ログインSa isang marangyang villa sa silangang bahagi ng Baguio, ang lahat ng kurtina ay mahigpit na nakasara.Nakaupo si Alexander sa sofa sa sala. Ang tatlong butones sa itaas ng kanyang polo ay nakabukas, inilalantad ang kanyang matikas na dibdib at ang ilang sariwang pasa rito. Pinaka-kapansin-pansin ang sugat sa gilid ng kanyang labi na nagsisimula ng maglangib, pero bahagyang kumikirot at nagdurugo sa bawat paggalaw.Sa ibabaw ng coffee table, paulit-ulit na umiilaw ang kanyang cellphone. May mga tawag mula kay Aera, mga urgent messages mula sa kanyang assistant, at mga katanungan mula sa board of directors ng kumpanya. Wala siyang sinagot ni isa.Doon tumunog ang doorbell.Hindi gumalaw ang lalaki. Tatlong beses pang tumunog ang bell, palakas ng palakas at tila nagmamadali. Nang tumigil ito, akala niya ay umalis na ang tao, hanggang sa marinig niya ang tunog ng susi sa pintuan.Bumukas ang pinto.Nakatayo doon si Violet, hawak ang susi na ibinigay niya mismo sa kanya anim na buwan na a
Sa loob ng special custodial zone ng Baguio City Women’s Prison, bawat yabag ay umalingawngaw sa malamig na sahig.Hindi alam ni Elizabeth kung anong klaseng negosasyon ang ginawa ni Aera sa matataas na opisyal para payagan ang kanyang hiling sa loob lang ng maikling panahon. Wala siyang pakialam. Ang tanging mahalaga sa kanya ay ang makaharap ang babaeng sumira sa kanyang anak. Ang kaisipang ito ang nagsisilbing apoy sa kanyang dibdib, na tumutupok sa anumang takot o pag-aalinlangan."Narito na tayo," sabi ng jail guard habang humihinto sa tapat ng Cell 27.Sa loob, nakaupo sa ilalim ng double-deck bed si Serene. Nang marinig ang pagbukas ng pinto, dahan-dahan siyang lumingon. Maikli na ang kanyang buhok, suot ang magaspang na uniporme ng bilanggo, at ang kanyang mukha ay maputla na parang papel."Tita," bati ni Serene, paos ang boses. "Hindi ko inaasahang makikita kita rito."Naiwang nalang ang dalawa sa loob ng selda. Nanatiling nakatayo ang matanda, ang kanyang mga mata ay parang
Sa loob ng special interrogation room ng Baguio Police Station, nababalot ng mabigat na katahimikan ang paligid. Nakaupo si Zach sa isang panig ng lamesang bakal, habang sa tapat niya ay tahimik na nakaupo si Aera.Pinagmasdan ni Aera ang lalaki ang kanyang mga daliri ay magkakapatong sa ibabaw ng lamesa, matatag at walang panginginig. Sa tabi niya ay si Shawn, ang kanyang abogado, na matalas ang tingin sa likod ng kanyang gold-rimmed glasses habang binubuklat ang ilang dokumento.Bumukas ang pinto at ipinasok ng isang pulis si Edwin. Ang tingin ng matandang pulis ay agad na napunta kay Zach isang tingin na puno ng pagsisisi, pait, at matinding pagod. Pagkatapos ay tumingin siya kay Aera, tila may gustong sabihin, pero sa huli ay nanatili siyang nakayuko."Narito na ang lahat," simula ng babae. Ang boses niya ay malinaw sa loob ng tahimik na silid. "Magsimula na tayo."Tumingin siya kay Zach. "May gusto ka bang sabihin? Tungkol sa pagtakas mo, sa kidnapping, o sa lahat ng nangyari?"
Nabalot ng amoy ng kalawang at dugo ang eskinita.Naiwang nakadapa si Zach sa basang semento, dama ang bawat pintig ng sakit sa kanyang katawan. Basag ang kanyang mga tadyang, namamaga ang mukha, at halos malinsad ang kanyang mga pulso sa ginawang pagpilipit ni Alexander sa kanya. Ngunit mas matindi ang takot na nanunuot sa kanyang mga buto.Kailangan niyang makaalis. Ngayon din.Pilit siyang bumangon, bawat galaw ay may kaakibat na matinding hapdi. Sumakay siya sa isang lumang motor na nakaparada sa gilid marahil ay naiwan ng isang mangingisda ang susi nito. Sa isang malakas na harurot, pinatakbo niya ito palabas ng nayon patungo sa highway.Hindi niya alam na sa dilim ng kanto, hindi pa pala talaga umalis si Alexander.Pinunasan ng lalaki ang kanyang labi gamit ang panyo bago kinuha ang isa pang cellphone isang encrypted device. Sa screen, isang pulang tuldok ang dahan-dahang gumagalaw. Noong nagbubuno sila kanina, mabilis niyang naidikit ang isang micro-tracker sa loob ng jacket ni
Nabalot ng tensyon ang buong eskinita.Biglang tumawa nang malakas si Zach isang tawang hinaluan ng desperasyon at baliw na emosyon."Anong alam mo!" Sigaw ni Zach habang humahakbang nang malapit kay Alexander. Kulang sa limang metro na lang ang distansya nila sa isa’t isa. "Ikaw, Alexander, palagi kang nagmamalinis! Akala mo ba hindi ko alam? Gusto mo rin naman si Aera, 'di ba? Naduduwag ka lang umamin, hindi ka kasing-tapang ko na kayang ipaglaban ang gusto!"Naging malamig ang tingin ng lalaki sa kanya. "Huwag mong itulad ang lahat ng tao sa marumi mong pag-iisip.""Marumi?" Pag-uulit ni Zach. "Sinasabi mong marumi ako? Alexander, anong karapatan mong sabihin 'yan? Malinis ba ang kumpanya mo? Ang mga artista mo, ang mga transaksyon niyo—""Manahimik ka." putol ni Alexander. "Hindi ako pumunta rito para mag-ungkat ng nakaraan. Sinasabi ko lang sa'yo, wala ka nang takas. Si Ethan at Aera, buong lungsod na ang naghahanap sa'yo. Ang balita tungkol sa'yo—"Huminto siya sandali, kinuha
Nakasiksik si Zach sa sulok ng isang abandonadong bodega sa nayon ng mga mangingisda. Simula nang tulungan siya ni Edwin na makatakas at isakay sa bangka ni Boss Ryan, hindi na siya dinalaw ng antok.Ang malamig na hangin na may halong amoy ng lansa ng dagat at amag ng mga lumang lambat ay pilit na pumapasok sa kanyang ilong. Malabo na ang kanyang paningin, hanggang sa pagsapit ng ika-apat na araw ng madaling-araw, nang mamataan ang unang sinag ng liwanag, nanginginig niyang idineyal ang isang numero.Matagal bago may sumagot."Ma..." paos niyang boses."Zach? Ikaw ba 'yan? Nasaan ka?" bakas ang panginginig sa boses ng kanyang ina."Hindi ko alam... isang isla. Ma, hindi ko na kaya, mahahanap din nila ako...""Huwag kang magsalita ng ganyan!" naging matigas ang boses ng kanyang ina. "Makinig ka, magtago ka lang. Gagawa ako ng paraan. Hintayin mo ako."Naramdaman ni Zach ang init sa kanyang mga mata. "Ma, huwag mo na kong puntahan, mapanganib. Hindi tayo tatantanan ng mga Almeda, at si
Naghahanda si Aera para sa paparating na business conference. Nasa walk-in closet siya, nakatingin sa sarili niya sa salamin, at bigla niyang na-realize na baka ito ang unang malaking chance niya mula nang bumalik siya sa rito sa Baguio.Tama si Ethan masyado na siyang matagal na “na-stuck” sa mga
Kinabukasan ng umaga, ginising si Zach ng anak niya.Pumasok ang liwanag ng araw sa mga siwang ng bintana.Kinuskos ni Zach ang sentido niyang masakit. Yung sandamakmak na work emails sa phone niya, halos hindi siya makahinga.Yung kapos na pera ng kumpanya, mga kliyente ng umaalis, tambak na papel
Dahan-dahan binitawan ni Serene ang hawak na bulak, at saka lumingon kay Zach. “Ganun ba talaga? Kailangan mo talagang hintayin na bumalik siya? Pag hindi siya bumalik, hindi mo na kaya?”Iniwasan ni Zach ang tingin niya, umupo sa kama at tinanggal ang kurbata.“Para lang ’yan sa trabaho. Pag nala
Napakuyom ng kamay si Zach ng hindi niya namamalayan. Pumuti ang mga buko ng kamay niya sa sobrang gigil niya.Pinigil niya ang galit.“Magpatawag ka agad ng meeting ng mga head ng bawat department. Darating ako sa kumpanya sa loob ng thirty minutes.”“Sir Zach… may mas masama pa po,” alanganing sa







