INICIAR SESIÓN
Scarlett is a quiet, loving wife married to Elijah, a cold CEO who never valued her. Nagluto si Scarlett ng mga paboritong pagkain ni Elijah. It’s been five years simula nang maikasal siya kay Elijah pero hanggang ngayon wala pa rin silang anak. Sinusubukan naman nila magkaroon ng anak pero hindi pa rin ito ipinagkakaloob sa kanila.
Nang matapos siyang magluto ay naghain na rin siya. Napangiti siya ng marinig niya ang pagbukas ng pintuan. Lumabas siya kaagad sa kusina para salubungin ang asawa pero nawala ang ngiti sa mga labi niya ng ang dumating ay ang mother-in-law niya.
“Mom, anong ginagawa mo dito?” magalang niyang tanong. Tinaasan naman siya ng kilay ng mother-in-law niya.
“Nasaan si Elijah?” tanong ng hindi man lang sinasagot ang tanong niya.
“Hindi pa siya umuuwi,” sagot ni Scarlett. Dumiretso namang umupo si Hazel sa sofa.
“Siguro nagsasawa na rin ang anak ko sayo kaya palagi ng late umuuwi sayo. Bakit kasi hindi mo man lang gayahin ang pinsan mong si Camila? Napakagaling niya sa business. Kung alam ko lang na wala kang pakinabang para sa anak ko, sana ang pinsan mo na lang ang pinakasalan ng anak ko. Kaya siguro pati ang kompanya ng mga magulang mo ay iniwan sa mga magulang ni Camila dahil wala kang alam.” Napayuko naman si Scarlett. The words hit like stones, each one sharper than the last. Napapakagat labi na lang siya. Tinitiiis ang pang-aalipusta sa kaniya ng mother-in-law niya. She had no strength to defend herself—not when Hazel was attacking her with the same old truths. She knew she wasn’t as accomplished as Camila. She knew she didn’t have a company anymore. She knew she had nothing left except Elijah.
“Itimpla mo na lang ako ng kape para naman may pakinabang ka.” Utos pa ni Hazel sa kaniya. Tumango naman si Scarlett saka ito nagtungo sa kusina para magtimpla ng kape. Mabilis niyang pinunasan ang mga luha niya saka siya nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
Ibinigay niya kaagad ang kape kay Hazel nang tikman niya iyun ay idinura niya rin iyun saka niya masamang tiningnan si Scarlett na nakayuko sa harap niya.
“Anong kape ba ‘to, Scarlett?” Hazel glared at her with disgust. “Ganitong kape ba ang ipinapainom mo sa anak ko? Mabuti pa ang katulong may silbi. Nandito ka na nga lang sa loob ng bahay, hindi mo pa magawa ng maayos ang trabaho mo. Bakit hindi ka na lang maghanap ng trabaho mo para naman may silbi ka at matulungan mo ang anak ko sa mga bills niyo dito sa bahay?” patuloy ni Hazel sa pangmamaliit kay Scarlett.
Scarlett pressed her lips together, accepting every word like a punishment she deserved. She said nothing. She never did.
Moments later, the front door opened again. Footsteps echoed across the floor. Elijah was finally home.
Scarlett immediately moved to greet him, taking his bag and suit jacket before he even looked up. Hazel rolled her eyes at the display.
“What are you doing here mom?” blangkong tanong ni Elijah nang hindi man lang tinitingnan ang asawa niya. Isinabit kaagad ni Scarlett ang suit ni Elijah saka inilagay sa sofa ang bag ng asawa niya.
“Pinapakain ka ba ng maayos ng asawa mo? Bakit mukhang pumapayat ka yata? Hindi ba masarap ang mga luto niya?” tanong ni Hazel saka nilapitan ang anak. Pagod na pagod naman si Elijah kaya naupo na ito. Tiningnan ni Hazel si Scarlett na nakatayo lang.
“Anong hinihintay mo diyan? Ikuha mo siya ng tubig!” utos nito. Mabilis namang tumango si Scarlett at nanguha ng tubig sa kusina. Ibibigay niya na sana iyun sa asawa niya nang agawin iyun ni Hazel at ito ang nagbigay ng tubig kay Elijah. Scarlett lowered her head, swallowing every humiliation silently.
Nang makainom si Elijah ay napansin niya ang basa sa center table nila.
“Bakit basa ang center table? Hindi ka ba naglinis?” baling ni Elijah kay Scarlett. Nahihiya naman si Scarlett na sabihin na hindi siya ang may gawa nun. Napatingin si Scarlett sa mother-in-law niya na napapairap sa kaniya.
“Ako ang may gawa niyan. Pinagtimpla ko siya ng kape pero balak pa yata niya akong patayin sa sobrang pait.” Sagot naman ni Hazel.
“Magtitimpla na lang ng kape ang hinihingi sayo ng mommy ko, Scarlett. Hindi mo pa magawa?” ani ni Elijah. The ache in Scarlett’s chest tightened. She bowed her head again, her fingers curling into the fabric of her apron.
Hindi pa dun natapos si Hazel.
“Bakit ba kasi hindi mo pa siya hiwalayan? Wala naman kayong anak kaya wala kang responsibilidad sa kaniya. I’m sure mas may silbi pa ang pinsan niyang si Camila sayo. Ano bang naitulong ng babaeng yan sayo? Wala naman diba?” hindi magawang ipagtanggol ni Scarlett ang sarili niya dahil totoo naman ang sinasabi nito.
Wala man lang siyang naitulong kay Elijah. Nang mawala na ang mga magulang niya, tila ba tinalikuran na rin siya ng lahat. Naging walang kwenta na siya dahil ang kompanyang dapat ipapamana sa kaniya ay nakuha ng mga magulang ng pinsan niyang si Camila. Wala naman siyang alam sa business pero may talent naman siya.
“Mom, I’m tired. Umuwi ka na.” blangkong wika ni Elijah sa kaniyang ina. Napapabuntong hininga naman si Hazel. Minsan pa nitong sinamaan ng tingin si Scarlett.
“Nakaluto na ako love, kumain na tayo para iready ko na ang hot shower mo.” Malambing na wika ni Scarlett. Tumayo naman na si Elijah saka nito kinuha ang bag niya.
“Pagod na ako, kumain na rin ako sa office. Ikaw na lang ang kumain. Iready mo na lang ang bath tub ko.” Malamig na sagot ni Elijah. Napatango naman si Scarlett saka ito pumasok sa kwarto nila. Napapabuntong hininga na lang siya.
Siya pa naman ang nagluto ng dinner nila ngayon pero kumain na pala si Elijah. Mapait siyang ngumiti, kailan ba siya papahalagahan ng asawa niya? Napakacold ng pakikitungo nito sa kaniya.
Nang matapos niyang punuin ang bath tub ay nilagyan niya na ito ng mga petals ng bulaklak.
“Ready na yung paligo mo.” Nakangiting saad ni Scarlett. Hindi naman nagsalita si Elijah at dumiretso na itong pumasok ng bathroom. Iniready niya na rin ang isusuot ni Elijah bago siya bumaba ng kwarto nila para kumain.
Malamig na ang mga pagkain nang kumain siya pero hindi niya na ito pinainit pa.
“Kumain na ba kayo?” tanong ni Scarlett sa mga katulong nila.
“Hindi pa ma’am,” sagot ng isa.
“Mabuti naman, kayo na lang ang kumain nito dahil kumain na si Elijah.” Wika ni Scarlett. May sariling kusina ang mga katulong at dun kumakain ang mga ito. Kaunti lang din nakain ni Scarlett saka niya ibinigay sa mga katulong ang iniluto niya.
Nang matapos siyang kumain ay pumasok na rin siya sa kwarto nila pero hindi pa rin lumalabas si Elijah. Nagready na rin siya ng mga isusuot niya pagkatapos niyang magshower.
Pumasok din siya sa loob ng bathroom. Iminulat naman ni Elijah ang mga mata niya ng maramdaman niya ang presensiya ni Scarlett.
“What are you doing?” tanong ni Elijah. Napangiti naman si Scarlett saka niya minassage-massage ang mga kamay ng asawa niya.
“Gusto mo bang—”
“Pagod ako, Scarlett. Huwag ngayon.” Pagpuputol kaagad ni Elijah sa sasabihin ni Scarlett. “Lumabas ka muna, gusto kong mapag-isa. Mamaya ka na magshower pagkatapos ko.” Malamig na saad ni Elijah. Tumango naman si Scarlett saka siya lumabas ng bathroom.
Gusto niya sanang makipag-intimate sa asawa niya ngayon pero palagi na lang itong pagod. Sumasakit ang puso ni Scarlett dahil unti-unti na talagang nagiging cold sa kaniya si Elijah. Hindi niya alam kung ano bang dahilan pero isa lang ang naiisip niya. Siguro ay gusto na ni Elijah na magkaanak sila pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nabubuntis si Scarlett.
Nang dumating si Elijah ay kaagad siyang sinalubong ni Scarlett para kunin ang suit at bag nito. Nagdadalawang isip pa si Scarlett kung magpapaalam ba siya sa asawa niya para sumama kay Camila.Humugot ng malalim na buntong hininga si Scarlett saka tiningnan ang asawa. Bahagya pa siyang nagulat ng makita niyang nakatingin sa kaniya ang asawa niya.“What? May sasabihin ka?” tanong nito. Ngumiti naman si Scarlett.“Iniimbitahan kasi ako ni Camila para sa celebration niya mamaya. Pwede ba akong sumama?” malambing niyang wika. Napapabuntong hininga naman si Elijah saka tiningnan ang asawa mula ulo hanggang paa na tila ba nahihiya pa itong ilabas ang asawa niya.“Pumunta ka kung gusto mo pero ito lang ang sasabihin ko sayo, Scarlett. Oras na binigyan mo ako ng kahihiyan sa mga bisita ni Camila, huwag ka ng umuwi dito at huwag ka ng magpapakita sa akin.” May diing sambit ni Elijah. Napapayuko naman si Scarlett. Hindi naman siya mahilig gumawa ng gulo bakit naman naisip ng asawa niya na gaga
Binisita ni Camila si Hazel sa office nito, ang ina ni Elijah. May dala-dalang mga pagkain at regalo para kay Hazel.“Come in,” wika ni Hazel ng marinig niya ang katok.“Good morning, Mrs. Logan.” Nakangiting bati ni Camila. Napatingin naman si Hazel sa pumasok at ng makita niya si Camila ay napangiti siya. Itinigil niya muna ang ginagawa niya para harapin si Camila.“Napabisita ka, mija. May maitutulong ba ako sayo?” nakangiting wika ni Hazel. Ibinaba naman ni Camila ang mga dala niya.“Dinalhan kita ng pagkain at mga regalo, Mrs. Logan. Pasasalamat na rin dahil nakipagmerge kayo sa business namin. Hindi niyo alam kung gaano kalaking tulong sa amin ng partnership niyo.”“You deserve it naman, dear. Nag-abala ka sa mga regalo pero thank you.” Kinuha naman ni Camila ang isang jewelry box saka ito binuksan.“Ako ang nagdesign ng kwintas na ito, Mrs. Logan. Nag-iisang design lang ito sa mundo. I hope you like it.” Natuwa naman si Hazel saka kinuha ang kwintas at tiningnan iyun.“Napakaga
Nang magising si Camila ay nilalaro niya ang mga daliri niya sa dibdib ni Elijah. Napapangiti siya dahil hindi man lang siya nahirapan na makuha si Elijah ngayong gabi. Nang magising si Elijah ay tiningnan niya si Camila. Nagulat pa siya ng makita niyang si Elijah ang nasa tabi niya. Nang maalala niya naman ang nangyari kagabi ay napapikit na lang siya. Tumayo na si Elijah saka niya pinulot ang mga damit niya sa sahig.“Aalis ka na? Iiwan mo na ako kaagad dito?” nakangusong wika ni Camila. Napangiti naman si Elijah saka niya bahagyang pinitik ang noo ni Camila.“Kailangan kong umuwi, sweety.”“Uuwi ka sa asawa mo? Bakit ba kasi hindi mo pa siya iwan? Hindi mo naman siya gusto diba? Napilitan ka lang naman na pakasalan siya dahil sa business. Ngayong kami na ang nagmamay-ari ng business ng mga magulang ni Scarlett, bakit hindi mo pa siya iwan?” Naupo si Elijah sa tabi ni Camila saka niya ikinawit sa likod ng tainga ni Camila ang mga buhok nito.“I’m still her husband, Camila. I am plan
Isinama ni Elijah si Scarlett sa isang charity gala. Hindi naman maalis ang ngiti sa mga labi ni Scarlett dahil naisipan siyang isama ng asawa niya sa isang event. Palagi na lang kasi siyang nasa loob ng bahay.Busy na nakikipag-usap si Elijah sa mga businessmen na kakilala nito habang nasa tabi niya lang si Scarlett.Napapataas naman ang kilay ni Camila ng makita niya si Scarlett.“Mom, why is she here?” tanong ni Camila sa kaniyang ina. Sinundan naman ni Eleanor ang tinitingnan ng anak niya at nakita niya naman si Scarlett.“I don’t know, siguro isinama ni Elijah. Akala ko ba ay nakikipagmabutihan ka na kay Mr. Logan? Bakit isinama niya rito ang babaeng yan?” pagbubulungan nilang dalawa. Napapairap na lang si Camila saka siya ngumiti nang lapitan niya sina Elijah at iba pang mga businessmen.“Hi, I hope you guys are enjoying this night.” Matamis na nakangiti si Camila saka niya tiningnan si Elijah.“Miss Mason, you’re so beautiful tonight.” Papuri naman ng iba na ikinangiti ni Camil
Scarlett is a quiet, loving wife married to Elijah, a cold CEO who never valued her. Nagluto si Scarlett ng mga paboritong pagkain ni Elijah. It’s been five years simula nang maikasal siya kay Elijah pero hanggang ngayon wala pa rin silang anak. Sinusubukan naman nila magkaroon ng anak pero hindi pa rin ito ipinagkakaloob sa kanila.Nang matapos siyang magluto ay naghain na rin siya. Napangiti siya ng marinig niya ang pagbukas ng pintuan. Lumabas siya kaagad sa kusina para salubungin ang asawa pero nawala ang ngiti sa mga labi niya ng ang dumating ay ang mother-in-law niya.“Mom, anong ginagawa mo dito?” magalang niyang tanong. Tinaasan naman siya ng kilay ng mother-in-law niya.“Nasaan si Elijah?” tanong ng hindi man lang sinasagot ang tanong niya.“Hindi pa siya umuuwi,” sagot ni Scarlett. Dumiretso namang umupo si Hazel sa sofa.“Siguro nagsasawa na rin ang anak ko sayo kaya palagi ng late umuuwi sayo. Bakit kasi hindi mo man lang gayahin ang pinsan mong si Camila? Napakagaling niy







