INICIAR SESIÓNEDITHA
I woke up early today. I'm not a morning person pero kailangan eh. I needed my requirements immediately para makapag-apply sa UST Hospital. Tita Emer will help me with the expenses. Babayaran ko na lang daw pag nakaluwag-luwag na ako. "Oh, dala mo ba yung birth certificate mo? Yung PhilHealth mo, na-print mo ba?" Ate Lovely asked. She's my cousin from my mother's side. Kasama din niya ang dalawang anak niya na sina Joben at Lights. "Oo, te. Dinala ko na lahat para sure." Papunta kami sa Cabanas ngayon. Doon lang kasi may SSS sa lugar namin. Kailangan ko kasing magpa-member, ganun din si Ate Lovely. Tutulungan din siya ni Tita na makapasok sa UST Hospital. Ang kaibahan lang ay Telephone Operator siya, ako naman ay Elevator Operator. And I think she fits for that job. Madaldal kasi itong si Ate Lovely, hindi naman siguro mangangawit ang bibig niya kaka-answer ng calls. Nang makarating sa Cabanas ay dumiretso agad kami sa SSS. "Ma'am, by number po kasi ang schedule dito. Ano po bang number niyo?" The guard told us na sa isang araw pa ang schedule ni Ate Lovely at ang number ko naman ay pang ngayong araw. So I told her na ako na lang ang papasok sa loob. Ate Lovely decided na sa Cavite na lang siya magpapa-member sa SSS, tutal pauwi na din sila doon ngayong araw, so they left. Ginawa ko na ang mga dapat kong gawin sa SSS. After that, umalis na din ako sa Cabanatuan. I wanted to relax. Gumala at kumain ng kung ano-ano, kaso saan aabot ang 200 pesos ko? Nandito ako ngayon sa harapan ng Cathedral Church, my favorite church. Noong bata ako, pangarap kong ikasal dito. I like the history of it - ito kasi ang unang Malacañang, sabi ng teacher ko, at hindi ko na nakalimutan yun simula nang malaman ko. "Hoy! Editha, tara dito, bilis!" Napakunot ang noo ko nang makita si Ate Aira hindi kalayuan sa pwesto ko. She's wearing a PLDT shirt. Kumakaway-kaway din siya habang hawak ang kanyang bimpo. Hindi ko na napansin na meron palang PLDT booth dito ngayon. Ate Aira is with Ate Pen and Shenna - ang tinatawag naming Powerpuff Girls sa team. I used to be a freelance sales agent at dati ko silang katrabaho. Last month lang ata ako umalis sa team dahil mahirap humanap ng pera sa daan. Lahat yata ng buong bahay sa Malolos may Wi-Fi na kaya hindi maganda ang naging kita ko sa team, that's why I left. Napagpasyahan ko na lang na lumakad papunta sa kinaroroonan nila. It's almost 11am, mainit na din. Maganda siguro kung makikisilong muna ako sa booth. "Balita sa'yo, Be? Wala kang paramdam sa team ah." Ate Shenna asked. She's wearing a bucket hat as usual, naka-PLDT shirt din siya habang nakakandong kay Ate Pen. "Saan ka na nagwo-work niyan, Be?" Ate Pen asked. Grabe talaga tong Powerpuff Girls. Lagi silang ganiyan, pag nagtanong ang isa, magtatanong din yung isa. "Nag-aayos pa lang ako ng requirements, te." I said at hinila ang isang monoblock na nasa gilid nila. Saglit akong tumingin sa paligid. Wala yung service at wala din yung ibang mga agents. "Nag-area sila sa Calumpit, sa hapon pa yun babalik." Ate Aira said. Abala ito sa kanyang cellphone, mukhang naghahanap na siya ulit ng mga bagong agent. Nakipagkwentuhan ako sa kanila while chatting with my boy best friend, Renz. Kakagising lang daw niya and he wanted to eat with me, kaya ang sabi ko ay sunduin na lang niya ako dito sa booth. "Ayun! Ayun, Be, malapit sa tulay." "Ay, ang gwapo pala." "Hindi mo ba talaga jowa yan, Be?" "Saan daw kayo kakain? Baka kayo lang magkainan ah." I immediately ran paalis ng booth. Nakakaloka talaga ang Powerpuff Girls, as if naman papatulan ko itong si Renz. Hindi naman tumatalab sa'kin ang charms niyan. "Hindi kaya ako marunong tumawid." Reklamo ko nang makarating sa kinaroroonan niya. "Sorry. I forgot. Kain na lang tayo? I'm starving." "Sino ba naman kasing nagsabi na dumiretso ka agad dito nang hindi pa kumakain?" "Okay na yun, para isang kainan na lang." We walked for a few minutes. I was just behind him, baka isipin pa ng iba jowa ko 'to. Excited pa naman akong magka-lovelife siya. Pumasok kami sa isa sa sikat na kainan dito sa Malolos, ang Liomings. It's an affordable Thai food restaurant, ang dami rin ng servings kaya marami ang kumakain dito. May iilang bakanteng pwesto pa kaya kaagad na din kaming umupo. Renz ordered for us - siya din naman kasi ang magbabayad. "Sorry. Napatagal. Type ata ako ng cashier, dito ang hot ko kasi." He said, na ikinairap ng mata ko. Indeed, he's hot and definitely handsome. Hindi ko nga lang siya type. "Eww, bigat ng bitbit mo ah, sofa bed." "Sira. Joke lang eh. So what's your plan na?". "Ewan ko din. Go with the flow na lang muna siguro, pero iniisip ko si Carlisle. Pero alam ko din naman na hindi siya papabayaan sa'min." "Alam mo, bes, wag kang ma-guilty na iwanan siya. It's for her future. Isipin mo na lang si Chester, nagpiprito ng manok sa Jollibee pero sa bisyo at barkada inuubos ang pera. And you? You're gonna work hard for yourself and Carlisle. See the difference?". "Hayaan na natin yun. May karma naman." "I'll definitely wait for his karma." When our food arrived, sabi ko kay Renz magalit-galit muna dahil kailangan naming mag-focus sa pagkain. Sayang naman, 'no - minsan lang kami magkita, minsan lang din ako malibre. After eating, nag-decide kami mag-stroll. Dala ni Renz ang motor niya at mukhang plinano niya 'to. He even brought an extra helmet. Sa pinsan daw 'to ng kababata niyang si Beans, na dati din naming kaklase nung elementary. "So I'll see you again?" He asked. "After 4 years." I laughingly said. We always say that after 4 years kami ulit magkikita, even though walking distance lang ang bahay nila mula sa bahay namin. We had a bonding last year, at bago ang bonding namin na yun, graduation pa nung junior high ang huli naming kita. 4 years. We didn't see each other sa sobrang busy namin sa buhay, pero madalas pa din kaming mag-usap sa Messenger tungkol sa problema namin. Renz and I always have deep conversations, at talagang pinagkakatiwalaan namin ang isa't isa. "Weh? Hindi mo talaga jowa yun. Sinundo ka dito, tapos kumain kayo, hindi mo jowa?" "3 hours kayong nawala, saan kayo nag-check in?" "Secret, jowa mo ata yun eh, ayaw mo lang aminin." Napasapo na lang ako sa mukha ko dahil sa Powerpuff Girls. Kanina pa talaga nila paulit-ulit na tinatanong kung boyfriend ko si Renz, at paulit-ulit ko ding sinasabi na mag-best friend lang kami, kasi yun naman ang totoo. We've known each other since Grade 1. Kung bet siguro namin ang isa't isa, baka nga mag jowa na kami ngayon. "Pabalik na daw sila. Tara dito, samahan mo ko sa 7-Eleven." Kaagad akong kumapit sa braso ni Ate Aira nang hilahin niya ako palayo sa booth. Kailangan pa namin tumawid papunta sa 7-Eleven at hindi talaga ako marunong tumawid dahil na rin sa phobia ko. She got herself a hotdog bun at isang bottled water. Kumuha naman ako ng Milo para sa sarili ko. Ang dami naming kinain ni Renz kanina, nag-milk tea pa kami, pero sa sobrang init ay nauuhaw pa rin ako. Nang makabalik sa booth ay nandoon na ang mga agents. I opened the service door. It was an L300 van. Bumungad sa'kin ang mga mata ng mga agents na tila nagtataka. Medyo nakakahiya yun, self ah! May tao pala sa loob. I just shrugged my shoulder at naupo sa tapakan nito. Sabi nga sa'kin nila, ate, "fake it until you make it." Mabilisan kong ininom ang Milo - buti na lang talaga at favorite ko 'to. Nang maubos ay kaagad ko nang sinara ang pinto ng service. "Sige na, Ber, sama ka na. Birthday ko ngayon." Kuya Julius said. He's 46 years old. Aside kay Kuya Jigs, isa din tong si Kuya Julius na parang naging tatay ko sa team. Sobrang naging close talaga kami to the point na siya yung kumakain ng mga natira kong ulam tuwing lunch namin. I already said no sa Powerpuff Girls kanina, pero hindi na ako nakahindi nang si Kuya Julius na ang nag-imbita sa'kin. Sa office lang naman daw gaganapin, kakain lang naman saglit, kaya pumayag na ako. I noticed Kuya Johnellec, ang driver ng team. I helped him magligpit sa booth, ganun din ang isang lalakeng agent na tingin ko ay bago pa lang sa team. Nang maligpit na ang lahat ay nagsipasok na din kami sa service. Katulad ng dati kong pwesto nung agent pa ako, dito sa dulo, kaya dito pa din ako naupo. Madalas kasi akong magtanong sa driver at komportable din talaga ako sa pwesto ko na 'to. Renz sent me a photo. It was a picture of him shirtless. Zinoom ko naman ito at binilang ang abs niya - mukhang magiging 6-pack na ang abs niya kaka-workout. "Naks! Yabang. Miss ko na din mag-workout." I noticed someone was looking at me at sobrang nagkakaingay ngayon ang team. Kuya Ver is also calling me "Negra," kaya sinamaan ko pa siya ng tingin. I also noticed the guy - yung lalakeng tumulong sa'min ni Kuya Johnellec kanina. After a few minutes, nakarating din kami sa office. I saw Kuya Bon kaya agad akong yumakap sa kanya. Months ko din 'tong hindi nakita dahil umatake ang gout niya. He introduced me sa mga new member ng team na halos hindi ko lahat naalala ang mga pangalan. My mind is busy remembering the happy moments with them. Aalis na kasi ako bukas at sa QC na titira, kaya sinulit ko na talaga ang oras kasama sila. I got dizzy dahil nag-inuman pagkatapos kumain ng pancit. Pangalawang beses ko pa lang uminom kasama ang team at masasabi kong hindi talaga ako expert sa pag-inom ng alak. I sent a voice message kay Renz dahil hilong-hilo na talaga ako. Medyo kumukulog-kulog din at umuulan-ulan na rin. All I know is that I'm already drunk and dizzy. "Hindi ko nga boyfriend yun. Tignan mo pa convos namin." I kept telling Kuya Bon na hindi ko boyfriend si Renz. Na-report na pala ng Powerpuff Girls ang pag-sundo sa'kin ni Renz sa booth at pagkain namin sa labas. Binaba ko pa sa table ang cellphone ko at iniscroll-scroll iyon sa harapan ng tumatawang si Kuya Bon. Suddenly he became serious. "Pero seryoso, pre. Bagay kayo ni Dit. Cute niyo tignan." He said sa katabi kong si Paulo. "May girlfriend ako sa Mindanao." "EDITHA, JOWA MO!" I immediately stood up at pa-gewang-gewang na naglakad palabas ng gate. Muntik pang humampas ang mukha ko sa gate nang buksan ko ito. Mabuti na lang at nasa gilid si Ate Aira at inalalayan ako. Renz is outside our office. Tumila na ang ulan pero pansin ko ang basa niyang damit. He handed me the helmet at kaagad ko naman isinuot yun at sumakay na din sa motor niya. "Magpahinga ka na agad ah." He said nang makababa ako sa motor niya. Inabot ko naman sa kanya ang helmet at maayos na naglakad papasok sa gate ng bahay. I decided to take a bath, at nang matapos ay nakatulog na din agad ako.PAULO*"Hilo na talaga ako,"* those were the words she said to me after hitting her head on the table. She was already drunk. Simula pa kanina, may kinakausap siyang lalaki sa phone at tila inaalam nito kung nasaan siya ngayon. I gently tapped her cheek to check if she was still conscious. She opened her eyes and immediately stood up. *"CR lang ako."* *"Sige, dahan-dahan lang,"* rinig kong saad ni Kuya Bon. Nag-thumbs up lang siya at agad na pumasok sa loob ng office. Our office is not a typical office dahil nasa bahay lang ito. Kami ay freelance sales agents ng isang internet company. Commission-based lang din kaya hindi kalakihan ang kita namin. *"Hindi talaga umiinom 'yang si Dit, no?"* *"Oo, sa pagkakaalam ko. Kaya hindi sanay. Kwento niya sa'kin, nahirapan siyang mag-mature. Bunso kasi siya sa kanila."* *"Schoolmate ko 'yan nung Senior High. Daming may kilala diyan. Matalino at mabait kasi. Madalas kong nakikita 'yan sa ranking tuwing exams."* *"Bait nga eh. Pinagba
EDITHA "Sabi sa'yo, bee, years pa. Sabi mo pa 'opo.' Anong nangyari? Ang sakit-sakit ng ribs ko," I complained to him the moment he arrived at our house. Riley just turned one a few months ago, at ito ako - malapit na namang umire. Yes, para sa'ming second baby. "Magpahinga ka na. Ako na muna sa mga bata," he said, then carried Riley. Weekly routine na ata nilang tatlo - nila Carlisle - ang pumunta sa Alfamart tuwing pumupunta dito si Paulo sa bahay namin. We decided not to live together dahil may pasok si Carlisle at wala akong katuwang sa pag-aalaga kay Riley pag doon kami tumira sa kanila. Siya naman ay doon pa rin sa kanila nakatira, dahil na rin mas malapit doon ang pinagtatrabahuhan niya. He bought himself a bicycle para daw tipid sa pamasahe. Ganyan siya naging matipid simula nang magkaroon siya ng trabaho. Minsan na kasi siyang nawalan ng trabaho na sakto pa na nagfo-formula milk na si Riley at naging maselan pa ang pagbubuntis ko. Sandamakmak na masasakit na salita a
EDITHA "Hindi na, tama na. Uuwi ka na ng Bulacan. Susunduin kita bukas," seryosong saad ni Paulo. I'm currently at my dorm right now. Nagpasa na ako ng resignation letter kanina sa UST at sa agency namin. Unfortunately, the agency did not accept it - "huwag muna raw." Kaya sa UST lang ako nakapag-resign. I told him I wanted to stay here for a few weeks. Baka naman magkaroon pa ako ulit ng trabaho. Isa pa, nanghihinayang ako sa binayad ko dito sa dorm. Hanggang second week pa kasi ng December, pwede akong tumuloy dito. But he knows that my family wants me to quit my job. Bukod sa malayo, palagi na ata akong nagkakasakit due to stress. I think the job itself is not for me. Hearing those patients' prayers na palaging tinatanong kung bakit ba sila nagkasakit, at kung minsan ay nasusugod pa ako sa loob ng elevator ng mga patient na mentally unstable. There was one patient na talagang nakapagpakabog ng dibdib ko. He was 6 feet tall at ang laki din ng katawan niya. Unfortunately, he wa
EDITHA"Hindi ba't sabi mo hindi mo ko iiwan? Hindi papabayaan na ako'y mag-isa. Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda? Bakit bigla ka na lang nandiyan sa kabilang buhay?" Hindi ko na pigil ang iyak. Hindi naman ako ang namatayan, hindi naman tatay ko ang inililibing ngayon, pero bakit ang sakit-sakit? Ramdam ko ang higpit ng hawak ni Paulo sa kamay ko, kasabay ng mabibigat na hakbang patungo sa sementeryo kung saan ililibing si Tito, ang papa niya. The day that they rushed him to the hospital - yun yung araw na sana ay ipapakilala ako ni Paulo sa papa niya. We both thought that it was just a minor accident. Kakagaling ko lang noon sa sakit kaya ako nasa Bulacan, at aalis na rin sana kinabukasan. Pero masyadong naging mabilis ang mga pangyayari. Paulo volunteered na magbantay sa hospital dahil sabi niya ay mahina ang loob ng dalawang kapatid niya. Mabuti na lang din, kahit na sinundo niya ako sa QC dahil may sakit ako, ay hindi siya nahawa sa'kin at hindi COVID ang naging sakit k
EDITHA Months of being with Paulo felt like years. Lahat na ata napag-usapan na namin kahit na hindi naman kami sobrang dalas magkasama. But I realized he really is attentive and consistent when it comes to me. "Nag-cancel na ng pasok yung iba, tayo hindi pa." "Signal number 2 pa lang naman, ah." "Baha na kaya sa España." "Oo, galing kaya ako dun. Dun ako dumadaan papasok dito - nagpapatuyo nga ako ng sapatos, oh." Rinig kong usapan ni Ate Lellis, Lovely, at Jhunel sa office. Lunch time namin ngayon at napagpasyahan ko na dito kumain sa office. Sobrang lakas kasi ng ulan sa labas, feeling ko nga rin magyeyelo na sa loob ng elevator ko sa sobrang lamig. I made sure to pee first before entering the elevator. Apat na oras pa bago ang uwian ko pero wala pa ring katao-tao sa building na 'to. Mangilan-ngilan lang ang sumasakay sa loob ng elevator ko, kadalasan ay doctor at secretary lang talaga. "Grabe, ang lamig talaga ngayon." Sir MJ casually said while he's inside the eleva
EDITHA First day ko ngayon sa UST Hospital. Nakakaba na nakaka-excite - like, what if mahilo ako sa loob ng elevator, 'di ba? Or ma-trapped doon? Siguro naman hindi agad mangyayari yun ngayong araw. I went to see Ate Lellis kasi siya magte-train sa'kin ngayon. She's Tito Iwa's niece, ka-edad lang siya ni Ate Lovely. She taught me all of the elevator's buttons. Madali lang naman at mabilis lang matutunan, pero ang kalaban ko dito ay ang boredom. May mga times na akyat-baba lang ang elevator dahil wala namang patients or relatives na dumadating. "Toxic lang naman pag 10:00 na, tas pagdating ng 11:30 wala na yan. Lahat ng mga patients at relatives nasa taas na, tas sa hapon na ulit pag-uwian." I was busy sanitizing the elevator's handle bar while listening to her. Ayun nga ang napansin ko kanina - mas dumadami ang tao pag malapit nang dumating ang doctor. 10am kasi simula ng clinic dito, kaya pagdating ng doctor ay nagsusulputan na din bigla ang mga pasyente. Lunchtime came, Ate