INICIAR SESIÓNPagkatapos ng ilang araw, bumalik ulit si Sugar sa ospital. Kahit hindi naman niya kailangang bumalik agad dahil maayos naman ang lagay ni Cece pero hindi niya kayang manatili sa bahay nang alam niyang mag-isa lang ang kaibigan niya roon. Kaya pagkatapos ng trabaho, dumidiretso talaga siya sa ospital dala ang ilang gamit, pagkain at mga bagay na baka kailanganin ni Cece.
Isang gabi, habang natutulog si Cece, muling naramdaman ni Sugar ang bigat sa dibdib niya. Naaalala na naman niya ang sinapit ng kaibigan, hindi lang iyon. Pati ang problema niya sa kanilang bahay ay dala na rin niya. Si Sugar kasi ang panganay sa kanilang tatlong magkakapatid. Kahit mahirap ay siya rin ang nagpapaaral sa kanila. Hindi lang iyon, siya rin ang gumagastos sa panggamot ng kanyang ina dahil may malubhang sakit ito. Lumabas siya ng ospital para sana magyosi at doon niya muling nakita ang lalaki. Nakatayo ito sa parehong lugar kung saan sila unang nagkita, hawak ang sariling sigarilyo. Nang mapansin siya nito, bahagyang ngumiti. “You're here.. Again,” bati nito sa kanya pagkatapos ay bibigyan sana siya ng isang stick ng sigarilyo pero hindi iyon tinanggap ni Sugar. “Lighter na lang ulit, pahiram ako. May sarili naman akong yosi,” sagot ni Sugar. Tumawa ang lalaki saglit sa kanya pagkatapos ay bumalik na ito sa kanyang pagyoyosi. Parang nagkataon lang pero mula noon, paulit-ulit na nangyari ang ganoon. Kapag pumupunta si Sugar sa ospital, minsan ay naroon ang lalaki. Kapag pareho silang may oras, nauuwi iyon sa isang maikling yosi session sa labas. Hindi agad niya nalaman ang pangalan nito, o mas gusto niyang isipin na ayaw niyang alamin ang pangalan nito. Noon, hindi rin niya alam kung bakit palagi itong nasa ospital. Ang alam lang niya, komportable siyang kasama ito. Hindi sila palaging nag-uusap. Minsan, tahimik lang silang nakaupo habang pinapanood ang mga sasakyang dumadaan sa harap ng ospital. Minsan naman ay nagkukuwento sila tungkol sa trabaho at kung anu-ano pa tungkol sa kanilang buhay pero may kakaibang gaan sa bawat pag-uusap nila. Although, ayaw ni Sugar na ma-fall doon dahil hindi naman niya totally kilala ang lalaki. Sa loob ng ospital, palaging si Cece ang iniisip ni Sugar. Sinisigurado niyang nakakakain ito. Tinutulungan niya kapag kailangan nitong bumangon. Pinapaalalahanan niya itong uminom ng gamot at palagi niyang kinukumusta ang nararamdaman nito. “Sure ka, ah. Okay ka na? Hindi ka na gutom?” tanong pa niya sa kaibigan. “Oo nga, alam mo, sa ating dalawa ngayon, ikaw ang mas mukhang gutom at stressed. Baka mamaya, ikaw pa ang maospital pagkatapos ko, ah,” tumawa pa si Cece noon. “Uy, hindi naman. Kaya ko ang sarili ko, nagpapahinga rin ako kapag may oras. Hindi mo lang nakikita kasi tulog ka,” sagot naman ni Sugar. Isang hapon, nadatnan niyang nakaupo si Cece sa kama habang nakatingin sa bintana. Hindi ito umiiyak pero halatang pagod na pagod na ito sa lahat ng nangyari sa kanya. Umupo si Sugar sa tabi nito at hinawakan ang kamay ng kaibigan. “Okay ka lang? Kailangan mo yata ng kausap. Nandito lang ako, ha.” Maya-maya, bahagyang sumandal si Cece sa balikat niya. Doon niya napagtanto kung gaano kalaki ang pinagdadaanan ng best friend niya. “Masakit pala talaga ang ginawa sakin ni Bryan. Hindi ko alam kung bakit hinayaan ko siyang gawin sa akin iyon, e.” “Kasi mahal mo? Alam mo naman, nagiging tanga talaga tayo kapag mahal natin iyong tao. Maging masaya na lang siguro tayo na okay ka na. Siguro naman ngayon, hindi ka na babalik sa kanya, di ba?” Napatawa si Cece pagkatapos ay sumagot. “Hindi na talaga. Sa lahat ng pasang natamo ko sa kanya? Hindi na para bumalik pa ko. Baka ikamatay ko na iyon, e.” Hindi lang pasa at sugat ang kailangang pagalingin ni Cece. Pati ang takot at trauma na iniwan ng taong pinagkatiwalaan niya ng buhay niya, ang taong nangako na hindi siya sasaktan kahit kailan. Isang gabi, paglabas niya ay naabutan niya ang lalaking lagi niyang nakikita na nakasandal sa pader. Napangiti ito nang makita siya. “Yosi?” Napatawa si Sugar. “Parang yun na yata ang greeting mo lagi sa akin.” “Effective naman. Tara?” Umiling siya bago kumuha ng sigarilyo. Habang nagkakape at nagyoyosi sila, napansin ni Sugar na hindi na siya kasing-ilang tulad noong una. Nalaman na rin niya ang pangalan nito. Si Alejandro. Nasa 30s na ang itsura nito pero hindi makakaila na sobrang gwapo ng lalaki. Kung hindi nga pipigilan ni Sugar ang kanyang sarili, alam niyang mahuhulog na siya rito dahil ang charming talaga ni Alejandro. Kahit ayaw niyang aminin, hinahanap na rin niya ang presensya nito tuwing nasa ospital siya. Hindi dahil gusto niyang tumakas sa problema ni Cece kundi dahil sa ilang minutong nakaupo siya kasama ito , nakakalimutan niyang saglit na mabigat ang mundo. “Uy, okay ka lang ba? Bakit parang tulala ka? May dumi ba ko sa mukha?” tanong ni Alejandro sa kanya. “Ah, wala. May iniisip lang,” mahinang sagot ni Sugar. “Problem?” “Oo. Kaya nga napapayosi na lang ako, di ba?” sabay silang tumawa pagkatapos noon. Di tulad ng mga nauna nilang pagkikita, nauna sa loob noon si Sugar kaysa kay Alejandro.Makalipas ang ilang araw, maagang pumasok si Alejandro sa opisina. Hindi siya mapakali mula nang mapirmahan ang agreement. Kahit nasa harap na niya ang mga dokumentong kailangan niyang ayusin para sa trabaho, paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari noong nakaraang araw. Hindi niya alam kung bakit parang mas mabigat iyon kaysa sa inaasahan niya. Bandang alas-diyes, pumasok si Brandon sa kanyang opisina. “Bro.” Hindi agad sumagot si Alejandro. Nakatingin lang siya sa isang folder sa ibabaw ng mesa. “Bro?” Doon lang narinig ni Alejandro na tinatawag na pala siya ni Brandon. “Ano iyon?” tanong niya. “Okay ka lang?” tanong ni Brandon sa kaibigan. Napatingin si Alejandro sa kaibigan. “A-Ah. Oo. Ayos lang naman ako. May sasabihin ako sa'yo.” Umupo si Brandon sa tapat niya. “About saan? Kay Sugar ba iyan?” Tumango si Alejandro. Napabuntong-hininga siya bago tuluyang sumagot.“Napirmahan na niya ang kontrata.” Sandaling natahimik si Brandon. “Seriously?” “Oo. Noong isan
Pagkatapos mapirmahan ang agreement, magkasabay na umuwi sina Ivy at Alejandro. Tahimik lang ang loob ng sasakyan. Si Ivy ay nakaupo sa passenger seat habang nakatingin sa dokumentong hawak niya. Ilang beses na niya iyong binuklat kahit alam na niya ang laman. Hindi niya mapigilang ngumiti. Sa wakas. Matapos ang matagal na paghihintay, mga consultation, mga pakikipag-usap sa doktor at mga gabing iniisip kung magkakaroon ba talaga sila ng anak, may pag-asa na siyang masasandalan. Hindi man siya mismo ang magdadala ng bata, magiging bahagi pa rin nito ang pamilya nila. “Hindi pa rin ako makapaniwala,” mahina niyang sabi. Nakatitig lang sa kalsada si Alejandro noon. “Hmm.” Napatingin si Ivy sa kanya. “Hindi ka ba masaya?” Sandali siyang natahimik. “Masaya naman ako.” Pero hindi sapat ang sagot na iyon para kay Ivy. “Parang hindi naman.” Huminga nang malalim si Alejandro bago sumagot ulit. “Hindi naman sa ganoon.” “Then ano? Bakit parang kanina ka pa tahimik dyan?” may inis na
Dumating ang araw na matagal nang iniiwasang isipin ni Sugar. Maaga pa lang noon ay gising na siya.Tahimik siyang nakaupo sa gilid ng kama habang hawak ang cellphone niya. Ilang beses na niyang binuksan ang message ni Ivy.‘The documents are ready. We can meet at ten.’Alas-nuwebe pa lang, nakabihis na siya. Simple lang ang suot niya. Blouse, maong at maliit na shoulder bag. Wala siyang ginawang espesyal sa araw na iyon. Ayaw niyang maramdaman na parang may malaking selebrasyong mangyayari.Dahil para sa kanya, hindi iyon isang masayang araw. Isa iyong araw ng desisyon. Desisyon na talagang magpapabago sa buhay niya.Bago siya umalis, tiningnan muna niya ang kanyang ina na mahimbing na natutulog sa hospital room.Bahagya nang bumuti ang kondisyon nito, pero kailangan pa rin nitong manatili sa ospital para sa mga karagdagang tests.Lumapit si Sugar sa kama. “Ma, aalis lang po ko saglit ah.”Hindi sumagot ang kanyang ina. Kaya, marahan na lang niyang hinawakan ang kamay nito.“Gagawin
Pagbalik ni Sugar sa ospital, ilang segundo muna siyang nanatili sa labas ng pinto bago tuluyang pumasok.Huminga siya nang malalim at inayos ang mukha. Ayaw niyang makita ni Cece na may iniisip siya.Ayaw niyang mapansin nito na nanginginig ang mga kamay niya at ilang beses na niyang tinitingnan ang cellphone niya mula nang umalis siya sa coffee shop.Pagpasok niya sa waiting area, agad siyang nakita ni Cece. “Saan ka galing?”Napahinto si Sugar. “Ah…”Sandali siyang napatitig sa kaibigan. “May inasikaso lang ako.”Agad na kumunot ang noo ni Cece. “Anong inasikaso?”“May tinanungan ako ng assistance,” nanginginig pang sagot ni Sugar.“Assistance?” naguguluhan na tanong ni Cece.Tumango si Sugar. “Oo. May nagsabi kasi sa akin na baka pwede tayong makahingi ng tulong doon para sa hospital bills, kaya pinuntahan ko.”Bahagyang lumuwag ang mukha ni Cece. “Ah. Okay. Kaya pala. Kanina pa kasi kita hinahanap.”Umupo si Sugar sa tabi niya. “May nakuha ka bang information?”“May ilang require
Kinabukasan, hindi sinabi ni Sugar kay Cece ang tungkol sa desisyong unti-unting nabuo sa isip niya.Buong gabi niyang pinag-isipan ang sinabi ng kaibigan niya. Sinubukan niyang kumbinsihin ang sarili na may iba pang paraan. Pero habang nakahiga siya sa maliit na upuan sa tabi ng kama ng kanyang ina, paulit-ulit niyang tinitingnan ang listahan ng mga gastusin na hawak niya.Hindi pa iyon ang kabuuang halaga ng kailangan nila. May mga laboratory test pang kailangan, gamot at kung anu-ano pa. At kung sakaling kailanganin ng mas matagal na confinement ang kanyang ina, alam niyang patuloy lang lalaki ang bill.Bandang alas-diyes ng umaga iyon, nakatanggap siya ng message galing kay Ivy. Tinext niya kasi ito first thing in the morning dahil pakiramdam niya ay buo na ang isip niya.‘Pwede ba tayong magkita? Tayong tatlo ng asawa ko. May gusto akong pag-usapan tungkol sa offer ko.’Matagal na nakatitig si Sugar sa screen. Hindi niya agad sinagot ang text na iyon.Maya-maya, isa pang messag
Pagbalik nila sa waiting area, tahimik na umupo si Sugar. Si Violet naman ay may kausap sa kanyang tungkol sa ilang requirements sa ospital.Maya-maya, napabuntong-hininga si Sugar. Iniisip pa rin kung ano ba ang best decision para sa kanyang problema. “Cece. May naisip ako.”Lumapit si Cece sa kanya para marinig nito kung ano ang sinasabi ng kaibigan. “Hmm? Ano ang nasa isip mo?”“Paano kung…” Hindi niya itinuloy kung ano mang sasabihin niya, may idea na kasi siya kung anong magiging reaksyon ng kanyang kaibigan.“O bakit hindi mo tinuloy? Ano ba iyon?”“Paano kung tanggapin ko na lang?”Agad na nagbago ang mukha ni Cece. “Alin? Yung offer?”Tumango si Sugar. “Iyong offer nila Alejandro at Ivy. Kapag tinanggap ko iyon, sigurado akong masasagot na ang lahat ng problema ko.”“Hindi.” Mabilis ang sagot ni Cece. “Hindi mo tatanggapin ang offer na iyon dahil mas lalaki ang problema mo kapag tinanggap mo iyan.”Napatingin sa kanila si Violet pero hindi na nakialam. Alam niyang kahit kapati







