Kumakain sa isang restaurant ang magkasintahang sina Gabby at Kiara nang biglang dumating ang kanyang best friend na si Diane.
"Hello there!" "Hi! Hindi ka nagpasabi kanina na susunod ka? Sinundo ka na lang sana namin sa inyo," ani Kiara."I've change my mind. Sayang naman kung hindi ako makakasama sa araw na ito." Kinawayan nito ang waiter para um-order. "Hindi ba ngayon ka magpo-propose kay Kiara?" Baling nito kay Gabby sabay kindat dito."Ha? Sinabi ko ba 'yon?" "Hey! Nakalimutan mo na ba? Tsk… tsk…" Bumaling kay Kiara, "Ano ba naman klase 'tong boyfriend mo, Kiara? Kung ako sa 'yo baka nabatukan ko na 'to, eh! Ang hina!" tatawa-tawang sabi nito. "Anyway, gutom na ako kaya kumain na tayo."Nagsalubong ang tingin nila ni Gabby. Ngumiti at nag-kibitbalikat na lamang si Kiara para mawala ang pagiging un-easy nito. Napansin kasi niya ang paminsan-minsan na pagsulyap nito kay Diane. Marahil ay napahiya sa sinabi nito."Okay lang, hindi naman kami nag-aapura. Saka marami pa kaming aasikasuhin," pampalubag-loob ni Kiara para maisalba ito sa pagkapahiya."Naku, ewan ko ba sa inyo. Ang tagal n'yo na kaya, dapat magpakasal na kayo. Baka mamaya n'yan masungkit pa ng iba 'yang boyfriend mo. Hindi naman sa tinatakot kita, nagpapa-alala lang.""Salamat sa concern, pero hindi naman siguro. Alam naman namin na mahal namin ang isa't-isa. Hindi ba, hon?" ani Kiara."Oo naman! Wala nang ibang pwedeng pumalit sa 'yo. Tanging ikaw lang!" anito."Sana nga lang!" Anito at sandaling sinulyapan si Gabby.Walang salita na nagpatuloy sila sa pagkain."PASENSYA ka na sa mga nasabi kanina ni Diane. Mukhang na-pressure ka pa tuloy.""Okay lang, pero totoo naman, 'di ba? Matagal na tayo at dapat…""Wala pa sa isip ko ang bagay na 'yan. Mas marami pa tayong dapat pagtuunan ng pansin."Inihinto ni Gabby ang sasakyan sa isang tabi. Humarap kay Kiara."Mahal mo ba talaga ako?""Oo naman!""Kung gan'on payag kang magpakasal sa akin?""Ano bang klaseng tanong 'yan?"Inilapit nito ang mukha sa kanya at hinalikan siya sa labi. Hindi tumutol si Kiara. Mas lumalim pa ang halik nito at naging mapangahas. Nagsimulang gumapang ang palad nito paloob sa kanyang blusa at dinama ang kaliwang dibdib niya. Bumaba ang halik nito sa kanyang leeg at naging mapaghanap."Gab, wait!" pigil ni Kiara."Hmm, akala ko ba mahal mo ako?" Sandaling huminto ito sa ginagawa."Oo naman! May duda ka pa ba roon?""Then prove to me! Ang tagal na natin pero-""Iyon lang ba ang basehan mo ng pagmamahal?" nagulat na tanong ni Kiara."Hindi naman kaya lang natatakot ako na-""Natatakot kang baka mawala ako sa 'yo? Ano ka ba, mahal na mahal kita, okay?" Hinaplos niya ang mukha nito at masuyong hinalikan sa labi. "Hinding-hindi ako mawawala sa 'yo," pangako ni Kiara.ARAW ng kanilang 5th anniversary ngayon kaya nais niyang sorpresahin ang kanyang boyfriend. Alam niya na may tampo pa ito matapos ang huling pagtanggi niya sa gusto nito. Pangako niya sa sarili na saka lamang niya ibibigay ang kanyang virginity pagkatapos ng kanyang kasal sa kanyang mapapangasawa.Tahimik sa condo unit ni Gabby ng dumating siya. Alam niya na nasa trabaho pa ito at mayamaya pa ang uwi. Isa itong company supervisor sa isang kumpanya ng mga motor. Kadalasan, inaabot ito ng gabi bago umuwi. Balak niya itong sorpresahin kaya hindi siya nagpasabi na darating. Nag-taxi na lamang siya papunta doon, dahil ihahatid rin naman siya ni Gabby pauwi sa kanila. Malapit na siya sa unit nito ng makatanggap siya ng message mula rito, [Mali-late ako, need ko mag-overtime. Bukas na lang tayo lumabas.] Laglag balikat na napa-buntonghininga si Kiara at napabuga ng hangin. Anniversary nila pero parang wala lang dito. 'Hindi kaya nalimutan niya?' bulong niya sa sarili. Dati ito pa ang nauunang bumabati sa kanya. Pero ngayon tila malaki yata talaga ang tampo nito para baliwalain ang espesyal na araw na iyon para sa kanilang dalawa. Napailing siya at tatalikod na sana para umuwi ng maisip na sorpresahin na lang ito at hintayin makauwi. May sarili naman siyang duplicate ng susi sa unit nito. Patay ang ilaw sa loob kaya maingat na binuksan niya iyon. Tahimik na pumasok siya na hindi na binuksan ang ilaw. Sanay naman na s'ya rito. Nakakailang hakbang pa lamang siya papasok ng may umagaw sa atensyon niya mula sa sala."Ohh, ohh, please… ohh," ungol ng babae na mula sa sopa. "Yes, baby. I'll fu**k you more and more, huh?" anas na tinig ng lalaki na kaagad nakilala ni Kiara."Yes, we'll do it again and again, tonight! Ohh," hibang na hibang na sagot ng babae.Nanlamig at nanginig ang buong katawan ni Kiara na nahinto palapit. Pakiramdam niya umakyat ang lahat ng dugo sa kanyang ulo. Mabilis na humakbang siya palapit sa switch at binuksan ang ilaw. "What the-" "Mga hayop kayo! Mga baboy! Manloloko!" biglang sigaw ng galit na galit na si Kiara at mabilis na lumapit sa tumayong hubad na si Gabby. Walang pakialam si Kiara sa itsura ng mga ito. Ang nais niya ay makita ang mukha ng dalawa. "H-Honey!?""K-Kiara!?""Mga hayop!" Walang habas na ibinalibag niya ang dalang shoulder bag kay Gabby at ang nadampot na plorera. Nasapol ito sa dibdib at nabasag ang pot dahilan para magalusan si Gabby. Dahil sa tindi ng galit niya ay walang nagawa si Gabby para maawat siya. Binalingan niya ang nagulat at hubad na si Diane na hindi nagawang makatayo sa sopa."Hayop kang ahas ka! Pinagkatiwalaan pa naman kita! Akala mo kung sino kang santa, higad ka rin pala! Dapat sa 'yo ganito!" Hinaklit niya ang mahabang buhok nito at hinila palapit sa banyo. "Ahh, let me go!" "Stop it, Kiara! Huwag kang mang-eskandalo rito!" habol sigaw ni Gabby."Sige subukan mong lumapit at ipagtanggol ang ahas na 'to, sisiguraduhin ko sa 'yo na hihiwalay 'yang matulis mo sa katawan mo!" nanlilisik sa galit ang mga mata ni Kiara na ikina-hinto ni Gabby sa pagsunod."L-Let me go!" "Don't worry, I'll let you go once I'm done with you, whore!" Ini-lock niya ang pinto ng banyo at isinubsob ang ulo ni Diane sa bowl. "N-No, please, don't do it! I'm sorry! I didn't mean to-""You fucking shit! Dahil ba hindi ko maibigay ang gusto niya kaya ikaw ang sumalo, ha? Wow, ang bait mo namang kaibigan! Matagal n'yo na ba ako'ng niloloko? Sumagot ka!" bulyaw niya rito. "I'm sorry, hindi 'yon ang intensyon ko. Mahal ko si Gabby. Nangako siya na hindi mo malalaman ang tungkol dito. Ayaw niyang masira kayong dalawa. Kaya lang-""Kaya lang makati ka! Nakakadiri ka! Pati ako na kaibigan mo nagawa mong traydorin?" Akmang ilulublob n'ya muli ito."Dahil kasalanan mo rin lahat kaya nangyari 'to! Dahil hindi mo kayang ibigay sa kanya ang kaya kong ibigay!" bulyaw nito kay Kiara.Sinampal ito ni Kiara, "Mga wala kayong kwentang tao! Nakakadiri kayo! Ahas! Isinusumpa kong nakilala ko pa kayo!" Tumalikod at iniwan niya ito."Honey, I'm sorry! Magpapaliwanag ako!" samo ni Gabby na nakapatalon na at hubad-baro.Tinaliman ito nang tingin ni Kiara, "Ang kapal din naman ng mukha mo para hingin 'yan sa 'kin? Magdusa ka at habambuhay na dalhin ng konsensya mo ang ginawa mo sa 'kin!" Iyon lang at mabilis na siyang lumisan sa lugar. Saka pa lamang pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata nang makalabas. 'Isinusumpa ko na mula sa araw na ito, hindi na ako magmamahal muli ng mga kagaya mo, mga manloloko!'ANB-47Anong ginagawa mo d'yan? Hindi safe para sa 'yo na magpunta rito," bigla ay narinig niya ang tinig ni Gabby na nasa kanyang likuran. "Ha? Ah, sorry. May mabaho kasi akong naamoy at ayun oh," itinuro niya ito. "Dito nanggagaling," Aniya sabay hakbang palayo sa bagay na iyon. "Baka magkasakit ka d'yan. Mabuti pa pumasok ka na at maglinis. Ako na lang ang maglilinis niyan," anito. "S-Sige! Ano ba kasi 'yan?" Aniya at tumalikod na sa lalaki akmang babalik na sa loob ng bahay."Hindi ko rin alam. Siguro may nagtapon niyan dito," anito. Napansin niya ang bahagyang pagkuyom ng kamao nito. "What? You mean may ibang tao na nasa paligid?" Aniya na muling nilingon si Gabby at saka inilibot ang tingin sa paligid. "We're not sure. Kaya mabuti pa na manatili ka na muna sa loob." Anito at lumapit sa pintong binuksan niya kanina para kumuha ng gamit panglinis. -Ummnn, sige," At tinalikuran na ito. Dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay, habang hindi mawala sa kanyang isip kung ano
ANB-46Magaan at maayos ang pakiramdam ni Kiara nang magising kinabukasan. Kahit pa-paano ay nagkaroon siya ng kaunting kapanatagan matapos niyang makumbinsi si Gabby nang nagdaang araw. Hindi siya sigurado kung sinsero nga ito sa mga sinabi ngunit kahit sa kaliit- liitang hibla ay aasa pa rin siya. Alam niya na iyon lang ang magiging susi niya para makalaya sa kung ano mang kinasadlakan niya ngayon. Mas naging malakas ang loob niya para harapin ang mga susunod pang mga araw niya sa liblib na lugar na iyon. Pumasok siya sa banyo at naglinis ng sarili. Pumili siya ng isang t-shirt at panjama sa mga damit na ibinigay sa kanya ni Gabby. Hindi naman siya maarte kaya ayos lang kung gamit na ba o hindi ang mga ito. Pero mukha namang bago lahat dahil may mga etiketa pa lahat. Ipinusod niya ang may kahabaan na niyang buhok bago nagpasyang lumabas sa silid. Maghahanda siya ng sarili niyang pagkain. Hindi rin siya sigurado kung nasa labas ba si Gabby o wala. Pinakiramdaman muna niya ang pal
"Huh? What is that?" Naibulalas niya habang inililinga ang tingin sa paligid. Natuon ang pansin niya sa bintanang nasasarahan ng makapal na kurtinang kulay brown. Bahagya siyang lumapit doon upang sumilip. Hinawi niya ang takip nito at nasilayan niya ang bahagyang liwanag na dala ng papalabas na buwan. Pinilit niyang aninagin ang nasa labas at wala naman siyang napansin na kung ano roon. Tanging ang mga sumasayaw na dahon ng puno ang nakikita niya dala ng banayad na ihip ng hangin sa paligid. Sinubukan niyang buksan ang bintana ngunit wala siyang nakitang bukasan nito. Tatalikod na lamang sana siya nang biglang may kung anong lumagapak sa salaming bintana sa harapan niya. "Oh my God!" Nabiglang bulalas niya sabay sapo sa kanyang dibdib at halos napatalon paatras sa sobra niyang gulat. Ilang sandali muna niyang kinalma ang kanyang sarili sa malakas na kabog ng kanyang dibdib, bago marahan siyang lumapit muli sa bintana upang tingnan ang kung anong bagay na iyon. At halos manlak
Lihim na napalunok ng kanyang laway si Gabby, bago nakangising hinarap muli ang amo."Mukhang hindi yata maganda ang araw mo ngayon, sir para magsalita ka nang ganyan. Anyway, it's none of my business, kung ano man ang iniisip mo. Ang akin lang, hindi man maganda pero tinatanggap ko naman ang puna mo. Siguro nga mayroon lang akong mga pang personal na problema na hindi ko naman na siguro dapat pang ipaabot sa iyo." Pormal na tugon nito habang isinusuksok ang mga palad sa bulsa ng pantalon nito at bahagyang umiling. "Masakit man mapagdudahan, pero wala naman akong magagawa. It's your opinion," anito sabay buntong hininga."I didn't said anything," pormal na saad ni Tristan. "Yep, you didn't said anything but in your point, there's something in your mind. Kung iniisip mo man na may kinalaman ako about Ms. Sebastian, kinaklaro ko lang na wala akong ibang alam sa kung anong nangyayari. Ginagawa ko lang naman ang trabahong inutos mo sa akin. At iyon ay ang protektahan si Ms. Sebastian. Ng
CHP-43 "S'ya ba ang hinahanap mo, iho?" tanong ng matandang babae kay Tristan ng ituro niya ang babaeng pumasok na naka blazer. Hindi man masyadong kita ang mukha ngunit alam niya na sa pigura pa lang nito ay si Kiara nga iyon. "Oho. S'ya nga po," aniya habang hindi nilulubay ang mata sa screen ng monitor. "Pero nakaalis na s'ya may ilang araw na," Napalingon si Tristan sa matanda na may pagtataka. "Totoo. Umalis na s'ya at hindi rin naman niya nasabi kung saan siya pupunta. Mukhang mahina pa nga s'ya kaso nag pumilit pa rin na umalis." saad ng matanda. "Pero dito po nakuha ni manong ang papel na ito?" sabay abot dito ng kapirasong papel na kung saan nakasulat ang address ng kanyang kumpanya. "Ah, ito ba?" Tiningnan ng matandang babae ang papel. "Ang sabi niya kasi, iabot daw namin ito sa iyo kung sakaling kailangan namin ng tulong. Hindi ko naman alam na nagpunta pala sa iyo ang mister ko. Pasensya na kayo. Okay naman na kami rito." nakangiting tugon ng babae, saka bumalin
ANB-42TRISTAN"Get all these things in here!" Inis at halos pabulyaw na utos ni Tristan pagpasok pa lamang niya sa loob ng kanyang opisina.Halos ilang araw na rin siyang hindi pinapatulog sa sobrang pag iisip at pag aalala. Hindi pa ito nangyari sa kanya kaya talagang aburido siya. At ang isa sa ikina- iinis niya ay ang dahilan nito, si Kiara. Magmula nang tumakas ito sa hospital ay hindi na rin siya natahimik sa pag iisip kung nasaan na ito. Kung maayos at ligtas ba ito sa ngayon. Ewan ba kung bakit masyado naman yata siya ngayong concern sa babae, gayong para rito isa siyang kasuklam suklam na tao. Pabagsak na naupo siya sa harapan ng kanyang working table at napayukong sapo ng mga palad ang mukha. Habang nakatukod ang magkabilang siko sa mesa. Natatarantang napapasok tuloy sa loob ang kanyang assistant. "S-Sir!" Lumapit ito sa mesa at mabilis na sininop ang mga folder na kalalapag lang nito kaninang umaga. "May iba pa po ba kayong kailangan-"Isinenyas ni Tristan ang palad pa