LOGINEDITHA
"Hi." I read the message from the guy named Paulo. Siya yung bagong agent sa team na kainuman namin kagabi. "Hellooo." "Hangover?" "Yeah. I was busy chatting with him and Meynard. Isa din sa dating agent si Meynard at, sa totoo lang, mukha siyang Japanese sa paningin ko. He's nice and friendly. Abala na din ako sa pag-e-empake at tatawa-tawa habang pinalitan ang nickname nila sa Messenger. I changed it to Kuya Paulo and Kuya Meynard. Paulo is turning 29 this year at 26 naman si Meynard. That's why they're older than me - 22 years old pa lang naman ako this year, kaya kuya ko talaga sila. They both got annoyed, kaya tawa talaga ako nang tawa. Nawala nga lang ang saya ko nang tawagin na ako ni Tito Iwa para makaalis na kami. Magko-commute lang kami ngayon, kaya nang makaupo na kami sa UV, pinicturan ko na ang bag ko at nag-MyDay: "Goodbye, Bulacan." That's my caption. Kachat ko pa din si Paulo, samantalang si Meynard naman ay nag-PlayStation na dahil nandoon daw siya kila daddy niya ngayon. I was beside my cousin's boyfriend. His name is Francis, at mapapanis ang laway ko sa sobrang tahimik niya, kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa pakikipag-chat kay Paulo. Masarap naman siyang kausap - lumalabas yung kadaldalan ko sa kanya kahit na maikli lang siyang mag-reply. Yung maikli pero interesado pa din, parang ganun. Ah basta, komportable akong kausap siya. Nang makarating sa bahay nila Tita Emer, nagmiryenda agad kami. Tita Emer was busy playing Mobile Legends, napapamura pa siya sa taranta sa paglalaro. Abala naman si Tito Iwa sa pagplantsa ng uniform nila dahil back to work na sila bukas. Sana all, inaasikaso, 'di ba? Tita Emer gave me wine - healthy naman daw kasi yun. Kakaloka, ah, pero ininom ko na din. Palainom din kasi si Tito Iwa kaya hindi na din ako magtataka na sa mga susunod na araw ay papainumin na niya ako. Morning came, at kahit hindi talaga ako morning person, mapipilitan talaga ako maging morning person dahil maaga nagsisi-alis ang mga tao dito. Parehong pang-umaga si Tito at Tita, kaya naghabilin pa sila sa'kin ng kung ano-ano. 6am pa lang pala at wala pa rin akong ganang kumain. "Gising ka na?". Ang aga naman magising netong si Paulo. Aga mag-chat, ah. "Sleepy pa." At hindi ko na namalayan, lagi na pala kaming magkausap, pati na sa video call. Bigla nalang lumipas ang mga araw. "Ay, dapat pala pagkatapos mo mag-interview, kunin mo na yung requirements mo para sa Lunes makapag-start ka na." Tita Emer said. Ngayon ang interview ko sa agency at UST, pero hindi pa kumpleto ang requirements ko - nasa school ko pa kasi ang iba at wala pa akong NBI Clearance. Pero pwede namang to-follow na lang yun, just like what she told me. Tinapos ko ang interview at 4pm na ako nakauwi sa bahay nila Tita. She told me to eat first at ihahatid niya daw ako sa kanto para maturuan ako papunta sa sakayan. I didn't tell anyone na uuwi ako. Sabi ko kay Tita ay i-chat ko na lang siya pag nasa Bulacan na ako dahil maggagala pa ako. "Excuse po? Dito po ba sakayan papuntang SM North?" I asked the lady beside me. She's wearing a pink t-shirt and pants. Sa tingin ko nasa mid-50s na din siya. "Ay oo, diyan. Pwesto ka lang diyan, tas makikita mo sa unahan ng jeep, nakasulat SM North." "Sige po. Thank you po. Doon din po ba kayo?" "Oo, eh. May pinabibili kasi yung anak ko." I hate crossing the roads. I'm bad at direction. I don't even know what's left and right, but one thing is for sure: I'm talkative kaya hindi ako nahihiyang magtanong sa ibang mga tao. Hindi rin ako takot mag-commute - 13 years old lang kasi ako nang turuan ako nila ate na bumiyahe mula Parañaque hanggang Bulacan, dahil doon nag-college sila ate at doon ako nagbabakasyon sa bahay na tinitirhan nila. Ang hirap pala maging bunso. Masyado akong naging baby nila ate, kaya isang malaking pagbabago sa buhay ko 'to - ang lumayo ng tirahan sa kanila nila mama. But somehow I need to grow and be independent. After all, I'm now a single mom. Wala akong aasahang asawa at kailangan ko pang magtrabaho para sa'min ni Carlisle. I messaged some of my friends, including Renz, kaso lahat sila ay busy ngayon. That's why I asked Paulo kung busy ba siya. He says no, kaya sabi ko ay magkita kami sa Robinsons dahil ayaw ko pang umuwi sa bahay namin. My siblings and I are not okay right now. Napilitan lang naman talaga ako na umalis sa bahay because of them. At tama naman sila - may anak ako pero wala akong trabaho. Ilang months na din na hindi nagpapadala ng pera si Mommy, ang tita ko na nasa ibang bansa. I was hoping na tutuparin niya ang sinabi niya na magco-continue na lang ako this year sa Nursing dahil last year ay nalugi ang business niya. That's why I stopped studying. But I assumed that it is a sign na hindi talaga para sa'kin ang Nursing. Pero sinampal ako ng realidad ng buhay: kung mahirap mag-apply kahit may college degree ka, mas mahirap pala mag-apply kung wala ka nang college degree, wala ka pang experience. Senior High lang ang natapos ko, college undergrad pa ako. Idagdag mo pa tong maliit at petite kong katawan. Kaya nahirapan talaga ako makahanap ng matinong trabaho. "Saan ka? Hindi kita makita." I messaged him at palinga-linga sa paligid. Ilang saglit pa, may lalakeng lumapit sa'kin. "Kanina pa kita nakita." He said while smiling. "Tapos ngayon ka lang lumapit?" I told him I wanted to go sa Mini Forest. Ilang years na din naman akong hindi nakakapunta doon, idagdag mo pang nagka-pandemic kaya hindi talaga ako makalabas ng bahay. "Ba't ka tumitingin? Crush mo ko, no?" I teased him. Nag-aasaran kami kahit na sa harapan ng jeep kami umupo. Siguro kung ano-ano na ang iniisip ni Kuyang Driver sa'min dalawa ni Paulo. "Pakakainin muna kita." He said nang makababa kami sa jeep. "Ha? Hindi naman ako gutom, ah." "Hapon pa last kain mo." We walked papunta sa isang convenience store. I got myself a bottle of water at isang Tomi. Blue naman ang kinuha niyang inumin. Ilalabas ko pa lang ang wallet ko nang agad siyang mag-abot ng 500 pesos sa cashier. Kaagad ko naman siyang tiningnan nang masama. Ang gastusero ng lalakeng 'to. "Ikaw, Be, ang gastos mo. Ang hirap kayang kumita sa team." "Crush nga, 'di ba?" I just shrugged my shoulder. Baka nag-aasar lang 'to. Hindi naman kasi ako maganda. Silence ate us while walking. Maraming poste ng ilaw sa paligid kaya medyo maliwanag pa rin, pero parang kami lang ang naglalakad sa pwesto na 'to. May pa-ilan-ilan na nagbabike, ang iba naman ay motor, pero kadalasan ay tricycle. He held my hand. Intertwined our fingers. "Ano 'to, HHWW? Bahala ka, waterfalls yan. Isang touch lang, nagpapawis yan." "Waterfalls nga." Natatawang saad niya. He wiped our hands using his handkerchief, nilagay din niya yun sa kamay ko bago niya ulit ako hawakan. Ang utak, ah. Naisip pa niya yun? We talked for hours. Nag-over share na ata kami ng buhay namin sa isa't isa sa tagal naming nag-usap. -•• "Bakit ang aga mo kasi? Hindi ba uso sa'yo Filipino time? Hindi tuloy ako nakapag-kilay. Kasalanan mo 'to." I immediately complained at him. Tatawa-tawa lang naman siya habang inaayos ang buhok kong hinati ko lang, hindi ko na nasuklay sa sobrang pagmamadali ko kanina. "Umidlip ka na lang sa office mamaya, maaga pa naman." Ba't ko ba kasi sinabi sa kanya na maaga ako laging pumapasok? Kadalasan ako ang nauuna na dumating sa mga agents dahil naglalaro pa ako sa cellphone ko. Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya. Ang tangkad niya pala talaga, pero inaantok pa talaga ako. Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa ulo ko, at maya-maya pa ay may huminto na din na jeep, kaya sumakay na kami agad. Nilagay niya ang backpack namin sa hita niya at ibinagsak ko na agad ang ulo ko. Feeling ko nahihilo na ako sa sobrang antok dahil isang oras pa lang ang naging tulog ko. Ilang saglit pa, bumaba na din kami at naglakad na patungo sa office. Our office is not a typical office - isa siyang bahay na ginawang office. Sa pagkakaalam ko, isa sa admin ang may-ari ng bahay na yun kaya minsan doon natutulog ang team manager namin na si Ma'am Timmy. "Good morning, Gelo." I greeted Angelo. Sa lahat ng team, siya ata ang pinaka-mabait na agent at mahinhin. Matanda lang ako ng isang taon sa kanya pero tingin ko sobrang matured niya talaga. "Good morning. Log ka na." He handed me our logbook, kaya kaagad kong sinulat ang pangalan ko at ang oras ng pag-time in ko. Nang matapos, iniabot ko na iyon kay Paulo at ganun din ang ginawa niya. Naupo muna at tumambay muna kami dito sa dining area at pare-pareho kaming abala sa pagce-cellphone. I was busy playing PUBG nang sunod-sunod na nagsidating ang agents, kaya lumabas na lang ako at tumambay sa garahe. "Meynard, walang paramdam, ah." "Sorry na, busy sa PlayStation." "Okay na kayo ng dad mo?" "Yes, okay naman na." _Ehem _ehem. I noticed Paulo signaling me using his eyes, saying labas kami, kaya naglakad na ako palabas kasama siya. "Saan tayo pupunta, Be?" "Hindi ka pa kumakain. Nagkape lang ako kanina." Nakalimutan ko palang mag-breakfast. He ordered goto for himself, and I told him na lumpiang toge lang ang gusto ko. "Masarap siya, try mo." "Eh ayoko ng laman, lugaw lang gusto ko." Kinain niya lahat ng laman ng goto at inabot na sa'kin ang kutsara na may laman na lugaw. Kaagad ko naman yun sinubo. Masarap nga. Matapos ang ilang subo, kumuha na ako ng tubig namin. Madalas mag-breakfast ang team dito kaya sure ako na malinis ang tubig at pagkain dito. Sensitive din kasi ang tiyan ko at nahiyang ko naman ang pagkain sa karinderya na 'to. "Wag ka mag-alala, mineral water dito. Proven and tested ko na." I gave him a cup of water na kinuha ko mula sa gallon, at nang matapos kami kumain ay bumalik na agad kami sa office. "Saan tayo e-area, Kuya Nin?" I asked Kuya Niño. He's also a driver for the team. Dalawa kasi talaga ang driver ng team - pang-area at pang-pick up. May mga subscriber kasi na pupuntahan na lang sa bahay para pa-fill up-an ng form, at sa pag-e-area naman ay kailangan humanap ng subscriber. Kaya commission-based lang kami at napakahirap talaga kumita ng pera dito. "Iba Este at Iba Oeste, mga 30 minutes pa bago tayo makarating doon." "Oh sige, Kuya Nin, ah. Hanggang 3pm lang ako, pupunta pa ako sa school." "Sige lang, gusto mo hatid pa kita, eh. Mamaya idaan kita doon." Since 30 minutes pa naman bago kami makarating sa location, binuksan ko muna ang phone ko. Sayang naman yung mobile data ko, pa-expired na, hindi ko pa din nagagamit. I watched Shaun the Sheep. Narinig ko pa ang tawa ni Meynard nang makita ang pinapanood ko. Nang makaramdam ako ngawit, sumenyas ako kay Paulo na umusog. Ako lang kasi ang nasa dulo ng service, kaya nang bumagal ang andar, kaagad akong lumipat sa tabi niya. Napagitnaan si Paulo ni Meynard at Gelo. I handed Gelo my phone at sinabi kay Paulo na inaantok ako, kaya nilagay niya ulit ang bag niya sa hita niya at inihiga ko naman ang ulo ko doon. "May insomnia yan, hayaan mo na." I heard Meynard say. "Isang oras pa lang daw tulog niya." Tirik na ang araw nang makababa kami sa service. Paulo said na naka-area na sila dito at walang subs dito. Some of the agents decided to eat, yung iba naman ay um-area sa ibang lugar, while me and Paulo decided na sumilong. May upuan na gawa sa kahoy at may sanga-sanga na maliliit na siyang nakakapagbigay ng lilim sa'min. I noticed my hands na mayroong ink ng ballpen, so I asked Paulo for alcohol. Nahapdi nga lang ako dahil may maliit na hiwa pala ang daliri ko. He immediately blew it even though hindi naman sobrang sakit ng daliri ko. After a few minutes, nakita na din namin ang service. Lunchtime came at hindi ako makapili kung anong kakainin ko. Nagkaroon kasi ako ng allergy sa chicken 2 years ago - sabi nila Tita, sa lahi daw namin yun. And ending, chicken curry ang inorder ko. Bigla namang inabot ni Paulo ang 200 sa babae, kaya sinamaan ko ulit siya ng tingin. "Bigay yan ni Ma'am Aw kanina, allowance ko." He said. Lagi na lang talaga niya 'kong ginagastusan. Ewan ko ba sa lalake na 'to. Hindi ko naman jowa. Menudo ang inorder niya, at ang kagandahan sa nakainan namin ngayon na karinderya ay nasa malaki at malawak na bakuran ang dining. May malaking puno pa at mayroon pang duyan doon. Malakas din ang simoy ng hangin at tanging ang team lang ang maingay na kumakain. I immediately finished my food, ang natira kong ulam ay kinain ni Kuya Bon. Sumakay ako sa service dahil ang kati ng mukha at balat ko. Mabuti na lang at may dala akong antihistamine, at maliit lang 'to kaya kong lunukin. Hindi kasi ako marunong lumunok ng mga gamot. Nang makababa, inaya ko si Paulo sa tindahan. I wanted to eat chips, gusto ko lang kumain bigla ng maalat ngayon. Mabilis akong naglabas ng pera dahil baka pati chichiryang gusto ko ay siya pa ang magbayad. Gaya ng sabi ni Kuya Nin, ihahatid niya ako sa dating school ko. Paulo said na sasamahan niya ako, kaya sabay kaming bumaba sa service. "Lagot ka, hotseat ka niyan." "Hindi na lang ako magsasalita." "Hindi naman tayo, ah." I told him, then immediately ran upstairs. Saglit lang ako sa loob ng office dahil ready na pala lahat ng ni-request kong papers. Nang makalabas ng school, bigla na lang umambon kaya sumakay na agad kami ni Paulo ng jeep. Kailangan na din namin agad bumaba sa jeep dahil sasakay pa ako ng e-trike pauwi sa bahay - wala pa naman kaming dalang payong ngayon. So I decided to wrap my jacket sa envelope na dala ko. This jacket is from Renz. Ang hilig ko daw kasing lumabas nang naka-sando. The wind is blowing. Biglang malamig na sa paligid habang nagpapatila kami sa bubong ng nakasaradong bookstore. Nasa likod ako ni Paulo at basang-basa na talaga siya ngayon dahil sa lakas ng hangin at ulan. Nilalamig na din ako, kaya nakahawak lang ako sa likod niya. Humarap naman siya sa'kin at pansin kong nilalamig din siya, kaya niyakap ko na lamang siya. Body heat, and it was effective. Nang humina ang ulan, naglakad na kami papunta sa sakayan. He suddenly kissed my forehead. That made my world stop. I unconsciously touched my forehead - parang naiwan sa noo ko yung init ng labi niya. Is this even real?PAULO*"Hilo na talaga ako,"* those were the words she said to me after hitting her head on the table. She was already drunk. Simula pa kanina, may kinakausap siyang lalaki sa phone at tila inaalam nito kung nasaan siya ngayon. I gently tapped her cheek to check if she was still conscious. She opened her eyes and immediately stood up. *"CR lang ako."* *"Sige, dahan-dahan lang,"* rinig kong saad ni Kuya Bon. Nag-thumbs up lang siya at agad na pumasok sa loob ng office. Our office is not a typical office dahil nasa bahay lang ito. Kami ay freelance sales agents ng isang internet company. Commission-based lang din kaya hindi kalakihan ang kita namin. *"Hindi talaga umiinom 'yang si Dit, no?"* *"Oo, sa pagkakaalam ko. Kaya hindi sanay. Kwento niya sa'kin, nahirapan siyang mag-mature. Bunso kasi siya sa kanila."* *"Schoolmate ko 'yan nung Senior High. Daming may kilala diyan. Matalino at mabait kasi. Madalas kong nakikita 'yan sa ranking tuwing exams."* *"Bait nga eh. Pinagba
EDITHA "Sabi sa'yo, bee, years pa. Sabi mo pa 'opo.' Anong nangyari? Ang sakit-sakit ng ribs ko," I complained to him the moment he arrived at our house. Riley just turned one a few months ago, at ito ako - malapit na namang umire. Yes, para sa'ming second baby. "Magpahinga ka na. Ako na muna sa mga bata," he said, then carried Riley. Weekly routine na ata nilang tatlo - nila Carlisle - ang pumunta sa Alfamart tuwing pumupunta dito si Paulo sa bahay namin. We decided not to live together dahil may pasok si Carlisle at wala akong katuwang sa pag-aalaga kay Riley pag doon kami tumira sa kanila. Siya naman ay doon pa rin sa kanila nakatira, dahil na rin mas malapit doon ang pinagtatrabahuhan niya. He bought himself a bicycle para daw tipid sa pamasahe. Ganyan siya naging matipid simula nang magkaroon siya ng trabaho. Minsan na kasi siyang nawalan ng trabaho na sakto pa na nagfo-formula milk na si Riley at naging maselan pa ang pagbubuntis ko. Sandamakmak na masasakit na salita a
EDITHA "Hindi na, tama na. Uuwi ka na ng Bulacan. Susunduin kita bukas," seryosong saad ni Paulo. I'm currently at my dorm right now. Nagpasa na ako ng resignation letter kanina sa UST at sa agency namin. Unfortunately, the agency did not accept it - "huwag muna raw." Kaya sa UST lang ako nakapag-resign. I told him I wanted to stay here for a few weeks. Baka naman magkaroon pa ako ulit ng trabaho. Isa pa, nanghihinayang ako sa binayad ko dito sa dorm. Hanggang second week pa kasi ng December, pwede akong tumuloy dito. But he knows that my family wants me to quit my job. Bukod sa malayo, palagi na ata akong nagkakasakit due to stress. I think the job itself is not for me. Hearing those patients' prayers na palaging tinatanong kung bakit ba sila nagkasakit, at kung minsan ay nasusugod pa ako sa loob ng elevator ng mga patient na mentally unstable. There was one patient na talagang nakapagpakabog ng dibdib ko. He was 6 feet tall at ang laki din ng katawan niya. Unfortunately, he wa
EDITHA"Hindi ba't sabi mo hindi mo ko iiwan? Hindi papabayaan na ako'y mag-isa. Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda? Bakit bigla ka na lang nandiyan sa kabilang buhay?" Hindi ko na pigil ang iyak. Hindi naman ako ang namatayan, hindi naman tatay ko ang inililibing ngayon, pero bakit ang sakit-sakit? Ramdam ko ang higpit ng hawak ni Paulo sa kamay ko, kasabay ng mabibigat na hakbang patungo sa sementeryo kung saan ililibing si Tito, ang papa niya. The day that they rushed him to the hospital - yun yung araw na sana ay ipapakilala ako ni Paulo sa papa niya. We both thought that it was just a minor accident. Kakagaling ko lang noon sa sakit kaya ako nasa Bulacan, at aalis na rin sana kinabukasan. Pero masyadong naging mabilis ang mga pangyayari. Paulo volunteered na magbantay sa hospital dahil sabi niya ay mahina ang loob ng dalawang kapatid niya. Mabuti na lang din, kahit na sinundo niya ako sa QC dahil may sakit ako, ay hindi siya nahawa sa'kin at hindi COVID ang naging sakit k
EDITHA Months of being with Paulo felt like years. Lahat na ata napag-usapan na namin kahit na hindi naman kami sobrang dalas magkasama. But I realized he really is attentive and consistent when it comes to me. "Nag-cancel na ng pasok yung iba, tayo hindi pa." "Signal number 2 pa lang naman, ah." "Baha na kaya sa España." "Oo, galing kaya ako dun. Dun ako dumadaan papasok dito - nagpapatuyo nga ako ng sapatos, oh." Rinig kong usapan ni Ate Lellis, Lovely, at Jhunel sa office. Lunch time namin ngayon at napagpasyahan ko na dito kumain sa office. Sobrang lakas kasi ng ulan sa labas, feeling ko nga rin magyeyelo na sa loob ng elevator ko sa sobrang lamig. I made sure to pee first before entering the elevator. Apat na oras pa bago ang uwian ko pero wala pa ring katao-tao sa building na 'to. Mangilan-ngilan lang ang sumasakay sa loob ng elevator ko, kadalasan ay doctor at secretary lang talaga. "Grabe, ang lamig talaga ngayon." Sir MJ casually said while he's inside the eleva
EDITHA First day ko ngayon sa UST Hospital. Nakakaba na nakaka-excite - like, what if mahilo ako sa loob ng elevator, 'di ba? Or ma-trapped doon? Siguro naman hindi agad mangyayari yun ngayong araw. I went to see Ate Lellis kasi siya magte-train sa'kin ngayon. She's Tito Iwa's niece, ka-edad lang siya ni Ate Lovely. She taught me all of the elevator's buttons. Madali lang naman at mabilis lang matutunan, pero ang kalaban ko dito ay ang boredom. May mga times na akyat-baba lang ang elevator dahil wala namang patients or relatives na dumadating. "Toxic lang naman pag 10:00 na, tas pagdating ng 11:30 wala na yan. Lahat ng mga patients at relatives nasa taas na, tas sa hapon na ulit pag-uwian." I was busy sanitizing the elevator's handle bar while listening to her. Ayun nga ang napansin ko kanina - mas dumadami ang tao pag malapit nang dumating ang doctor. 10am kasi simula ng clinic dito, kaya pagdating ng doctor ay nagsusulputan na din bigla ang mga pasyente. Lunchtime came, Ate







