Share

After My Husband Betrayed Me, His CEO Wanted Me
After My Husband Betrayed Me, His CEO Wanted Me
Author: Harte Miller

The Unexpected Guest

Author: Harte Miller
last update publish date: 2026-06-09 16:56:43

“Trabaho na naman? Wala ka na bang ibang bukam-bibig kundi yan na lang?!” Tila pikon na pikon nang bulalas ni Vincent sa kanyang asawang si Eunice.

Galit na kinalabog niya ang mesa dahilan para sabay-sabay na manginig ang mga plato, kutsara, at basong naroon. Tuwing umaga na lang kasi niyang naririnig kay Eunice ang kagustuhan nitong magtrabaho na para bang hindi niya naibibigay ang lahat ng gusto nito.

“Nabobored na kasi ako. Gusto ko lang may ibang gawin,” ani Eunice sa muling pagkakataon, hindi na rin niya mabilang kung ilang beses na niyang ginamit ang dahilan na iyon.

“Hindi mo kailangang magtrabaho kung nabobored ka lang, Eunice! Hindi ba’t sinabi ko na sayo na ang dapat mo lang alalahanin ay itong bahay?” Muling kontra ni Vincent.

“Pero—”

“I have to go! Sinasayang mo lang ang oras ko. Para kang sirang plaka!” pinal na sigaw niya saka padarag na kinuha ang bag at umalis na.

Ni hindi nito ginalaw man lang ang almusal na hinanda niya at ang tanging nagawa na lamang niya ay ang titigan ang alikabok na naiwan ng sasakyan ng asawa.

Pagod siyang bumuntong-hininga at agad na nakonsensya. Hindi na niya dapat iyon binanggit pa, pero hindi niya maiwasan na magbakasakaling pumayag na itong bumalik muli siya sa pagtatrabaho.

Dalawang taon na rin ang lumipas mula nang magtrabaho siya bilang Marketing Supervisor sa isang kompanya. Ngunit nang ikasal sila ni Vincent ay agad siyang pinatigil nito at hindi na muli pang pinayagang bumalik. 

Noong una naman ay nagustuhan niya ang pagiging housewife. Ngunit nang tumagal ay nakasanayan na niya ang paulit-ulit na routine nito kaya pakiramdam niya’y nabuburn out na siya. Na pati ang nakaugalian niyang paglabas para itreat ang kanyang sarili sa salon o kaya naman sa coffee shop ay hindi pinahihintulutan ni Vincent.

Lalo na noong minsang nakasalubong niya ang mga college friends niya at walang tigil ang mga ito sa pagmamayabang ng mga successful career nila. Samantalang siya ay daig pa ang isang preso.

Kung sana lang ay may anak na sila, hindi sana niya ito mararamdaman. Kaya lang ay magdadalawang-taon na silang kasal ay hindi pa rin sila nabibiyayaan hanggang ngayon.

“Nasa huli talaga ang pagsisisi. Dapat talaga hindi muna ako nagpakasal at pinursue na lang ang career ko,” ani Eunice sa kanyang sarili at pabagsak na naupo sa sofa saka binuksan ang TV.

Iyon lang ang araw-araw niyang ginagawa.

Ring! Ring!

Naputol ang pagrerelax ni Eunice nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nang makita niyang si Vincent ang tumatawag ay agad niya itong sinagot.

“Yes—”

“Nasan ka?” Bungad na tanong ni Vincent.

“Nandito sa bahay.”

“Dadating si Mr. Elizalde mamayang gabi. Magluto ka ng masasarap na pagkain at linisin mo ang buong bahay. Huwag kang tatamad-tamad diyan!”  Singhal sa kanya nito.

Hindi maiwasang makaramdam ng pangmamaliit si Eunice sa kanyang sarili. Pakiramdam niya’y isa lang siyang yaya sa tuwing inuutusan siya nito at hindi asawa.

Bago naman sila ikasal nito ay hindi ganon si Vincent. Hindi makabasag-pinggan ito noon at nag uumapaw ang respeto sa kanya. Ngayon ay tila hindi na ito ang Vincent na pinakasalan niya.

“Eunice! Nakikinig ka ba?” Tawag muli ni Vincent nang hindi siya sumagot agad.

“Bakit pupunta ang boss mo rito sa bahay?” balik niyang tanong.

“Basta sundin mo na lang ang utos ko. Ang dami mong tanong! Huwag na huwag mo ‘kong ipapahiya kundi malilintikan ka sakin!” asik nito bago tuluyan nang pinatay ang tawag.

Lumipad ang mga mata ni Eunice sa wall clock. Hapon na kaya kailangan na niyang maglinis at magluto.

Mabuti na lang ay marami pang stock na ingredients na puwede niyang lutuin kaya hindi na niya kailangan pang mag grocery.

Basang-basa na si Eunice ng pawis lalo na ang manipis niyang puting dress ngunit hindi niya iyon alintana. Matapos magluto ay saka siya nagsimulang maglinis.

“Bakit kasi sinabi niya kung kailan hapon na?” Reklamo ni Eunice habang pinapalitan ang tablecloth. “Tingin ba niya ay madali ang magluto at maglinis? Alas singko na!” pagpapatuloy niya saka pinunsan ang  pawis sa noo.

Natigilan lamang siya nang marinig ang door bell. Sa isiping dumating na ang package ng mga skincare na inorder niya noong nakaraang araw ay walang pagdadalawang-isip siyang tumungo sa pintuan upang buksan iyon.

“Wait lang!” sigaw niya habang pinupunas ang kamay sa white dress niya saka pinatong sa balikat ang basahan.

Ngunit natigilan siya nang hindi mga package ang tumambad sa kanya kundi isang matangkad, matipuno, at nag uumapaw na presensya ng isang lalaki. Agad na nanlaki ang mga mata niya at napalunok si Eunice.

Teka, hindi kaya ito na ang boss ni Vincent? Pero sabi niya ay mamaya pang gabi ang dating nito?

“Uh… Mr…” nauutal na bati ni Eunice, hindi alam ang sasabihin.

Agad na napako ang malalim na titig ni Hector sa babaeng nasa harapan niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • After My Husband Betrayed Me, His CEO Wanted Me   Chapter 268 Problema ni Febi

    “Dito na lang tayo magkape, gaya noong dati na madalas tayong tumatakas papunta sa rooftop para magkape. Kaso hindi ’to rooftop,” natatawang sabi ni Eunice.“Bawal kang magkape,” paalala ni Febi.“Oo nga. Juice na lang ang ipapalit natin sa kape ngayon.”Natawa si Febi.“’Wag kang malungkot. Hindi pa kita nakitang ganyan,” sabi ni Eunice.“Anong tingin mo sa isang biyuda?” tanong ni Febi na malungkot ang mukha.Hinawakan ni Eunice ang kamay ni Febi. “Status lang naman ’yon, at wala namang problema sa akin. Naranasan ko na rin naman maging ganoon.”“Ah, oo nga. Sa sobrang saya mo ngayon, nakalimutan kong naging biyuda ka rin pala,” natatawang sabi ni Febi.“’Wag kang malungkot. Anuman ang status mo, maging biyuda ka man o kung ano pa ang tawag doon, wala akong pakialam.”“Eunice, tungkol lang ba talaga sa pagkakaroon ng anak ang pag-aasawa?” tanong ulit ni Febi.Umiling si Eunice. “Hindi. Ang tunay na pagsasama ng mag-asawa ay tungkol sa pagiging katuwang ng isa’t isa. Bonus lang ang a

  • After My Husband Betrayed Me, His CEO Wanted Me   Chapter 267 Mensahe ni Mara kay Hector

    Samantala, kasalukuyang binabantayan ni Hector ang proyekto sa gilid ng bahay, na mukhang malaking proyekto nilang dalawa ni Herman.Paano naman kasi? Ginawa ang lugar na iyon nang sobrang komportable bilang lugar para manigarilyo—presko ang hangin dahil open space, puwedeng mag-kape at manigarilyo habang pinapanood ang mga isda sa lawa. Talagang mapapalimot ka sa oras.“Nasaan na ba kasi siya? Kanina pa nag-iingay yung cellphone niya,” inis na sabi ni Eunice na kasisimula pa lang sanang humiga sa kuwarto.Nalaman niyang nagcha-charge pala ang cellphone ni Hector sa kuwarto, kaya malamang hindi niya naririnig ang mga pumapasok na tawag.Pero nang sasagutin na sana ni Eunice ang tawag, nagdalawang-isip siya nang makita kung sino ang tumatawag.Mommy.Iyon ang nakalagay na pangalan sa screen. At siyempre, alam agad ni Eunice kung sino iyon. Walang iba kundi si Rita.“Love, tumutunog yung cellphone mo!” sigaw ni Eunice mula sa gilid ng glass door papunta sa asawa niya.“Sagutin mo na lan

  • After My Husband Betrayed Me, His CEO Wanted Me   Chapter 266 Palpak na Plano ni Rita

    Mukhang talagang hindi nasisiyahan si Mara sa ginawa ni Eunice. Gusto nitong manatili malapit kay Eunice para maramdaman niyang may nag-aalaga at may nagmamalasakit sa kanya. Pero pinili pa rin ni Eunice na umalis.“Mara, sinabi ko naman sa’yo simula pa lang na lilipat ako sa bahay na ito. At pumayag ka naman. Tsaka, bakit kailangan mong manatili malapit sa akin? May sarili akong pamilya.”“Eh, kapag may nangyari sa akin, sino ang puwede kong hingan ng tulong? Wala naman akong kakilala rito, Eunice. Bakit ang dali sa’yo na iwan ako rito nang mag-isa? Wala na rin si Tita Wendy rito.”Kahit ano ang sabihin ni Eunice, gusto pa rin ni Mara na sisihin siya. Sa lahat ng bagay, si Eunice pa rin ang mali dahil iniwan daw niya itong mag-isa.“Mara, hanggang dito na lang ang maitutulong ko sa’yo. Hindi na ako puwedeng gumawa pa ng higit doon. Sigurado akong kaya mong makihalubilo sa mga tao rito. Marami rin namang kapitbahay dito. Basta, kailangan mong subukan na kayanin ang lahat nang mag-isa.

  • After My Husband Betrayed Me, His CEO Wanted Me   Chapter 265 Totoong Ugali ni Mara

    Pumasok si Eunice sa bahay at hiniling kay Edna na maghanda ng pagkain. Dahil huling pagkikita na nila ni Brian ngayon, gusto nilang tapusin ang araw na ito sa pamamagitan ng sabay-sabay na pagkain.“Nay, umorder ka na ng pagkain. Yayain natin si Brian na kumain,” sabi ni Eunice.“Magluto na lang tayo, Eunice.”“Baka hindi umabot, Nay. Parang hindi na makapaghintay ang batang iyon.”“O kaya ako na lang ang pupunta sa labas. Bibili ako sa restaurant sa tapat. Baka matagalan kasi kung o-order pa tayo.”“Sige.”Agad na pumunta si Edna sa pinakamalapit na restaurant. Mabuti na lang at may masarap na restaurant malapit sa kanilang lugar, kaya iyon agad ang pinuntahan ni Edna.Samantala, mabilis namang inayos nina Eunice at Wendy ang lahat sa bahay.“Samahan mo na lang si Brian na umupo roon, Eunice. Ako na ang maghahanda. Sandali lang naman at matatapos na rin ito,” sabi ni Wendy kay Eunice.“Okay lang, Ma. Nalulungkot lang ako kapag nakikita kong nauwi sa ganito ang lahat.”“Oo. Ang lapit

  • After My Husband Betrayed Me, His CEO Wanted Me   Chapter 264 Regalo at Pag-alis

    “Bakit hindi mo na lang agad sinabi sa akin?” tanong ni Eunice kay Brian na ngayon ay nakaupo sa harap niya.Gaya ng ipinangako ni Brian noong nakaraang araw, talagang pumunta siya sa bahay ni Eunice.“Buntis ka na nga, masama naman kung dadagdagan ko pa ang iniisip mo sa pamamagitan ng pagkukuwento tungkol sa problema ko.”“Hindi naman. Hindi naman nakikinig ang anak ko.”Tumawa si Brian nang makita ang masayang mukha ni Eunice. Natutuwa siyang makita na hindi na maputla at nanghihina ang ate niya.“Ngayon, tapos na ang lahat, Ate. Wala na akong magagawa.”Yumuko si Brian at tinitigan lamang ang mga paa niyang nakalaylay mula sa gazebo.Hinawakan ni Eunice ang kamay niya. Naiintindihan niya ang nararamdaman ni Brian. Sa lahat ng panahong iyon, pinoprotektahan ni Brian si Eunice at Mara. Pero nang maging sila na ni Mara, hindi rin pala niya ito naprotektahan.“Pero hindi ibig sabihin na kailangan mong ilabas ang galit mo sa pakikipagtalik sa ibang babae,” sabi ni Eunice.Tumawa si Bri

  • After My Husband Betrayed Me, His CEO Wanted Me   Chapter 263 Katotohanan

    “Pasensya na, Mara.”“Okay lang. Matagal na kitang kilala. Hindi na ako magtataka,” sagot ni Mara habang pilit na ngumingiti.Maging si Eunice ay umaasang sana ay huwag na lang ngumiti si Mara. Mas nakakatakot kasi ang itsura nito kapag pilit ang ngiti.“So, anak ni Brian ang dinadala mo? Magpapakasal ba kayo?” tanong ni Eunice, sinusubukang unawain ang sitwasyon ni Mara.Umiling si Mara at yumuko.“Hindi anak ni Brian. At iyon ang problema.”Natigilan si Eunice. Sinubukan niyang intindihin ang sitwasyon. Kanina lang, masama pa ang iniisip niya kay Brian, pero sa narinig niya mula kay Mara, tila may hindi inaasahang twist sa lahat ng ito.“Ibig mong sabihin, naghiwalay na kayo? Kailan?”“Dalawang araw na ang nakalipas.”“Dalawang araw na?” ulit ni Eunice.“Oo.”“Paano kayo naghiwalay dalawang araw na ang nakalipas samantalang buntis ka? Hindi dapat kayo naghiwalay. Dapat nga magpakasal kayo.”“Hindi ito anak ni Brian. Imposibleng pakasalan niya ako, Eunice.”Hindi makapaniwalang tinit

  • After My Husband Betrayed Me, His CEO Wanted Me   Affair

    “Kung ano na lang ang mas appropriate, Mr. Elizalde,” aniya.Hector chuckled and returned to his seat. Maya maya pa ay may kausap na ito sa telepono, apparently confirming Eunice’s appointment letter as his secretary to HR.“You start tomorrow,” sambit ni Hector matapos nitong makipag usap.Sinabih

  • After My Husband Betrayed Me, His CEO Wanted Me   Job Offer

    “How about that?” nanunuyang tanong ni Hector, tila siguradong sigurado na hindi iyon tatanggihan ni Vincent.How could he?For years, Vincent had worked as hard as possible, trying to get close to him and get his attention. Ginagawa nito ang lahat para lang matuwa ito sa kanya, ngunit hanggang nga

  • After My Husband Betrayed Me, His CEO Wanted Me   Be My Woman

    Eunice’s body tingled as she felt Hector’s breath so close to her. Yet she made no attempt to move away.Ngunit bago pa man mangyari ang inaasahan nilang dalawa ay nagulat sila sa malakas na busina ng dalawang motor ng mga security guard na rumuronda nang mga oras na yon.Mabilis na umatras ang dal

  • After My Husband Betrayed Me, His CEO Wanted Me   You're Already Wet

    “What is it?” tanong ni Hector nang mapansin niyang kanina pa nakatitig si Eunice sa kanyang cell phone.Simpleng umiling lang si Eunice at binalik iyon sa bag niya.“Wala po.”“Pinapauwi ka na ba ng asawa mo?” tanong niyang muli.“Hindi po, Sir.”Dahan-dahang tumango si Hector saka kinuha ang kamay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status