Share

Chapter 4 : P1

Author: Marifer
last update Last Updated: 2026-02-03 18:15:09

Anong klaseng lalaki ang magbibigay ng pamana ng dating asawa sa kanyang kasalukuyang asawa?

Wala ba siyang pakiramdam?

"Bitawan mo siya!"

Sa gitna ng kanyang pag-iisip, isang malamig at matigas na boses ang umalingawngaw sa paligid.

Napaangat ang ulo ni Amara. Hindi niya namalayan kung kailan sumulpot ang lalaki sa may pintuan. Ang kanyang mga mata ay agad na bumangga sa malalim at maitim na mga mata ng lalaki.

Napakalakas ng karisma ng lalaki. Tuwid ang kanyang tindig, guwapo ang kanyang mga mata at kilay. Sa kanyang pagtayo pa lamang, ramdam na ang kanyang kapangyarihan at awtoridad.

Napahigpit ang pagkuyom ng kamay ni Amara.

Si Nardo! Si Nardo nga.

Hindi nagkamali si Sally sa pagsasabing makikita niya si Nardo!

Dapat ay inasahan na ni Amara na kung nasaan si Mistica, naroon din si Nardo. Halata namang sobrang malapit ang dalawang iyon sa isa't isa.

Limang taon nang umalis si Amara, at hindi niya sukat akalain na muli niyang makikita ito.

Ayaw na niya itong makita pa dahil natatakot siya. Natatakot siya sa kung ano ang maaaring mangyari.

Nanganak siya ng tatlong bata. Kung malalaman ito ni Nardo, siguradong kukunin niya ang mga bata sa kanya.

Ang pamilyang Morales ay hindi papayag na lumaki sa labas ang kanilang mga apo. Kailangan nilang masiguro na mananatili sa kanila ang dugo at yaman ng kanilang pamilya.

Kaya naman ang tatlong batang ito ang naging buhay ni Amara. Hindi niya hahayaang mawalay ang mga ito sa kanya kahit kailan.

Ito rin ang dahilan kung bakit nag-iingat si Amara at nagtatago sa likod ng kanyang belo sa loob ng maraming taon.

Kinuyom ni Amara ang kanyang mga palad. Ramdam niya ang titig ng lalaki, na para bang sinusubukang silipin ang kanyang mukha sa likod ng manipis na belo.

Sa pagkakataong iyon, mabilis ang pintig ng kanyang puso.

Inalis ni Mistica ang kamay ni Amara at nag-iba ang tono ng kanyang pananalita, "Nardo, kinakausap ko po si Miss Marah para sumama sa atin, pero ayaw niya po. Parang minamaliit pa niya tayo, eh."

Minamaliit ang pamilya Morales? Hindi niya alam kung sino ang binabangga niya.

Tinaas ni Mistica ang kanyang ulo at ngumiti kay Nardo.

Tinitigan naman ni Nardo si Amara, "Magkano ba ang gusto mo?" tanong niya.

Huminga nang malalim si Amara. Natatakot siyang makilala at ayaw niyang magtagal pa doon.

Lalong imposible na pumayag siyang pumunta sa Imperial Capital.

"Hindi ako nabibili." deristyo niyang sagot.

Pagkasabi noon, dumaan siya sa gilid ni Nardo at naglakad palabas.

Hindi siya pinigilan ng lalaki, ngunit nanatili itong nakatingin sa kanya.

May kakaibang bango ang babae, hindi katulad ng ordinaryong pabango. Pamilyar ito sa kanya, pero hindi niya matandaan kung saan niya ito naamoy.

Bukod pa rito, may kakaiba siyang aura, halos katulad ng dating Amara. Pag-iisip pa ni Nardo.

Mukhang mahinhin si Amara noon, pero mayroon siyang likas na katatagan. Sobra rin siyang independent. Muling naalala ni Nardo ang kanyang dating asawa.

Umalis si Amara nang basta na lang.

Walang pag-aalinlangan, walang kahit ano. Naguguluhan pa rin si Nardo.

Muli na naman niyang naalala si Amara. Hindi niya maintindihan kung bakit niya naiisip ang kanyang dating asawa.

Sumimangot si Nardo. Sa loob ng limang taon, madalas niyang naiisip si Amara, lalo na noong pitong buwan itong buntis. Naiisip din niya ang sana'y anak nila. Kung hindi sana nagpalaglag ito, limang taong gulang na sana ang bata ngayon.

Noong una, hindi ganoon kalalim ang pagmamahal niya kay Amara, pero hindi niya naisip na magdiborsyo. Inaasahan din niya ang magkaroon ng mga anak.

Sa pag-alalang ito, dumilim ang ekspresyon sa mukha ni Nardo.

"Nardo, masyadong mataas ang tingin sa sarili ng babaeng 'yan. Bakit hindi na lang tayo humanap ng ibang auctioneer para kay grandpa? Marami namang nakakaalam tungkol sa mga antigo sa mundo," sabi ni Mistica.

Sumimangot si Nardo, "Maraming nakakaalam tungkol sa mga antigo, pero siya ang gusto ng lolo ko, alamin mo ang tungkol sa kanya. Gusto kong malaman ang lahat." aniya.

"Nardo, bakit mo siya gustong ipahanap? Interesado ka ba sa kanya?" tanong ni Mistica sa kanya.

Matapos mawala ang Amara na iyon, kahit na nasa tabi siya ni Nardo, hindi pa rin siya nito pinapakasalan. Kaya naman labis na nag-aalala si Mistica.

Buti na lang at malamig si Nardo at walang interes sa ibang babae. Pag-iisip pa niya.

Pero ngayon, iba ang tingin ni Nardo sa auctioneer. Nakaramdam ng kaba si Mistica

"Hindi ako interesado sa kanya. Gusto lang siyang makita ni lolo, kaya kailangan nating malaman ang tungkol sa kanya." malamig na sagot ni Nardo.

Nakahinga nang maluwag si Mistica nang marinig niya ito.

Inutusan lang ni Nardo na alamin ang tungkol sa babae dahil sa kagustuhan ng kanyang lolo.

Isa pa, hindi naman magkakagusto si Nardo sa babaeng nakabelo na hindi kayang ipakita ang tunay nilang mukha.

"Bumalik na tayo sa hotel."

Tumalikod si Nardo at humakbang paalis.

Bumalik naman si Amara sa kanyang opisina, habang mabilis pa ring tumitibok ang kanyang puso.

Gusto siyang hanapin ni Nardo para ipakita sa kanya ang mga antigo. Sa loob ng tatlong taong pagsasama nila, alam ni Amara ang kapangyarihan ng lalaki.

Malaki ang posibilidad na babalik itong muli. Nagpakita siya sa harap nito ngayon. Hindi niya alam kung nakilala siya nito at kung iimbestigahan siya.

Hindi dapat malaman ni Nardo ang tungkol sa kanya at sa kanyang mga anak.

Habang iniisip iyon, kinuha ni Amara ang kanyang cellphone para tumawag. Hindi nagtagal at sinagot ito. Boses ng isang lalaki ang kanyang narinig, "Honey, may problema ba?"

"Pabor naman. Sa tingin ko may mag-iimbestiga sa akin. Hindi niya pwedeng malaman ang tungkol sa akin." aniya rito.

Sa kakayahan ni Amara, hindi niya kayang pigilan si Nardo na malaman ang tungkol sa kanya. Pero ang lalaking kausap niya sa telepono, kaya niya itong gawin.

"Sige." sagot ng nasa kabilang linya.

Sa isang simpleng salitang iyon, alam ni Amara na gagawin niya ito.

"Pangatlong beses na." sumunod nitong sabi.

"Ano?" nalilitong tanong ni Amara.

Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng lalaki sa sinabi nitong pangatlong beses na.

"Pangatlong beses na kitang tinutulungan sa loob ng limang taon. Honey, pakasalan mo kaya ako sa panglimang pagkakataon?" anito.

Ang lalaki sa kabilang linya ay nakasandal sa sofa. Nakabukas ang kanyang bathrobe, at nakikita ang kanyang perpekto at matipunong abs. Bahagya siyang napangiti, mas nakakatukso pa sa isang demonyo.

Kinilabutan si Amara. Magpakasal sa isang demonyo? Mas nakakatakot pa iyon kay Nardo.

"Ayoko. Tutulungan mo ako, babayaran kita. Wala tayong utang sa isa't isa." matigas na bulalas ni Amara.

"Mas gusto kong maging tapat sa'yo kaysa kumita ng pera." sagot ng lalaki.

"Dapat maghanap ka ng isang mabait at responsableng tao para alagaan ka. Ako, gulo lang ang idudulot ko sa'yo." muling sagot ni Amara.

"Walang konsensya." galit na boses ng lalaki.

Binaba ni Amara ang telepono, nag-type at nagpadala ng mensahe sa manager para humingi ng dalawang araw na bakasyon. Huminga siya ng malalim at binuksan ang pinto ng opisina. "Sally, tapos na si Mommy. Tara na..."

Tumingin si Amara sa paligid, ngunit wala si Sally.

Sa parehong oras, sa underground parking lot, nagtatago ang dalawang bata sa likod ng isang pader. Napabuntong-hininga si Mike binuksan ang kanyang computer, at tinulungan ang kapatid niyang si Miko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • After Divorce: Triplets For The Second Chance, Mr. Billionai   Chapter 4 : P1

    Anong klaseng lalaki ang magbibigay ng pamana ng dating asawa sa kanyang kasalukuyang asawa?Wala ba siyang pakiramdam?"Bitawan mo siya!"Sa gitna ng kanyang pag-iisip, isang malamig at matigas na boses ang umalingawngaw sa paligid.Napaangat ang ulo ni Amara. Hindi niya namalayan kung kailan sumulpot ang lalaki sa may pintuan. Ang kanyang mga mata ay agad na bumangga sa malalim at maitim na mga mata ng lalaki.Napakalakas ng karisma ng lalaki. Tuwid ang kanyang tindig, guwapo ang kanyang mga mata at kilay. Sa kanyang pagtayo pa lamang, ramdam na ang kanyang kapangyarihan at awtoridad.Napahigpit ang pagkuyom ng kamay ni Amara.Si Nardo! Si Nardo nga.Hindi nagkamali si Sally sa pagsasabing makikita niya si Nardo!Dapat ay inasahan na ni Amara na kung nasaan si Mistica, naroon din si Nardo. Halata namang sobrang malapit ang dalawang iyon sa isa't isa.Limang taon nang umalis si Amara, at hindi niya sukat akalain na muli niyang makikita ito.Ayaw na niya itong makita pa dahil natatako

  • After Divorce: Triplets For The Second Chance, Mr. Billionai   Chapter 3

    Hinalikan muli ni Amara ang pisngi ng kanyang anak at inabutan ito ng tinapay. "Kumain ka muna ng tinapay. Pagkatapos, isasama ko kayong tatlo sa isang masarap na kainan, okay?""Okay po!" masayang sagot ni Sally.Ngumiti si Amara, nagsuot ng belo, at lumabas ng opisina.Hawak ang tinapay, tumakbo si Sally sa pinto, sumilip, at tahimik na nagmasid sa labas."Aalis na naman si Mommy, nakakabagot," bulong ni Sally.Ibinaba niya ang tinapay, kinatok ang kanyang smart watch, at nagtanong sa kanyang mga kapatid sa malambing na boses, "Kuya, nasaan kayo? Hinahanap ko kayo."Hindi nagtagal, nakatanggap si Sally ng reply: isang lokasyon. "Nasa underground parking lot kami." Sa underground parking lot, dalawang batang lalaki ang nakatayo sa harap ng isang itim na Maybach.Nakapamewang si Mike at tiningnan ang kapatid niyang si Miko. "Sigurado ka bang kotse 'to ng masamang daddy?" tanong niya.Kinuha ni Miko ang kanyang paintbrush at nagsimulang magpinta sa kotse."Hindi ako nagkakamali. Nakit

  • After Divorce: Triplets For The Second Chance, Mr. Billionai   Chapter 2

    Makalipas ang limang taon.Sa isang kilalang bahay-subasta sa Bansang Yera.Sa malawak na bulwagan, nagsama-sama ang mga kilalang personalidad at mga taong may kaya.Sa harapan, nakatayo ang tagapagsubasta, nakasuot ng isang puting bestida. Ang kanyang buhok, buong ingat na nakatali at pinalamutian ng berdeng sutla, ay bahagyang natatakpan ng manipis na telang tulle na nagtatago sa kanyang mukha. Gayunpaman, kahit hindi man makita ang kanyang mukha, ang bawat kilos niya ay nagtataglay ng kakaibang ganda at karisma.Sa kanyang maganda at matatas na Ingles, kalmado niyang ipinakilala ang mga koleksyon na nakatanghal sa entablado. Nagsimula nang magtaasan ng bid ang mga manonood, sabik na makamit ang mga natatanging bagay na iyon.Habang nagpapatuloy ang subasta, isang pares ng mapanuring mata ang nagmasid sa bawat sulok ng bulwagan. Mahigpit niyang hinahawakan ang kanyang maliit na martilyo, handang tapusin ang bawat transaksyon sa tamang oras.Sa ikalawang palapag, nakaupo si Nardo. Ba

  • After Divorce: Triplets For The Second Chance, Mr. Billionai   Chapter 1: P2

    Noong mga sandaling iyon, paulit-ulit niyang tinawagan si Nardo, ngunit hindi ito sumasagot. Ngayon niya napagtanto: baka noong panahong iyon pa man ay kasama na niya si Mistica.Ang ina niya ay laging nangangarap na makita silang masayang magkasama habambuhay. Laging sinasabi nito na siya’y mapapangasawa ng mabuting lalaki, na magkakaroon sila ng tahimik at masaganang buhay.Ngunit baka hindi na niya matutupad ang hiling na iyon.Matapos ayusin ang lahat mag-isa, mula sa mga papel hanggang sa pag-aayos ng handaan para sa mga kamag-anak at kaibigan, naupo nang mag-isa si Amara sa isang upuan sa sulok ng kainan. Ang mga ilaw ay nagsisimula nang patayin, at ang ingay ng mga tao’y unti-unting nawawala, iniwan siyang mag-isa sa tahimik at sa bigat ng mga iniisip.Huli na nang dumating si Nardo. Nakasuot siya ng itim na kamiseta, ang makisig niyang mukha ay walang gaanong ekspresyon, ngunit nang mapadako ang kanyang mga mata kay Amara na nag-iisa roon, bihira nang makita ang bahid ng paghi

  • After Divorce: Triplets For The Second Chance, Mr. Billionai   Chapter 1: P1

    “Amara, malapit na ang libing. Hindi ba talaga makakapunta si Nardo?”Nakasuot ng puti si Amara habang nakaluhod sa harap ng punerarya ng kanyang ina. Sa liwanag ng nagliliyab na papel na sinusunog bilang handog, lalong namutla ang dati nang payat niyang mukha.Tiningnan niya ang cellphone sa kanyang kamay, halos maubos na ang baterya, ngunit nananatiling walang sagot ang tawag ni Nardo.Pumanaw ang ina ni Amara. Pitong buwang buntis siya, pitong araw na nagbantay sa punerarya at sa loob ng pitong araw na iyon, ni minsan ay hindi nagpakita ang lalaking tatlong taon na niyang asawa.Palaging abala si Nardo sa trabaho at lagi niyang naiintindihan iyon. Matagal na niyang sinasanay ang sarili na huwag umasa sa oras ng asawa sa ganitong mga bagay.“Baka abala lang siya,” bulong niya sa sarili, pilit pinagpipigil ang panghihinayang.Ngunit sa kalooban niya, alam niyang may kulang. Dapat nandito siya.Namumula at basang-basa pa rin ng luha ang mukha ni Amara. Sinunog niya ang huling piraso n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status