Share

Chapter Three

"May tanong ako?" rinig niyang sabi ni Riza na katabi lang niya ng upuan. Abala siya sa kakalaro sa cellphone niya habang ito naman ay nagtitingin sa kaganapan sa paligid nila at nililinis ang salamin nito.

Huling araw nila ngayon sa foundation day ng school nila. Wala namang masyadong ganap dahil awarding lang naman ang mangyayari at konting program na rin na hindi naman mawawala.

"Wala akong sagot." barumbado kong sagot sa kanya. Inirapan lang ako nito at umayos ng upo.

" May nangyari ba sa inyo ni Allen?" kahit alam niya kung sino ang tinutukoy nito ay nagkunwari siyang walang alam.

Pagkatapos rin kasi ng huling sagotan nila ay hindi na nasundan pa kahit mag ka kapit village lang naman sila ng tinitirhan.

"Sinong Allen?"

"So may nangyari nga" hindi ko alam kung nagtatanong ba siya o ano.

" Sino ba si Allen?"

"Seeing how you reacted alam kung may nangyari. At pwede ba wag mo kong artehan alam mo kung sinong tinutukoy ko." sabay suot sa salamin nito.

"Sa susunod wag kang magtatanong kung hindi ka handang tanggapin yung sagot ko."

"Okay sige! para malinaw nag-usap ba kayo ni Allen Preston Javier?" may panunuya pa sa mukha nito. Sinapian na naman yata ang gagang to.

Never did she imagine that Riza could be this annoying and full of questions. Among the three of them she was always the silent one and would always prioritize her book. She could remember the first time she met Riza. Her first impression is that she was nerd since she's wearing thick glasses, thick books and neat uniform. Pero nung nagsimula na ang klase natuklasan niya na hindi naman talaga ito nag-aral dahil ang makapal na libro laging dala nito ay may romance novels pala sa gitna na laging binabasa nito. Aakalain mong nag-aaral ito dahil seryosong-seryoso ang mukha nito.

Hinawakan ko ang kamay nito at hinigpitan ang hawak. "Alam mo pansin ko nitong mga nakaraang araw, pakiramdam ko nagbabago ka at parang hindi na ikaw si Riza...hindi ikaw yung Riza na tahimik lang at laging may librong dala...." naningkit ang mata nito pero hindi naman tinanggal ang kamay nito sa pagkakahawak ko. ".... magpaggamot ka kaya sa albularyo, may sapi kana eh" sabay tapik sa kamay nito.

"Ikaw yung may sapi may pa drama-drama ka pang nalalaman."

Masungit lang niya itong tinignan.

"I just want a change for myself since tapos na rin naman ako sa huling libro ko, I decided to focus my attention on other things at the same discovering myself. Change!"

"Yeah! and somehow you decided to focus your attention on me, well, for your information I have a boyfriend and...you are being disrepectful by convincing me to date an ass...."

Natahimik ito sa sinabi niya. Knowing this girl she must have realized it and one thing I know about Riza is that she hates betrayals that includes cheating as well as being disrespectful, this girl valued privacy and boundaries so much. Kagagawan ng kababasa ng librong pag-ibig.

Kaya nakapagtataka talaga na bigla na lang itong naging interesado sa lovelife niya more so ang ipagtulakan siya sa iba.

I smirk at her and sit straight while folding my both arms. Look like I'm winning seeing her shock expression made me so damn happy.

She went silent before she showed me her apologetic face. " Okay! I'm sorry. I went overboard." she let a sigh.

I just shrugged my shoulder. Hindi naman talaga big deal sa'kin ang pagtatanong niya at pangungulit, hindi ko lang talaga gusto pag-usapan ang lalaking iyon dahil nagngingitngit siya sa galit sa tuwing bumabalik sa isip niya ang huling sagutan nila.

"May tanong ako."

" Ano ba?"

"I respect other peoples boundaries but..you're different, you're my friend." Pabiro pa nitong siniko ang tagiliran niya.

"Ano?" magaspang niyang tanong dito.

"Bakit ka nakipagrelasyon sa kanila with no feeling involve?.. I mean.. isn't it a waste of time."

Natawa siya sa sinabi nito.

"What are we? Thirty years old..." inakbayan niya ang kaibigan. " girls like our age we just love the idea of love. That's all there is."

"You don't look like one, though"

Nagbingibingihan siya sa naging sagot ng kaibigan at hindi na lang ito pinansin. Sakto naman na tinawag ito ng isang kaibigan niya na taga-ibang strand.

Naka receive siya ng isang text galing sa kaibigan niya na si Athena. Humihingi ito ng favor sa kanya kaya doon natuon ang pansin niya.

Athena:

Nics I have a favor to ask but you just have to say yes. I promise it's nothing illegal or what?

Nicah:

Tell me then

Athena:

I can't. Promise hindi kita ipapahamak.

Nagdadalawang isip siya pero dahil ang kaibigan naman niya ang humihingi ay kampante siyang pumayag sa favor na hinihingi nito.

Nicah:

Okay

Athena:

Thanks.

May pa emoji pa itong sinend sa kanya. Napangiti siya. Maliit lang naman ito kumpara sa nagawa ng kaibigan sa kanilang mag-ina. Kahit yata anong hilingin nito ay gagawin niya na bukal sa loob niya.

Nang inangat ang tingin ay nakita niya ang dalawang pares ng matang nakatingin sa kanya. Para siyang tinutusok sa klase ng tingin nito. Umiwas na lang siya ng tingin dahil baka hindi niya mapigilang irapan ito.

Mas mabuti nang umiwas kaysa magkairingan ulit sila. Mahirap na. Nang mag-angat siya ng tingin ay wala na ito sa kinatatayuan niya.

Nagulat siya ng marinig ang boses ng kaibigan. Nakabalik na pala ito ni hindi man lang niya napansin.

"Something's off with him. " sabay nguso nito sa pigura ni Allen sa palayo na.

"Why?"

"Masyado siyang seryoso habang naglalaro at parang galit. Alam mo yun."

"Maybe he just wanted to win."

" Hindi naman ganoon kalaki ang laro na'to no at isa pa hindi siya ganoon kaseryoso sa tuwing naglalaro siya, sa tingin ko may something talaga" sabay tingin sa gawi ko.

Binabawi ko na ang sinabi ko na she knows how to respect boundaries and privacy coz she isn't.

"Tara! library tayo. Hanap tayo ng libro at isasaksak ko sa bibig mo hanggang sa tumahimik ka." I said it with annoyance. Tumayo na rin ako at aalis na sana.

"Foundation day, tapos library punta natin. Ayoko!" napanguso pa ito

"Then tumahimik ka"

She started walking but stop when she found out that Riza is no longer following her. Did she just run? Nicah could not believe what her friend just did.

She let out a loud sigh.

"My god stress!" pagak na lang siyang natawa bago tuluyang nagpatuloy sa paglalakad.

Pero muli rin siyang napatigil dahil wala rin naman siyang mapupuntahan. She suddenly felt tired and just wanted to take a nap. Babalik na lang sana siya kaya lang naisip niya na pagbumalik siya magiging kawawa lang siya dahil puro couples lang na naglalambingan ang dadatnan niya do'n.

This is also the reason why she hates school program and activities so much dahil ang hirap maghanap ng tatambayan na hindi ka magmumukhang kaawa-awa. Lagi kasing natitira sa room nila ay ang couples na naglalandian o di kaya ay introverts. Isa lang naman ang introverts sa room nila who turns out to be fake.

And her classmates has the guts to say that we are a family but ended up having a relationship with one of their classmates. I guess family stroke does exist in their room.

Mas maganda pa pala talagang mag-jowa na hindi mo classmate or schoolmate. Dahil ngayon na nakikita niyang naglalandian ang mga ito ay hindi niya maiwasang mandiri at mapangiwi sa kakornyhan ng mga ito.

Gumawi na lang siyang canteen dahil wala din naman siyang mapuntahan.

Nagtitingin siya ng mga naka displayng pagkain pero wala siyang magustuhan kaya kumuha na lang siya ng isang yakult at fudgee bar.

Paliko na siya ng muntik na siyang mabunggo sa isang pader-hindi pala pader kundi tao.

Nang mag-angat siya ng tingin ay agad uminit ang ulo niya. Bakit ba lage na lang niya itong nakakasalubong.

The guy was towering over her. He could practically smell his natural scent dahil hanggang balikat lang din naman siya nito. Wearing his complete uniform with his signature look is guy who was every girls dream boyfriend.

Kahit uniform lang naman ang suot nito ay hindi maipagkakaila ang pagiging gandang lalaki nito at kahit ihalo mo siya sa dami ng tao he will still stand out on his own.

Now that the guy is so close to her gives her the chance to see his face clearly. His perfect jaw line, his dark browned eyes, pointed nose and kissable lips. Yung labi niyang mukhang malambot, that say something about his lifestyle. This guy must be drinking eight glasses of water a day and lastly, his messy hair.

Hindi namalayan niya namalayan na sinusuri na pala niya ito buti na lang talaga at nauna niyang pinakita ang galit na tingin dito kundi malamang sa malamang iniisip na nito na palihim na ina-admire ito. That would be embarrassing.

Sapat na siguro ang galit na tingin na binigay niya rito kaya inirapan na lang niya ito bago tuluyang lampasan.

May konting dabog pa ang paglakad niya sa lamesang bakante sa canteen. Buti na lang talaga at wala masyadong tao sa canteen kaya safe siyang walang nakakita sa ginawa niya.

Dahil glass nga pader ng canteen nila ay tanaw niya ang labas kaya nalibang siya habang kinakain ang binili. Nasa first floor lang ng kabilang building ang canteen nila kaya kita niya rin ang gym nila sa gawi niya. Hindi nga lang niya tanaw kaganapan mismo dahil natatakpan ito ng mga nanonoond.

She spotted Athena with her group na nagkakatuwaan. Hindi niya tuloy napigilang mapangiti. Ewan niya ba pero sa tuwing nakikita niyang nakangiti ito ay napapangiti na rin siya. She once even said to herself that aside from her mother that she would protect with her life she is also willing to do that for her. Somehow she could feel that something was making her friend sad. Pero ayaw niya itong pangunahan dahil gusto niyang ito mismo ang magkwento kapag handa na ito.

Hanggang sa makaalis ang grupo nito ay nakatanaw lang siya dito.

Umiinom pa siya ng yakult kahit wala na itong laman nang bigla na lang may naglapag ng dalawang pack ng yakult sa harap niya at isang pack rin ng fudgee bar.

"Peace offering" may konting ingay ang paglalapag nito ng snacks na nagpatalon ng konti sa kanya.

She could now feel her heart beating so fast and it was uncontrollable

Hindi niya nakita ang mukha nito dahil pagkatapos ng binitawang salita nito ay agad itong tumalikod ni hindi siya nakapagsalita man lang sa gulat.

Kahit hindi niya nakita ang mukha nito ay kilalang kilala naman niya ang likod nito.

Ano daw? Peace offering?

Nakatingin lang siya sa snacks na nasa harap niya na gulat na gulat pa rin. When she recovers from the shock she instantly covers her mouth and look at the surroundings to see if may nakakita ba sa ginawa nito.

Nanlaki ang mata niya ng makita ang mga matang nakatingin sa gawi niya. Mahina siyang napamura at murahin din ang lalaking naglagay sa kanya sa sitwasyong ito.

There were a few pero tingin niya ay freshmen ang mga ito at sa tindera na pinagbilhan ko ng yakult. She could feel her face turning red kaya dali-dali niyang kinuha ang nilapag nitong snacks at dali-daling lumabas ng canteen.

Nakita pa niya ang iba na napasulyap sa gawi niya dahil nga sa pagmamadali niya nagmumukha tuloy siyang magnanakaw sa dami ng bitbit niya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta pero di kalayuan natanaw niya ang kaibigang kanina lang ay iniwan siya, ang mas malala may plastic itong dala-dala na winawagayway pa habang tumatawa.

Nang makalapit ito ay agad nitong nilahad ang plastic na dala at wala sa isip niyang pinasok ang pagkain na dala. Mas lalong tumawa ang kaibigan niya.

"Peste ka!" hindi niya napigilang murahin ang kaibigan. Pero hindi man lang ito natinag at kinuha pa ang kamay niya at saka sila tumakbo pero tawang-tawa pa rin ito.

Ngayon nagmumukha na siyang magnakakaw ng yakult at fudgee bar at may kasabwat pa siyang baliw na may apat na mata.

Ang sarap sumigaw at magmura.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status