Share

Chapter 5

Author: Eckolohiya23
last update publish date: 2026-04-09 14:46:08

Napasimangot si Aria nang tumama ang mapusyaw na sinag ng araw sa kanyang mukha mula sa sirang bintana ng apartment. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata, umaasang isang masamang panaginip lamang ang lahat ng nangyari kahapon. Ngunit ang amoy ng lumang kahoy at alikabok ang nagpamukha sa kanya na ito na ang bago niyang reyalidad.

Subalit hindi siya natatakot. Nakakulong siya sa dalawang matipunong braso, nakasiksik ang kanyang likod sa mainit at matigas na dibdib ni Paulo.

Naramdaman ni Aria ang paggalaw ng binata. Hinalikan ni Paulo ang kanyang batok, nagpadala ng pamilyar na init sa kanyang gulugod, bago ito tuluyang bumangon. Pinanood ni Aria kung paano kunin ni Paulo ang kanyang cellphone at lumapit sa bintana, nakasuot lamang ng pantalon at pilit na kinakalma ang baritonong boses.

"Ilipat mo ang lahat ng pondo mula sa *trust fund* ni Mama papunta sa *offshore account* na ginawa ko noong isang taon," seryoso at mabilis na utos ni Paulo sa kabilang linya. "Gusto kong malinis ito, Attorney. Walang *paper trail*. Walang makakaalam, lalo na ang Gobernador. Kapag may nagtanong, sabihin mong nasa El Monte pa rin ang pera."

Tahimik na nakinig si Aria. Alam niyang isinusugal ni Paulo ang lahat para sa kanya. Ang *trust fund* ng yumaong ina ni Paulo ang kaisa-isang yaman na hindi kayang kontrolin ng Gobernador, at ngayon ay ginagamit na ito ng binata para sa pagtakas nila.

Ibinaba ni Paulo ang telepono at lumingon. Nang makita niyang gising na si Aria, nawala ang talim sa mga mata ng binata. Lumapit siya, umupo sa gilid ng lumang kama, at hinaplos ang magulong buhok ng dalaga.

"Gising na pala ang buwan ko," malambing na bulong ni Paulo.

"Paulo... sigurado ka ba rito?" nag-aalalang tanong ni Aria, kinakagat ang ibabang labi. "Kapag nalaman 'to ng Papa mo, baka kung anong gawin niya sa'yo. Pwede ka niyang ipapatay sa mga tauhan niya."

Umiling si Paulo at hinalikan ang noo ni Aria. "Hindi niya gagawin 'yon. Kailangan niya ako para sa pulitika. Ako ang *puppet* na gusto niyang ilagay sa pwesto. Pero tapos na ako sa pagiging sunud-sunuran sa kanya, Aria. Kung ang presyo ng kapangyarihan ay ang mawala ka sa akin, mas gugustuhin ko pang maging isang ordinaryong tao."

Tumayo si Paulo at kinuha ang kanyang malaking itim na polo *shirt* mula sa isang silya. Dahil napunit na niya kagabi ang t-shirt ni Aria, wala itong maisusuot. Walang pag-aalinlangang isinuot niya ang kanyang damit sa dalaga. Umabot hanggang sa ibabaw ng hita ni Aria ang polo.

Nang makita ni Paulo kung paano lumubog ang maliit na bulto ni Aria sa loob ng sarili niyang damit, isang mainit at *possessive* na ngiti ang gumuhit sa labi niya.

"Bagay sa'yo," paos na komento ni Paulo, mabilis na ninakawan ng halik ang labi ni Aria. "Tanging sa akin ka lang magsusukob ng ganitong damit."

"Baliw," namumulang sagot ni Aria.

"Kailangan na nating umalis dito," seryosong sabi ni Paulo habang isinusuot ang itim niyang sapatos. "Masyadong malapit ang lugar na 'to sa kapitolyo. Bago mag-tanghali, siguradong magpapadala si Papa ng mga tauhan para silipin kung nandito ka pa at kung sinusunod mo ang usapan ninyo."

"Saan tayo pupunta?"

"Sa isang *safehouse*," sagot ni Paulo. "May isang lumang *rest house* akong nabili dalawang taon na ang nakararaan. Walang nakakaalam niyon, kahit ang pamilya ko. Nasa hangganan iyon ng El Monte at ng Nueva Esperanza. Madilim, malayo sa bayan, at napapaligiran ng kakahuyan. Doon tayo magtatago hanggang sa makumpleto ni Attorney ang mga papeles at *passports* natin."

Hindi gumamit si Paulo ng sarili niyang sasakyan. Isang lumang, heavily-tinted na SUV ang ipinadala ng kanyang pinagkakatiwalaang abogado sa isang eskinita. Mabilis at tahimik silang nakasakay bago pa man magising ang buong bayan ng San Martin.

Makalipas ang dalawang oras na pagbabyahe sa masukal at paakyat na bahagi ng probinsya, narating nila ang isang nakatagong *property*. Napapaligiran ito ng matataas na puno ng pino at may isang malaking gate na kinakalawang na. Pagpasok nila, bumulaga ang isang simpleng dalawang-palapag na bahay na gawa sa bato at kahoy.

Pagbaba nila ng sasakyan, agad na ipinasok ni Paulo si Aria sa loob. Pagkasarang-pagkasara ng pinto, pinihit ni Paulo ang tatlong magkakaibang kandado. Sumandal siya sa pintuan at sa unang pagkakataon mula kagabi, nakahinga siya nang maluwag.

Walang ibang tao. Walang *bodyguards*. Walang Gobernador, at walang Mariz. Sila lang dalawa.

Humarap si Paulo kay Aria na nakatayo sa gitna ng sala, pinagmamasdan ang tahimik na bahay. Lumapit si Paulo, hinapit ang baywang ng dalaga, at ibinaon ang kanyang mukha sa leeg nito.

"Ligtas na tayo rito," bulong ni Paulo, mahigpit na nakayap. "Walang makakakuha sa'yo dito, Aria. Ako lang."

Ngumiti si Aria at yumakap pabalik. Ngunit nang gumalaw siya, naramdaman niya ang matinding hapdi sa kanyang mga tuhod at palad—ang mga sugat na natamo niya nang itulak siya palabas ng mansyon kahapon. Napadaing siya nang mahina.

Mabilis na kumalas si Paulo, ang kanyang mga mata ay nanlaki sa pag-aalala. "Bakit? Anong masakit?"

Napayuko si Aria. "Yung... yung mga gasgas ko lang kahapon nung pinaalis ako ni Tito Hernan."

Nagdilim ang anyo ni Paulo. Marahas siyang nagmura sa hangin bago mabilis na binuhat si Aria at maingat na pinaupo sa malambot na *sofa*. Kumuha siya ng *first aid kit* mula sa isang *cabinet* sa kusina at lumuhod sa harapan ng dalaga.

Tahimik at dahan-dahang pinunasan ni Paulo ng gamot ang mga gasgas sa tuhod ni Aria. Ang kanyang maiinit at magagaspang na daliri ay sobrang ingat, tila natatakot na mabasag ang dalaga. Matapos linisin, yumuko si Paulo at nag-iwan ng malambot na halik sa mismong itaas ng sugat ni Aria.

"Bawat sugat at sakit na ipinaranas nila sa'yo kahapon... isinusumpa ko, Aria, pagbabayaran nila," madilim at seryosong pangako ni Paulo.

Bago pa man makasagot si Aria, biglang nag-vibrate nang malakas ang cellphone ni Paulo sa ibabaw ng maliit na lamesa sa sala. Pareho silang napatingin dito. Nakarehistro sa *screen* ang pamilyar na numero—ang Gobernador. Nagsisimula na silang hanapin.

Tumitig si Paulo sa telepono sa loob ng ilang segundo. Unti-unting umigting ang kanyang panga. Kinuha niya ang cellphone, ngunit imbes na sagutin, walang-awang pinatay niya ito, binuksan ang likuran, at marahas na binali ang *SIM card* sa dalawa bago itinapon sa basurahan.

Kasabay ng pagbagsak ng sirang *SIM card* ay ang pagbagsak ng unang patak ng malakas na ulan sa bubungan ng *safehouse*.

Muling humarap si Paulo kay Aria. Wala nang bakas ng takot o pag-aalala sa mga mata ng binata; ang tanging naiwan ay isang nagliliyab at nakakapasong pagnanasa. Walang sabi-sabing binuhat muli ni Paulo ang dalaga, ngunit sa pagkakataong ito, deretso patungo sa nag-iisang kwarto sa ikalawang palapag.

"Hayaan mong magwala ang buong El Monte sa paghahanap sa atin," paos at malalim na bulong ni Paulo habang inilalapag si Aria sa gitna ng malambot na kama. Gumapang siya sa ibabaw ng dalaga, ikinukulong ito sa ilalim ng kanyang matipunong katawan habang ang labas ay unti-unting nilalamon ng bagyo. "Dahil sa mga susunod na araw, Aria, walang ibang makakakita sa'yo, walang ibang makakahawak sa'yo... kundi ako."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG)   Chapter 94

    Sa loob ng malawak at marangyang banyo ng master suite, nakatitig si Nayah sa kanyang sariling repleksyon sa malaking salamin. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang dahan-dahang isinusuot ang black silk nightgown na sapilitang ipinabigay sa kanya ng Alkalde.Paglapat pa lamang ng tela sa kanyang balat, naramdaman niya ang matinding lamig. Ang materyal ay napakanipis at tila ba isang pangalawang balat na nakadikit sa kanyang katawan. Ang disenyo nito ay may malalim na V-neck na nagpapakita ng bahagi ng kanyang dibdib, at ang laylayan ay may manipis na lace na umaabot lamang sa itaas ng kanyang hita. Wala itong itinatago. Sa halip na magbigay ng proteksyon, ang damit na ito ay sumisigaw ng kahinaan at pagpapasailalim. Isa itong tatak na nagsasabing pag-aari na siya ng lalaking nasa labas ng pinto.Kinuyom ni Nayah ang kanyang mga kamao at huminga nang malalim. Kailangan niyang maging matatag. Isa itong laro ng kapangyarihan at kung magpapakita siya ng matinding takot, mas lalo lang s

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG)   Chapter 93

    Ang pagpasok ng luxury car sa naglalakihang bakal na gate ng Mansyon De La Serna ay tila pagbagsak ng huling rehas sa buhay ni Nayah. Sa labas ng bintana, pinagmasdan niya ang malawak na hardin na pinalilibutan ng mga nagtataasang pader at armadong gwardya. Ang buong mansyon ay nagliliwanag sa gitna ng madilim na gabi ng San Ignacio, isang higanteng istruktura ng kapangyarihan at yaman na itinayo mula sa kasakiman ng pamilya ng lalaking nakaupo ngayon sa kanyang tabi.Tahimik lang si Mayor Chance De La Serna simula nang umalis sila sa munisipyo. Ang kanyang mga mata ay nakapikit habang nakasandal sa leather seat, ngunit alam ni Nayah na hindi ito natutulog. Ang presensya ng Alkalde ay patuloy na sumasakal sa buong espasyo ng sasakyan.Huminto ang sasakyan sa mismong tapat ng malaking double door ng mansyon. Mabilis na pinagbuksan ng gwardya si Chance, na bumaba nang buong tikas bago lumingon kay Nayah na nag-aalangang lumabas."Hihintayin mo pa bang kaladkarin kita palabas?" malamig n

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG)   Chapter 92

    Ang boses ni Mayor Chance De La Serna ay hindi tumaas, ngunit ang bigat at diin ng bawat salita ay sapat na upang yumanig ang mga pader ng kanyang opisina. Dahan-dahan itong lumakad paikot sa kanyang malapad na lamesa, ang kanyang mga mata ay hindi inaalis sa dalagang nakatayo sa kanyang harapan. Para siyang isang leon na nakaharang sa nag-iisang daan palabas ng gubat.Tiningnan ni Nayah ang kontrata na nakakalat ngayon sa ibabaw ng makintab na kahoy. Ang mga kondisyon na nakasulat doon ay hindi para sa isang normal na empleyado. Nakasaad doon na wala siyang karapatang lumabas ng mansyon nang walang kasamang gwardya, wala siyang karapatang gumamit ng sariling telepono, at kailangan niyang laging nasa tabi ng Alkalde anumang oras nitong naisin, kahit pa sa dis-oras ng gabi. Ito ay isang kontrata ng pagkaalipin na binalot lamang sa pormal na salitang Personal Assistant."Baliw ka ba?" nanggagalaiting sigaw ni Nayah, nawawala na ang lahat ng pagpipigil niya. "Wala akong pakialam kung Alk

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG)   Chapter 91

    Ang bawat hakbang ni Nayah sa loob ng naglalakihang pasilyo ng Munisipyo ng San Ignacio ay tila ba paglalakad sa ibabaw ng nagbabagang uling. Ang kanyang mga paa na binalot lamang ng manipis na tela ay nararamdaman ang matinding lamig ng makintab na marmol na sahig. Sa magkabilang gilid niya ay ang mga armadong gwardya na nakabantay na parang mga estatwang bato, walang reaksyon at walang emosyon. Ngunit ang pinakamabigat na presensya sa buong gusali ay ang lalaking naglalakad sa kanyang unahan.Si Mayor Chance De La Serna.Walang sinumang sibilyan ang nasa loob ng munisipyo sa ganitong oras ng gabi. Ang buong lugar ay pag-aari ng Alkalde, isang kuta kung saan siya ang nag-iisang diyos na nagdidikta kung sino ang mabubuhay at kung sino ang mamamatay. Nang marating nila ang dulo ng pasilyo, binuksan ng dalawang gwardya ang isang malaking double door na gawa sa purong mahogany. Ito ang pormal at pribadong opisina ng Alkalde, malayo sa vault room na pinasok ni Nayah kagabi.Pumasok si Cha

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG)   Chapter 90

    Tila huminto ang pag-ikot ng mundo sa buong Barangay Silangan. Ang nakakabinging ugong ng mga malalaking makina, ang iyakan ng mga bata, at ang panalangin ng mga matatanda ay unti-unting naging mahinang bulong sa pandinig ni Nayah. Habang humahakbang siya palapit sa barikada, ang tanging nakikita niya ay ang lalaking nakatayo sa dulo ng kalsada, naghihintay sa kanya na parang isang diyos na handang tumanggap ng alay.Humawi ang mga armadong gwardya na nakasuot ng tactical gear. Walang nagtangkang humawak kay Nayah. Malinaw ang utos ni Mayor Chance De La Serna: walang pwedeng lapatan ng kamay ang babaeng ito kundi siya lamang.Huminto si Nayah isang metro mula sa Alkalde. Walang bakas ng takot sa kanyang mga mata kahit pa alam niyang nakatuntong na siya sa loob ng mismong hawla ng leon. Hindi na siya nakasuot ng mapang-akit na crimson red gown. Ang suot niya ngayon ay isang kupas na itim na jacket, simpleng t-shirt, at maong na shorts. Ang kanyang buhok ay nakatali nang magulo, at ang

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG)   Chapter 89

    Nagkagulo ang buong Barangay Silangan matapos ang anunsyo ng Alkalde. Ang mga salitang binitawan ni Mayor Chance De La Serna ay parang isang matalim na itak na pumutol sa natitirang pag-asa ng mga residente. Ang mga bulldozers at backhoe na nakaparada sa bungad ng komunidad ay patuloy na naka-on ang mga makina, umuugong nang malakas, isang direktang pagbabanta na anumang oras ay handa silang sumagasa at manira ng mga tahanan.Umiiyak ang mga matatanda, nagmamakaawa sa mga gwardya na nakabantay sa paligid. Si Aling Marta, ang mabait na tindera na laging nagbibigay ng libreng tinapay kay Nayah kapag wala siyang pera, ay nakaluhod sa putikan habang yakap ang kanyang dalawang maliit na apo."Maawa po kayo, Mayor! Wala po kaming ibang pupuntahan! Dito na po kami ipinanganak, saan po namin dadalhin ang mga bata?" pakiusap ng isang matandang lalaki na pinipilit lumapit sa Alkalde, ngunit mabilis itong itinulak ng mga gwardya na may hawak na mahahabang baril.Hindi man lang tiningnan ni Chanc

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status