ログイン“Nakauwi na ba si Vincent?” tanong ni Hector kay Eunice nang hindi pa rin inaalis ang titig niya.
“H-hindi pa, sir,” kinakabahan niyang sagot.
Hindi alam ni Eunice ang kanyang irereact. Kung iiwas siya ng tingin ay baka isipin nitong wala siyang respeto. Pero kung makikipagtitigan naman siya rito ay baka isipin nitong nakikipagtagisan siya. Whatever impression she made could affect her husband's career.
Tipid na tumango si Hector.
Hindi maiwasang igala ni Eunice ang tingin niya kay Hector. Hanggang dibdib lang siya nito. Ang mga mata nito ay matatalas ngunit kalmado. Kayumanggi, at agaw-pansin ang itim na salamin nito. Para siyang isang action star dahil na rin sa nagtitigasang mga muscle nito.
Hindi tulad ng kay Vincent.
Nang mga sandaling iyon ay hindi na napigilan ni Eunice na ikumpara ang kanyang asawa sa lalaking nasa harap niya ngayon. Hindi naman pangit si Vincent ngunit halata sa katawan nito ang pagiging tamad sa ehersisyo. Imbes na six-pack abs ang naroon ay naging parang tiyan na ng tatay na manginginom.
Kilala na ni Eunice si Hector noon pang college dahil naging senior niya ito. Senior na palagi siyang pinapaiyak dahil lang bago siyang estudyante. Graduating na ito noon samantalang siya ay magsisimula pa lang ng kanyang college years.
“Ehem,” pekeng ubo ni Hector nang mapansin niya ang pananahimik ni Eunice.
Nanatili ang mga tingin ni Hector sa kanya na para bang inieksamin nito nang mabuti ang huli.
Doon lang napagtanto ni Eunice ang suot niyang dress kung saan basa na ng pawis. Kitang-kita ang outline ng red niyang bra dahil sa sobrang nipis nito!
Dahan-dahang binaba ni Eunice ang tingin niya sa kanyang sarili at agad na tinakip ang mga kamay sa kanyang dibdib ngunit batid niyang wala nang silbi iyon. Nakita na lahat ni Hector.
“May I come in?” nanunuyang tanong ni Hector sa kanya.
Nahihiyang tumango si Eunice, hindi na makapagsalita pa.
“Maupo po kayo, sir,” aniya at iminwestra ang sofa sa sala.
“Thank you. I have an appointment with your husband. Nasa malapit lang ako kaya dumaan na ako,” ani Hector.
Hindi na alam ni Eunice ang sasabihin kaya tumango na lamang siya.
“Make yourself feel at home, sir. Sa kitchen lang ako,” aniya at akmang aalis na ngunit nagsalita agad si Hector.
“I’m sorry for the trouble. Vincent told me you used to work.”
Sandaling natigilan si Eunice bago tumango. “Yes, sir.”
“What did you do?”
“Uh, marketing supervisor ako noon,” sagot niya at nag iwas ng tingin habang ramdam niya ang mabigat na bagay sa kanyang dibdib.
Tuwing nabubuksan na lang ang topic tungkol sa dati niyang trabaho ay para siyang nanlulumo.
Saglit na nangunot ang noo ni Hector nang makita ang lungkot sa mga mata ni Eunice bago tipid na ngumiti.
“What a waste.”
Agad na narinig iyon ni Eunice. “Bakit po, sir?”
“Sayang ang talino at ganda mo kung sa bahay ka lang nakakulong,” sabi ni Hector nang nakatitig pa rin sa kanya. “You were the pride of the department with your perfect GPA. If you hadn’t quit, I’m sure you would’ve achieved remarkable success.”
“Matagal na yon, sir. Excuse me.”
Mabilis na tumungo si Eunice sa kusina at naghanda ng maiinom para kay Hector habang patuloy na nagrereplay pa rin sa kanya ang mga sinabi nito. Naiinis siyang umiling. Matagal na siyang pumayag na maging isang housewife na lang. Kailangan na niyang kalimutan ang kagustuhan niyang magtrabaho dahil matagal nang tapos ang pangarap na iyon.
Dapat ay makuntento na siya sa kung anong mayroon at kung ano siya ngayon.
Ngunit batid niyang hindi iyon ang totoong gusto niya. She couldn’t feel anything aside from being trapped.
Sa pag iisip na kape lang naman ang gusto ng isang matandang gaya ni Hector ay iyon na lamang ang ginawa niya.
“Well, hindi pa naman siya ganon katanda. Gwapo pa rin mula noon hanggang ngayon,” bulong niya sa kanyang sarili. “Pero nakakainis pa rin.”
Nang sandaling matapos siyang magtimpla ng kape ay agad na dinala niya iyon kay Hector sa living room.
“Your coffee smells wonderful,” puri ni Hector nang makita siya nito.
Ngumiwi lang siya.
Nagulat si Eunice nang biglang lumapit sa kanya si Hector at inabot ang tasang nasa kamay niya. Tila ba sinadya nitong hawakan ang mga kamay niya habang tinutulungan siyang ilapag iyon sa mesa.
“It’s hot. I wouldn't want you to spill it,” seryosong sabi ni Hector habang hindi pa rin binibitawan ang kanyang kamay.
Isang kakaibang init ang kumalat sa katawan ni Eunice. Para iyong munting kuryenteng dumaloy sa kanyang balat. Ngunit sa halip na bitawan siya, dahan-dahang gumapang ang kamay ni Hector paakyat sa kanyang braso.
Bahagyang napaatras si Eunice dahil roon. Ilang hakbang pa lamang ang kanyang nagawa nang sumayad ang likod niya sa sofa. Wala na siyang maaatrasan pa.
Bahagyang ngumiti si Hector habang patuloy na umaakyat ang kanyang kamay. Bago pa man umabot iyon sa kanyang balikat ay malakas na umalingawngaw ang doorbell.
Marahas na pinakawalan ni Eunice ang kanyang hininga. Bago tuluyang bumalik si Hector sa kanyang upuan ay sinadya nitong tumungo patungo sa balikat ni Eunice.
“You're still just as alluring as you were back then,” bulong nito sa kanya.
Agad na kumalat ang init sa mukha ni Eunice ngunit hindi na niya iyon pinansin pa at tumungo sa pintuan upang buksan ito. Samantala, nagpanggap na abala si Hector sa kanyang cellphone.
Nang buksan ni Eunice ang pintuan ay tumambad sa kanya ang nakakainis na mukha ng kanyang asawa. Bakas ang pagod sa ekspresyon nito.
“Ano bang ginagawa mo? Bakit ang tagal mong buksan ang pinto?” Agad na singhal nito sa kanya at bahagya pa siyang tinulak patabi para lang makadaan ito.
Kinabahan si Eunice nang mapagtantong nakalock ang pintuan. Hindi niya maalala kung inilock ba niya ito noong pinapasok niya si Hector kanina. Kung oo, bakit naman niya gagawin iyon? Hindi siya naglalock ng pinto lalo na pag wala pa si Vincent.
“Sorry…”
“Nakapaghanda ka na ba? Huwag mo kong ipapahiya a! This is the first time boss has ever come to our house,” aniya habang masusing iginala ang kanyang tingin sa paligid, tila sinisigurado kung maayos na ang lahat.
“Kanina pa nandito ang boss mo,” sagot ni Eunice na ipinagtaka ni Vincent.
“Huh?
Natapos na ang speech ni Hendrix at malakas na nagpalakpakan ang buong venue. Maging si Hestia ay bahagyang ngumiti habang nakatingin sa kanyang kapatid na bumababa na sa stage. Hindi pa man tuluyang nakauupo si Hendrix ay muling kinuha nito ang microphone.“Before we end this evening, there’s someone I would like everyone to meet.”Napatingin ang lahat sa stage. Samantala, hindi naman nagulat si Hestia dahil alam na niya kung ano ang susunod na mangyayari. Naglakad si Hendrix papunta sa kanya.“Ate.”Iniabot nito ang kamay sa kanya. Agad naman niya iyong hinawakan. “Come with me.”Sabay silang naglakad papunta sa harap. Unti unting natahimik ang mga tao habang sinusundan siya ng ting
Nagsimula na ang event.Halos lahat ng importanteng tao sa business industry ay naroon. May mga negosyanteng abala sa pakikipag usap, may mga investors na nag iikot at may ilan ding nag uusap tungkol sa mga bagong proyekto at partnerships.Samantala, nanatili lamang si Hestia sa isang sulok. Hindi muna siya lumalapit sa mga taong maaaring makakilala sa kanya. Hindi dahil natatakot siya. Ayaw lamang niyang gumawa agad ng eksena.Kung tutuusin, imposible rin namang makilala siya ng mga taong naroon bilang Trina. Sa loob ng limang taon niyang pagsasama nila ni Nathan, ni isang beses ay hindi siya nito dinala sa kahit anong business event.Palaging si Alea. Si Alea ang nakilala ng mga tao bilang babaeng kasama ni Nathan. Siya? Sa pangalan lang.
“Mr. Elizalde, I’m glad you finally agreed to meet with me.”Ngumiti si Nathan habang inaabot ang kamay sa kaharap niyang lalaki. Si Hendrix Isaac Elizalde. Isa sa mga bigating negosyante sa bansa at kasalukuyang pinuno ng Elizalde Group of Corporation.Malaki ang kompanya nito at kung matutuloy ang partnership na pinag uusapan nila ngayon ay siguradong malaki rin ang magiging epekto nito sa Hernandez Construction.“I’ve reviewed your proposal, Nathan. I think it’s a good opportunity for both of us,” kalmadong sagot ni Hendrix habang naupo.“That’s what I think too.”Inilabas ni Nathan ang ilang documents na nakalagay sa folder saka inilapag sa harap nito. Ilang linggo rin niyang pinaghandaan ang partnership na ito. Halos lahat ng detalye ay pinag aralan niya nang mabuti dahil alam niyang hindi biro ang makipag deal sa isang taong katulad ni Hendrix.At sa wakas, mukhang magiging maayos na ang lahat. Kung matutuloy ang partnership na ito ay makukuha ng Hernandez Construction ang liman
[He Dumped Me, Not Knowing I Was an Heiress]“Sign the papers. ‘Wag mo na akong pahirapan pa.”“No, please… Huwag mo namang gawin sakin ‘to, Nathan,” pagmamakaawa ni Trina sa asawa.Tumayo ang lalaki na para bang nais na talaga niyang matapos ang pag uusap na iyon. Dahan-dahan itong lumapit kay Trina. Sa isang iglap, muling bumalik ang dahilan kung bakit niya minahal ito nang lubusan. Kitang kita niya iyon sa mga mata ng asawa lalo na nang abutin nito ang kanyang pisngi at marahang hinaplos.“Mahal na mahal kita—”Ngunit bago pa matapos iyon ni Trina, at bago pa man mabuo ang pag asa sa kanyang puso, malakas na dumapo ang kamay ni Nathan sa mukha niya. Hindi pa nakuntento ang lalaki at mabilis na hinila ang kanyang buhok at dinukdok ang mukha niya sa mga papel.“Sign the fucking annulment papers. I’m fucking tired with your drama, Trina, kaya kung ayaw mong burahin ko ang pagmumukha mo, pirmahan mo na at tapusin na natin ‘to,” mariing sabi sa kanya ng asawa.Na para bang hindi sila hu
Nagulat si Rita sa biglaang tanong ni Hector.Hindi naman sa ayaw niyang payagan si Hector na makilala ang tunay niyang ina, pero nandoon pa rin ang sama ng loob niya dahil ang naging relasyon nina Herman at Amelia ay nagsimula sa pagsasama nila bilang mag-asawa.“Kung alam mo kung nasaan siya, puwede mo naman siyang puntahan. Pero huwag mo na lang siyang ipakilala sakin,” sagot ni Rita sa wakas.Marahil iyon na ang pinakamabuting sagot, dahil hindi rin naman niya maaaring pagbawalan si Hector na hanapin at makilala ang tunay niyang ina.Dahil kahit ano pa man, natural sa isang anak na hanapin ang kanyang ina, at posibleng gusto rin ng ina niyang makilala siya ng anak niya.Sinubukan na ni Rita na tanggapin ang la
“Hector,” mahinang sambit ni Amelia habang nakatingin kay Hector, Eunice, at Rita na kasalukuyang karga si Hestia.“Ang saya ninyo,” dagdag niya.Kilala ni Amelia kung sino ang nasa katanghaliang-gulang na babaeng iyon. Siya si Rita, ang dating asawa ni Herman, at siya rin ang nag-alaga at nagpalaki kay Hector.Bagama’t ayon sa mga balitang naririnig niya sa media ay inalis na raw ni Rita si Hector sa listahan ng pamilya Hectoron, mukhang napakainit naman ng relasyon nila ngayon.“Hector, nahanap mo na ang kaligayahan mo. Hindi mo na kailangang makilala pa si Mama,” bulong ni Amelia sa sarili.Samantala, nang hindi makita ni Rere ang kanyang ina sa likuran, bumalik ito para sunduin si
“Kung ano na lang ang mas appropriate, Mr. Elizalde,” aniya.Hector chuckled and returned to his seat. Maya maya pa ay may kausap na ito sa telepono, apparently confirming Eunice’s appointment letter as his secretary to HR.“You start tomorrow,” sambit ni Hector matapos nitong makipag usap.Sinabih
“How about that?” nanunuyang tanong ni Hector, tila siguradong sigurado na hindi iyon tatanggihan ni Vincent.How could he?For years, Vincent had worked as hard as possible, trying to get close to him and get his attention. Ginagawa nito ang lahat para lang matuwa ito sa kanya, ngunit hanggang nga
Hindi sigurado si Vincent kung paniniwalaan niya iyon dahil hindi naman siya sinabihan ng boss niya na didiretso ito sa bahay nila.“Oo, kanina pa siya dito. Kalahating oras na,” ani Eunice.Hindi na siya pinansin ni Vincent at nagmadaling tumungo sa sala kung saan niya nakita si Hector na prenteng
“Trabaho na naman? Wala ka na bang ibang bukam-bibig kundi yan na lang?!” Tila pikon na pikon nang bulalas ni Vincent sa kanyang asawang si Eunice.Galit na kinalabog niya ang mesa dahilan para sabay-sabay na manginig ang mga plato, kutsara, at basong naroon. Tuwing umaga na lang kasi niyang nariri







