After One Wild Night With the Billionaire (Tagalog-English)

After One Wild Night With the Billionaire (Tagalog-English)

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-01-01
Oleh:  JeniGNTamat
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 Peringkat. 2 Ulasan-ulasan
122Bab
7.6KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

One impulsive night, one electric connection, and one decision that alters everything. When Amalia Suarez, isang masipag ngunit ang buhay ay nasa sa ilalim ng kontrol ng kanyang madrasta matapos pumanaw ang kanyang ama. She seeks escape from the pressures of her life, she finds herself swept into the arms of a mysterious stranger. Their chemistry is undeniable, and the night they share is unforgettable. But what was meant to be a fleeting moment of passion spirals into something life-altering when she discovers the consequences of their night. The stranger isn’t just anyone; he's a son of a billionaire at ang malala isang siyang spoiled at rebelde. Lahat ng inakala niyang magagandang katangian nito ay naglaho ng parang bula. Dylan, the one she one night stand with sees her as a threat to him and to his father. Especially when he felt that she could become his stepmother or was he just in denial because she was closer to his father? As their worlds collide in ways neither could have anticipated, Amalia grapples with a secret that could change everything—she’s pregnant. Naging komplikado ang lahat. It hurt even more when she found out that the man she once loved was already tied to another woman. It's something rich people do—arranged marriages. And when she learned the truth, she felt betrayed. Now, she feels lost, as if everyone has turned against her. Her life is ruined, she's pregnant, and she's been betrayed. So, she left, unknowingly distancing herself from them, and decided to live on her own with her son. But when the time came, she decided to go back—not for him or for anyone, but for her son’s life. She wanted him to have a good life, and to do that, she had to go back.

Lihat lebih banyak

Bab 1

CHAPTER 1

THE HOUSE

Ang liwanag ng araw ay dumaan sa malalaking bintana ng mansyon namin. Kung tutuusin, dating tahanan ko 'to—pero ngayon, para na lang akong tagapaglinis sa sariling bahay. Nakaluhod ako sa malamig na marmol na sahig, hawak ang basahan, sinisikap na mawala ang bawat mantsa. Sabi nga nila, ang bahay daw ay parang memorya. Kaya nitong alalahanin ang mga tawanan, ang pagmamahalan, kahit matagal na silang wala. Pero alam ko rin na kaya rin nitong iukit ang sakit. Ang malamig na boses, ang mapanakit na salita. Nararamdaman ko 'yun sa bawat sulok ng bahay na ‘to.

May narinig akong mahinang tunog sa hagdan. Napalingon ako, at naroon si Vanessa, pababa, suot ang silk pajamas niya na parang galing pa sa fashion show. Nakadikit ang mata niya sa phone, nakangisi habang nagba-browse. Paglapit niya sa akin, ngumiti siya—hindi mabait na ngiti, kundi may halong panunuya.

"Missed a spot, Cinderella," sabi niya, habang nakapamewang.

Huminga ako nang malalim, pigil ang inis. Hindi ko siya tiningnan. Mas maigi na 'yung wala akong sasabihin. Ilang taon ko na siyang kilala, at alam ko na ang estilo niya. Gusto niyang magalit ako, gusto niyang patulan ko siya. Pero hindi. Hindi ko siya bibigyan ng ganoong kasiyahan.

"Amalia!" sigaw ni Miranda mula sa dining room. “Nasaan na ang tsaa? Kailangan ko bang ulitin lahat ng inuutos ko?”

Napabuntong-hininga ako, pero hindi ko ipinakita. Tumayo ako, pinunasan ang mga kamay ko sa lumang apron na suot ko, at tumungo sa kusina. Narinig ko ang tunog ng kumukulong tubig sa takure, parang sinasabayan ang ingay ng bahay na 'to. Laging ganito. Puno ng tao, puro bisita si Miranda—mga sosyal at kasosyo niya sa negosyo—at ako, tagapag-asikaso ng lahat.

Habang hinahanda ko ang tea set, sinubukan kong patatagin ang kamay ko. Puno na ang isip ko sa dami ng kailangang gawin, pero ayoko nang dagdagan pa ng pagkakamali. Nang abutin ko ang tray ng biskwit, biglang pumasok si Vanessa. Tumigil siya sa harap ko, nag-yawn pa nang malakas, habang ang takong ng designer heels niya ay nag-e-echo sa tiles.

“Ang dumi sa sala,” sabi niya, pointing to her shoes. “Ang daming dust. Ano ba, Amalia? Wala ka talagang silbi.”

Gusto kong sumagot, pero kinagat ko na lang ang dila ko. Katahimikan. Lagi kong iniisip na katahimikan ang panlaban ko sa kanila. Kinuha ko ang tray ng tsaa at umalis na lang. Ayoko nang patulan ang drama nila. May mas marami pa akong dapat gawin kaysa makipag-away sa mga taong hindi marunong rumespeto.

Pagpasok ko sa dining room, nakita ko agad si Tita Miranda, nakaupo sa dulo ng mesa. Tumatawa siya kasama ng mga bisita niya, ang bawat galaw niya kalkulado—ang buhok niya perpekto, at ang tailored suit niya parang sumisigaw ng kontrol at kapangyarihan. Lahat ng wala sa akin.

Habang nagbubuhos ako ng tsaa, napatingin ako sa repleksyon ko sa makintab na surface ng teapot. Hindi ko na kailangan ng salamin para paalalahanan kung gaano kalayo ang mundo niya sa mundo ko.

“Oh, nandito na pala siya,” sabi ni Tita Miranda, may ngiti pero alam mong puno ng pang-uuyam. “Salamat, Amalia. Ngayon, umalis ka na at maghanap ng iba pang pwede mong gawin.”

Tumango lang ako, walang imik. Pinilit kong gawing blanko ang mukha ko. Sanay na ako sa ganitong trato. Hindi ibig sabihin na hindi ito masakit, pero natutunan ko na kung paano itago ang sakit, kung paano ito itulak palayo sa isang sulok na hindi nila makikita.

Pagkatapos ng lahat, nang humupa ang ingay ng bahay, naghanap ako ng saglit para sa sarili ko sa maliit na study na minsang naging kay Papa. Pagpasok ko, parang ramdam ko pa rin ang presensya niya. Ang amoy ng lumang cologne niya, halong alikabok, ay nananatili sa ere. Sa harapan ko, ang luma niyang desk na puno ng mga papel at sketches, parang mga alaala ng kompanyang minahal at pinagpaguran niya.

Hinaplos ko ang gilid ng desk, at naramdaman ko ang kirot sa puso ko.

SuarezTech Innovations. Ito dapat ang mana ko, ang kinabukasan ko. Pero nang namatay si Papa, kinuha ni Tita Miranda ang kontrol. Binenta niya ang halos lahat, sinira ang natira. Wala akong magawa noon, ni hindi ako pinayagang magsalita o tumulong. Kaya minsan, kapag tahimik na ang bahay, pumupuslit ako dito para lang maintindihan kung saan nagkamali.

Habang binubuklat ko ang isang sales report, biglang tumunog ang phone ko sa bulsa. Kinuha ko ito, at nabasa ko ang reminder para sa tuition payment ko na due na sa isang linggo. Napatingin ako sa screen, at parang bumagsak ang sikmura ko. Wala akong sapat na pera. Kahit anong bilangin ko, hindi talaga aabot.

Pumikit ako, idinantay ang ulo sa likod ng silya. Naaalala ko ang sinasabi ni Papa dati—na huwag akong susuko, na lagi kong ipaglaban ang mahalaga. Pero ngayon, parang wala nang natitirang lakas para lumaban.

Pero hindi pwedeng sumuko. Kahit na parang imposible, kailangan kong magpatuloy.

Habang inaayos ko ang mesa para sa hapunan nina Tita Miranda at ng mga kapatid-kapatid ko, narinig ko ang pinag-uusapan nila. Tungkol sa isang paparating na charity event. Isang pangalan ang naulit-ulit, Alexander Cojuangco.

“Did you hear? Si Alexander Cojuangco ang magho-host ng gala,” sabi ni Tita Miranda, kunwari walang interes pero alam mong may plano siya. “He’s such an elusive man. Imagine kung makakonekta tayo sa kanya.”

“Isn’t he a billionaire?” tanong ni Vanessa, ang mata kumikislap sa pagka-intriga.

“Of course,” sagot ni Tita Miranda, ang ngiti niya parang puro kalkulasyon. “A connection with him could open so many doors for us.”

Napatingin ako nang marinig ang pangalan. Alexander Cojuangco. Kilalang-kilala siya sa business world—brilliant, philanthropic, at isa sa pinakamayayamang tao sa bansa. Nabasa ko na ang tungkol sa kanya sa mga magazine, humahanga sa kwento niya bilang self-made entrepreneur. Siya pa nga ang isa sa mga sponsors ng school na pinapasukan ko.

Pero mabilis kong tinanggal sa isip ko ang kahit anong posibilidad. Hindi magtatagpo ang mundo namin. Hindi nila pinapansin ang tulad ko.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Tyche
Nice story! so many sex scenes it was a masterpiece!
2025-01-02 17:20:51
1
user avatar
Tyche
Nice story! so many sex scenes it was a masterpiece
2025-01-02 17:20:20
2
122 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status