Share

Chapter 3

Author: Sienna Fox
last update publish date: 2026-02-09 17:04:35

Meron na lamang isang buwan si Aera bago niya tuluyang iwan si Zach. Gagamitin niya ang panahong iyon para gumanti sa mga taong nanloko sa kanya.

Nakita niya sa cellphone ang ilang missed calls mula kay Zach. Malamang ay nabalitaan na nito na kinansela ni Aera ang isang importanteng proyekto na nagkakahalaga ng milyon-milyon. Kung natuloy iyon, mas aangat na naman ang Tuazon. Hindi na siya papayag na gamitin siya nito para sa pansariling interes.

Kinabukasan, nagulat siya nang biglang dumating si Zach. Isang araw pa dapat ang uwi nito, pero mukhang napaaga.

Bigla itong pumasok sa opisina niya, salubong ang dalawang kilay at halatang galit na galit. Lalo pa siyang nainis nang makita niyang prenteng nakaupo lamang si Aera at nagkakape.

“Bakit ba hindi mo sinasagot ang tawag ko? Nabalitaan ko na kinansela mo raw ang project kay Mr. Velasco. Hindi ka ba talaga nag-iisip? Ang laki ng halagang sinayang mo. Huwag mong sabihing hindi ka prepared sa project na ’yon, eh halos tapos mo na ang design draft na kailangan nila. Ni hindi mo man lang ako inabisuhan sa ginawa mo,” galit na bungad nito.

Nagpipigil ng tawa si Aera. Naisip niya na baka kaya galit si Zach ay naputol ang family bonding nila ni Serene.

“Ah, pasensya ka na. Hindi ko namalayan na naka-silent pala ang phone ko. Hindi ko na rin nasabi sa’yo na kinansela ko ang project kasi busy ka. Masama kasi ang pakiramdam ko lately. Hindi ko kaya ang workload. Ayaw ko namang pilitin ang sarili ko ayokong maglagay ng sobrang pressure sa sarili ko, baka pangit ang maging outcome.”

Tiningnan niya ang lalaking nasa harapan niya ang lalaking kasama niya mula pa noon at mahiyain, hanggang sa pagiging mature at awe-inspiring na tao ngayon at wala siyang naramdaman.

Bigla niyang na-realize na noon, sobrang bigat ng pinapasan niya, pero hindi naman iyon sineseryoso ni Zach.

Gaya ng inaasahan, binale-wala na naman ni Zach ang ikalawang bahagi ng sinabi niya. Malamig at hindi mabasa ang ekspresyon ng mukha nito, gaya ng dati. Dahan-dahan siyang ngumiti.

“Huwag ka mag-alala. ’Di ba may client na pinasok si Serene? Sabi mo malaki naman ang kikitain natin doon. Kaya hayaan mo na ang project ni Mr. Velasco maliit na bagay na lang ’yon,” nakangiti niyang sambit.

Napansin niyang natigilan si Zach at tila nanigas sa kinatatayuan nito, halatang nag-iisip ng isasagot. Alam naman niyang wala talagang client si Serene, at ang perang ginastos nito ay malamang napunta na sa sariling bulsa ng babae.

Napansin ni Zach na tila nag-iba ang aura ni Aera. Inisip niya na baka galit pa rin ito dahil sa perang ginastos niya para kay Serene, dahil ni minsan ay hindi naman ito sumuway sa kanya nang ganito.

Marami siyang gustong sabihin, pero walang lumabas sa kanyang bibig. Napalunok na lamang siya. Alam niyang malaking asset si Aera sa kumpanya magaganda ang designs nito at pasok sa panlasa ng mga kliyente. Hindi niya ito pwedeng mawala. Kung hindi lang niya kailangan si Aera, baka hindi man lang niya ito ma-appreciate.

Masyado siyang nadala sa drama ni Serene kaya hindi na siya nakapag-isip nang ipadala niya ang perang dapat sana ay para sa kasal nila. Nakaramdam siya ng kaunting guilt dahil alam niyang pinag-ipunan talaga iyon ni Aera.

Dahan-dahan niyang ni-relax ang sarili. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago nagsalita.

“Ikaw talaga, babe. Hindi mo naman sinabi sa’kin na masama ang pakiramdam mo. Magpahinga ka muna, mag-early out ka na. Don’t force yourself always remember that your health comes first.”

Lalong gusto tumawa ni Aera sa narinig niya. Halatang peke ang lahat ng sinasabi ni Zach.

Sasagot sana siya, pero biglang bumukas ang pinto. Dumating si Serene kasama ang anak nito.

“Gusto raw makita ni Cedric ang trabaho ng Tito Zach niya. Sorry, nakakaabala ba kami?” sabi ni Serene. Napa-irap si Aera alam niyang sinasadya iyon ng babae.

Mabait naman si Cedric, pero bilang bata, likas ang kakulitan nito. Napansin niya ang reaksyon ni Zach; agad lumambot ang aura nito. Halos iunat na sana nito ang mga kamay para buhatin ang bata, pero napahinto siya sa sinabi ni Aera.

“Ano ka ba, hindi kayo nakakaabala. Besides, I like Cedric ang cute-cute niyang bata. I’m wondering nga, parang bagay si Cedric maging ring bearer sa kasal namin ni Zach,” nakangiti niyang sambit.

Kitang-kita ang biglang pagbabago ng mukha ni Serene nang marinig ang salitang kasal, pero mabilis din itong ngumiti.

Bigla namang sumigaw si Cedric, dahilan para magulat ang lahat.

“No! Ayaw ko maging ring bearer sa kasal n’yo ni Tito Zach! Kasi dapat sila ni Mommy ko ang ikasal!”

Biglang nanahimik ang paligid.

Agad nilapitan ni Serene ang anak niya.

“Anak, ano ka ba? Be mindful naman sa mga sinasabi mo. Andiyan si Tita Aera dapat iniisip mo ang mararamdaman niya,” nakangiti nitong sabi.

Nilapitan din ni Aera ang bata.

“Tama ang Mommy mo, Cedric. Kasi kami ni Tito Zach mo, matagal na kaming magkasama—four years na. Alam ’yan dito sa office. Kung maririnig nila ang sinabi mo kanina, ayaw mo naman sigurong isipin ng ibang tao na kabit ang Mommy mo, ’di ba?”

Nawala ang ngiti sa mukha ni Serene. Sa loob-loob niya, gusto na niyang patulan si Aera.

Naramdaman ni Zach na nag-iba ang ihip ng hangin sa loob ng opisina. Tahimik ang mag-ina, samantalang si Aera ay nakangiti.

Hindi siya makapaniwala sa mga salitang binitiwan ni Aera lalo na at isang bata ang kausap nito.

Agad siyang lumingon kina Serene.

“Ah, Serene, mauna na kayo. Mag-uusap lang kami ni Aera.”

Labag man sa loob ni Serene ang lumabas, naalala niya ang malaking halagang ibinigay sa kanya ni Zach patunay, para sa kanya, na mahal siya nito. Mabilis siyang lumabas ng opisina kasama ang anak.

Naiwan sina Zach at Aera sa loob, tila kapwa nag-aabang kung sino ang unang magsasalita.

“Ah, babe… matagal na tayong hindi nagdi-dinner sa labas. Tara mamaya. Magpa-reserve ako sa favorite restaurant mo,” bungad ni Zach.

Sa isip niya, bibilhan na rin niya ito ng ilang regalo. Para sa kanya, madaling suyuin si Aera materyal na bagay lang ang kailangan para mawala ang galit nito sa pag gamit niya ng pera nila.

Sa paningin niya, wala nang ibang masasandalan si Aera kundi siya.

“Ano pa ba ang gusto mo? Sabihin mo lang. Bibilhan naman kita. If you want money, just tell me kung magkano ang kailangan mo.”

Napangiti si Aera. Expected na niya ang ganitong paraan ng panunuhol ni Zach. Noon, nadadala pa siya sa ganito pero ngayon, iba na. Hindi na siya ang dating uto-u***g Aera.

“Sige, mauuna na rin ako. May jet lag pa ako. Magpahinga ka na rin para sa dinner natin mamaya. Papasundo na lang kita.”

Hindi pa man siya nakakasagot, biglang tumunog ang cellphone ni Aera. Unknown number.

Pagbukas niya ng mensahe, nanlaki ang mga mata niya.

“Hello, Miss Aera. I am Lucas, Sir Ethan’s assistant. I was asked to message you regarding the upcoming engagement between the two of you. Sir Ethan is inviting you to have dinner with him tonight at The Cellar, Grand Hyatt Manila, 8:00 PM sharp.”

Natigilan siya. Hindi niya inakalang magkikita agad sila ng magiging asawa niya. Naalala rin niyang may dinner pala sila ni Zach.

Agad niya itong hinabol palabas ng opisina.

“Zach, wait. I can’t come to dinner tonight. May biglaang meeting kasi ako urgent lang. Maybe next time na lang.”

“Ganun ba? Sige, mas mahalaga naman ang work. Next time na lang tayo mag-set ng date. Hindi na kita mahahatid ha. Sana maging okay ang meeting mo.”

Tahimik ang opisina. Tanging mahinang ugong ng aircon ang kasama ni Aera habang nakatitig siya sa madilim na salamin ng bintana. Sa repleksyon, nakita niya ang sarili pagod, pero mas malinaw ang mga mata kaysa dati.

Huminga siya nang malalim at isinara ang laptop.

Anuman ang mangyari sa susunod, handa na siya.

Sa pagkakataong ito, hindi na siya aatras.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife   Chapter 156

    Habang papalapit ang global show, sobrang tensionado na ang atmosphere sa backstage ng huling rehearsal.Paulit-ulit na inaayos ng lighting team ang anggulo ng ilaw, chine-check ng sound team ang bawat audio track, at abala rin ang mga stylist at modelo sa kani-kanilang ensayo.Nakatayo si Aera sa gitna, malapit sa control area, hawak ang walkie-talkie at flow sheet. Bahagyang nakakunot ang noo niya habang maingat na tinitingnan ang bawat detalye.Simple lang ang suot niya itim na high-neck top at slacks at maayos na nakatali ang buhok niya. Pero halata sa mukha niya ang pagod. Maitim ang ilalim ng mata niya at kitang-kita ang puyat.Ilang gabing halos hindi siya natutulog. Kape at matinding pagpipigil sa sarili lang ang nagpapagalaw sa kanya.Maya-maya, may bahagyang ingay na narinig sa may entrance ng backstage. Napalingon ang lahat.Doon nila nakita si Ethan, kasama ang ilang assistant, dahan-dahang naglalakad papasok.Lumampas ang tingin niya sa lahat ng tao at agad tumigil kay Ae

  • After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife   Chapter 155

    Pagbalik sa mainit at komportableng penthouse, hinubad ni Aera ang mataas niyang sapatos. Parang nananatili pa rin sa hangin ang malamig at malinis na amoy ni Ethan, pero sa halip na magpagaan ng loob, lalo lang siyang nainis at nabigatan.Lumapit siya sa malaking bintana.Bakit? inis na isip niya. Bakit sa tuwing pakiramdam niya ay mas lumalapit sila ni Ethan sa isa’t isa, laging may taong o pangyayaring sumusulpot para ipaalala sa kanya namay isang babaeng hindi makalimutan si Ethan, may isang malalim na nakaraan na hindi niya naging bahagi, at ang babaeng iyon ay hindi siya.Mas lalong gumulo ang loob niya dahil sa ugali rin ni Ethan.Kayang-kaya nitong magpakita ng matinding selos at pagiging mapag-angkin kapag may ibang lalaking lumalapit sa kanya. Ayaw nitong may walang kwentang lalaking basta na lang nasa paligid niya. Pero siya mismo? Nakatago sa study niya ang litrato ng ibang babae. Sa nakaraan niya, may isang taong hindi kayang palitan ni Aera.Parang unfair naman nun.Siy

  • After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife   Chapter 154

    Biglang napasigaw si Princess nang puno ng galit at sakit.“Hindi kayo magiging masaya! Kuya Ethan hindi ba’t may iba kang babae na gusto! Ang babaeng hindi mo makalimutan! Si Aera, rebound lang! Anino lang siya! Kaya mong lokohin ang iba pero hindi ako! Hindi kayo magiging masaya—!”Lalong tumama kay Aera ang mga salitang babaeng hindi makalimutan at rebound. Parang tinamaan nito ang isang bahagi ng puso niya na matagal na niyang iniiwasan.Sa sandaling marinig iyon ni Ethan, sobrang dumilim ang mukha niya. Malamig ang boses niyang sumigaw.“Tumahimik ka! Ikulong niyo na yan! Hangga’t wala akong sinasabi, walang magpapalabas sa kanya!”Sa sobrang lamig ng tono niya, parang pati hangin sa paligid ay tumigas.Agad siyang humarap at mas hinigpitan ang yakap sa asawa. Maingat niyang tiningnan ang balat nitong nakalabas para siguraduhing walang tumalsik na asido. Nang makitang wala naman, saka lang siya bahagyang nakahinga.Pero sa bisig niya, bahagyang nanginginig ang katawan ng babae. H

  • After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife   Chapter 153

    Noong gabi, dinala ni Ethan ang asawa niya sa isang handaan na sama-samang inorganisa ng pamilya niya.“Hindi muna tayo didiretso sa bahay mamaya. Samahan mo muna akong pumunta sa isa pang maliit na dinner. Malapit lang, sa private club na pag-aari ng mga Almeda. Sakto rin, ipakikilala kita sa iba pang matatandang kamag-anak ng pamilya.”Alam ng babae na bilang asawa ni Ethan, darating at darating ang oras na kailangan niyang pormal na humarap sa ibang sangay ng pamilya nito. Kahit medyo pagod siya, hindi siya tumutol at marahan lang na tumango.Mabilis na nakarating ang sasakyan sa isang private club na simple sa labas pero halatang napaka yayamanin sa loob.Hindi ito bukas sa publiko. Tanging malalapit na kaibigan ng pamilya at mismong mga miyembro lang ng pamilyang Almeda ang pwedeng pumasok. Tahimik at elegante ang lugar, at ramdam ang yaman at estado nito.Nang pumasok ang mag asawa sa hall habang magkahawak-kamay, agad silang pinagtuunan ng pansin ng lahat.May halong kuryosidad

  • After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife   Chapter 152

    Nakatingin si Serene sa text ni Zach sa screen ng phone niya. Nanlalamig ang mga daliri niya.Hindi pwedeng hindi mapansin ni Zach ang pagkawala ng nanay niya. Pero hindi niya inasahan na ganun ito kabilis, at na siya agad ang kokontakin nito.Hindi siya pwedeng sumagot, hindi pa sa ngayon. Anumang reply ay pwedeng maging bakas. Anumang paliwanag ay pwedeng magbunyag ng butas sa kwento niya. Pinilit ni Serene na alisin ang tingin sa screen at pinatay ang ilaw nito.Pinilit niyang isipin na okay lang ito, dahil malinis naman ang pagkakagawa ni Christian. Liblib ang islang iyon, at walang matatakbuhan ang matanda roon. Kahit gaano pa kabalisa si Zach, hindi niya agad mahahanap ang lugar na iyon. Basta mananatili siyang tahimik, lilipas din ang lahat.Sa Baguio, sa labas ng Almeda building.Pauwi na sina Aera at Violet matapos ang isa na namang abalang araw sa trabaho.Biglang napatingin si Aera sa isang pamilyar na itim na Bentley na nakaparada sa gilid.Kotse iyon ni Alexander.Bahagy

  • After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife   Chapter 151

    Nagising si Elizabeth dahil sa malamig, maalat na amoy ng dagat at sa matinding pagyanig.Parang sasabog ang ulo niya sa sakit. Mahigpit na nakatakip ang tape sa bibig niya, at nakatali ang mga kamay niya sa likod.Pilitan niyang iminulat ang mga mata niya.Bangka? Paano siya napunta sa bangka?!“Mm! Mmm—!” Mas lalo siyang nagpumiglas, sinisipa ang pader ng loob ng bangka para may makapansin.Biglang bumukas ang pinto ng cabin, at may isang taong pumasok mula sa liwanag sa labas.Nanlaki ang mata niya nang makita niya kung sino ang pumasok, walang iba kundi si Serene.Wala na sa mukha niya ang kunwaring anghel sa telepono. Ang kapalit nito ay isang mukhang puno ng galit at kasiyahang manakit.Sa likod niya ay naroon din ang isang matipunong lalaki, si Christian Sy. “Gising ka na? Hi Mommy,” sabi ni Su Yuqing habang lumalapit at yumuyuko sa harap niya.Tinitigan niya ito mula taas-baba habang nagpupumiglas. May masamang ngiti sa labi niya.“Kumusta? Mas malinis ba ang hangin dito sa d

  • After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife   Chapter 17

    Pagkaalis ni Zach, pinilit alisin ni Aera ang bigat na nararamdaman niya. Parang gusto niya pang maligo at mag shampoo ng maayos dahil parang nadumihan ang buhok niya sa paghawak ni Zach sakanya kanina..Sino’ng mag-aakala na aabot siya sa puntong ganito ang inis niya kay Zach, dahil dati naman ay

    last updateLast Updated : 2026-03-18
  • After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife   Chapter 14

    “Hindi maaari…” bulong ni Zach sa sarili niya, halos akala niya nagha-hallucinate lang siya.Itinaas ni Henry ang baso niya at marahang itinapat ito kay Aera. Naka ngiti ito sa dalaga at halata ang labis na paghanga nito. “Ikaw pala ang anak ng nag iisang Richard Dela Cruz. Akala ko ayaw lang ako

    last updateLast Updated : 2026-03-18
  • After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife   Chapter 15

    Punong-puno ng tao ang ball room, pero wala siyang nakikita na kakilala niya.Mag-isa lang siya sa labas ng waiting area, at bigla siyang nakaramdam ng lungkot.Sana kasama niya si Aera. Dahil kung kasama niya ito ay siguradong sasamahan siya nito at palalakasin yung loob niya. Magkakaroon ulit siy

    last updateLast Updated : 2026-03-18
  • After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife   Chapter 13

    “Zach, pasok tayo sa kwarto at doon tayo mag-usap.” bahagyang umangat ang sulok ng labi niya.Agad naintindihan ni Zach ang ibig sabihin. “Sige.”Yumakap si Serene sa bewang niya, pumikit, at tumingkayad para halikan siya. Sa sobrang lambing nito, pumikit din si Zach at bumigat ang paghinga niya.P

    last updateLast Updated : 2026-03-18
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status