakamalaking textile at fashion empire sa bansa. Maganda siya, balingkinitan, at sopistikada... pero kilalang-kilala ko ang mapagkunwari niyang ngiti. "Camille, hindi mo kailangang gawin 'to," pagpigil pa ni Gabriel. Hindi sumagot si Camille, kumapit lang siya sa braso ni Gabriel na parang ipinagmamalaki na pagmamay-ari na niya ang asawa ko. "I-ikaw?!" nanlaki ang mga mata ko nang makilala siya. Si Camille—ang half-sister ko na naging dahilan kung bakit ako pinalayas ng sarili kong ama limang taon na ang nakalipas! "Nice seeing you again, Ate Hiraya. Sorry kung sa ganitong paraan tayo nagkita ulit... pero ang sarap palang agawin ng kung ano'ng meron ka," nakangising sabi niya, puno ng pang-iinsulto ang boses. "A-ang kapal ng mukha mo!" dumagundong ang sigaw ko sa buong kuwarto. Sinugod ko siya, pilit inaabot ang buhok niya para kalbuhin, pero agad akong hinawakan ni Gabriel sa baywang at marahas na inilayo. "Walang hiya ka! Inagaw mo na ang pamilya ko noon, pati ba naman ang asawa ko ngayon?!" nagpupumiglas ako habang hawak-hawak ni Gabriel. Mas pinoprotektahan niya ang kabit niya kaysa sa akin! "Hiraya, stop it!" "Bitawan mo ako, Gabriel! Papatayin ko 'yang ahas na 'yan!" "I said stop, Hiraya! STOP!" Buong lakas akong kinaladkad ni Gabriel palabas ng kuwarto hanggang sa pababa ng grand staircase ng villa. Wala siyang pakialam sa pag-iyak at pagsigaw ko. Para sa kaniya, mas mahalaga ang bilyon-bilyong investment na ipapasok ng pamilya Legazpi sa kumpanya nila kaysa sa babaeng nagmahal sa kaniya nang tapat. "Damn it, ang ingay-ingay mo!" Isang malakas na tulak ang ginawa niya kaya bumagsak ako sa malamig na marmol na sahig sa ibaba ng hagdan. "Walang hiya ka, Gabriel! Napakasama mo!" Pinilit kong tumayo at pinagbabayo ang dibdib niya sa sobrang poot. Wala na akong ibang nararamdaman kundi matinding pagkamuhi. "Sana hindi na lang kita nakilala! Kinasusuklaman kita! Hindi ko kayo mapapatawad!" Hinawi ko ang lahat ng madaanan ng kamay ko—mga mamahaling vase, displays, at ang malaking wedding picture namin na nakapatong sa side table. Nababasag ang mga salamin kasabay ng pagkabasag ng puso ko. "I hate you!" sigaw ko habang dinuduro siya. Pinagtulungan na akong kaladkarin palabas ng main door nina Veronica at ng ilang bodyguards. Mahigpit ang hawak nila sa magkabilang braso ko, pilit akong itinatapon palabas ng villa na parang isang kriminal. Hindi na ako nanlaban. Gusto ko na ring umalis. Pero bago pa ako tuluyang makalabas ng p***o, bigla akong nakaramdam ng matinding kirot sa puson ko. Parang sinuntok ang tiyan ko sa sobrang sakit. Biglang nanghina at namanhid ang mga tuhod ko kaya napaluhod ako sa sahig. Binitiwan ako ng mga tauhan ni Veronica, gulat na gulat sa biglaang pamimilipit ko sa sakit. Maging si Gabriel na kanina ay galit na galit ay napatigil at lumapit. "Ano'ng nangyayari sa kaniya?" tanong niya mula sa likuran ni Veronica. "I don't know, and I don't care! Nag-iinarte lang 'yan para maawa ka," iritableng sagot ni Veronica. "Arrghhh..." daing ko habang sapo ang tiyan ko. Nanginginig ang buong katawan ko sa sakit at lamig. Napakunot ang noo ni Gabriel at lumuhod sa harapan ko. "Hiraya..." Mas lalo siyang natigilan nang iangat ko ang nanginginig kong kamay—may bahid na ito ng sariwang dugo. At nang mapatingin siya sa hita ko, nakita niya ang pulang likidong umaagos mula sa akin. "W-wait... what is this?" Isang bagay lang ang pumasok sa isip niya. Alam niya ang schedule ng buwanang dalaw ko, at imposible itong mangyari ngayon. Nanlaki ang mga mata ni Gabriel, bakas ang matinding gulat at takot sa mukha niya. "A-are you... p-pregnant?!" Kabadong tiningnan ko siya. Hindi ako nakasagot dahil nilamon na ako ng matinding kirot at kaba. Kasunod noon ay tuluyan nang nagdilim ang paningin ko, at nawalan ako ng malay sa bisig ng lalaking kakawasak lang sa buong pagkatao ko.Panay ang hawak ko sa tagiliran ko habang marahang hinihila ang isang maleta na naglalaman ng mga personal kong gamit—ilang damit, cellphone, at mga mahahalagang dokumento. Ang tanging dinala ko lang ay ang mga bagay na binili ko mula sa sarili kong sikap at ipon bilang isang artisan pastry chef.Lilisanin ko na ang impyernong ito. Iiwan ko na ang lahat ng bagay na galing sa asawa ko at sa pamilya niya—kasama na roon ang boutique café na ipinundar para sa akin ni Lolo Arturo. Mabigat man sa loob ko dahil pinaghirapan kong palaguin iyon, buo na ang desisyon ko. Mas lalong sumasama ang pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko ang mukha ni Gabriel—hindi, ex-husband ko na, dahil pinirmahan ko na ang annulment papers matapos ko siyang mahuli sa kama kasama si Camille. At sa mismong araw ding iyon, nawala ang sanggol na nabubuo pa lang sa sinapupunan ko.Ayoko sanang isisi nang buo kay Gabriel ang pagkawala ng baby namin. Pareho naming hindi alam na buntis ako, at aminado akong nagpabaya rin ako
Halos mapugto ang hininga ko sa paghagulgol sa sinabi ng sarili kong asawa. Hindi ko lubos maisip na ang bangungot na naranasan ng mama ko noon ay mauulit sa akin ngayon—ang pagtaksilan ng lalaking pinagkatiwalaan ko ng buong buhay ko.Alam kong malamig ang pakikitungo sa akin ni Gabriel, pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na lolokohin niya ako nang ganito. At ngayon, harap-harapan niya akong pinapalayas at pinapapirma sa annulment papers."Ano'ng gulo 'to?! Bakit nagsisigawan kayo?!" mataas ang boses na tanong ni Donya Imelda pagpasok niya sa kuwarto.Dinig na dinig na sa buong villa ang sigawan namin kaya walang sinayang na oras ang Donya at inalam kung ano ang nangyayari. Bumungad sa kaniya si Gabriel na nakatapis lang ng tuwalya at nagmamadaling isinusuot ang polo niya, habang ang babaeng kasiping niya ay nagtatago pa rin sa likod ng makapal na kumot."What is the meaning of this, Gabriel?""Sorry, Ma, wala 'to. Maliit na bagay lang.""Wala?! Eh, ganiyang nakahubad ka riyan
Engrande ang selebrasyong ginanap sa private luxury villa ng pamilya Buenaventura sa Batangas—ito ay para sa ika-apat na wedding anniversary namin ni Gabriel. Halos lahat ng bigating business partners ng mayamang angkan ay imbitado, dumating din ang mga malalayong kamag-anak nila, at ilang piling kaibigan ni Gabriel.Sa kabilang banda, napipilitan lang akong makihalubilo sa mga bisitang ni hindi ko kilala. Paano ba naman, wala man lang ni isang bisita galing sa panig ko—iyon ang mahigpit na utos ni Gabriel. Sa paningin nila, ulilang lubos na ako at walang maipagmamalaking pamilya, gaya na lang noong kasal namin kung saan napilitan pa akong umupa ng mga taong magpapanggap na magulang ko para lang may maghatid sa akin sa altar—isang sikretong hindi alam ng mapagmataas kong biyenan na si Donya Imelda.Nang makatakas ako mula sa halos sampung minutong pakikipag-usap sa isang mag-asawang negosyante, dumiretso ako sa loob ng main villa para maghanap ng ibang maiinom. Umay na umay na ako sa







