LOGINGinuhitan ni Miko ang kotse ni Nardo, at sinigurado itong icheck ang surveillance footage. Kung matuklasan sila, katapusan na nila. Kayat labis itong nag-alala.
Mabilis na binuksan ni Mike ang monitoring system at binura ang footage. Saka lang siya nakahinga nang maluwag. Nagawa niya ang tama para sa kanyang kapatid.
Samantala, si Miko naman ay sabik na naghihintay na makita ang reaksyon ni Nardo kapag nakita nito ang kanyang obra maestra.
"Sino ang gumawa nito?" galit na boses ang umaalingaw-ngaw.
Lumapit ang grupo ng mga tao, at nangunguna sa kanila si Nardo.
Tumingin ang secretaryang si Anton sa mga nakasulat sa kotse na may gulat sa kanyang mukha. Hindi niya sinasadyang binasa ang mga ito, "Basura!" Ito... Sir..."
Sabay tingin kay Nardo nang may takot.
Sino kaya ang gumawa nito? Hindi ba siya natatakot mamatay?
"Sino ang gumawa nito? Ang tapang naman!" Nagkunot din ng noo si Mistica.
Tumingin si Nardo sa paligid nang may madilim na mukha. Isa sa mga salita ay hindi naisulat nang maayos, at dalawa ang may mali. Halatang bata ang gumawa nito.
"Sir, iche-check ko po agad ang surveillance."
"Hehehe..." isang mahinang tawa ang narinig.
Malakas ang pandinig ni Nardo. Itinaas niya ang kanyang mga mata at agad na nakita ang dalawang bata na sumisilip sa likod ng pader.
Mabilis na kumilos si Miko, "Nakita na tayo! Sally, takbo!"
"Ano? Ano?" sigaw ni Sally.
Natakot si Sally at nang lumingon siya, nakatakbo na ang dalawa niyang kapatid.
"Kuya, hintayin niyo ako!" sigaw ni Sally.
Hahabulin sana ni Sally ang kanyang mga kapatid, pero sa pagmamadali, sumabit ang kanyang palda sa isang bagay. Hindi siya nakatakbo at bumagsak siya sa lupa.
Nahuli na siya ng mga tao, kaya wala na siyang takas. Napahiga na lang si Sally sa lupa, tinakpan ang kanyang mukha gamit ang kanyang mga kamay, at paulit-ulit na sinasabi sa kanyang isipan, Hindi ako nakikita, hindi ako nakikita, hindi ako nakikita...
Lumapit si Nardo, tiningnan ang maliit na batang nakahiga sa lupa, at inabot ang kanyang kamay para buhatin ito.
Tinakpan parin ni Sally ang kanyang mukha at ipinikit ang kanyang mga mata, na parang hindi siya nito nakikita.
Anong klaseng pagtatago ito?
"Nakikita kita, huwag ka nang magtago." sambit ni Nardo.
Nagulat na lamang ang munting babae na akala niya ay nagtatago siyang mabuti. Iminulat niya ang kanyang malalaking mata at tumingin sa lalaki.
Anong nangyayari? pag-iisip niya.
Sa tuwing naglalaro sila ng taguan kasama ang kanyang mga kapatid, siya ang pinakamagaling magtago.
Ibinaba ni Sally ang kanyang kamay. Dahil buhat siya nito, winawagayway niya ang kanyang mga kamay at paa para makababa, pero hindi siya nito binababa.
Napatingin si Sally kay Nardo gamit ang kanyang malalaking mata. Sa unang pagkakataon, tinitigan niya ang kanyang ama nang malapitan. Ikinurap nito ang kanyang mga mata at napansin na kamukha nga ng kanyang dalawang kuya ang kanyang ama.
Buti na lang, kamukha ni Mommy si Sally, hindi siya kamukha ng masamang Daddy.
Nagiisip si Sally sa kanyang sarili, at hindi niya namamalayang itinaas niya ang kanyang maliit na mukha at gumawa ng maliit na ekspresyon sa kanyang mukha.
Tumingin si Nardo sa kanya, at nakita niya na mayaman ang puso nito sa sandaling iyon.
Nardo: "Kaninong anak ka, bakit mo ginuhitan ang kotse ko?" Malamig na boses ang tanong nito.
Hindi natakot si Sally, at bahagya lang niyang isinara ang kanyang bibig.
Sabi ni Mommy, hindi dapat makipag-usap sa masasamang tao. Masamang tao si Daddy, kukunin niya si Sally at hindi na siya papayagang makita si Mommy.
Muling nagsalita si Nardo, "Kung ayaw mong magsalita, ipapaubaya kita sa pulis. Hahanapin ng mga pulis ang iyong ama."
Kumurap si Sally. Sa pag-iisip niya, Bobo, huwag mo akong hanapin.
Akala ni Nardo, matatakot ang batang ito sa pulis, pero hindi niya inaasahan na hindi ito matatakot.
Nardo: "Kapag gumawa ng masama ang isang bata, paparusahan ang kanyang mga magulang. Aarestuhin ang Daddy mo mamaya." Sinubukan ni Nardo na takutin ang bata.
Sige, Sally supports. Sa isip niya, gusto na niyang makita na arestuhin ang masamang Daddy.
Hindi natatakot? Tiningnan ni Nardo ang batang ito na parang walang pakialam. Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang batang ito.
"Aarestuhin nila ang Mommy mo." muling pananakot ni Nardo.
Agad na nagsalita ang munting si Sally, "Bakit niyo huhulihin si Mommy? Hulihin niyo na lang si Daddy, huwag si Mommy." Pag-aalala niya.
Dahil sa sinabi ng bata, napatawa si Nardo ng napakalakas.
Hindi pwedeng hulihin ang Mommy, pero pwedeng hulihin ang Daddy.
Ang Ama ng batang ito ay isang malaking pagkakamali. Napailing na lang si Nardo.
"Sally pala ang pangalan mo? Bakit mo ginuhitan ang kotse ko? Sino ang mga kasama mo kanina?" Tinitigan ni Nardo ang bata para malaman kung nagsasabi siya ng totoo.
Nagkrus ang mga kamay ng paslit, ikiniling ang kanyang ulo, at isinara ang kanyang maliit na bibig.
"Hindi ko sasabihin sa'yo na Sally ang pangalan ko. Ako lang ang gumawa nito, walang ibang kasama." Gusto niyang protektahan ang kanyang mga kuya.
Sa loob ng maraming taon na kasama niya si Nardo, ito ang kauna‑unahang pagkakataong nakita niya ang ganoong ekspresyon sa mukha nito.Sinasabi ng lahat na mahal ni Nardo si Mistica. Ngunit noong nahulog ito mula sa Ferris wheel at nakahiga habang umiiyak nang may matinding lungkot, ang nakita sa mga mata ni Nardo ay higit na pagkagulat at galit nang malaman niyang si Amara ang nagtulak sa kanya.Wala ni katiting na pagkabalisa, pag-aalala, o pangamba ang damdaming nararamdaman kapag nasasaktan ang taong minamahal.Ngunit ang katotohanan, hindi namamalayan ni Nardo na si Amara pala ang tunay niyang pinapahalagahan.Nanatili sandali si Anton sa likuran, at nang makitang nasugatan pa rin si Nardo, lumapit ito at nagpayo: "Boss, sugatan pa po kayo. Bakit hindi muna kayo magpagamot? Ako na po ang bahala rito...""Ayos lang ako." sagot ni Nardo.Sa pagkakataong ito, hindi na siya muling aalis.Sa sandaling iyon, bumukas ang pinto ng silid‑pang‑emergency at lumabas ang doktor. Alam ni Nardo
Itinataya niya ang buhay niya para lang makalayo sa kanya.Sa huli, naintindihan na ni Nardo kung gaano kagusto ni Amara na makipaghiwalay. At kung gaano na kababa ang tiwala at pag-asa nito sa kanya.Napagtanto niya baka nga hindi pa siya naging sapat at mabuti noon. Baka nga napakarami niyang pagkakamali at nasayang na pagkakataon.Hindi lang dahil hindi siya naroon noong pinagpalaglag at inoperahan si Amara ang dahilan ng paglisan nito.Ito ang bunga, ng matagal na panahong pagtitimpi, sakit, at sama ng loob na naipon sa loob ng maraming taon."Amara, patawad." puno ng pag-sisisi ang boses niya.Tumingala si Nardo at seryosong sinabi,"Nagkamali ako noon at babawi ako sa'yo. Pero ang pag-alis, hindi pwede. At saka, natalo ka. Base sa usapan, kailangan mong manatili at maging asawa ko pa rin.""Nandaya ka! Malinaw naman na." walang emosyon na sabi ni Amara."Sinabi ko sa'yo, kahit anong paraan ang gamitin mo, pwede ko ring gawin 'yon, Amara. At kahit ulit-ulitin ko pang isang libong
Sa sandaling iyon.WROOOOAR!Umugong ang buong paligid dahil sa lakas ng ingay ng makina.Mabilis na umilag si Karl sa suntok at binawi ang kamay. Tumingala siya at pinagmasdan ang eroplanong unti-unti nang umaangat at lumalayo sa langit.Gumuhit ang isang matagumpay na ngisi sa labi niya."Nardo. Talo ka na." aniya.Kumunot ang noo ni Nardo. Tinitigan niya ang pribadong eroplanong nakaparada sa harap niya.Nanigas ang panga niya at mabilis na humakbang papasok.Hindi naman siya pinigilan ni Karl.Pagpasok ni Nardo sa loob.Walang tao.Walang kahit isang anino ni Amara.Nanliit nang husto ang mga mata niya.Naloko siya.Hindi sa private jet sumakay si Amara.Nalito lang siya at na-distract nang makita niya si Karl na nakatayo doon.Ang totoo, sinakay ni Amara ang huling commercial flight para makaalis bago maghatinggabi.Napagtanto niyang naisahan siya, agad na kinuha ni Nardo ang cellphone at tinawagan ang mga tauhan niya."Alamin niyo kung anong flight ang kakatapos lang umalis! Han
Sadyang idinidiin niya ang salitang "aalagaan" na para bang may halong banta at pananakot.Namula ang mga mata ni Sally at halos mapaluha sa galit at takot. Pagkaalis ni Mistica, dali-dali niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang nanay niya.Una... walang sumasagot.Pangalawa... wala pa rin.Pangatlo... tila patay na ang linya at hindi na dumadaan ang tawag.Nanginginig na ang buong katawan ni Sally, Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa pisngi niya.Pero pilit niyang pinapakalma ang sarili."Magsinungaling ka lang, hindi totoo 'yan. Buhay si Mommy. Hindi siya mamamatay. Nagsisinungaling lang ang masamang babae na 'yon..."Samantala, pagdating ni Nardo sa airport, hinarang siya ng mga tauhan ni Karl sa labas.Tiningnan niya ang hanay ng mga armadong lalaki at propesyonal na mga bodyguard sa harap niya.Nagdilim ang mukha niya at nanigas ang panga."Umalis kayo sa harap ko." malamig at nakakatakot na utos niya.Hindi man lang kumilos o umatras ang mga humarang sa kanya.Walang sinaya
Samantala, nasa VIP lounge na ng airport si Amara at mahinahong naghihintay ng flight."Marunong kang manloko at manlamang... eh di ako rin!"Halos hatinggabi na.Kapag nakalabas at nakaalis siya ng bansa bago matapos ang araw na ito, panalo na siya!Panalo na siya laban kay Nardo!Nasa tabi niya ang doktor at binibendahan ang mga sugat niya."Miss, hindi po kayo pwede sumakay ng eroplano sa ganitong kondisyon. Kailangan niyo pong ma-confine at ma-monitor sa ospital."Namumutla nang husto si Amara at dahan-dahang umiling habang nakapikit."Wala na tayong oras. Kailangan kong makaalis." aniya.Napakunot ang noo ng doktor. Hindi niya maintindihan, anong klaseng dahilan ba ang meron ang babaeng ito?Kahit ganito kalala ang tama at sugat niya, ipipilit at ipipilit pa rin niyang umalis?Lumapit naman si Karl at tiningnan ang nanghihina at duguan na si Amara. Nanliit ang malalalim niyang mga mata."Kailangan mo pang masaktan at ipagsapalaran ang sarili mo, para lang makaalis?"Dahan-dahang
Ayaw niyang maniwala, pero paulit-ulit na lang sa tenga niya ang sinabi ng nurse.At sa isip-isip niya, ang imahe lang ni Amara na nasagasaan at posibleng ikamatay niya."Kung pinayagan ko lang sana siyang umalis kanina.""Hindi sana mangyayari ito at hindi siya mamamatay."Siya mismo ang pumigil at nagpilit na manatili ito, at dahil doon napahamak at nasagasaan ito.Kung mawawala siya, siya ang may kasalanan. Siya ang pumatay sa kanya.Ang katigasan ng ulo at maling akala niya, siya ang sumira sa kanya.Bumulwak sa dibdib ni Nardo ang matinding pagsisisi. Sobrang sakit ng puso niya na parang pinipiga at hindi siya makahinga nang maayos."Kung may mangyaring masama kay Amara hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko habambuhay." aniya sa sarili.Dahan-dahang lumilipas ang oras at mabilis na umabot ng mahigit apat na oras.Sa mga sandaling iyon, tinawag man siya ng nurse para magbayad o asikasuhin ang mga papeles, wala siyang ibang inisip kundi ang emergency room lang. Sunud-sunuran s
Nakatayo silang apat na parang nagkakaisa, nakatitig at naghihintay na yumuko si Amara.Pero hindi siya ang tipo ng tao na basta na lang susuko o magpapatalo."Tumawag kayo ng pulis at hayaan silang mag-imbestiga. Pero ang humingi ng tawad... hinding-hindi mangyayari 'yon." ani ni Amara.Gaya ng si
"Mapagbigay?" Namula ang mata ni Amara sa galit at sama ng loob. "Nardo, alam mo ba talaga kung ano ang ginagawa nila sa likod mo? Kaninang umaga, hinarangan niya ng patalim si Sally at pinapaluhod ako para humingi ng tawad sa kanya! At ngayong gabi, pinasok at sinunog nila ang bahay ko! Kung hind
Nang makitang walang nakuha si Amara, lalong gumaan ang loob niya at muling nagsalita, "Nardo... hindi ko alam kung bakit galit na galit siya sa akin. Gusto niya akong mamatay..."Sumandal si Mistica sa dibdib ni Nardo habang pumatak ang mga luha sa maputla niyang mukha. Kitang-kita ang takot sa mg
Tumingala siya at nakita si Amara. Walang emosyon o pagsisisi sa mukha nito, at sa isip pa niya ay parang gusto niyang hilahin na lang pababa si Amara kasama niya.Pero naisip niya, kapag ginawa niya 'yon, mamamatay din siya.Kaya itinikom niya ang bibig at hinawakan nang mahigpit ang braso ni Amar







