Simula ng mangyari iyun, araw araw na lang ako umiiwas at nagpaka seryoso sa pag aaral. Halos buong taon ako umiwas at nilibang na lang ang sarili sa ibang bagay. Naging abala ako at nagpart time job pa ako sa isang fastfood para lang makadagdag ng gastusin lalo na sa mga projects. Hanggang sa naging third year college na kami, At lalong naging busy ako. Lalo na may mga thesis na at marami na rin akong kaibigan na masasamahan. At ganun din naman si Paul halos bihira na magcross ang landas namin. Parang hindi na nga kami magkakilala. Pero yung sakit na nararamdaman ko ay parang sariwa pa rin. Hanggang sa may nanligaw sa akin. Si Cris, nasa engineering department din siya. Civil engineering ang course nya. Kami naman ni Paul ay chemical engineering ang course. Ok naman si Cris. Mabait naman sya. Matangkad at maputi, medyo jolly kausap kaya napalagayan din ang loob ko sa kanya. Kaya lang kaibigan lang turing ko sa kanya kasi parang lambutin ang tingin ko sa kanya. Napaka mama's boy nya. Parating may pabaon ang nanay nya na gamot at wag daw magpapawis. Maselan din sya, pati sa pananamit dapat plantsado. Parang ikaw ang mahihiyang dumikit sa kanya. Parati syang pumupunta sa classroom at inaantay ako sa labas ng room para sabay kami umuwe. Parang ganun lang araw araw kasi wala naman talaga akong nararamdaman sa kanya. Habang naglalakad kami bigla kong napansin si Paul na parang nakasunod sa amin. Hindi ko pinansin kasi baka nagkataon lang. Ang nakapagtataka lang wala yung Jake na kasama nya parati, mag isa lang sya. Pero hindi ko na lang pinansin kasi nga sino ba naman kasi ako. Marami naman nagkakagusto sa kanya. Hindi ko nga alam kung nakakailang palit na sya ng girlfriend eh. Hindi ko na kasi inaalam ang tungkol sa kanya, simula ng sinabi nyang tantanan ko na sya. During lunch time kumain kami ni Jen sa canteen. At nagkataon naman na kumain din sya. Napapansin kong parati na kaming nagkakasama kahit sa mga group activity, hindi ko alam na kagrupo na pala namin sya. Tapos ngayong kumakain kami ni Jen sa canteen, biglang pasok nya at umorder din sya ng pagkain at dun umupo sa kabilang table na nakaharap sa akin. Ayaw ko man tingnan dahil naiilang talaga ako. Pero habang kumakain sya. Parang titig na titig sa mukha ko. Hindi ko alam kung may dumi ba ang mukha ko o kaya naman baka may kanin. Basta naiilang talaga ako. Tinapos ko agad ang kinakain ko at niyaya ko na si Jen na umalis na kami agad. Kahit dapat nagkukuwentuhan pa kami after lunch dun sa table. Nagtataka nga sa akin si Jen at nagyaya agad ako tumayo. Sabi ko sa may punong mangga na lang kami mag-usap.
" Cris may sasabihin sana ako sayo" sabi ko kay Cris habang hinahatid nya ako pauwe sa bahay. "Ano iyun" sabi ni Cris. "Kasi sinubukan ko naman baka maging okay tayo pero tingin ko hindi talaga eh. Hindi ko kayang ibigay sayo ang gusto mo na maging tayo, magkaiba tayo sa maraming bagay. Hanggang ganito lang talaga ang kaya kung ibigay sayo. Ang manatili tayong magkaibigan". Napabuntong hininga si Cris sabay sabi ng "okay lang ramdam ko naman". Sabay hawak ko sa kamay nya at sinabi ko salamat. Habang magkaharap kami ni Cris at hawak ko ang kamay nya, nakita ko na naman si Paul sa likod ni Cris pero medyo may kalayuan, at parang galit na nakatitig sa akin. Hanggang sa tiningnan ko na talaga sya sa mata, at sabay talikod nya. Hindi ko alam kung bakit. Na dapat matuwa sya at may sari-sarili na kaming buhay. At hindi ko na sya pinapakialaman.Nakaupo si Jen sa may beranda na nakaharap sa dagat habang papalubog ang araw, lumapit si Cris sa kanya na may dalang dalawang tasang kape. Nagitla pa siya nang umupo si Cris sa tabi niya at sabay alok ng kape.Cris "Mahal, nagulat ba kita? Parang ang layo na naman ng iniisip mo? Alam mo, I have this feeling na parang may something na sinasarili mo lang. Baka naman pwede mo sa akin ishare." Jen "Ahmm, alam mo, gusto ko ng sabihin sayo nang papunta pa lang tayo dito, kaya lang hindi pa kasi ako sigurado eh. At saka natabunan na nung nagpropose ka sa akin at ayaw ko namang isingit sa oras ng masaya ang lahat."Cris "Mahal may problema ba tayo? Alam mo sabihin mo na please, lalo akong nag aalala eh."Jen (Dahan dahan ngumiti at uminom ng kape na bigay sa kanya) "Ano ka ba, masyado ka ngayon nag aalala sa akin. Nahuhulaan ko na ang nasa isip mo eh. Huwag kang mag alala, wala akong planong umurong sa kasal. Hindi pa kasi confirmed. Kasi dapat nagkaroon na ako five days ago pa. Pero u
Nang matapos silang mag almusal, napagdesisyunan muna nilang lahat na maligo sa dagat habang hindi pa ganun katindi ang sikat ng araw. Binuhat ni Paul at Cris si lolo gamit mismo ang wheelchair papunta sa dagat habang Inaantay nila si lola para samahan si lolo sa pagliligo. Nagbihis muna ito ng pampaligo kasama sina Nadine at Jen. Unang lumabas si Jen na naka one-piece swimsuit dahil ayaw ni Cris na mag two-piece siya. Sumunod si Nadine, kagaya rin ni Jen one-piece din ang suot. Halos mabitawan ni Paul at Cris si lolo habang nakatingin sa dalawa habang naglalakad papalapit sa kanila. Si mang Berto, mama Emily, Jane at nay Nita naman ay napako ang atensiyon sa sunod na lalabas - si lola. Sapong sapo na ni mama Emily ang kanyang dibdib na para bang natatakot sa susunod na lalabas. Napatawa naman si Nadine at Jen, na kanina pa pala pinagmamasdan silang lahat. "Kinakabahan kayo noh" patawang sabi ni Jen. Biglang takbo ulit si Jen papunta kung saan naroon si lola. Habang hindi pa nila n
Sa bahay ni Cris Magkahawak kamay si Cris at Jen habang naglalakad sa baybayin pauwi sa bahay. Si nanay Nita at Jane naman ang magkasama na naglalakad sa likod nila. "Ehemmm, baka naman pwede nyo na akong bigyan ng apo niyan" biglang imik ni nay Nita at napahalakhak naman si Jane. "Nay gusto mo simulan na namin ngayon gumawa habang maaga pa" saad naman ni Cris. "Jen anak, dapat nanay na rin itawag mo sa akin ha, at saka huwag kang mahihiyang lumapit sa akin kung ano man ang problema ninyong dalawa" dagdag pa ni nay Nita. "Opo nanay" matipid at masayang sagot ni Jen. Tahimik lang si Jen habang naglalakad sila pauwi, nang makarating na sila sa bahay nagpaalam na si nay Nita at Jane na matutulog na at ngumiti lang si Jen habang tinitingnan sila na kanya kanyang pasok sa mga kwarto nila. Inakbayan siya ni Cris patungo sa kwarto nila. "Mahal, may napansin lang ako sayo ngayong gabi habang papauwi na tayo na napakatahimik mo" seryosong tanong ni Cris na may halong pag aal
"Babe naman eh, ayan ka na naman" sabi ni Nadine, pero may lambing na ang boses niya at babe na ang tawag niya kay Paul. "Babe ulitin mo nga ang sinabi mo? Ang sarap pakinggan ng boses mo lalo na pag malambing at lalo na pag naririnig ko na babe na ang tawag mo sa akin." ""Babe mahal na mahal kita, is that enough?" pabulong ni Nadine kay Paul. Niyakap siya ni Paul sabay sabi nang..."Babe sampalin mo nga ako?" "Hala, bakit?" takang tanong ni Nadine. "Kasi gusto kong malaman na lahat nang nangyayari sa atin ngayon ay totoo na at hindi kagaya dati noong andito tayo sa resort na eto. Pag uwi natin nag iba ka na." Ngumiti si Nadine sabay hinalikan siya nito. Ginantihan naman niya ito ng yakap at kinulong na niya ito sa mga bisig niya habang nakaupo lang sila sa kama na wala pang naisusuot na damit. "Babe naalala mo yung pumunta ka dati sa boarding house at isusuli mo nga ang backpack ko at tinawag mo akong babe?". Tumango lang si Nadine at ngumiti. "Gising ako nun, at baka pag hi
Para mas lalong romantic ang gabing iyun, binulungan ni Cris si Jen. Nagrequest sya ng isang love song mula kay Jen. Gusto ulit niya marinig ang magandang boses nito. Nawala kasi ang music after ng presentation, kaya muling nagpatugtog ulit at tumayo na si Jen para kumanta. "Ladies and gentlemen, good evening. I would like to serenade the beautiful couple, Nadine and Paul, with a song. And to you as well, mahal." nakangiting sabi ni Jen habang nakatingin kina Paul at Nadine. At syempre sa kanyang pinakamamahal na may kasamang irap sa huli, kaya napatawa na lang si Cris. Pati sila lola at Nay Nita napatawa sa inasal ni Jen, alam din nilang medyo jolly type ang kagaya ni Jen. Nagsimula na siyang kumanta, biglang napatayo silang lahat sa pagkabigla at hindi nila inaasahan na maganda ang boses ni Jen na pwede ng ilaban. At si lola napapalakpak at gandang ganda sa boses ni Jen. Si mama Emily naman napaiyak, iyun ata ang kanilang theme song ni mang Berto. Medyo luma na kasi ang piniling k
Biglang tumayo sila mama Emily at lola nang makita na nila sila Paul. "Andito na pala sila, pwede na ba tayong pumunta?" tanong ni mama Emily sa kanila."Anong oras na ba?" sabi naman ni Jen."Seven o clock na, tara na, mukhang ready naman na ang lahat. Lalo ka na babe" sabi naman ni Paul habang papalapit kay Nadine at ginawaran pa niya ito ng halik, sabay bulong nang "ang ganda mo talaga babe, parang mahihirapan ako nito"."Bakit""Kasi ang hirap pigilin ng nararamdaman ko sa tuwing katabi kita". "Eh, doon na lang ako matutulog mamaya sa kwarto nila lola, para hindi ka na mahirapan, ganun lang kasimple yun.""Wag naman ganun babe, parusa na ang gagawin mo sa akin eh." "Ewan ko sayo, hirap mong kausap" natatawang sabi ni Nadine, habang akbay siya ni Paul na naglalakad papunta sa venue. "Sila nay Nita at ate Jane?" tanong ni Nadine kay Paul."Andoon na yata, kasi mas malapit sila doon eh". Sakto at andoon na rin si nay Nita at Jane sa venue. Nakahanda na rin ang mesa nila. Halo