Share

After the Daylight
After the Daylight
Author: BITUING GRACIA'S

CHAPTER ONE

last update publish date: 2024-12-22 16:16:54

ZINNIA POV.

"Waaaa... inaantok pa ako," sabay pag-unat ko sa mga kamay ko.

Napatingin ako sa cellphone ko dahil bumukas ito na ang ibig sabihin ay may tumatawag sa 'kin. Nang mabuksan ko ito ay tumambad agad sa 'kin si Madam Nelia at agad ko itong sinagot.

"Ano na bayad mo? Kailan ka magbabayad ng upa mo!" galit nitong sigaw kaya nilayo ko nang kaunti ang cellphone sa taenga ko.

"Madam wala pa po akong pera," aniya ko.

"Magtatatlong buwan ka nang hindi nagbabayad!" sigaw muli ni Madam.

"Magbabayad naman po ako Madam."

"Hay, naku! Bata ka! Bibigyan kita ng isang buwan palugit, kapag hindi mo pa mabayaran ang 30,000 ay papalayasin na kita riyan!" galit na sigaw muli ni Madam. Magsasalita pa sana ako pero bigla niyang binaba ang tawag.

"Ano na gagawin ko, wala na akong mapagkukuhanan ng pera," malungkot kong saad sabay lapag ng cellphone sa kama.

Naisip ko bigla si Kristine baka matulungan niya ako. Kinuha ko ulit ang cellphone ko at binuksan, agad kong tinawagan si Kristine.

"Hello, Kristine."

"Hmm, napatawag ka."

"Kristine, kailangnan ko ng pera," mahinahon kong sambit.

"Ganun ba? Sige, ipapasok kita sa trabaho, mamaya na agad kaya magbihis ka nang maayos." Napangiti naman ako dahil sa hindi na ako mahihirapan pang maghanap ng trabaho.

"Oum... maghahanda na ako," masaya kong sabi, kalaunan ay agad akong bumangon at nagbihis.

Lumipas ang ilang oras ay may kumatok sa pintuan, pagkabukas ko nito ay tumumbad sa 'kin si Kristine, nakangiti ko siyang pinapasok. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at tila'y ayaw niya sa suot ko.

"Zinnia, ano ba 'yang suot mo, pantalon tapos oversize t-shirt?"

"Bakit? Masama ba ito?" kunot noo kong tanong pabalik.

"Haytsss... ito ohh suutin mo 'yan..." sabay bigay niya sa 'kin ng isang paper bag.

Binuksan ko ito at sinilip, napatingin ako muli sa kanya pero seryoso lamang ang kanyang mata kaya agad akong nagtungo sa aking kwarto upang magbihis.

Lumipas ang ilang minuto ay nakarating kami sa isang lugar na tila'y isa itong bar.

"Ahmmm, Kristine anong lugar ito?" pagtatakang tanong ko.

"Hmm, huwag ka na magtanong, pera ang kailangan mo, 'di ba? Makukuha mo 'yon dito kahit ilang halaga pa ang gusto mo."

Napakurap ako at parang pinipigilan ako ng katawan kong pumasok, pero bigla akong hinawakan ni Kristine at tuluyang ipinasok sa loob. Wala akong nagawa kundi ang mapahila sa suot kong palda, dahil sa kaiklian nito. Nang tuluyan na kaming nakapasok ay may lalaking dahan-dahan na lumalapit sa 'kin. Nagkasalubong ang aming mga mata subalit malamig ang mata ng lalaki. Ganun pa man ay napatulala ako sa kanya dahil na rin sa mayroon akong kakaibang naramdaman, pero bigla lamang ako nitong nilagpasan.

Pagkapasok ko sa loob ay sinalubong agad ako ng pinsan ni Kristine.

"Halika sa tabi ko, Zinnia," nakangiti niyang sambit sabay alalay sa 'kin.

"Ahmm Ken, bakit ka pala nandito?" mahinang tanong ko sabay hila ko ulit ng palda ko.

"Gusto ko magsaya kaya pwede bang iparamdam mo iyon sa 'kin, Zinnia, huh..." pang-aakit na boses nito pero napalunok laway lang ako.

"Ano ba kasi itong pinasok ko?" saad ko sa isipan ko.

Nagkwentuhan kami ng kung ano-ano hanggang sa pinipilit na nila akong uminom.

"Sige na, isa lang naman, Zinnia," sambit ni Ken.

Napatingin ako sa basong hawak ni Kristine na ibinibigay sa 'kin, wala akong magawa kundi tanggapin ito. Pagkatapos kong uminom ay tila'y nang-iinit ang katawan ko, hindi rin ako mapakali parang gusto kong maghubad.

Naramdaman kong hinahawakan ako ni Ken, tinayo niya ako pero ako ay hilong-hilo na. Binitbit niya ako, hindi ako makalakad nang maayos. Sa aking nakikita ay puro mga kwarto.

"Zinnia... Zinnia... matitikman na rin kita, matagal na kitang gusto," sambit niya sabay hawak sa bewang ko at pilit na hinahalikan ako, ganun pa man ay tinulak ko siya papalayo.

"Bitawan mo ako! Tulong!" sabay sipa ko sa ibaba niya dahilan na matumba siya.

Agad akong tumakbo pero nahihirapan ako dahil sa sandal na suot ko ganun na rin ang unti-unting lumalabo ang paningin ko. Hindi ko mabalanse nang maayos ang katawan ko.

"Tumatakbo ka pa, Zinnia!"

Patuloy pa rin akong tumakbo hanggang sa may nabangga ako. Napatingin ako sa kanya pero hindi ko ito makita nang maayos.

"Pakiusap, tulungan mo ako," pagmamakaawa ko sabay yakap sa kanya.

Bigla akong nawalan ng malay, pero rinig kong sumigaw si Ken na tila'y binugbog ito. Kalaunan naramdaman kong binuhat ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko init na init na rin ang buong katawan ko.

Naramdaman kong inilapag ako sa kama, dahan-dahan kong iminulat ang mata ko sabay halik sa lalaking ito. Hindi ko alam kung bakit ganito nararamdaman ko, gustong-gusto ng katawan ko. Bigla akong sinunggaban ng halik ng lalaki hanggang sa pinatungan niya ako.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • After the Daylight    CHAPTER ONE HUNDRED NINETY NINE

    ZINNIA POINT OF VIEW F A S T F O R W A R D MAKALIPAS ANG ILANG ARAW Muli akong nakabalik sa pamilya ko. Unti-unti ko rin naaalala ang masasayang ala-ala namin noon. Tinanggap ako ng buo ng pamilya ko. Kaya labis ko itong pinapasalamat. Matapos rin ang mga pangyayari noon. Naging tahimik na ang pamilya ko. Higit sa lahat nakikita ko ang matatamis na ngiti ng mga anak ko. Samantalang, malambing at masunurin naman sa akin ang asawa ko. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. "Mahal ko, ang sarap naman ng niluluto mo," paglalambing na bungad sa akin ng asawa ko. Oo nandito ako sa kusina at masaya kong naghahanda ng pagkain para sa kanila. "Syempre naman, luto ito ng pinakamamahal mong asawa. At ang luto ko na 'to ay May halong pagmamahal galing sa puso ko," nakangiting sagot ko sa kaniya. Niyakap niya ako habang nakatalikod ako sa kaniya. Ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang pagmamahal. "Ang swerte ko talaga sa asawa ko. Ang ganda ganda na nga ang sarap pang magluto." Bulong niya it

  • After the Daylight    CHAPTER ONE HUNDRED NINETY EIGHT

    Malungkot man ang lahat ngayong naliwanagan na ako, handa na akong bumalik sa pamilya kom Ramdam ko rin naman na mahal na mahal nila ako. Sana nga mapatawad nila ako sa mga sinabi ko kanina. Nag-aalala lang talaga ako sa anak ko. Kaya sobra akong nagalit sa kanila. Dahil sobra din akong naguluhan.Kasama ko ngayon si Josh sa pagbalik ko sa hospital. Wala pa rin nagbago, naka-upo pa rin si Youtan sa labas ng pintuan ng kwarto ng anak namin. Ngunit, nang makita niya kami ay agad siyang napatayo at humarap ng maayos sa amin. Walang alinlangan akong lumapit sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit pero bigla ko na lamang siyang niyakap nang mahigpit. At ang pakiramdam na ito ay sobrang pananabik. "Sinabi ko na sa kaniya ang lahat. Patawarin mo ako bro, dahil hindi ko siya agad binalik sa inyo. Tapos, nakipag-away pa ako sa 'yo. Para sa akin kasi mahalaga na rin sila sa akin. Kaso lang mali pala ako. Kaya ibinabalik ko na sa 'yo ang pamilya mo." Sincere ang pagkakasabi nito ni Josh. Niyakap ak

  • After the Daylight    CHAPTER ONE HUNDRED NINETY SEVEN

    ZINNIA POINT OF VIEW Sa ngayon iniisip ko pa rin ang mga nangyayari. Tanging si Josh lamang ang makakasagot sa mga katanungan ko. Kaya naman kahit na anong gawin niya o palusot niya kailangan ko pa rin marinig ang totoo sa mismong bibig niya. Wala akong ibang pagpipilian kundi ang hanapin siya at komprontahin. Nakikita ko na maayos naman ang lagay ng anak ko. Kaso nga lang nandito pa rin si Youtan sa labas ng pintuan ng kwarto ng anak ko. Gayunpaman ay hahayaan ko na muna siya diyan. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko upang matawagan si Josh. Agad naman itong sumagot ng walang alinlangan. "Gusto kitang maka-usap. Pwede ba tayong magkita?" mahinahon kong aniya. Umalis kasi siya kanina kaya wala siya dito sa hospital. "Sure. Dito na lang sa bahay para maayos ang pag-uusapan natin," maayos ang kaniyang pagkakasabi. I agree. Pagkatapos nito ay lumakad na muna ako. Mabuti na lamang ay hindi ako pinigilan ni Youtan. Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating ako sa bahay. N

  • After the Daylight    CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY SIX

    I don't really know what to do. Sa mga sinabi ni Josh, ramdam ko na may kasalanan ako. Kaya, wala akong karapatan na bigla ko na lang siya sugurin ngayon. Sa mga nakita ko, naging malapit din sila sa isa't isa nang asawa ko. Pero, hindi ibig sabihin nito palalampasin ko na lang si Josh sa ginawa niya. Kailangan pa niyang ipaliwanag sa akin ang lahat nang mas malinaw. Halos hindi ko nga alam, kung bakit nangyayari ang lahat nang ito. Nabuhay ako sa loob taon na inakala kong patay ang asawa ko at ang anak ko."Bro, pagod ka na. Pwede ka naman umuwi muna sa ngayon. Isa pa, kailngan mong magpahinga para may makuha kang lakas. Kami na lang muna ni Prince ang bahala dito. Titiyakin namin na hindi mawala sa paingin namin si Zinnia," wika pa ni Alexander. Pero, mas wala akong lakas para magpahinga. Kailangan ako ngayon ng asawa ko. Kailangan ako nang anak ko. Kaya, kahit anong galit pa ni Zinnia sa akin ngayon. Hindi ko siya pababayaan.I didin't say anything. Nakatuon pa rin ang mga mata ko

  • After the Daylight    CHAPTER ONE HUNDRED NINETY FIVE

    "Hindi ko alam. Hindi ko na alma kung ano ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung sino ang dapat kung paniwalaan. Siguro nga nagkamali ako. Pero, hindi ko kasalanan ang lahat ng 'to. Gusto ko lang maging masaya. Gusto kong makasama nang matagal ang anak ko at ang pamilya ko. Pero sa mga nalaman ko, sa mga narinig ko. Parang pakiramdam ko ngayon wala akong pamilya. Dahil puso panloloko ang nangyari ehh. Bakit ganun bakit parang ang daya ng lahat. Steve, kilala kita dahil sikat ka, pero hindi ko inaasahan na sasabihin niyo na asawa kita. Hindi ko alam na lubos at sobra sobra pa pala ang lahat." Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Dapat hindi ako umiiyak sa harap ng anak ko. Kailangan kong maging malakas, ngunit paano ko gagawin. Kung sa puntong 'to tila'y may mga punyal ang tumarak sa puso ko. Halos madurog at maguho na ang mundo ko."I'm sorry, it's all my fault. Still Zinnia, kailanman hindi kita sinisi at hindi kita sisisihin. Nawala ako sa tabi mo. Malaki ang naging pagkukulang at kas

  • After the Daylight    CHAPTER ONE HUNDRED NINETY FOUR

    JOYCE or ZINNIA POV.Hindi ko lubos maintindihan kung ano ang nangyayari. By the way, nandito ako ngayon sa tapat ng anak ko. Balot na balot ang buong katawan ko, dahil hindi maaaring hindi. Sobrang nasasaktan ang damdamin ko habang pinagmamasdan na walang lakas ang anak ko. Kahit ako ay unti-unting nang hihina. Lalo na hindi ko gusto ang nakikita ko ngayon. I'm just hoping na maging maayos lang ang pamilya ko, na maging masaya lang kami. Pero, nang dumating sina Youtan, tila'y nagbago ang lahat. Bakit kasi, pinipilit nila ang sarili nila sa akin, kahit hindi ko naman sila lubos na nakikilala. Gusto kong sumigaw, pero hindi ko magawa. Ang aking mga luha, ay hindi man lang tumitigil sa pagbuhos. Pakiramdam ko, walang wala na ako. Kung alam ko lang na ganito lang din ang mangyayari sa ana ko, hiniling ko na lang sana . Na sana ay ako na lang ang tinutukoy nilang namatay na at kailan man hindi na babalik pa. "Anak, hindi ko maintindihan kung bakit ginawa sa atin ng dad mo ito. Si daddy

  • After the Daylight    CHAPTER ONE HUNDRED EIGHTY SEVEN

    Kanina pa kami palibot libot dito matapos kami g maghiwalay kanina ng mga kaibigan ko. Nagtataka ako, kung bakit walang katao tao, kahit alam ko naman na pinadara nga ni, Alexander ang lahat. Kung hindi talaga nakatakas nang tuluyan sina, Josh. Dapat ay narito sila ngayon. Habang patuloy akong nagl

    last updateLast Updated : 2026-04-04
  • After the Daylight    CHAPTER ONE HUNDRED EIGHTY ONE

    Tama sila, nawalan ng saysay ang lahat ng pinagpaguran nila. Tuluyan akong lumabas sa company, nang nakarating ako sa sasakyan, dito ko napagtanto na nawawala ang pitaka ko. Ang pitakang tanging nilagyan ko ng litrato ng asawa ko. What the fuck! Saan ko naiwala iyon, saan ko nilagay iyon! Tiyak ako

    last updateLast Updated : 2026-04-04
  • After the Daylight    CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY THREE

    "Okay, I'm very sorry bro.""Okay, kasalanan ko rin naman. I'm sorry too.""Ayan, goods. Dapat magbati kayong dalawa, dahil magiging magulo ang pagkakaibigan natin kung sakaling may hindi nagkakaunawaan, mas lalo na kung mabawasan." I said."Okay, change topic na tayo." "Bro, kumusta pala ang mga

    last updateLast Updated : 2026-04-03
  • After the Daylight    CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY EIGHT

    SIMON POV.Kulang na lang mapagbuhatan ko na ng kamay si Miana. Magpasalamat siya, dahil ginagalang ko ang pamilya niya. Pero, kapag ito ay maulit muli. Maulit ang pananakit niya sa mga bata, hindi na ako magpipigil pa. Tsk! Wala siyang karapatan, isa pa kailangan kong tuparin ang ipinangako ko kay

    last updateLast Updated : 2026-04-02
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status