SOBRANG aga ko sa opisina nang nag Lunes. Muntik ko nang maunahan ang mga janitor at janitress sa sobrang aga ko doon. Nagtimpla kaagad ako ng kape.Hindi ko alam pero hindi ako makatulog kagabi. I can't help but think about what happened the night before. Hindi matanggal sa isip ko kung paano ako pinawisan at napagod ng husto sa mga nangyari. Thinking about it sent shivers down my spine but I couldn't help it...Sa sobrang pagod ko sa nangyari sa amin ni André ay nakatulog ako pagkatapos. I woke up with his body covering mine. Mga nag-aalalang text galing kay Clyde, sa mga kaibigan ko, at kahit galing kay Kier.In the end, I told them all na may inasikaso ako sa opisina. Pinagalitan pa ako ni Kier dahil umalis ako sa event nang hindi nagpapaalam kay Clyde. He was worried sick. Well, at least he's worried sick. Clyde got pissed kaya hindi niya na ako nireplyan ulit."Ang aga natin, ha?" puna ng kasama kong pangalawa lamang sa akin.Umiling ako at ngumiti. "May tatapusin lang kaya napa
"SAAN TAYO?" tanong ko."I'm hungry so let's dine somewhere."Tumango ako. Nag drive naman siya palabas ng basement. Nagkasundo na kami ng sarili ko na tumahimik na lang tuwing ganito pero hindi ko pa rin maiwasan."Do you always dine to expensive restaurants tuwing dinner? Or tuwing inaaya mo ang mga babae mo." tanong ko.Nanatilig ang mga mata ni André sa kalsada. I'm not even sure if he'll answer me. Kumibot ang kanyang labi."Not always. I cook. Most of the time sa condo lang. Why?" sumulyap siya sa akin, kumunot kaagad ang noo,His thick eyebrows accentuated his strange-colored eyes. I can't help but stare at him,"Gaano ka "not always"? You know people like you dine to places that sells food ten times the average cost of the food most Filipinos eat. Nagsasayang lamang ng pera. And to think na maraming gutom sa Pilipinas..." Kinagat ko ang labi ko. Why do I always fail to shut my mouth?"People like me?" Natawa siya. Rinig ko ang sarcasm doon. "Do you expect me to eat on fastfood
ILANG beses pang naulit ang dinner sa linggong iyon. Hindi na ako tinatantanan nina Trina at Jane dahil ilang beses na rin nilang nakitang pumapasyal si André sa building.Kaya naman kahit hindi ko ginusto ang mga pinaggagagawa nila noong breaktime namin, wala na rin akong nagawa.Kung anu-ano ang tinitingnan nila sa iPad ni Jane. Hinanap nila sa social networking sites si André. Nahanap nila ito sa Facebook at tiningnan ang wall nito."What's the name of the girl he brought noong event?" tanong ni Jane sa akin, nagtutunog imbestigador."Marina.. ' sagot ko naman.Hindi pa nag iisang minuto ay nahanap nila kaagad ang account ng babaeng tinutukoy ko. Kumakain lang ako ng yogurt habang halos magka untugan na ang dalawa sa kaka tingin sa iPad."You can also Google her pala." ani Trina.Nagkibit ako ng balikat. Seryoso, kahit na medyo nagulantang ako na dala ni André ang babaeng iyon sa event... kalaunan ay napagtanto kong wala na akong karapatang kumwestyon noon. Wala kaming relasyon. I
NAKATAYO ako sa harap ng aking canvas. Higit kumulang tatlumpong bata ang tuturuan ko ngayon. Ang pinakabata sa tuturuan ko ay nasa edad pito, ang pinakamatanda naman ay nasa sampu. Wala dito ang mga mas bata dahil iba naman ang activity nila ay ibang volunteer ang hahawak.Una kong pinaalala sa kanila ay ang paghahalo ng mga kulay. Ipinakita ko na pagpinaghalo ang yellow at blue, nagiging green ito; red at yellow, nagiging orange; blue at red, nagiging violet.May mga prutas sa harapan namin. Naroon ang manga, watermelon, grapes, at orange sa ibabaw ng mesa. Noong isang taon ay mga bulaklak ang pina-paint ko sa kanila, ngayon naman ay naisipan kong mga prutas ang magandang gawin."Pwede kayong maglaro sa mga kulay Ialo na sa background ng mga prutas," sambit ko habang inaayos ang sarili kong painting.Covered din ito ng ilang media. Hindi nga lang kasing dami noong event pero mayroon paring nag do-document sa ginagawa ng mga bata.Umayos ako sa pagkakaupo ko. Tahimik ang mga bata at
I GOT preoccupied. Habang tinitingnan ko si André na abala sa pagtulong sa paglilinis ay napapaisip ako. Pinilig ko na lang kaagad ang ulo ko. I should stop overthinking. Kung anong mayroong namamagitan sa amin ngayon, iyon na iyong pinag-usapan namin. Walang labis at walang kulangGabi nang nang nag wrap up kami sa venue. Nalaman ko rin na nasa isang dinner party ang mga bata sa loob ng mall. Pagkatapos noon ay uuwi na sila sa headquarters ng foundation."Let's go!" anyaya ni André sa akin pagkatapos ng lahat.Tumango ako at naramdaman ang pagkalam ng sikmura.Sa sobrang abala namin sa trabaho ay nakaligtaan na namin ang pagkain."Are you hungry?" tanong niya.Tumango kaagad ako. "We should eat. I'm sure you're hungry too,""Are you very hungry? I can cook for us if you want," ngumisi siya.Hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon. Nagbibiro ba siya o may iba siyang balak? Tumango parin ako kahit na ganoon."I can wait. If you really want to cook."Ang sabi mo ay ayaw mong kumakain tay
NANG nagkita na kami ni Clyde ay mukhang badtrip siya.Hindi siya gaanong nagsasalita, not his usual playful aura. Hindi na rin ako gaanong nagsalita.Malamig. Ang turingan naming dalawa ay kasing lamig ng yelo. Hindi ako nagrereklamo. It just sucks that we can't just break up. I know he's not happy with me and I am definitely unhappy with him."Do you want to go somewhere after this?" tanong niya nang tiningnan na naming dalawa ang venue.Napatingin ako kay Clyde. For a moment, I saw the boy I loved a long time ago. Nawala din kaagad ito. Umiling ako sa kanya."I'm tired. Uuwi na ako," sabi ko."Bakit nga pala wala sa parking lot ang sasakyan mo?" Kumunot ang kanyang noo.Agaran ang pag-iwas ko ng tingin. I don't want to suddenly feel guilty. Gusto kong ipunin lahat ng kasalanan niya at gawin iyong dahilan para sa mga ginagawa ko ngayon ngunit hindi ko parin maalis sa aking sistema ang kaalamang hindi ito mabuti."Left it at work.." Iyon lang ang tanging nasabi ko."Why?" Nahimigan
PUMASOK kami sa isang pribadong opisina. Parte parin iyon ng venue pero wala nang nakakapasok doon.Nakangiti pa ako galing sa labas nang hinarap ako ni mommy. Hindi maganda ang timpla ng kanyang mukha. Magkahalong pagkabigo, awa, at kaonting galit ang naaninag ko mula sa kanyang mga mata."The press are looking at you too much. Hindi na nagugustuhan ni Katelyn ang nangyayari."Napawi ang ngiti ko. Humalikipkip si mommy at sumandal sa malaking lamesa ng opisinang iyon. Isang beses akong humakbang para malapitan siya pero hindi ko tuluyang sinarado ang espasyo sa aming gitna."It's my friend Roderick, mom. At iyong kasama niya ay mukhang nakiusyoso lamang. That's nothing compared to the eyes of the people looking at her works. Ang pinunta ng mga tao dito ay ang exhibit." Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko."l know, Gwen. " Nanatili ang pagkabigo sa mga mata ni mommy.Pait na lamang ang naramdaman ko sa aking sistema. I know where this is going. This is not the first time."Your s
NAKATIKOM ang bibig ni Mommy sa sinabi ko at nag-iwas ng tingin sa akin.Hinahagod parin ng kamay niya ang braso ni Katelyn. Ayaw ko mang aminin pero naiinggit ako. She's giving all her love to Katelyn at kahit tira-tira ay wala siyang maibigay sa akin!"I went here to check if it's all okay! Kasi tumutulong ako sa inyo! Then now, you're asking me to leave for stupid reasons? Mga rason na kahit ako ay hindi ko naisip? Yes! I will leave!""Then why don't you leave now?" humalukipkip si Katelyn at pinagtaasan ako ng kilay.Nagtiim bagang ako. Gwen, she's just spoiled. Sanay siyang nakukuha niya ang lahat. Pero sapat na rason ba iyon para saktan niya ako nq qanito?"And you, Katelyn! I am doing my best for all of these. I am trying to understand you. Please, don't think ill of what I'm doing. I don't have any hidden agenda. This is purely for you-""Kung para sa akin ito, Gwen, bakit kinailangan mo pang kausapin ang mga reporters? Why are you being nice to them? Ang sabihin mo, unconscio