로그인Ang batang ito ay tapat ngunit medyo tanga. Isip ni Nardo.
"Kung ayaw mong sabihin kung sino ang mga kasama mo, sabihin mo na lang kung sino ang Mommy mo."
"Hindi ko sasabihin sa'yo." buong tapang na wika ni Sally.
"Kung ganoon, kailangan na kitang hulihin." mariing wika ni Nardo.
Nang marinig ni Sally na huhulihin siya, lumaki ang kanyang mga mata at parang anumang oras ay iiyak na siya.
Ibinaba siya ni Nardo sa lupa.
Pinigilan ni Sally ang kanyang luha. Ayaw niyang magpahuli sa kanyang masamang Daddy. Hindi na siya nag-atubili, agad na tumalikod, sinubukang bilisan ang kanyang maliliit na paa, at winawagayway ang kanyang maliliit na kamay.
May sinasabi pa siya habang tumatakbo, "Takbo nang mabilis, takbo, takbo nang mabilis..." Kailangan niyang makatakas para makabalik kay Mommy!
Tinaasan ni Nardo ang kanyang kilay, tiningnan ang maliit na dumpling, at hindi siya agad hinuli.
Hinayaan muna niyang makalayo ang bata. Nang akala nito na nakatakas na siya, humakbang si Nardo ng tatlong malalaking hakbang at binuhat niya ito ulit.
"Tumakbo ka pa." May halong panunukso sa boses ni Nardo.
Hinawakan ni Sally ang kanyang maliit na kamay at nagalit na ibinaba ang kanyang ulo, parang isang galit na maliit na pufferfish.
Ngumisi si Nardo, at naramdaman na medyo cute ang batang ito. Binuhat niya siya papunta sa gilid ng kotse, at nakita ulit ang mga pangit na salita.
"Sabihin mo sa akin, bakit mo isinulat ang mga salitang ito?" mahinahong tanong muli ni Nardo.
Parang hindi niya pa naiintindihan ang mga bagay-bagay sa edad niya. Isip ni Nardo. Sino kaya ang nagturo sa batang ito ng mga salitang ito?
Isinara ni Sally ang kanyang bibig at ayaw magsalita. Ayaw niyang makipag-usap sa masamang tao.
"Nardo, ano'ng nangyayari sa batang ito?" Nakakunot ang noo ni Mistica. Hindi niya gusto ang bata.
"Inamin niyang siya ang gumawa, at ayaw nang magsalita pa. Anton, tawagan mo ang pulis." mariing utos ni Nardo.
"Yes, sir. Itong bata ba?" sagot ng secretarya.
Tiningnan ni Nardo ang kanyang paligid at walang nakita. Nasaan kaya ang mga magulang ng batang ito? Mukhang apat o limang taong gulang ang batang ito, at hindi niya maaaring iwanan siya dito nang mag-isa.
Binuksan ni Nardo ang pinto ng kotse at ipinasok ang maliit na batang babae sa loob.
"Hintayin natin ang pulis na kontakin ang mga magulang mo para sunduin ka." marahan niyang sabi.
Pakiramdam ni Sally, gumuho ang kanyang mundo.
Tama si Mommy, kukunin siya ni Daddy.
Hindi na makikita ni Sally si Mommy.
Bumagsak ang kanyang mga luha habang nag-iisip. Ayaw niyang lumayo sa kanyang ina.
Umupo si Nardo sa kotse at napansin na ang batang matapang kanina na inako ang lahat ay umiiyak na sa mga sandaling iyon.
Hindi siya marunong makitungo sa mga bata, at kinamumuhian niyang may batang umiiyak sa harap niya, pero sa sandaling ito, sa pagtingin sa kawawang maliit na itsura sa harap niya, lumambot ang kanyang matigas na puso. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.
"Bakit ka umiiyak? Hindi naman kita sinaktan." Hindi alam ni Nardo kung paano patahanin ang bata.
Tinaas ni Sally ang kanyang maliit na kamay at pinahid ang kanyang luha.
"Nahuli na ako ng masasamang tao. Hindi na makikita ni Sally si Mommy ulit, huhuhu..." Humahahulgol ang maliit na batang babae at hindi na makapagsalita.
Tiningnan ni Nardo muli ang bata nang ilang sandali bago sabihin, "Kapag kinontak ako ng Mommy mo, papayagan kitang bumalik sa kanya."
"Talaga?" Tumigil sa pag-iyak si Sally, at ang kanyang mga mata ay tumingin sa kanya nang maliwanag. May pag-asa pa pala siya!
Napaisip si Nardo kung nagpapanggap lang ba ang batang ito. Ang bilis naman niyang tumigil sa pag-iyak.
"Oo, pero kailangan mong sabihin sa akin kung bakit mo ginuhitan ang kotse ko." mariing wika ni Nardo.
Isinara muli ni Sally ang kanyang bibig at tiningnan si Nardo nang malalaking mata, na may ekspresyong wala kang makukuha sa akin.
Kahit na si Nardo ay karaniwang nasusunod ang lahat ng gusto sa negosyo, sa sandaling ito ay hindi niya kayang pigilan ang isang umiiyak na maliit na batang babae. Ramdam niyang mahirap pala ito.
Habang nakikita si Sally na nabihag, ang dalawang maliliit na batang lalaki na unang tumakbo kanina ay nagpanik. Nag-iisip kung paano nila ililigtas si Sally.
Gustong tumakbo ni Miko para iligtas si Sally, pero pinigilan siya ni Mike.
"Medyo kamukha natin ang masamang Daddy. Hindi tayo pwedeng lumabas para iligtas si Sally, Baka lalo lang tayong maging problema ni Mommy."
"Paano na si Sally?" tarantang tanong ni Miko.
"Hanapin muna natin si Mommy." Si Mommy lang ang makakatulong kay Sally mahinahong tugon ni Mike.
Kinakabahan si Miko. Kailangan nilang iligtas si Sally, pero tama ang kanyang kuya. Kailangan muna nilang hanapin si Mommy.
Sinikipan niya ang kanyang maliliit na puwitan, at tinakpan ang kanyang maliliit na puwitan gamit ang dalawang kamay. Parang sasabog ang kanyang puwitan sa kaba at excitement.
Ilang sandali, tumunog ang telepono, isang tawag mula sa kanilang ina.
Hindi mahanap ni Amara ang tatlo at halos mabaliw na siya. Nasaan kaya ang mga batang ito? Pag-iisip niya, puno ng pag-aalala.
"Lagot, lagot, si Mommy tumatawag!" Kinamot ni Miko ang kanyang tenga at pisngi. Ano kaya ang sasabihin nila sa kanilang ina.
"Sagutin mo na." Kinonekta na ni Mike ang tawag.
Sa kabilang linya, rinig na rinig nila ang boses ng kanilang ina na puno ng pag-aalala, "Mike, Miko, saan kayo nagpunta? Nasaan si Sally? Kasama niyo ba siya?" Halos maluha na si Amara.
"S-si, si Sally..." Hindi makapagsalita si Miko sa sobrang pagmamadali. Paano niya sasabihin kay Mommy na nahuli si Sally?
Agad na sumulpot si Mike at siya na ang nagsabi, "Mommy, kinuha po si Sally ni Nardo..."
Kailangan nilang magsumbong para mailigtas ang kapatid nila, Ipinaliwanag nila ito sa kanilang ina sa tono na parang nasa panganib sila.
Pagkarinig nito, napaisip si Amara kung may problema ba ang kanyang pandinig. Nardo? Kinuha si Sally?
Pagkatapos ng sampung segundo ng katahimikan, nag-react si Amara.
Gumuho ang kanyang mundo. Paano nangyari ito?
"Kayo... Tssk!" Dahil sa sobrang pag-alala ni Amara, hindi niya mahanap ang tamang salita. Sa huli, tinanong niya na lang, "Nakilala ba kayo?"
"Hindi po." marahang sagot ni Mike.
Halos bumagsak ang mundo ni Amara, pero nang marinig niyang hindi pa alam ni Nardo ang lahat, nakaramdam siya ng kaunting kaginhawaan.
Huminga nang malalim si Amars at sinubukan na magpakalma.
"Bumalik muna kayo dito, Mommy na ang bahala." Kailangan niyang mag-isip ng paraan para iligtas si Sally.
"Okay po." agad na sagot nang dalawa.
Pagkababa ng telepono, nakatanggap si Amara ng kakaibang tawag. Sino kaya ito?
May masamang kutob si Amara, Ito na kaya? Nanginginig ang kanyang mga kamay nang sagutin ang telepono.
Ang lalaki sa kabilang linya ay nagsalita sa malamig na boses, "Ikaw ba ang ina ng bata?" anito.
"Ako nga." deristyong sagot ni Amara.
"Nasa akin ang anak mo." mahina ngunit may diin ang boses nito.
Agad na nakilala ni Amara na boses nga iyon ni Nardo, at nanlamig ang kanyang puso.
"Anong gusto mo? Huwag lang saktan ang anak ko." ani Amara.
"Diamond Hotel, puntahan mo ako dito." sagot ng lalaki.
Sa loob ng maraming taon na kasama niya si Nardo, ito ang kauna‑unahang pagkakataong nakita niya ang ganoong ekspresyon sa mukha nito.Sinasabi ng lahat na mahal ni Nardo si Mistica. Ngunit noong nahulog ito mula sa Ferris wheel at nakahiga habang umiiyak nang may matinding lungkot, ang nakita sa mga mata ni Nardo ay higit na pagkagulat at galit nang malaman niyang si Amara ang nagtulak sa kanya.Wala ni katiting na pagkabalisa, pag-aalala, o pangamba ang damdaming nararamdaman kapag nasasaktan ang taong minamahal.Ngunit ang katotohanan, hindi namamalayan ni Nardo na si Amara pala ang tunay niyang pinapahalagahan.Nanatili sandali si Anton sa likuran, at nang makitang nasugatan pa rin si Nardo, lumapit ito at nagpayo: "Boss, sugatan pa po kayo. Bakit hindi muna kayo magpagamot? Ako na po ang bahala rito...""Ayos lang ako." sagot ni Nardo.Sa pagkakataong ito, hindi na siya muling aalis.Sa sandaling iyon, bumukas ang pinto ng silid‑pang‑emergency at lumabas ang doktor. Alam ni Nardo
Itinataya niya ang buhay niya para lang makalayo sa kanya.Sa huli, naintindihan na ni Nardo kung gaano kagusto ni Amara na makipaghiwalay. At kung gaano na kababa ang tiwala at pag-asa nito sa kanya.Napagtanto niya baka nga hindi pa siya naging sapat at mabuti noon. Baka nga napakarami niyang pagkakamali at nasayang na pagkakataon.Hindi lang dahil hindi siya naroon noong pinagpalaglag at inoperahan si Amara ang dahilan ng paglisan nito.Ito ang bunga, ng matagal na panahong pagtitimpi, sakit, at sama ng loob na naipon sa loob ng maraming taon."Amara, patawad." puno ng pag-sisisi ang boses niya.Tumingala si Nardo at seryosong sinabi,"Nagkamali ako noon at babawi ako sa'yo. Pero ang pag-alis, hindi pwede. At saka, natalo ka. Base sa usapan, kailangan mong manatili at maging asawa ko pa rin.""Nandaya ka! Malinaw naman na." walang emosyon na sabi ni Amara."Sinabi ko sa'yo, kahit anong paraan ang gamitin mo, pwede ko ring gawin 'yon, Amara. At kahit ulit-ulitin ko pang isang libong
Sa sandaling iyon.WROOOOAR!Umugong ang buong paligid dahil sa lakas ng ingay ng makina.Mabilis na umilag si Karl sa suntok at binawi ang kamay. Tumingala siya at pinagmasdan ang eroplanong unti-unti nang umaangat at lumalayo sa langit.Gumuhit ang isang matagumpay na ngisi sa labi niya."Nardo. Talo ka na." aniya.Kumunot ang noo ni Nardo. Tinitigan niya ang pribadong eroplanong nakaparada sa harap niya.Nanigas ang panga niya at mabilis na humakbang papasok.Hindi naman siya pinigilan ni Karl.Pagpasok ni Nardo sa loob.Walang tao.Walang kahit isang anino ni Amara.Nanliit nang husto ang mga mata niya.Naloko siya.Hindi sa private jet sumakay si Amara.Nalito lang siya at na-distract nang makita niya si Karl na nakatayo doon.Ang totoo, sinakay ni Amara ang huling commercial flight para makaalis bago maghatinggabi.Napagtanto niyang naisahan siya, agad na kinuha ni Nardo ang cellphone at tinawagan ang mga tauhan niya."Alamin niyo kung anong flight ang kakatapos lang umalis! Han
Sadyang idinidiin niya ang salitang "aalagaan" na para bang may halong banta at pananakot.Namula ang mga mata ni Sally at halos mapaluha sa galit at takot. Pagkaalis ni Mistica, dali-dali niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang nanay niya.Una... walang sumasagot.Pangalawa... wala pa rin.Pangatlo... tila patay na ang linya at hindi na dumadaan ang tawag.Nanginginig na ang buong katawan ni Sally, Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa pisngi niya.Pero pilit niyang pinapakalma ang sarili."Magsinungaling ka lang, hindi totoo 'yan. Buhay si Mommy. Hindi siya mamamatay. Nagsisinungaling lang ang masamang babae na 'yon..."Samantala, pagdating ni Nardo sa airport, hinarang siya ng mga tauhan ni Karl sa labas.Tiningnan niya ang hanay ng mga armadong lalaki at propesyonal na mga bodyguard sa harap niya.Nagdilim ang mukha niya at nanigas ang panga."Umalis kayo sa harap ko." malamig at nakakatakot na utos niya.Hindi man lang kumilos o umatras ang mga humarang sa kanya.Walang sinaya
Samantala, nasa VIP lounge na ng airport si Amara at mahinahong naghihintay ng flight."Marunong kang manloko at manlamang... eh di ako rin!"Halos hatinggabi na.Kapag nakalabas at nakaalis siya ng bansa bago matapos ang araw na ito, panalo na siya!Panalo na siya laban kay Nardo!Nasa tabi niya ang doktor at binibendahan ang mga sugat niya."Miss, hindi po kayo pwede sumakay ng eroplano sa ganitong kondisyon. Kailangan niyo pong ma-confine at ma-monitor sa ospital."Namumutla nang husto si Amara at dahan-dahang umiling habang nakapikit."Wala na tayong oras. Kailangan kong makaalis." aniya.Napakunot ang noo ng doktor. Hindi niya maintindihan, anong klaseng dahilan ba ang meron ang babaeng ito?Kahit ganito kalala ang tama at sugat niya, ipipilit at ipipilit pa rin niyang umalis?Lumapit naman si Karl at tiningnan ang nanghihina at duguan na si Amara. Nanliit ang malalalim niyang mga mata."Kailangan mo pang masaktan at ipagsapalaran ang sarili mo, para lang makaalis?"Dahan-dahang
Ayaw niyang maniwala, pero paulit-ulit na lang sa tenga niya ang sinabi ng nurse.At sa isip-isip niya, ang imahe lang ni Amara na nasagasaan at posibleng ikamatay niya."Kung pinayagan ko lang sana siyang umalis kanina.""Hindi sana mangyayari ito at hindi siya mamamatay."Siya mismo ang pumigil at nagpilit na manatili ito, at dahil doon napahamak at nasagasaan ito.Kung mawawala siya, siya ang may kasalanan. Siya ang pumatay sa kanya.Ang katigasan ng ulo at maling akala niya, siya ang sumira sa kanya.Bumulwak sa dibdib ni Nardo ang matinding pagsisisi. Sobrang sakit ng puso niya na parang pinipiga at hindi siya makahinga nang maayos."Kung may mangyaring masama kay Amara hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko habambuhay." aniya sa sarili.Dahan-dahang lumilipas ang oras at mabilis na umabot ng mahigit apat na oras.Sa mga sandaling iyon, tinawag man siya ng nurse para magbayad o asikasuhin ang mga papeles, wala siyang ibang inisip kundi ang emergency room lang. Sunud-sunuran s
"Nakuha ko na."Inilabas ni Manuel ang isang cellphone at iniabot kay Mistica."Natagpuan ito ng mga tauhan natin malapit sa Ferris wheel."Nagsalita naman si Aida mula sa gilid, "Tingnan mo agad kung cellphone ba talaga ito ni Amara."Nanliwanag ang mga mata ni Mistica at agad na kinuha ang cellph
Hinawakan ni Karlo ang kanyang ulo. "Mom, kakauwi ko lang, papatayin niyo na ba ako?""Kapag narinig 'yan ng Daddy mo, babayo ka talaga sa kanya.""Pero totoo naman ang sinabi niya. Hindi man siya madalas magsalita ng maganda, pero tama 'to," wika naman ng isa.Bumaba naman ang Matanda mula sa elev
Dahil ang kuya niyang si Nardo na ang humahawak ng mabibigat na responsibilidad para sa kinabukasan ng pamilya, pinalaki naman nang sobra at layaw ang bunsong si Karlo. Kaya naman naging ugali niyang maging padalos-dalos at may napakalupit na init ng ulo kahit sino na ayaw niya ay handa niyang pata
"Amara, may saysay ba talaga ang lahat ng ganitong eksena?""Ano?"Hindi niya maintindihan, pero bigla siyang hinawakan ni Nardo sa braso."Sumama ka sa akin.""Teka lang!"Sanay na si Amara. Alam niyang kapag ganito ang itsura at galit nito, may malaking problema.At sigurado siya... may kinalaman







