Mag-log in“Charity!” singhal ni Ara, naiinis sa ikinikilos ng kapatid.“Bakit? Ang dali ng buhay ni Ate. Dati, sa tuwing may study tour, nakakasama siya. Tingnan mo naman ako ngayon, hindi ko man lang alam kung makakasama ako. Wala tayong pera, tapos umalis pa si Papa at gumagastos ng pera. Wala naman siyang silbi!” inis na sabi ni Charity bago tumakbo papasok sa kuwarto niya.Tinitigan ni Tessa ang bunsong anak nang may awa. Naiintindihan niya ang nararamdaman ni Charity. Siguradong nakakahiya kung hindi ito makakasama, lalo na kung sasabihin nitong wala silang pambayad. Nakakahiya talaga iyon.“Ma, ipaintindi mo kay Charity kung wala talaga tayong pera. Bakit kailangan pa nating pilitin?” mahina ang sabi ni Ara. Naiintindihan din niya ang pinagdadaanan ng kanyang ama.
“Ma!” tawag ulit ni Eunice.Dumilat muli si Meli at ngumiti, isang napakatamis na ngiti. Ang ngiting iyon ay namana niya kay Hestia. Magkamukhang-magkamukha sila.“Gumising ka, Ma,” sabi ni Eunice habang hawak ang kamay ng kanyang ina.Pero muling pumikit ang mga mata ng babae at tuluyan nang nagpaalam sa mundo. Patuloy pa ring sinubukan ng mga nurse at doktor na iligtas siya, pero wala na silang nagawa. Iba na ang itinakda ng tadhana.Natahimik si Eunice habang nakatingin sa babaeng ilang araw pa lang niyang nakilala.“Love...” tawag ni Hector habang niyayakap si Eunice.Sa mga bisig ni Hector, tuluyang bumuhos ang luha ni Eunice. Kahit malungk
“Mama!” tawag ni Eunice at agad na hinawakan ang kamay ng kanyang ina.Napakaputla at nanghihina ng mukha ni Meli. Nakapikit ang mga mata niya, pero nang marinig niyang nasa tabi niya si Eunice, mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng anak."Brian, tawagin mo si Hector!" sigaw ni Eunice.Tumango si Brian at agad na pumasok sa bahay. Lumabas na rin sina Wendy at Herman matapos marinig ang sigaw ni Eunice na tinatawag ang kanyang ina.Ang dating masayang atmosphere dahil sa kasal nina Eunice at Hector ay napalitan ngayon ng matinding tensiyon.Mukhang tama ang kutob ni Eunice. May sakit talaga si Meli, at ngayon ay baka hindi na niya kayang tiisin pa at tuluyan nang bumigay ang katawan niya. Kahit buong panahon niyan
"Hindi ako kailanman nagalit o nagtanim ng sama ng loob sa kahit sino, kasama na kayo. Kaya huwag kayong ganyan. Para bang napakahusay kong tao kaya kailangan ninyo akong paulit-ulit na hingan ng tawad," sabi ni Eunice.Hindi komportable si Eunice, lalo na nang makita niyang mukhang punong-puno ng problema si Brandon."Pinilit ka ba ni Hector na pumunta rito?" tanong ni Eunice.Umiling si Brandon. "Hindi. Gusto ko talagang pumunta rito para makilala ka.""Ngayong nagkita na tayo, baka hinihintay na nila kayo roon. Puwede na kayong umuwi."Umiling si Brandon at hindi niya maipaliwanag kung bakit, pero masaya siya habang kasama si Eunice. Dito, walang sumisigaw at walang nag-uutos sa kanya.
"Ako si Brandon Cornelia," pagpapakilala niya.Nananatiling tahimik si Eunice. Ilang sandali pa lang ang nakalipas, iniisip niyang hindi na darating ang lalaking sinasabing ama niya.Pero sino'ng mag-aakalang narito na pala ito ngayon, sa harap mismo niya?"Sir, ako si Hector, asawa ni Eunice. Salamat at nakarating kayo. Sigurado akong marami tayong kailangang pag-usapan, kaya sana huwag muna kayong umalis."Hiniling ni Hector sa kanyang biyenan na maghintay muna hanggang matapos ang seremonya."O sige. Kailangan kong makausap si Eunice."Talagang kamukhang-kamukha ni Eunice ang ama niya. Halos lahat ng katangian nito ay nakuha niya."Anak, congratulations," sabi ni Brandon kay Eunice."Salamat," sagot ni Eunice.Lumapit sina Meli at ang asawa niya, at siyempre, labis na nagulat si Brandon. Ilang dekada silang hindi nagkita, pero nakilala pa rin agad ni Brandon si Meli."Meli, dumating ka rin pala. Kumusta ka?" tanong ni Brandon, pilit na itinatago ang kaba niya.Hindi nagbago si Meli
"Papa ko?" tanong ni Eunice."Brandon Cornelia."Natigilan si Eunice, hindi niya alam kung matutuwa ba siya o malulungkot. Matagal na siyang nawalan ng pag-asang makilala ang ama niya."Ipapadala ko," muling sabi ni Hector.Hindi nagtagal, naputol na ang tawag. Muling tinitigan ni Hector si Eunice."Anong gusto niya?" tanong ni Eunice."Pupunta raw siya rito.""Para saan?""Eh, siyempre, gusto kang makilala.""Bakit hindi pa niya ginawa kahapon?"Hinawakan ni Hector ang kamay ni Eunice at mahigpit itong kinapitan. "Love, may dahilan ang lahat ng nangyayari. At ngayon, sa wakas, gusto na niyang pumunta. Wala namang masama roon.""Ang hirap nang umasa ulit.""Alam ko. Siguradong nasaktan ka at galit ka. Pero magandang pagkakataon ito para sa atin. Malay mo, dumating siya sa mismong araw ng kasal natin."Marahang tumango si Eunice."Balak ninyong magdamag na nakaupo rito sa veranda?" tanong ni Wendy na kakalabas lang ng bahay.Napalingon sina Hector at Eunice. Ngumiti si Hector kay Wendy
“Nakauwi na ba si Vincent?” tanong ni Hector kay Eunice nang hindi pa rin inaalis ang titig niya.“H-hindi pa, sir,” kinakabahan niyang sagot.Hindi alam ni Eunice ang kanyang irereact. Kung iiwas siya ng tingin ay baka isipin nitong wala siyang respeto. Pero kung makikipagtitigan naman siya rito a
“Trabaho na naman? Wala ka na bang ibang bukam-bibig kundi yan na lang?!” Tila pikon na pikon nang bulalas ni Vincent sa kanyang asawang si Eunice.Galit na kinalabog niya ang mesa dahilan para sabay-sabay na manginig ang mga plato, kutsara, at basong naroon. Tuwing umaga na lang kasi niyang nariri
Eunice’s body tingled as she felt Hector’s breath so close to her. Yet she made no attempt to move away.Ngunit bago pa man mangyari ang inaasahan nilang dalawa ay nagulat sila sa malakas na busina ng dalawang motor ng mga security guard na rumuronda nang mga oras na yon.Mabilis na umatras ang dal
“What is it?” tanong ni Hector nang mapansin niyang kanina pa nakatitig si Eunice sa kanyang cell phone.Simpleng umiling lang si Eunice at binalik iyon sa bag niya.“Wala po.”“Pinapauwi ka na ba ng asawa mo?” tanong niyang muli.“Hindi po, Sir.”Dahan-dahang tumango si Hector saka kinuha ang kamay







