เข้าสู่ระบบPanay ang hawak ko sa tagiliran ko habang marahang hinihila ang isang maleta na naglalaman ng mga personal kong gamit—ilang damit, cellphone, at mga mahahalagang dokumento. Ang tanging dinala ko lang ay ang mga bagay na binili ko mula sa sarili kong sikap at ipon bilang isang artisan pastry chef.
Lilisanin ko na ang impyernong ito. Iiwan ko na ang lahat ng bagay na galing sa asawa ko at sa pamilya niya—kasama na roon ang boutique café na ipinundar para sa akin ni Lolo Arturo. Mabigat man sa loob ko dahil pinaghirapan kong palaguin iyon, buo na ang desisyon ko. Mas lalong sumasama ang pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko ang mukha ni Gabriel—hindi, ex-husband ko na, dahil pinirmahan ko na ang annulment papers matapos ko siyang mahuli sa kama kasama si Camille. At sa mismong araw ding iyon, nawala ang sanggol na nabubuo pa lang sa sinapupunan ko. Ayoko sanang isisi nang buo kay Gabriel ang pagkawala ng baby namin. Pareho naming hindi alam na buntis ako, at aminado akong nagpabaya rin ako nang uminom ako ng beer noong gabi ng anniversary. Pero hindi ko maitatanggi na ang marahas niyang pagtulak sa akin at ang matinding trauma ang nagdulot para makunan ako. "Hiraya, saan ka pupunta paglabas mo rito? Do you have enough money? May matutuluyan ka ba?" Kanina pa nakasunod sa akin si Gabriel habang naglalakad ako palabas ng main house. Ilang beses niya akong kinakausap, pero ni isang tingin o sagot ay wala akong ibinigay. Gabriel's POV Inaamin ko sa sarili ko na nagkamali ako. Ni minsan ay hindi ko pinahalagahan ang lahat ng pag-aalaga at sakripisyo ni Hiraya sa loob ng apat na taon. Pero iba pala ang pakiramdam kapag may inosenteng buhay na nadamay—isang buhay na walang kalaban-laban. Nang sabihin ng doktor sa ospital na nakunan ang asawa ko, parang sinuntok ang dibdib ko at nakaramdam ako ng matinding galit sa sarili. Hindi ko hinangad na umabot sa puntong mawawala ang anak namin para lang matauhan ako. Sa totoo lang, matagal ko nang pangarap na magkaanak. Kung mas maaga sanang nabuntis si Hiraya, sigurado akong hindi ako matutukso kay Camille at hindi ako aabot sa ganitong pagkakamali. Pero bilang nag-iisang lalaking tagapagmana ng pamilya Buenaventura, nakatanim na sa isip ko na unahin ang negosyo at ang pagpapalawak ng imperyo namin kaysa sa sarili kong damdamin. Kaya kahit anong effort ang gawin ni Hiraya noon, hindi ko iyon nagawang suklian. "Hiraya," hinawakan ko ang kabilang braso niya para pigilan siya sa paglalakad. Huminto siya at malamig akong nilingon. "Ano pa bang kailangan mo, Gabriel? Ibinigay ko na ang annulment na gusto mo. Nawala na rin ang anak ko. May kailangan pa ba akong gawin para tuluyan kang sumaya?" malamlam at walang buhay ang mga mata niya nang tumingin sa akin. Hindi pa man naipapasa sa korte ang annulment namin, ramdam kong tuluyan na siyang kumalas sa akin. Sapat na ang ilang taon niyang pagtitiis. Pagod na siya. "Nothing, it's just that..." napabuntong-hininga ako, hindi alam kung paano ipapaliwanag ang pag-aalalang nararamdaman ko. Alam kong hindi siya maniniwala. "Ano?" walang emosyon niyang tanong. "Alam kong galit na galit ka sa akin, pero puwede pa natin 'tong pag-usapan. Mag-usap tayo nang maayos, Hiraya," seryoso kong sabi, desididong ayusin ang gulo. Mapait siyang natawa sa sinabi ko. "At ano naman ang nakain mo at ganiyan ang lumalabas sa bibig mo, Gabriel? Huwag mong sabihing uutuin mo na naman ako. Bakit, may sinabi ba si Lolo Arturo kaya biglang nagbago ang ihip ng hangin? Kailangan mo na naman ba akong gamitin?" "No!" mabilis kong tanggi. Hindi ako nagkamali na iyon agad ang iisipin niya. "I'm here to clear things between us. Walang kinalaman si Lolo rito." "That's impossible, Gabriel. Kilalang-kilala na kita." Wala akong mabasang kahit na anong pagmamahal sa mukha niya ngayon.. Parang kidlat na tumama sa dibdib ko ang mga salitang binitiwan niya. Simpleng pangungusap lang iyon, pero punong-puno ng sakit at kawalan ng tiwala. Para akong naputulan ng dila at hindi nakapagsalita sa loob ng ilang segundo. "Kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako. Ayoko nang abutan pa ako rito ng mama at kapatid mo. Goodbye, Gabriel. Sana maging masaya ka... at sana matuto kang magpakalalaki." Tinalikuran niya ako at naglakad patungo sa main gate. Nagpatulong siya sa gwardiya na ilabas ang maleta niya. Hindi man lang siya lumingon pabalik. Sa sobrang inis at pagsisisi, agad kong dinayal ang numero ng family lawyer namin. Gusto kong ipabawi ang annulment papers na ipinadala ni Mama kanina. "I'm sorry, Mr. Buenaventura, pero na-file na po namin sa korte kaninang umaga. Babalitaan ko na lang po kayo sa magiging schedule ng hearing." "Damn it!" Pabalang kong ibinato ang cellphone ko sa sofa. Gusto kong sumabog sa galit sa sarili ko ngayon. Napakatanga ko para hindi mamalayang may chance palang mawala ang pagmamahal ni Hiraya sa akin. Hiraya's POV Tinahak ko ang mahabang pribadong kalsada palabas ng exclusive coastal estate sa Batangas, walang pakialam sa mga matang nakatingin sa akin. Alam kong mukha akong kaawa-awa, pero mas mahalaga sa akin na makalayo sa lugar na ito bago pa abutan ng dilim. Habang naglalakad, hindi ko na napigilang kuwestiyunin ang sarili ko—kung bakit tila sinalo ko na ang lahat ng kamalasan sa mundo. Tuluyang bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko na kayang kimkimin ang sakit na ilang araw kong itinago. Mula nang magising ako sa ospital hanggang sa paglabas ko ng villa, ni isang patak ng luha ay hindi ko ipinakita kay Gabriel. Masakit mawalan ng anak, pero mas masakit kung magmumukha akong mahina sa harap ng lalaking sumira sa akin. Ayokong kaawaan niya ako. Sumabay sa pagkulimlim ng langit ang pagbigat ng dibdib ko. Humagulgol ako habang hinihila ang maleta ko sa gilid ng kalsada. Suot ang isang simpleng fitted red dress at mababang heels, nakakuyom ang kamao ko. Nakalaya na ako sa hawlang pinagtiisan ko nang apat na taon. Kung kailangan kong harapin ang kinamumuhian kong ama para lang makabangon at makaganti, gagawin ko. Ilang mamahaling sasakyan ang dumaan, pero walang pumapansin sa akin. Maya-maya pa, bumuhos ang malakas na ulan. Ilang minuto lang ay basang-basa na ako, tila nakikiramay ang langit sa pagluha ko. "Napakasama niyo sa akin! Naging mabuti naman akong tao, pero bakit kailangan niyo akong durugin nang ganito?!" sigaw ko sa gitna ng ulan, mugto na ang mga mata. "I hate you all! Sisiguraduhin kong darating ang araw na kayo naman ang nasa ilalim at ako ang nasa taas! I hate the Buenaventuras... Gabriel... lahat kayo!" Pinunasan ko ang mukha kong basa ng ulan at luha, pero bigla na namang kumirot nang matindi ang tagiliran ko—isang sakit na buwan ko nang iniinda pero ngayon lang naging sunod-sunod. "Kailangan niyo po ba ng masasakyan, Ma'am?" tanong ng gwardiya nang marating ko ang outer guardhouse ng estate. Umiling lang ako. Ayos lang naman ako, kaya ko pa. "Naku, Ma'am, basang-basa na po kayo. May nangyari po ba? Tatawag po ba kami sa villa—" "Huwag na, Kuya. Ayos lang ako, salamat," pinilit kong ngumiti bago nagpatuloy sa paglalakad sa highway. "Argh..." daing ko habang nakahawak sa tagiliran ko. Pilit kong nilalabanan ang hilo at sakit. Ang hindi ko alam, kanina pa pala may nakasunod sa akin—isang makintab na itim na Maybach. Sa loob noon ay nakatanaw si Rafael Villareal, ang tatlumpu't limang taong gulang na CEO ng Villareal Empire. Third Person POV Nakakuyom ang kamao ni Rafael habang pinapanood si Hiraya na naglalakad sa ilalim ng malakas na ulan. Kanina pa niya gustong bumaba at isakay ang babae. Magkasalubong ang mga kilay niya sa galit nang makita ang kaawa-awang kalagayan nito—sa isip niya, walang sinuman ang may karapatang umapi sa babaeng napili niyang pakasalan. Sumenyas si Rafael sa driver na itabi ang sasakyan sa unahan ni Hiraya. Bumaba siya bitbit ang isang malaking itim na payong at mabilis na naglakad palapit sa babae. Naging saksi ang malakas na buhos ng ulan sa pagtatagpo ng dalawang taong pinagdugtong ng isang mapangahas na desisyon. Hindi na kayang makita pa ni Rafael na nahihirapan ang babaeng nais niyang pakasalan. "You're Hiraya Legazpi, right? The eldest daughter of Legazpi Group's founder," malamig ngunit malalim ang boses na sambit ni Rafael pagkatapat niya sa babae habang si Hiraya'y nakatungo sa kahit na nanlalabo pa ang mga mata. Nagtagpo ang mga mata nila. Sa gitna ng ulan at hangin, tila bumagal ang ikot ng mundo sa pagitan nilang dalawa. Ngunit hindi na nagawang sumagot ni Hiraya. Dahil sa matinding pagod, lamig, at sakit na iniinda, tuluyan nang bumigay ang katawan niya. Nawalan siya ng malay at bumagsak diretso sa matitipunong bisig ni Rafael.Panay ang hawak ko sa tagiliran ko habang marahang hinihila ang isang maleta na naglalaman ng mga personal kong gamit—ilang damit, cellphone, at mga mahahalagang dokumento. Ang tanging dinala ko lang ay ang mga bagay na binili ko mula sa sarili kong sikap at ipon bilang isang artisan pastry chef.Lilisanin ko na ang impyernong ito. Iiwan ko na ang lahat ng bagay na galing sa asawa ko at sa pamilya niya—kasama na roon ang boutique café na ipinundar para sa akin ni Lolo Arturo. Mabigat man sa loob ko dahil pinaghirapan kong palaguin iyon, buo na ang desisyon ko. Mas lalong sumasama ang pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko ang mukha ni Gabriel—hindi, ex-husband ko na, dahil pinirmahan ko na ang annulment papers matapos ko siyang mahuli sa kama kasama si Camille. At sa mismong araw ding iyon, nawala ang sanggol na nabubuo pa lang sa sinapupunan ko.Ayoko sanang isisi nang buo kay Gabriel ang pagkawala ng baby namin. Pareho naming hindi alam na buntis ako, at aminado akong nagpabaya rin ako
Halos mapugto ang hininga ko sa paghagulgol sa sinabi ng sarili kong asawa. Hindi ko lubos maisip na ang bangungot na naranasan ng mama ko noon ay mauulit sa akin ngayon—ang pagtaksilan ng lalaking pinagkatiwalaan ko ng buong buhay ko.Alam kong malamig ang pakikitungo sa akin ni Gabriel, pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na lolokohin niya ako nang ganito. At ngayon, harap-harapan niya akong pinapalayas at pinapapirma sa annulment papers."Ano'ng gulo 'to?! Bakit nagsisigawan kayo?!" mataas ang boses na tanong ni Donya Imelda pagpasok niya sa kuwarto.Dinig na dinig na sa buong villa ang sigawan namin kaya walang sinayang na oras ang Donya at inalam kung ano ang nangyayari. Bumungad sa kaniya si Gabriel na nakatapis lang ng tuwalya at nagmamadaling isinusuot ang polo niya, habang ang babaeng kasiping niya ay nagtatago pa rin sa likod ng makapal na kumot."What is the meaning of this, Gabriel?""Sorry, Ma, wala 'to. Maliit na bagay lang.""Wala?! Eh, ganiyang nakahubad ka riyan
Engrande ang selebrasyong ginanap sa private luxury villa ng pamilya Buenaventura sa Batangas—ito ay para sa ika-apat na wedding anniversary namin ni Gabriel. Halos lahat ng bigating business partners ng mayamang angkan ay imbitado, dumating din ang mga malalayong kamag-anak nila, at ilang piling kaibigan ni Gabriel.Sa kabilang banda, napipilitan lang akong makihalubilo sa mga bisitang ni hindi ko kilala. Paano ba naman, wala man lang ni isang bisita galing sa panig ko—iyon ang mahigpit na utos ni Gabriel. Sa paningin nila, ulilang lubos na ako at walang maipagmamalaking pamilya, gaya na lang noong kasal namin kung saan napilitan pa akong umupa ng mga taong magpapanggap na magulang ko para lang may maghatid sa akin sa altar—isang sikretong hindi alam ng mapagmataas kong biyenan na si Donya Imelda.Nang makatakas ako mula sa halos sampung minutong pakikipag-usap sa isang mag-asawang negosyante, dumiretso ako sa loob ng main villa para maghanap ng ibang maiinom. Umay na umay na ako sa







