แชร์

Chapter 4

ผู้เขียน: Eckolohiya23
last update วันที่เผยแพร่: 2026-03-31 12:12:16

Nanginginig ang buong katawan ni Aria, hindi lamang dahil sa lamig ng aircon sa loob ng marangyang SUV, kundi dahil sa nakapapasong talim ng tingin ni Gobernador Santillanes. Basang-basa ang kanyang manipis na damit, nakadikit sa balat niya ang lamig ng ulan, habang ang lalaking kaharap niya ay kalmadong humihigop ng kape mula sa isang thermal flask.

"G-Gobernador..." simula ni Aria, pilit na pinipigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. "Wala po akong ginagawang masama. Mahal namin ni Paulo ang isa't isa."

Tumawa nang mapakla ang Gobernador. Isang tawang walang bahid ng saya.

"Pag-ibig?" umiling ang matanda. "Aria, matalino kang bata. Alam mong sa mundong ginagalawan natin, walang halaga ang pag-ibig kung wala kang kapangyarihan. At ngayon... wala ka na kahit ano. Isa ka na lamang mantsa na sisira sa pulitika ng anak ko."

Kumuha ng isang makapal na brown envelope ang Gobernador at inihagis ito sa kandungan ni Aria.

"Buksan mo," malamig na utos nito.

Nanginginig ang mga manhid na daliri ni Aria habang binubuksan ang envelope. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang mga papeles sa loob. Isa itong draft ng isang pormal na reklamo at warrant of arrest. Nakapangalan sa kanya. Ang kaso: Pagnanakaw ng milyun-milyong halaga ng alahas at pera mula sa kaban ng kanyang kinagisnang pamilya.

"P-Peke 'to! Wala akong ninakaw!" naiyak na sigaw ni Aria. "Kahit isang kusing, wala akong kinuha palabas ng mansyon!"

"Alam ko," kalmadong sagot ng Gobernador. "Pero hindi 'yan ang paniniwalaan ng korte kapag pinirmahan ni Hernan ang mga papeles na 'yan. Pumayag si Hernan na i-atras ang kaso kapalit ng isang kondisyon mula sa akin: Ihihiwalay kita kay Paulo, at ipapakasal ko ang anak ko kay Mariz."

Umiling si Aria, humihikbi nang malakas. "Hindi... hindi papayag si Paulo..."

Biglang dumilim ang mukha ng Gobernador at marahas na hinawakan ang braso ni Aria. "Makinig ka sa akin, babae. Kung ipipilit mo ang sarili mo sa anak ko, hindi lang ikaw ang sisirain ko. I-pa-freeze ko ang lahat ng bank accounts ni Paulo. Tatanggalan ko siya ng mana, at titiyakin kong babagsak siya sa putik kasama mo. Gusto mong makitang maghirap ang lalaking mahal mo dahil lang sa pagiging makasarili mo?!"

Parang sinaksak ang puso ni Aria. Kaya niyang tiisin ang hirap, kaya niyang makulong, ngunit ang sirain ang kinabukasan ni Paulo? Hindi niya kaya.

Binitiwan siya ng Gobernador at naglabas ng isang maliit na susi at ilang libong piso. "May isang lumang apartment sa dulo ng bayan, malapit sa riles. Doon ka muna magtago. Kapag nalaman kong nakipagkita ka kay Paulo, ipapakulong kita at wawasakin ko ang buhay niya. Maliwanag?"

Walang nagawa si Aria kundi ang tumango habang humahagulgol. Pinababa siya ng mga bodyguards sa isang madilim at maputik na eskinita sa laylayan ng San Martin.

Alas-otso ng gabi.

Nakaupo si Aria sa sahig ng isang maliit, madilim, at maalikabok na kwarto. Ang bubong ay tumutulo dahil sa malakas na ulan, at ang tanging ilaw ay nagmumula sa pundidong bumbilya sa labas ng bintana. Yakap-yakap niya ang sarili, nakatingin sa kawalan. Sa loob ng wala pang bente-kwatro oras, nawala ang kanyang pamilya, ang kanyang yaman, at ang kaisa-isang lalaking mahal niya.

Napakapit siya nang mahigpit sa kwintas na buwan sa kanyang leeg. Patawarin mo ako, Paulo. Kailangan kong lumayo para sa'yo, isip niya.

BLAG!

Napatalon si Aria nang makarinig ng malakas na kalampag mula sa manipis na kahoy na pinto ng apartment.

BLAG! CRACK!

Sa ikatlong sipa, tuluyang nasira ang seradura at bumukas nang marahas ang pinto. Pumasok ang malamig na hangin kasabay ng isang matangkad na pigura.

"Aria!"

Halos tumigil ang paghinga ni Aria. Nakatayo sa may pintuan si Paulo. Basang-basa ang itim nitong polo, magulo ang buhok, at ang mga matatalim na mata nito ay nanlilisik sa galit at pag-aalala. Mukha itong isang halimaw na handang pumatay ng sinuman na humarang sa daan niya.

Bago pa man makapagsalita si Aria, mabilis na humakbang si Paulo, lumuhod sa sahig, at kinulong ang dalaga sa isang napakahigpit na yakap. Ibinabaon ni Paulo ang kanyang mukha sa basa at magulong buhok ni Aria, humihinga nang malalim na tila ngayon lang siya nakakuha ng hangin.

"Tangina," paos at nanginginig na mura ni Paulo. "Halos patayin ko ang mga tauhan ni Papa maituro lang nila kung saan ka dinala. Akala ko kung anong ginawa nila sa'yo."

Gusto sanang gumanti ng yakap ni Aria, pero naalala niya ang banta ng Gobernador. Pilit niyang itinulak ang matipunong dibdib ng binata.

"Paulo, umalis ka na. Hindi ka pwedeng nandito," umiiyak na tabig ni Aria, umiiwas ng tingin. "Masisira ka. Masisira ang buhay mo. Ikakasal ka na kay Mariz..."

Natigilan si Paulo. Ang pag-aalala sa kanyang mga mata ay biglang napalitan ng isang madilim, mapanganib, at nag-aapoy na obsesyon. Marahas niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ni Aria at pilit itong pinaharap sa kanya.

"Ano bang sinasabi mo?" mariing tanong ni Paulo, ang boses ay nagbabanta. "Ako? Ikakasal sa basurang 'yon? Aria, kahit itakwil ako ng pamilya ko ngayon din, wala akong pakialam. Hindi ako aalis nang hindi ka kasama."

"Hindi mo naiintindihan!" sigaw ni Aria, humahagulgol. "Ipapakulong nila ako, Paulo! At kukunin nila ang lahat sa'yo! Wala na akong silbi, wala na akong pangalan! Isa na lang akong—"

Hindi na natapos ni Aria ang sasabihin dahil marahas na sinakop ni Paulo ang kanyang mga labi.

Hindi ito isang malambing na halik. Isa itong desperadong pag-angkin. Punong-puno ng galit, pananabik, at pagmamay-ari. Pilit na pumiglas si Aria, hinahampas ang braso ng binata, ngunit masyadong malakas si Paulo. Binuhat niya si Aria mula sa sahig at walang-habas na inihagis sa ibabaw ng maliit at tumutunog na kama.

Bago pa man makabangon si Aria, dumagan na si Paulo sa ibabaw niya. Ginamit ng binata ang kanyang bigat upang ipitin ang dalaga, habang ang isa niyang kamay ay mabilis na hinablot ang itim na silk necktie mula sa kanyang bulsa.

"Paulo, ano ba—"

Sa isang mabilis at sanay na galaw, pinagsaklob ni Paulo ang magkabilang pulso ni Aria sa ibabaw ng ulo nito at mahigpit itong itinali gamit ang kanyang kurbata. Napasinghap si Aria, hindi makagalaw, nakatingala sa mga nanlilisik at nagugutom na mata ng anak ng Gobernador.

"Itatak mo sa isip mo 'to, Aria," mababang ungol ni Paulo habang idinidiin ang kanyang matigas na katawan sa nanginginig na dalaga. "Wala akong pakialam kahit wala kang pangalan. Wala akong pakialam kahit sa ganitong klaseng kwarto tayo tumira habambuhay. Sa akin ka. At papatunayan ko sa'yo ngayon na hinding-hindi kita papakawalan."

Walang pag-aalinlangang hinawakan ni Paulo ang kwelyo ng manipis at basang t-shirt ni Aria at marahas itong pinunit sa gitna. Umalingawngaw ang tunog ng napupunit na tela sa loob ng maliit na kwarto, inilalantad ang maputi at namumulang dibdib ng dalaga sa malamig na hangin.

"Paulo... ahh!" napadaing si Aria nang kagatin ni Paulo ang kanyang collarbone, nag-iiwan ng madilim na marka bago gumapang pababa ang maiinit nitong labi patungo sa tuktok ng kanyang dibdib.

Ang bawat halik at s****p ni Paulo ay nag-aapoy sa pagnanasa. Hindi na nakapagsalita si Aria, ang kanyang mga pagtutol ay nalunod sa sarili niyang mga ungol. Nararamdaman niya ang matigas at nag-uumapaw na init ni Paulo na nakadiin sa kanyang hita, tila isang hayop na desperadong makapasok sa kanyang hawla.

Mabilis na kinalag ni Paulo ang kanyang sariling sinturon. Sa isang marahas na galaw, hinila niya pababa ang maong na shorts ni Aria, kasama ang panloob nito, at itinapon sa sahig. Ibinuka ni Paulo ang mga hita ng dalaga at pumagitna rito, ang kanyang mga mata ay nanlalabo sa matinding obsession at sexual frustration.

"Tingnan mo ako, Aria," utos ni Paulo, hinahaplos ang basang pisngi ng dalaga.

Nang magtama ang kanilang mga mata, walang-pasabing ibinaon ni Paulo ang kanyang sarili sa loob ni Aria nang isang bagsakan.

"Ugh! Paulo!" sumigaw si Aria, napabaling ang ulo sa gilid habang pilit na hinihila ang kanyang mga nakataling kamay. Napakadiin, napakasagagad. Ang sakit at sarap ay naghalo sa kanyang sistema, pinupuno ang buong pagkatao niya ng nagbabagang init ng binata.

"Akin ka," umuungol na sambit ni Paulo, sinimulan ang marahas at mabilis na pagbayo. Bawat galaw niya ay pinapaingit ang lumang kama. "Sabihin mong akin ka lang!"

"S-Sa'yo lang! Ahh... Paulo, dahan-dahan..." naiiyak na daing ni Aria, ngunit sa halip na bumagal ay mas lalo pang binilisan at idiniin ni Paulo ang kanyang bawat pagpasok.

Para silang mga baliw na naghahanap ng kaligtasan sa katawan ng isa't isa. Sa gitna ng bagyo, sa loob ng isang maruming kwarto, ipinaramdam ni Paulo na siya ang magiging hari ng dalaga, kahit pa nawalan ito ng korona. Ang matigas na dibdib ni Paulo ay nakadikit sa dibdib ni Aria, ang kwintas nilang araw at buwan ay nagkikiskisan at nagkaka-ingay sa bawat marahas nilang paggalaw.

Nang hindi na makapagpigil, humawak si Paulo sa baywang ni Aria at ibinaon ang sarili nang pinakamalalim na kaya niya. Pareho silang napasigaw sa rurok ng kaligayahan, nanginginig ang mga katawan habang ibinubuhos ng binata ang lahat ng init at pagmamahal sa loob ng dalaga.

Bumagsak si Paulo sa ibabaw ni Aria, humihingal, habang maingat na inilalapat ang kanyang mga labi sa noo ng dalaga. Dahan-dahan niyang kinalag ang kurbatang nakatali sa mga pulso ni Aria at h******n ang namumula nitong balat.

Niyakap ni Aria ang malalapad na balikat ni Paulo at umiyak sa dibdib nito.

"Magtatanan tayo," seryoso at buong-buong desisyon ni Paulo habang hinahaplos ang buhok ng dalaga. "Kukunin ko ang lahat ng perang kaya kong makuha bukas nang hindi nila nalalaman. Aalis tayo sa San Martin. Lalayo tayo sa impyernong 'to, Aria."

Tumango si Aria, kumakapit sa pangako ng kanyang araw. Ngunit hindi nila alam na ang planong pagtatanan kinabukasan ang siyang maghuhukay ng kanilang pinakamalalim na libingan.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG Series)   Chapter 193

    Alas-dos y media ng madaling araw.Habang ang buong siyudad ng Maynila ay mahimbing na natutulog at nababalot ng katahimikan, ang katinuan ni Olga Manahan ay gising na gising at patuloy na binabagabag ng matinding takot at kaba.Nakatayo siya sa harap ng malawak na floor-to-ceiling window ng kanyang penthouse sa BGC, nakatingin sa mga kumikinang na ilaw ng mga kalapit na gusali. Nakasuot lamang siya ng isang manipis na puting silk slip dress na umaabot hanggang sa itaas ng kanyang hita. Ang malamig na ihip ng aircon ay nagpapatayo sa kanyang mga balahibo, ngunit ang panginginig ng kanyang katawan ay hindi dahil sa lamig.Ito ay dahil sa paghihintay.Mula pa kaninang tanghali, matapos ang nakapangingilabot at mapangahas na deklarasyon ni Kiko sa live television, hindi na napakali si Olga. Ramdam na ramdam niya ang paparating na bagyo. Mabilis siyang hinatak ni Mina pabalik sa condo at pinabantayan ng mas maraming bouncers—apat na dambuhalang lalaki ang nakatayo sa labas ng kanyang pint

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG Series)   Chapter 192

    "...Kung sino man yung lalaking nagsasamantala at nagtatago sa dilim, duwag siya. Kung totoong lalaki siya, hindi siya magtatago. Ako, hindi ako natatakot. Handa akong ipagsigawan sa buong mundo na mahal ko si Olga Manahan. At gagawin ko ang lahat, maging akin lang siya."Ang matinis, boses-bata, at mapangahas na deklarasyon ni Kiko ay umalingawngaw sa apat na sulok ng malawak at malamig na opisina ni Mayor Chozen Cordovez. Nakapaskil sa dambuhalang 75-inch flat-screen TV sa pader ang close-up na mukha ng labinsiyam na taong gulang na aktor, at mas lalong nakapagpapangitngit sa paningin ng Alkalde ay ang lantarang paghawak nito sa nanginginig na kamay ni Olga.Sa loob ng unang tatlong segundo, walang anumang tunog o paggalaw sa loob ng opisina.Nakatayo si Chozen sa mismong gitna ng silid, nakaharap sa telebisyon. Ang kanyang mga kamay ay nakapamulsa sa kanyang pormal na charcoal gray slacks, ngunit kung titingnan nang malapitan, ang tela ng kanyang bulsa ay halos mapunit na dahil sa

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG Series)   Chapter 191

    Lunes ng umaga. Ang pagbaba ng itim na SUV mula sa madilim at tahimik na kabundukan ng Sierra Madre pabalik sa sibilisasyon ay tila pagtawid mula sa paraiso pabalik sa isang magulong reyalidad.Habang binabaybay nila ang highway pabalik ng Maynila, magkayakap pa rin sina Olga at Chozen sa backseat. Nakasandal ang ulo ng aktres sa matigas na dibdib ng Alkalde, ang mga daliri ng lalaki ay marahang sinusuklay ang buhok niya. Tahimik at payapa, hanggang sa marating nila ang bahaging may cell site.Ding. Ding. Ding. Tring! Tring!Sabay-sabay na tumunog at umilaw ang mga teleponong ibinalik ng mga tauhan ni Chozen kay Olga. Daan-daang missed calls, libu-libong mensahe mula sa management, pamilya, at kapwa artista. Ang bula ng kanilang pribadong mundo ay tuluyan nang pumutok.Napabuntong-hininga si Olga. Kinuha niya ang telepono at nakita ang sunud-sunod na mensahe ni Mina. Mayroon siyang naka-iskedyul na live television interview mamayang alas-onse ng umaga sa pinakasikat na talk show sa ba

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG Series)   Chapter 190

    Ang marahas na pagbagsak ng itim na coat sa sahig ang naging hudyat ng tuluyang pagkawasak ng natitirang katinuan nilang dalawa. Wala nang mga pulitiko, wala nang mga talent manager, at higit sa lahat, wala nang mga mapanuring lente ng kamera. Sa loob ng nagbabagang log cabin na ito na napapaligiran ng malakas na ulan at madilim na kabundukan, ang tanging batas na umiiral ay ang dalisay, marahas, at nakabibabaliw na pagnanasa ni Mayor Chozen Cordovez para sa kanyang reyna.Walang-salitang sinakop ni Chozen ang leeg ni Olga. Ibinuka niya ang kanyang bibig at idiniin ang kanyang mga labi sa makinis na balat ng aktres, hindi upang humalik nang malambing, kundi upang mag-iwan ng marka."Ah! Chozen..." napa-arko ang likod ni Olga at napasabunot sa basang buhok ng lalaki nang maramdaman ang matalim na kagat at matinding paghigop ng Alkalde sa kanyang leeg."Titingnan ko kung maipapaliwanag pa nila sa media ang mga markang iiwan ko sa'yo ngayon," garalgal at possessive na ungol ni Chozen.Gu

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG Series)   Chapter 189

    Madilim na ang kalangitan at patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan sa buong Kamaynilaan. Nakatayo pa rin si Olga sa harap ng floor-to-ceiling window ng kanyang penthouse, pinapanood ang mga patak ng tubig na mabilis na dumudulas sa makapal na salamin. Isang linggo na siyang nakakulong. Isang linggo na siyang walang balita sa labas, lalo na sa nag-iisang lalaking nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso.Biglang umalingawngaw ang isang malakas na kalabog mula sa labas ng kanyang yunit.Napasinghap si Olga at mabilis na napaatras. Kasunod nito ay ang tunog ng pagbagsak ng isang mabigat na bagay—o katawan—sa sahig, at ang mahinang pag-ungol ng isa sa mga bouncers na inarkila ni Mina. Nanginginig ang mga kamay ni Olga. Humarap siya sa pinto, hindi alam kung tatakbo ba siya o kukuha ng maipagtatanggol sa sarili.Click.Bumukas ang dambuhalang pinto ng penthouse. At doon, sa gitna ng madilim na pasilyo, nakatayo ang isang lalaking tila kakatakas lang mula sa impyerno.Suot nito ang isang iti

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG Series)   Chapter 188

    Pitong araw.Isang daan animnapu't walong oras ng dalisay at nakabibinging katahimikan.Mula nang marahas siyang ipasok ni Mina sa loob ng tinted van at iuwi sa Maynila, ang buhay ni Olga Manahan ay naging isang malamig at magarang kulungan. Nakakulong siya sa kanyang penthouse condo sa BGC, binabantayan ng dalawang private bouncers na inarkila ng kanyang management na nakatayo sa labas ng kanyang pinto dalawampu't apat na oras. Kinuha ang kanyang cellphone, tablet, at laptops. Pinutol ang linya ng telepono sa loob ng yunit. Wala siyang komunikasyon sa labas.Ayon kay Mina, isa itong "digital detox" at pilit na pagpapalamig ng isyu. Ngunit para kay Olga, isa itong mabagal at nakamamatay na parusa.Nakatayo si Olga sa harap ng malaking floor-to-ceiling window ng kanyang condo, nakatingin sa nagkikislapang ilaw ng siyudad ng Maynila. Suot niya ang isang maluwag na silk nightgown. Nakayakap siya sa kanyang sarili, pilit na kinukuskos ang kanyang mga braso upang labanan ang ginaw na hindi

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG Series)   Chapter 6

    Walang tigil ang pagbuhos ng malakas na ulan. Ang tunog ng mga patak nito sa bubong ng lumang *safehouse* at ang paghampas ng hangin sa mga puno ng pino ay tila isang nakakabinging kanta ng kalikasan. Subalit sa loob ng maliit at tagong bahay na iyon, walang ibang naramdaman si Aria kundi ang nag-a

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG Series)   Chapter 5

    Napasimangot si Aria nang tumama ang mapusyaw na sinag ng araw sa kanyang mukha mula sa sirang bintana ng apartment. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata, umaasang isang masamang panaginip lamang ang lahat ng nangyari kahapon. Ngunit ang amoy ng lumang kahoy at alikabok ang nagpamukha sa kanya n

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG Series)   Chapter 3

    Hindi nakatulog si Aria nang gabing iyon. Nakaupo lamang siya sa gilid ng kanyang malambot at malaking king-sized bed, yakap-yakap ang sariling mga tuhod habang nakatingin sa kawalan. Ang bawat patak ng kanyang luha ay tila naging bato na nagpabigat sa kanyang dibdib.Isang pagkakamali sa ospital.

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG Series)   Chapter 2

    Malayo sa mga mapanuring mata ng matataas na opisyal at mga bodyguards ng lalawigan ng El Monte, ang bayan ng San Martin ay nag-uumapaw sa ingay, makukulay na ilaw, at masayang musika.Nakatayo si Aria sa harap ng isang malaking carousel, nakangiti habang pinagmamasdan ang mga batang nagtatakbuhan.

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status