Home / Romance / Akin Ka Lang, Kahit Saglit / Chapter 4: Mas Mahirap Pa Sa Operasyon

Share

Chapter 4: Mas Mahirap Pa Sa Operasyon

Author: Moody_baby
last update Huling Na-update: 2025-07-16 13:11:41

Tatlong araw na ang lumipas simula nang i-assign si Alyana bilang lead nurse ng batang pasyenteng may rare neurological disorder. Pero kahit anong pilit niyang i-adjust ang sarili, parang hindi pa rin siya makabuwelo. Hindi dahil sa kakulangan ng kaalaman o kasanayan—nasanay na siya sa under pressure na environment. Pero ngayong hawak niya ang buhay ng isang batang anak ng senador at isang kilalang fashion designer, parang hindi sapat ang experience niya.

Sobrang init ng mata ng media, ng admin, at higit sa lahat—ni Dr. Bash.

Lahat ng kilos niya, mino-monitor. Lahat ng galaw, may checklist. Sa loob ng isang araw, parang may limang exam siyang kailangang ipasa.

“Alyana, double-check mo ulit ang dosage sa IV,” utos ni Bash habang nakatitig sa lab results ng bata. “The kid’s immune system is weak. One wrong move, and he’ll be in critical condition.”

Tahimik na tumango si Alyana. Hindi siya sumagot, hindi rin nagpakita ng kahit konting inis kahit pakiramdam niya ay tinatrato siyang estudyante. Kinuha niya ang chart, iniisa-isa ang label ng mga gamot, siniguradong tama ang computation ng dosage, at personal na siya na rin ang nag-mix ng solution. Hindi niya kayang ipagkatiwala sa iba.

Pagkalipas ng ilang oras, tinawag siya ng isa sa mga secretary ni Bash. “Miss Mendoza, Dr. De Almonte would like to speak with you. Private office niya.”

Napakagat-labi si Alyana habang naglalakad papunta sa opisina nito. Ano na naman kaya ‘to? May mali ba ulit ako?

Pagpasok niya, naabutan niya si Bash na nakatayo sa likod ng glass wall, tanaw ang city skyline. Naka-scrub suit ito, gulo-gulo ang buhok, hawak ang tablet at parang may binabasa pero malalim ang iniisip.

"Upo ka," anito, hindi man lang lumingon.

Malamig pa rin ang boses, pero iba ang dating ngayon. May kakaibang lambing sa mga mata nito nang tuluyang humarap.

“I just want to check in. Kumusta ka?”

Natigilan si Alyana. Napakunot-noo. Tama ba ang narinig ko? Concern?*

“Okay lang po. Medyo nakakapagod lang kasi… sensitive po 'yung bata.”

Umiling si Bash, saka lumapit sa mesa. “Hindi ko tinatanong ang trabaho.”

Napatingin si Alyana.

“Ikaw. Kumusta ka bilang ikaw?”

Hindi niya agad nasagot. Kasi totoo, ilang taon na rin mula nang may nagtanong sa kanya ng ganoon. Hindi siya sanay. Hindi rin niya alam kung dapat ba siyang maging honest.

“Honestly, Doc… hindi ko alam kung paano ko sasagutin ‘yan,” tapat niyang sagot. “Ngayon lang yata may nagtangkang tanungin ako niyan.”

Tumango lang si Bash. Hindi siya pinilit magsalita pa. Pero sa loob ng ilang segundo, tahimik lang silang nakatingin sa isa’t isa. Parang nagkakaintindihan kahit walang salitang nasasambit.

“Kung sakaling kailangan mo ng kausap,” dagdag ni Bash, “I’m here.”

Napalunok si Alyana. Hindi niya inaasahan ang ganitong klaseng concern mula sa taong minsang tinawag niyang Mr. Freeze. Pero ngayon, parang unti-unting natutunaw ang yelong iyon—at sa gitna ng pagtunaw, siya ang naiipit.

---

Pagkatapos ng shift, halos alas nuwebe na ng gabi nang makababa si Alyana papuntang lobby. Ramdam niya ang pagod sa katawan. Pagod na pagod, pero buo pa rin ang loob.

Habang nakasakay siya sa elevator pababa, biglang bumukas ang pinto sa 20th floor. Pumasok si Bash. Naka-black hoodie at joggers ito. Casual, pero sobrang presentable pa rin. Agad siyang napatingin sa floor display. Please, bumilis ka.

Tahimik.

Tahimik sila pareho.

Hanggang sa magsalita si Bash.

“Gabi na. Ihahatid na kita.”

Napalingon si Alyana. Akala niya narinig lang niya iyon.

“Doc, okay lang po ako. Sanay naman po akong mag-commute. Promise.”

Tumitig lang si Bash. “Alyana, hindi ito tungkol sa kung sanay ka o hindi. This is about safety.”

Simple lang ang tono. Walang pilit, pero may authority. Hindi na siya nakapagsalita pa. At bago pa siya makatanggi, bumukas ang elevator at naroon na sila sa basement parking. Agad siyang inalalayan ni Bash papunta sa kanyang matte black SUV.

Tahimik pa rin habang nasa loob ng sasakyan. Ramdam ang tension, pero hindi yung masamang klaseng tension—kundi yung parang may gustong sumabog pero parehong takot ilabas.

Si Alyana ang unang nagsalita.

“Doc…”

“Hmm?”

“Bakit mo ‘to ginagawa?”

“Ang alin?”

“‘To. Pagiging… mabait. Kasi dati, halos durugin mo ‘ko sa init ng ulo mo, tapos ngayon… para kang ibang tao.”

Tumingin si Bash sa kanya, saglit, bago ibinalik ang tingin sa kalsada. Nasa intersection sila, pulang ilaw.

Hindi ito agad sumagot. Parang pinipili ang bawat salita.

“Hindi ko alam,” sagot niya. “Pero every time I see you… parang may bumabalik.”

“Bumabalik?”

“Yung pagkatao kong nawala.”

Tumahimik si Alyana. Parang may tumusok sa puso niya.

Hindi niya alam kung ano ang mas kinabahan siya—yung sinabi nito o yung damdaming bigla niyang naramdaman. Kasi totoo, hindi niya rin maipaliwanag kung bakit sa dami ng pagkakataong puwedeng mapagod siya, hindi siya sumusuko. At sa dami ng lalaking may kaya, may posisyon, at may mukha—si Bash pa ang unti-unting nabubuo sa isip niya kapag tahimik na ang gabi.

Nang huminto na sila sa harap ng apartment ni Alyana, saglit na katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan.

Paglingon ni Bash, ibang tingin na ang ibinigay niya.

"Alyana… kung sakali lang… may pagkakataon ka bang mahalin ang tulad ko?"

Parang tumigil ang oras.

Parang nawala ang ingay sa labas. Ang tanging naririnig lang ni Alyana ay ang tibok ng sariling puso niya na hindi niya makontrol.

Namungay ang mga mata niya. Parang may luha na hindi niya alam kung saan galing. Hindi siya agad sumagot.

Bumaba siya ng sasakyan… dahan-dahan. Hindi siya lumingon.

Pero habang binubuksan niya ang gate ng apartment, isang salita lang ang sigaw ng puso niya:

Oo.

---

Sa loob ng kwarto niya, nakaupo siya sa kama, hawak ang unan. Paulit-ulit ang eksenang iyon sa utak niya.

"May pagkakataon ka bang mahalin ang tulad ko?"

Hindi ito tanong ng isang lalaking naglalaro lang. Hindi ito pa-cute o pa-sweet. Tanong ito ng isang lalaking sugatan, pero may pag-asang binubuksan. At ang mas kinatatakutan niya—baka siya rin ay sugatan pa rin.

Pero bakit ganon? Sa dami ng araw na pinilit niyang wag kiligin, wag madala, wag mahulog—ngayon lang siya napagod pigilan.

Mas mahirap pa ito sa kahit anong operasyon na na-handle niya.

Dahil ang puso… walang anesthesia. Wala ring surgical precision.

At kapag nasugatan ito, walang kasiguraduhan kung kailan gagaling.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Akin Ka Lang, Kahit Saglit   Chapter 8: Ang Ama ng Anak Ko

    Tahimik ang buong suite habang si Alyana ay abala sa pag-check ng IV line ng batang pasyente. Sa labas, bumubuhos ang ulan, tila sinasalamin ang bugso ng damdaming matagal na niyang kinukubli. Ramdam niya—darating na ang oras na hindi na siya makakatakas sa katotohanan.Sa bawat araw na lumilipas kasama si Bash, lalong sumisikip ang dibdib niya. Hindi dahil sa takot mawala ito—kundi sa takot na masaktan ito sa katotohanang matagal na niyang ikinukubli.Nang lumapit sa kanya si Nurse Lyka, may dala itong brown envelope. “Alyana, may nag-iwan nito para sa’yo sa front desk. Sabi urgent daw.”Napakunot ang noo niya. Wala naman akong inaasahang dokumento…Binuksan niya ito. At sa unang tingin pa lang, parang huminto ang mundo niya.Custody PetitionCamilo Sebastian vs. Alyana MendozaFiling for Visitation Rights – Minor Child: Gabriel C. MendozaNalaglag ang envelope sa sahig. Nanginig ang kamay niya. Humugot siya ng hangin, pilit pinipigil ang luhang gustong kumawala.Gab.Anak nila ni Ca

  • Akin Ka Lang, Kahit Saglit   Chapter 7: Hanggang Kailan ang Lihim?

    “Ma, okay ka na ba riyan? Hindi po kayo naiinitan?” tanong ni Alyana, habang inaayos ang bentilador sa sulok ng maliit nilang bahay sa Caloocan. Isang araw lang siyang naka-leave—pero pakiramdam niya, kulang na kulang pa iyon.“Okay lang anak, huwag mo akong alalahanin. Ang importante, ikaw. Hindi ka na masyadong napupuyat?” tanong ng ina niya, habang nakaupo sa sofa, binabalot ang paa ng mainit na tubig na may asin.Napangiti si Alyana. “Sanay na, Ma. Pero… okay naman. Actually, masaya na ako sa trabaho ko.”Tumigil saglit ang kanyang ina sa pag-aasikaso sa paa nito. “May dahilan ba ang kasayahan mong 'yan? Baka may lalaki na diyan, ha?”Napahinto si Alyana. Ilang segundo siyang hindi nagsalita. Tumingin siya sa bintana, kung saan sumasayaw ang mga dahon sa malamig na hangin. Dati, bawat tanong ng ina niya tungkol sa pag-ibig ay parang tusok ng karayom. Pero ngayon, tila may ibang laman na ito.“Ma… meron.”Napatingin ang ina niya. “Talaga? Aba, sino naman ‘to? Nurse din ba?”“Doctor

  • Akin Ka Lang, Kahit Saglit   Chapter 6: Baka Maging Tayo

    Magkaharap sila sa isang maliit na coffee table sa labas ng coffee shop, kung saan tanaw ang ilaw ng ospital na nagsilbing saksi ng halos lahat ng bangayan, pagtitiis, at... paglalapit nila. Si Alyana, suot pa ang simpleng gray na hoodie na tila niyakap ang buong araw na pagod, habang si Bash, casual sa kanyang dark long-sleeve shirt, ay mas kalmado kaysa dati.Pero sa pagitan ng mga tahimik na lagukan ng kape, may mga tanong na hindi masambit—mga takot na unti-unting humuhubog sa kung anong meron sila ngayon.“Bakit mo ako hinayaan, Alyana?” tanong ni Bash, diretso pero mababa ang boses. “Hindi ka naman ‘yung tipong madaling ma-fall.”Nagulat siya sa tanong. Hindi niya inaasahan na mag-uumpisa ito ng ganoon. Ngunit hindi niya rin maitatanggi—iyon din ang tanong niya sa sarili.“Hindi ko alam,” sagot niya, tapat. “Maybe kasi, kahit gaano ka kasungit, kahit gaano ka ka-demanding… hindi ka plastic.”Nag-angat ng tingin si Bash. “Hindi ako sweet.”“Exactly,” tugon ni Alyana, may ngiti. “

  • Akin Ka Lang, Kahit Saglit   Chapter 5: Ang Halik sa Dilim

    Hindi mapakali si Alyanabbuong gabi. Maghahatinggabi na, pero gising pa rin siya, nakatingin sa kisame ng kanyang maliit na kwarto. Nasa ilalim siya ng manipis na kumot, pero hindi iyon ang kailangan niyang panlaban sa lamig. Ang totoo, hindi naman malamig ang gabi—ang kalituhan sa loob niya ang talagang nanginginig.Ang tanong ni Bash kanina, paulit-ulit na nag-e-echo sa isip niya."Kung sakali lang... may pagkakataon ka bang mahalin ang tulad ko?"Simple lang. Diretso. Pero sa puso niyang ilang taon nang sarado, ang tanong na iyon ay parang bomba.Hindi niya alam kung anong mas mahirap—ang bigat ng responsibilidad sa trabaho, o ang bigat ng emosyon na pilit pumapasok sa puso niyang matagal nang nilagyan ng harang.Hindi siya ganito dati. Isang Alyana na marunong mangarap, maniwala, magmahal. Pero pagkatapos ng mga taong sinayang niya sa isang lalaking sinaktan lang siya, natuto na siyang magtayo ng pader. Hindi para sa iba. Kundi para sa sarili niya.Pero bakit si Bash?Bakit sa lah

  • Akin Ka Lang, Kahit Saglit   Chapter 4: Mas Mahirap Pa Sa Operasyon

    Tatlong araw na ang lumipas simula nang i-assign si Alyana bilang lead nurse ng batang pasyenteng may rare neurological disorder. Pero kahit anong pilit niyang i-adjust ang sarili, parang hindi pa rin siya makabuwelo. Hindi dahil sa kakulangan ng kaalaman o kasanayan—nasanay na siya sa under pressure na environment. Pero ngayong hawak niya ang buhay ng isang batang anak ng senador at isang kilalang fashion designer, parang hindi sapat ang experience niya.Sobrang init ng mata ng media, ng admin, at higit sa lahat—ni Dr. Bash.Lahat ng kilos niya, mino-monitor. Lahat ng galaw, may checklist. Sa loob ng isang araw, parang may limang exam siyang kailangang ipasa.“Alyana, double-check mo ulit ang dosage sa IV,” utos ni Bash habang nakatitig sa lab results ng bata. “The kid’s immune system is weak. One wrong move, and he’ll be in critical condition.”Tahimik na tumango si Alyana. Hindi siya sumagot, hindi rin nagpakita ng kahit konting inis kahit pakiramdam niya ay tinatrato siyang estudy

  • Akin Ka Lang, Kahit Saglit   Chapter 3: Fire and Ice

    Maagang nagising si Alyana kinabukasan. Hindi gaya ng ibang araw na halos hatakin pa niya ang sarili palabas ng kama, ngayon ay parang may kakaibang sigla siyang naramdaman. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero siguro... dahil sa kape kahapon. O baka dahil kahit paano, napansin siya ni Dr. Bash.Pero hindi ibig sabihin nito ay patutulugin niya ang damdamin niyang unti-unti nang naguguluhan. She’s here to work. Period.Wala siyang oras sa kilig-kilig. Hindi siya pumasok sa ospital para umibig.Pagpasok niya sa suite ng pasyente, bumungad sa kanya ang kakaibang eksena—si Dr. Bash, tahimik na nakaupo sa tabi ng kanyang ina. Hawak nito ang kamay ng matanda habang binabasa ang chart sa tablet. Ang stern, cold doctor na kilala niya, biglang parang ibang tao. Malambot ang aura. Tahimik ang mata. May puso."Good morning po," bati ni Alyana, pinipigilan ang paglalambot ng tuhod.Hindi siya tiningnan ni Bash. "Vitals update?"“Stable po ang BP, 120 over 80. Oxygen level at 98 percent. No rep

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status