Share

Chapter: 58

Penulis: Marifer
last update Tanggal publikasi: 2026-04-15 12:01:27

Paglapit pa lang nila, nakita na ni Amara ang nakakakilabot na eksena, binuhat nila si Sally at walang awang inihagis ito sa dagat!

"BLAG!"

Parang tumunog ang buong paligid at parang nanigas ang dugo sa katawan ni Amara. Sa isang iglap, parang gumuho ang mundo niya at parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa sobrang takot at sakit.

"Sally!!"

Sumigaw siya nang buong lakas at sa susunod na sandali, tumalon siya agad sa dagat nang walang pag-aalinlangan!

Naniklom ang mga mata ni Nardo at nanig
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • After Divorce: Triplets For The Second Chance, Mr. Billionai   Chapter: 98

    Itinataya niya ang buhay niya para lang makalayo sa kanya.Sa huli, naintindihan na ni Nardo kung gaano kagusto ni Amara na makipaghiwalay. At kung gaano na kababa ang tiwala at pag-asa nito sa kanya.Napagtanto niya baka nga hindi pa siya naging sapat at mabuti noon. Baka nga napakarami niyang pagkakamali at nasayang na pagkakataon.Hindi lang dahil hindi siya naroon noong pinagpalaglag at inoperahan si Amara ang dahilan ng paglisan nito.Ito ang bunga, ng matagal na panahong pagtitimpi, sakit, at sama ng loob na naipon sa loob ng maraming taon."Amara, patawad." puno ng pag-sisisi ang boses niya.Tumingala si Nardo at seryosong sinabi,"Nagkamali ako noon at babawi ako sa'yo. Pero ang pag-alis, hindi pwede. At saka, natalo ka. Base sa usapan, kailangan mong manatili at maging asawa ko pa rin.""Nandaya ka! Malinaw naman na." walang emosyon na sabi ni Amara."Sinabi ko sa'yo, kahit anong paraan ang gamitin mo, pwede ko ring gawin 'yon, Amara. At kahit ulit-ulitin ko pang isang libong

  • After Divorce: Triplets For The Second Chance, Mr. Billionai   Chapter: 97

    Sa sandaling iyon.WROOOOAR!Umugong ang buong paligid dahil sa lakas ng ingay ng makina.Mabilis na umilag si Karl sa suntok at binawi ang kamay. Tumingala siya at pinagmasdan ang eroplanong unti-unti nang umaangat at lumalayo sa langit.Gumuhit ang isang matagumpay na ngisi sa labi niya."Nardo. Talo ka na." aniya.Kumunot ang noo ni Nardo. Tinitigan niya ang pribadong eroplanong nakaparada sa harap niya.Nanigas ang panga niya at mabilis na humakbang papasok.Hindi naman siya pinigilan ni Karl.Pagpasok ni Nardo sa loob.Walang tao.Walang kahit isang anino ni Amara.Nanliit nang husto ang mga mata niya.Naloko siya.Hindi sa private jet sumakay si Amara.Nalito lang siya at na-distract nang makita niya si Karl na nakatayo doon.Ang totoo, sinakay ni Amara ang huling commercial flight para makaalis bago maghatinggabi.Napagtanto niyang naisahan siya, agad na kinuha ni Nardo ang cellphone at tinawagan ang mga tauhan niya."Alamin niyo kung anong flight ang kakatapos lang umalis! Han

  • After Divorce: Triplets For The Second Chance, Mr. Billionai   Chapter 96: P2

    Sadyang idinidiin niya ang salitang "aalagaan" na para bang may halong banta at pananakot.Namula ang mga mata ni Sally at halos mapaluha sa galit at takot. Pagkaalis ni Mistica, dali-dali niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang nanay niya.Una... walang sumasagot.Pangalawa... wala pa rin.Pangatlo... tila patay na ang linya at hindi na dumadaan ang tawag.Nanginginig na ang buong katawan ni Sally, Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa pisngi niya.Pero pilit niyang pinapakalma ang sarili."Magsinungaling ka lang, hindi totoo 'yan. Buhay si Mommy. Hindi siya mamamatay. Nagsisinungaling lang ang masamang babae na 'yon..."Samantala, pagdating ni Nardo sa airport, hinarang siya ng mga tauhan ni Karl sa labas.Tiningnan niya ang hanay ng mga armadong lalaki at propesyonal na mga bodyguard sa harap niya.Nagdilim ang mukha niya at nanigas ang panga."Umalis kayo sa harap ko." malamig at nakakatakot na utos niya.Hindi man lang kumilos o umatras ang mga humarang sa kanya.Walang sinaya

  • After Divorce: Triplets For The Second Chance, Mr. Billionai   Chapter 96: P1

    Samantala, nasa VIP lounge na ng airport si Amara at mahinahong naghihintay ng flight."Marunong kang manloko at manlamang... eh di ako rin!"Halos hatinggabi na.Kapag nakalabas at nakaalis siya ng bansa bago matapos ang araw na ito, panalo na siya!Panalo na siya laban kay Nardo!Nasa tabi niya ang doktor at binibendahan ang mga sugat niya."Miss, hindi po kayo pwede sumakay ng eroplano sa ganitong kondisyon. Kailangan niyo pong ma-confine at ma-monitor sa ospital."Namumutla nang husto si Amara at dahan-dahang umiling habang nakapikit."Wala na tayong oras. Kailangan kong makaalis." aniya.Napakunot ang noo ng doktor. Hindi niya maintindihan, anong klaseng dahilan ba ang meron ang babaeng ito?Kahit ganito kalala ang tama at sugat niya, ipipilit at ipipilit pa rin niyang umalis?Lumapit naman si Karl at tiningnan ang nanghihina at duguan na si Amara. Nanliit ang malalalim niyang mga mata."Kailangan mo pang masaktan at ipagsapalaran ang sarili mo, para lang makaalis?"Dahan-dahang

  • After Divorce: Triplets For The Second Chance, Mr. Billionai   Chapter: 95

    Ayaw niyang maniwala, pero paulit-ulit na lang sa tenga niya ang sinabi ng nurse.At sa isip-isip niya, ang imahe lang ni Amara na nasagasaan at posibleng ikamatay niya."Kung pinayagan ko lang sana siyang umalis kanina.""Hindi sana mangyayari ito at hindi siya mamamatay."Siya mismo ang pumigil at nagpilit na manatili ito, at dahil doon napahamak at nasagasaan ito.Kung mawawala siya, siya ang may kasalanan. Siya ang pumatay sa kanya.Ang katigasan ng ulo at maling akala niya, siya ang sumira sa kanya.Bumulwak sa dibdib ni Nardo ang matinding pagsisisi. Sobrang sakit ng puso niya na parang pinipiga at hindi siya makahinga nang maayos."Kung may mangyaring masama kay Amara hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko habambuhay." aniya sa sarili.Dahan-dahang lumilipas ang oras at mabilis na umabot ng mahigit apat na oras.Sa mga sandaling iyon, tinawag man siya ng nurse para magbayad o asikasuhin ang mga papeles, wala siyang ibang inisip kundi ang emergency room lang. Sunud-sunuran s

  • After Divorce: Triplets For The Second Chance, Mr. Billionai   Chapter 94: P2

    Si Arnold Divaz ang namumuno sa kanila.Mga tauhan sila ni Ernesto.Dahan-dahang binawi ni Amara ang hakbang na akmang gagawin niya.Lumingon si Divaz at yumuko nang magalang kay Nardo."Sir, utos po ni Boss, hayaan niyo pong umalis si Miss Amara."Hindi alam ng lahat na mahigit isang oras lang ang nakalilipas, nakausap at nakontak na pala ni Amara si Ernesto.Walong taon nang ayaw ni Ernesto na maging manugang siya.Siyempre, siya ang taong pinakagustong makalayo at makawala siya piling ni Nardo.Tinitigan siya ni Nardo nang may lamig sa mga mata."Umalis ka."Lalong yumuko si Divaz."Sinabi po ni Sir, kayo po ay..."Pero lalong tumindi ang nakakatakot na aura ni Nardo, kaya napahinto at napatahimik na lang bigla si Divaz.Kahit na dating pinuno ng pamilya si Ernesto, sa mga nakaraang taon, si Nardo na ang may hawak ng tunay na kapangyarihan.Ang gusto niyang mangyari, mangyayari. Ang gusto niyang manatili, mananatili. Paano pa siya mapipigilan ng isang Assistant lang na katulad ni A

  • After Divorce: Triplets For The Second Chance, Mr. Billionai   Chapter 7: P.2

    Kahit na walang masamang nangyari, nananatiling takot si Amara na baka makakita si Nardo ng anumang maling bagay kung magpapatuloy ito sa pag-iisip.Habang nakaupo, palihim na nagta-trabaho sa kanyang isipan, biglang tumunog ang telepono niya. Nakita niya ang pangalan ng manager, kaya mabilis niya

  • After Divorce: Triplets For The Second Chance, Mr. Billionai   Chapter 7: P.1

    Agad na sumigaw si Miko habang tinuturo ang dalawa, "Mommy! Si ninang at si Sally na! Lumabas na sila!" Mabilis na itaas ni Amara ang kanyang ulo, at nang makita niyang ligtas at maayos sina Ella at ang maliit na Sally na hawak nito, ang kanyang pusong matagal nang nakataas sa kaba ay sa wakas ay

  • After Divorce: Triplets For The Second Chance, Mr. Billionai   Chapter : 6

    "Lahat para sa'yo." mahinahong sambit ni Nardo.Huminto bigla ang pag-iyak ni Sally. Ang kanyang mga maliliit na kamay, na kanina pa nakakuyom at pinipigilan ang mga hikbi, ay unti-unting bumukas nang malapad.Si Nardo naman ay hindi makapaniwalang nakatingin sa bata.Si Ella, Cruz naman ay dinala

  • After Divorce: Triplets For The Second Chance, Mr. Billionai   Chapter 5: P2

    Narinig ni Amara ang iyak ni Sally sa kabilang linya, at agad siyang nag-alala."Naiintindihan ko ang lahat. Pag-usapan natin ito nang maayos. Kung may dapat bayaran, babayaran ko. Huwag mong saktan ang anak ko. Handa akong gawin ang lahat para sa anak ko." mariing wika ni Amara.Kumunot ang noo ni

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status