LOGINHinalikan muli ni Amara ang pisngi ng kanyang anak at inabutan ito ng tinapay. "Kumain ka muna ng tinapay. Pagkatapos, isasama ko kayong tatlo sa isang masarap na kainan, okay?"
"Okay po!" masayang sagot ni Sally.
Ngumiti si Amara, nagsuot ng belo, at lumabas ng opisina.
Hawak ang tinapay, tumakbo si Sally sa pinto, sumilip, at tahimik na nagmasid sa labas.
"Aalis na naman si Mommy, nakakabagot," bulong ni Sally.
Ibinaba niya ang tinapay, kinatok ang kanyang smart watch, at nagtanong sa kanyang mga kapatid sa malambing na boses, "Kuya, nasaan kayo? Hinahanap ko kayo."
Hindi nagtagal, nakatanggap si Sally ng reply: isang lokasyon. "Nasa underground parking lot kami."
Sa underground parking lot, dalawang batang lalaki ang nakatayo sa harap ng isang itim na Maybach.
Nakapamewang si Mike at tiningnan ang kapatid niyang si Miko. "Sigurado ka bang kotse 'to ng masamang daddy?" tanong niya.
Kinuha ni Miko ang kanyang paintbrush at nagsimulang magpinta sa kotse.
"Hindi ako nagkakamali. Nakita ko siyang lumabas sa kotse na 'to," sagot niya.
Tiningnan ni Mike ang mga letra na parang gawa ng aso. Tahimik niyang binasa ang nakasulat, "BASURA!"
Napailing si Mike at napatingin kay Miko. "Sabi ni Mommy, magbasa ka ng mas maraming libro at magbawas ng computer. Pero naglalaro ka na naman nang patago, 'no? Hindi mo man lang nagawang isulat nang tama yung 'basura.' Dalawang letra pa ang mali," sermon niya.
"Kuya, huwag mo nang pansinin 'yun," sagot ni Miko, sabay guhit ng isang baboy na halos hindi maintindihan ang itsura.
"Hmph, Daddy na aso!" Para malaman ng lahat na isa kang malaking walang kwenta!
Kahit hindi nila nakita ang kanilang ama sa loob ng maraming taon, naririnig naman nila ang pangalan nito at nakikita pa itong masayang kasama ang ibang babae sa telebisyon.
Kaya nang makita nila si Nardo dito, nakilala agad nila ito. Tama nga ang hinala nila.
Ayaw ni Amara na ikwento sa mga bata ang anumang bagay tungkol kay Nardo. Karamihan sa mga nalalaman nila ay nanggaling kay Ella, ang matalik na kaibigan ni Amara.
Kaya alam ng mga bata kung bakit sila nagpunta rito para mamuhay nang mag-isa. Dahil may ginawang masama ang kanilang ama kay Mommy, at hindi ito karapat-dapat maging asawa ni Mommy o ama nila.
"Mga Kuya ko, anong ginagawa ninyo?" tanong ni Sally habang tumatakbo papalapit.
"Shhh," agad na tinakpan ni Miko ang bibig ni Sally. "Huwag kang maingay. Gumagawa kami ng kalokohan." anito.
Agad na tinakpan ni Sally ang kanyang bibig at tumango, para siguraduhing hindi siya gagawa ng ingay. Pagkatapos, nakita niya ang mga letra sa kotse na isinulat gamit ang krayola. "Kuya Miko, mali po yung sulat niyo," sabi niya.
Kumamot sa ulo si Miko, "Huwag mo nang pansinin 'yun."
Hinawakan naman ni Mike ang kamay ni Sally at nagtanong, "Sally, hindi pa ba tapos magtrabaho si Mommy?"
"Pinatawag po si Mommy sa opisina ni Manager," sagot ni Sally.
Sa loob ng opisina ng manager...
Pagpasok ni Amara sa opisina, agad siyang sinalubong ng manager. "Marah, halika rito. Ito si Mis, Morales," bati niya.
Pagkatapos ay bumaling siya sa isang babae. "Miss, Morales, siya po si Marah ang auctioneer na hinahanap niyo." anito.
Mrs. Morales? Napatingala si Amara at bahagyang sumimangot.
Siya pala! Si Mistica! Ang babaeng labis na minahal ni Nardo noon.
Mrs. Morales nga pala siya. Gayon na lamang ang pagmamahal ni Nardo sa kanya kaya't nang maghiwalay sila, tiyak na hindi na nag-aksaya ng panahon si Nardo na pakasalan si Mistica.
Hindi niya sukat akalain na siya pa pala ang magiging daan para magkatuluyan sina Nardo. Pumunta siya sa bansang Yera para mag-isa, pero nagkita pa rin sila rito.
Sumikip ang dibdib ni Amara, at bahagyang lumamig ang kanyang mukha.
Napakaganda ng bihis ni Mistica. Ibinaba niya ang kanyang kape at sinulyapan si Amara na may belo. Halata sa kanyang mga mata ang paghamak.
"Punong Auctioneer, Marunong ka ba talagang magpresyo ng mga antigo?"
"Sumikat ka lang naman dahil sa martilyo mo, at kumalat pa 'yan sa internet. Akala mo kung sinong eksperto, pero hindi mo naman kayang ipakita ang tunay mong mukha," mapangutyang sabi ni Mistica sa kanyang isipan.
"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan pa siyang makita ni Mr. Morales," dagdag pa niya, na halatang hindi kumbinsido.
Ngumisi si Mistica. "Ikaw si Marah, hindi ba? Narinig ko na hindi ka lang auctioneer, isa ka rin daw dalubhasa sa mga antigo. Gusto ka naming kunin para magtrabaho ng ilang araw. Sasama ka sa amin pabalik sa Imperial Capital para tingnan ang ilang antiguo sa mansyon ng mga Morales. Babayaran ka namin kahit magkano ang gusto mo." aniya.
Kumpyansa si Mistica na walang makakatanggi sa alok na "babayaran ka namin kahit magkano ang gusto mo." Lalo na't kilalang-kilala ang pangalan ng pamilya Morales, kaya siguradong walang maglalakas loob na tumanggi sa kanila.
Kalmado niyang ininom ang kanyang kape, naghihintay na lapitan siya ni Amara, at magpaumanhin.
Bahagyang nakaramdam ng inis si Amara. Mahusay siyang magpresyo ng mga antigo. Iyon ang totoo.
Pero kahit anong gawin nila, hinding-hindi nila siya makukuha. Ayaw na niyang makita pa ang mga ito simula nang umalis siya. Kaya paano siya makakapayag na bumalik sa Imperial Capital kasama si Mistica?Imposible.
"Pasensya na po, pero ang trabaho ko po ay auctioneer. Maaari po kayong humanap ng ibang dalubhasa para magpresyo ng mga antigo. Hindi po kasi 'yan ang aking linya," paliwanag ni Amara.
"Manager, kailangan ko na pong umalis," paalam niya at akmang tatalikod na.
Gulat na napako sa kinauupuan si Mistica. Talagang tinanggihan siya nito? Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.
"Teka, alam mo ba kung sino ako? Mag-isip ka munang mabuti bago ka sumagot," banta ni Mistica.
"Alam na alam ko kung sino kayo. Kaya nga ako tumatanggi," mariing sagot naman ni Amara.
"Anong klaseng pag-uugali 'yan? Babayaran kita para sumama sa amin, bakit ayaw mo?" Hindi na napigilan ni Mistica ang kanyang galit. Tumayo siya at hinawakan sa braso si Amara.
Desperada si Mistica na mapasaya si Mr. Morales, kaya determinado siyang dalhin si Amara pabalik.
Sumimangot si Amara. Ibinaba niya ang kanyang tingin sa kamay ni Mistica na mahigpit na nakahawak sa kanyang braso.
Napansin ni Amara ang suot na jade bracelet ni Mistica. Kulay berde, makintab, at halatang napakamahal. Alam niya agad na ito ay nagkakahalaga ng mahigit isang daang milyong piso at pamana pa ito ng kanyang pamilya.
Ibinigay ito sa kanya ng kanyang ina, na nagbilin pa na ingatan niya itong mabuti dahil malaki raw ang maitutulong nito sa kanya sa hinaharap. Pero dahil nagmamadali siya nang umalis, naiwan ang bracelet sa mansyon ng mga Morales. At ngayon, nasa kamay na ito ni Mistica.
Ibinigay kaya ito ni Nardo? Bakit niya ibibigay kay Mistica ang mga bagay na para sa kanya?
Hinawakan ni Amara ang kamay ni Mistica, "Sa iyo ba talaga 'yang jade bracelet na 'yan?"
Hindi nagustuhan ni Mistica ang tanong ni Amara, "Aba'y oo naman! Regalo 'yan sa akin ng asawa ko. Kanino pa ba 'yan, eh di sa akin?"
Kumpirmado na ngang si Nardo ang nagbigay.
Parang sinaksak ang puso ni Amara. Alam ni Nardo na sa kanya ang bracelet na iyon, pero ibinigay pa rin niya ito kay Mistica!
Anong klaseng lalaki ang magbibigay ng pamana ng dating asawa sa kanyang kasalukuyang asawa?Wala ba siyang pakiramdam?"Bitawan mo siya!"Sa gitna ng kanyang pag-iisip, isang malamig at matigas na boses ang umalingawngaw sa paligid.Napaangat ang ulo ni Amara. Hindi niya namalayan kung kailan sumulpot ang lalaki sa may pintuan. Ang kanyang mga mata ay agad na bumangga sa malalim at maitim na mga mata ng lalaki.Napakalakas ng karisma ng lalaki. Tuwid ang kanyang tindig, guwapo ang kanyang mga mata at kilay. Sa kanyang pagtayo pa lamang, ramdam na ang kanyang kapangyarihan at awtoridad.Napahigpit ang pagkuyom ng kamay ni Amara.Si Nardo! Si Nardo nga.Hindi nagkamali si Sally sa pagsasabing makikita niya si Nardo!Dapat ay inasahan na ni Amara na kung nasaan si Mistica, naroon din si Nardo. Halata namang sobrang malapit ang dalawang iyon sa isa't isa.Limang taon nang umalis si Amara, at hindi niya sukat akalain na muli niyang makikita ito.Ayaw na niya itong makita pa dahil natatako
Hinalikan muli ni Amara ang pisngi ng kanyang anak at inabutan ito ng tinapay. "Kumain ka muna ng tinapay. Pagkatapos, isasama ko kayong tatlo sa isang masarap na kainan, okay?""Okay po!" masayang sagot ni Sally.Ngumiti si Amara, nagsuot ng belo, at lumabas ng opisina.Hawak ang tinapay, tumakbo si Sally sa pinto, sumilip, at tahimik na nagmasid sa labas."Aalis na naman si Mommy, nakakabagot," bulong ni Sally.Ibinaba niya ang tinapay, kinatok ang kanyang smart watch, at nagtanong sa kanyang mga kapatid sa malambing na boses, "Kuya, nasaan kayo? Hinahanap ko kayo."Hindi nagtagal, nakatanggap si Sally ng reply: isang lokasyon. "Nasa underground parking lot kami." Sa underground parking lot, dalawang batang lalaki ang nakatayo sa harap ng isang itim na Maybach.Nakapamewang si Mike at tiningnan ang kapatid niyang si Miko. "Sigurado ka bang kotse 'to ng masamang daddy?" tanong niya.Kinuha ni Miko ang kanyang paintbrush at nagsimulang magpinta sa kotse."Hindi ako nagkakamali. Nakit
Makalipas ang limang taon.Sa isang kilalang bahay-subasta sa Bansang Yera.Sa malawak na bulwagan, nagsama-sama ang mga kilalang personalidad at mga taong may kaya.Sa harapan, nakatayo ang tagapagsubasta, nakasuot ng isang puting bestida. Ang kanyang buhok, buong ingat na nakatali at pinalamutian ng berdeng sutla, ay bahagyang natatakpan ng manipis na telang tulle na nagtatago sa kanyang mukha. Gayunpaman, kahit hindi man makita ang kanyang mukha, ang bawat kilos niya ay nagtataglay ng kakaibang ganda at karisma.Sa kanyang maganda at matatas na Ingles, kalmado niyang ipinakilala ang mga koleksyon na nakatanghal sa entablado. Nagsimula nang magtaasan ng bid ang mga manonood, sabik na makamit ang mga natatanging bagay na iyon.Habang nagpapatuloy ang subasta, isang pares ng mapanuring mata ang nagmasid sa bawat sulok ng bulwagan. Mahigpit niyang hinahawakan ang kanyang maliit na martilyo, handang tapusin ang bawat transaksyon sa tamang oras.Sa ikalawang palapag, nakaupo si Nardo. Ba
Noong mga sandaling iyon, paulit-ulit niyang tinawagan si Nardo, ngunit hindi ito sumasagot. Ngayon niya napagtanto: baka noong panahong iyon pa man ay kasama na niya si Mistica.Ang ina niya ay laging nangangarap na makita silang masayang magkasama habambuhay. Laging sinasabi nito na siya’y mapapangasawa ng mabuting lalaki, na magkakaroon sila ng tahimik at masaganang buhay.Ngunit baka hindi na niya matutupad ang hiling na iyon.Matapos ayusin ang lahat mag-isa, mula sa mga papel hanggang sa pag-aayos ng handaan para sa mga kamag-anak at kaibigan, naupo nang mag-isa si Amara sa isang upuan sa sulok ng kainan. Ang mga ilaw ay nagsisimula nang patayin, at ang ingay ng mga tao’y unti-unting nawawala, iniwan siyang mag-isa sa tahimik at sa bigat ng mga iniisip.Huli na nang dumating si Nardo. Nakasuot siya ng itim na kamiseta, ang makisig niyang mukha ay walang gaanong ekspresyon, ngunit nang mapadako ang kanyang mga mata kay Amara na nag-iisa roon, bihira nang makita ang bahid ng paghi
“Amara, malapit na ang libing. Hindi ba talaga makakapunta si Nardo?”Nakasuot ng puti si Amara habang nakaluhod sa harap ng punerarya ng kanyang ina. Sa liwanag ng nagliliyab na papel na sinusunog bilang handog, lalong namutla ang dati nang payat niyang mukha.Tiningnan niya ang cellphone sa kanyang kamay, halos maubos na ang baterya, ngunit nananatiling walang sagot ang tawag ni Nardo.Pumanaw ang ina ni Amara. Pitong buwang buntis siya, pitong araw na nagbantay sa punerarya at sa loob ng pitong araw na iyon, ni minsan ay hindi nagpakita ang lalaking tatlong taon na niyang asawa.Palaging abala si Nardo sa trabaho at lagi niyang naiintindihan iyon. Matagal na niyang sinasanay ang sarili na huwag umasa sa oras ng asawa sa ganitong mga bagay.“Baka abala lang siya,” bulong niya sa sarili, pilit pinagpipigil ang panghihinayang.Ngunit sa kalooban niya, alam niyang may kulang. Dapat nandito siya.Namumula at basang-basa pa rin ng luha ang mukha ni Amara. Sinunog niya ang huling piraso n







