Share

Chapter 5

Author: Athengstersxx
last update Last Updated: 2025-05-12 14:00:31

Dahil sa labis na takot ay hindi na nagsalita pa si Alyanna. Nakatingin lang siyang maigi sa kanyang boss, kinagat niya ang kanyang labi.

Ayaw na rin ni Alyanna na magbigay respeto sa kanyang boss, hindi na siya nagpaalam dito at bigla na lang tumalikod.

Paalis na sana siya nang biglang nagsalita ang kanyang boss, “Oops, saglit lang. Hindi ka ba man lang magpapaalam sa akin? Ano iyon, basta mo na lang akong tatalikuran?”

Dahil sa narinig ay humarap ulit si Alyanna sa kanyang boss, galit pa rin ang kanyang mga mata at seryoso ang boses, “Para saan pa? E bastos ka namang kausap, hindi ba?”

Nang marinig iyon ng kanyang boss ay mas lalong nag-elevate ang galit ng boss ni Alyanna sa kanya. Sumigaw ito.

“Aba, at talagang bastos ka nga, ano? Gusto mo bang ma-rape at mamatay ngayon na rin? Kasi, pwede naman!”

Lumapit na ang boss ni Alyanna sa kanya at pilit na hinalikan siya sa kanyang labi. Ilang minuto pa ay sa leeg na niya ito hinalikan. 

Si Alyanna naman ay todo piglas at umiiyak na dahil sa nangyayari.

“Hindi! Boss, huwag niyo pong gawin sa akin ito! Please po!” pagmamakaawa pa niya pero patuloy lang sa paghalik ang lalaki sa kanya.

Naghubad na ang boss ni Alyanna sa pang itaas nito dahil nag-iinit na siya nang biglang tinadyakan ni Alyanna sa may private part ang kanyang boss.

Pagkatapos noon ay agad na tumayo si Alyanna at binuksan ang pinto para siya ay makalabas na sa empyernong kwarto na iyon.

“Aaah! Ang sakit-sakit! Gaga kang babae ka! Humanda ka sa akin! Hindi ako papayag na hindi ako makakaganti sa iyo!” sabi ng kanyang boss habang hawak-hawak ang kanyang private part.

Susundan niya sana si Alyanna pero agad siyang pinigilan ni Kira.

“Boss, teka muna! Huwag ka munang umalis, wala ka pang damit pang itaas! Saglit lang!” 

“Damn it! Bilisan mo, hindi ko na maabutan ang babaeng iyon! Aaah! Aray! Masakit pa rin!” 

“Ikaw naman kasi boss, hindi ka pa makuntento sa akin! Sa totoo lang, gusto kong magselos sa inyong dalawa dahil ginawa niyo iyon mismo sa harapan ko!”

Galit na galit na sumagot ang boss, “Kira, pwede ba? Tigilan mo ko sa selos-selos na iyan?! Sige na, hahabulin ko pa si Alyanna!”

Pagkasabi noon ay lumabas na ng opisina ang boss. Si Kira naman ay nanatili lang doon, kinakausap ang kanyang sarili.

“Bakit? Hindi ba pwedeng magselos? Dati kaya, kami ang gumagawa noon! Tapos ngayon, kay Alyanna naman siya? Pambihira talaga ‘tong si boss eh!”

Sa kabilang banda ay palabas na ng building si Alyanna, tingin siya nang tingin sa may likod niya dahil natatakot siyang baka maabutan ng kanyang boss.

Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili pero wala, takot na takot pa rin siya sa kanyang boss dahil alam niyang papatayin talaga siya nito kapag nagkita sila.

Paglabas ni Alyanna sa building ay hindi siya nakaiwas sa isang itim na kotseng padating sa gawi niya.

Masyadong mabilis ang takbo ng Maybach, at hindi na nakaiwas si Alyanna dito. Biglang nanlaki ang kanyang mga mata at namutla ang kanyang mukha. Sa sobrang takot, nanghina ang kaniyang mga tuhod at napaluhod siya sa kalsada, nakahawak siya sa lupa habang nanginginig. 

Hindi niya alam noon kung dahil pa ba sa boss niya kaya siya nanginginig o dahil sa kotse na iyon. Naghalo-halo na kasi ang emosyon niya noong mga oras na iyon.

Akala niya ay mamamatay na siya, pero huminto ang kotse sa mismong harapan niya.

"Ka—"

Iyon ang emergency brake.

Matindi ang pagkiskis ng mga gulong sa lupa, kaya’t napakatalim at nakabibingi ang tunog ng preno nito.

Sa kabila nito, hindi pa rin makabawi si Alyanna mula sa takot ng muntikan niyang kamatayan.

Nanginginig pa rin ang buong katawan niya, pinagpapawisan ng malamig, at nangingiwi ang mga kalamnan sa kaniyang mukha habang nakatitig siya sa kotse na parang tulala.

Dahan-dahang bumaba ang bintana, at isang driver na naka-amerikana at kurbata ang sumigaw sa kaniya nang galit, “Gusto mo bang mamatay?! Aba, kung oo, huwag mo kong isama! Mahal ko pa ang buhay ko at may pamilya pa kong uuwian ‘no!”

“Pa… pasensya na…” Sa pagkakasigaw sa kaniya, natauhan si Alyanna, at gumapang paatras pabalik sa gilid ng kalsada. Sa gitna ng luha sa kaniyang mga mata, nakita niya si Clark sa loob ng kotse, at biglang nanigas ang kaniyang katawan.

Ang mukha nito’y singlamig ng dati, parang mga yelong hindi natutunaw. Ang mga mata nito na  tila parang sa agila ay nakatitig sa kaniya, at ang lamig sa tingin nito ay mas matalim pa kaysa sa ekspresyon niya sa mukha. Sa susunod na sandali, agad nitong iniwas ang tingin.

Napatigil si Alyanna at nanlamig ang puso. Tumulo ang mga luha sa kaniyang pisngi dahil naalala na naman niya ang mga sandali noon na kasama pa niya si Clark.

Kung noon ay makikita siya ni Clark sa ganitong kalagayan, tiyak na bubuhatin siya nito papasok sa kotse. Hahanapin ang mga nanakit sa kaniya upang gumanti. Pero ngayon, ni hindi man lang siya nito pinansin.

Mabilis na umalis ang kotse, at tuluyan nang nawala sa paningin niya ang malamig na mukha ni Clark, na para bang hindi sila kailanman nagkakilala.

Dati silang malapit, pero ngayon ay para na silang strangers ng isa't isa.

Napapalibutan siya ng ilang tao dahil alam nilang kailangan ni Alyanna ng tulong. Pero agad niya itong sinabihan.

“Huwag na po kayong mag-alala sa akin, konti lang naman po ang sugat ko. Kayang-kaya ko na po ito. Maraming salamat na lang po sa mga gustong tumulong.”

Lumapit pa ang iba sa kanya.

“Sigurado ka ba, hija? Kaya mo na talaga? Aba, dadalhin ka na lang namin sa ospital para matingnan ka ng doktor doon!” sabi ng isang matandang lalaki.

Umiling si Alyanna at nagsalita, “Hindi na po talaga. Okay na ako. Maraming salamat po sa pag-aalala niyo.”

Dahan-dahan siyang tumayo habang umiiyak pa rin ng konti at tumatawa sa sarili, duguan ang kaniyang mga palad at tuloy-tuloy din ang pag-vibrate ng kaniyang cellphone sa bag. May tumatawag, pero ang pangalan na lumabas sa screen ang nagpayanig sa buong katawan niya.

“Mama..” nanginginig ang boses niyang sagot sa tawag.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 92

    Hindi inakala ni Alyanna na babalik siya sa dati niyang trabaho bilang isang entertainment reporter at lalong hindi niya naisip na ang una niyang assignment mula sa kanyang boss ay ang makapanayam ang isang artista na si Kim Lee.Sikat na sikat si Kim Lee sa mundo ng showbiz. Katulad ng biglaang pagsikat ni Lou, siya rin ay sumabog ang kasikatan nang magdamag at agad nagkaroon ng napakaraming tagahanga. Kilala rin siya bilang mayabang, mahilig magpasikat, at palaban sa mga bashers niya.Maraming reporter na nakapanayam siya ang umamin na mas gugustuhin pa nilang mamatay kaysa ma-interview siya ulit. Ganito kahirap pakisamahan si Kim Lee.Ang ideya na ito ng kanyang unang assignment ay nagbigay ng matinding sakit ng ulo kay Alyanna.“Miss Suarez, andito na tayo,” tawag ng cameraman habang binubuksan ang pinto ng sasakyan at bumaba.Dahil abala pa si Kim Lee sa paggawa ng bagong drama, sa mismong set gagawin ang interview nila. Si Kira, na sumama kay Alyanna, ay may hiwalay na iniinterv

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 91

    Walang isa man sa opisina ang naglakas-loob na magsalita. Kita ng lahat na galit na galit ang direktor, at kung sino man ang unang magsasalita, siguradong madadamay sa gulo. Sa sandaling iyon, biglang pumasok si Alyanna sa opisina ng News Department. "Pasensya na, nalate po ako," hingal niyang sabi habang nakatayo sa may pintuan, magulo ang buhok at pawis na pawis. "Director, siya po ang bagong reporter na kinuha kahapon ng HR department, si Alyanna," sabi ng isa, sadyang malakas ang boses para marinig ng lahat. Kumunot ang noo ni Alyanna at agad na tumingin sa pinanggalingan ng boses. At ayun nga, si Kira, ang mortal niyang kaaway. Talagang kapag minamalas ka, kahit saan ka lumiko, andiyan ang mga taong ayaw mong makita. Tumingin ang director kay Alyanna na may halatang pagkainis. "Bawasan ng sampung puntos ang performance score ng babaeng iyan. Huwag ka nang malelate ulit." Huminga nang malalim si Alyanna at napangiti ng bahagya. Mabuti na lang at hindi siya natanggal. Nap

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 90

    Nararamdaman ni Alyanna na parang naipit ang ulo niya sa pinto kagabi kaya niya hinamon nang todo ang pasensya ni Clark kaninang umaga. Kahit sa paglalakad ay nanginginig ang kanyang mga binti at paa. Masakit. Argh! Bwisit! Magdamag siyang pinagpuyat, at ngayon, late pa siyang dumating sa TV station. Napatingin siya sa oras sa kanyang relo. Bwisit! Limang minuto na lang ay late na siya. Ayaw niyang ma-late sa unang araw ng trabaho at mag-iwan ng masamang impresyon sa boss niya, kaya kumaripas siya patungo sa elevator na parang rocket. “Sandali lang!” Sigaw ni Alyanna, halos maubos ang boses habang tumatakbo, ngunit dahil parang may sira ang preno ng katawan niya, hindi niya na-kontrol ang sarili at bigla siyang bumangga sa isang tao. “Aray!” sigaw ng taong nasalubong niya. “Sorry, sorry,” mabilis na sabi ni Alyanna, agad niyang inalis ang paa sa natapakan niyang sapatos at magalang na humingi ng paumanhin. “Umalis ka nga riyan!” Isang pares ng kamay ang marahas na nagtul

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 89

    Si Clark ay nakasuot ng pink na apron na may mga cartoon na disenyo. Hubad ang kanyang mga binti sa ilalim, na para bang nakasuot lang siya ng underwear. Nakakatawa pero sabay na nakakaakit ang itsura niya.Ang ikinagulat ni Alyanna ay ang dalawang plato ng pasta na hawak nito!Marunong palang magluto ang lalaking ito!Ilang taon na niyang kilala si Clark, pero ngayon lang niya nalaman na marunong pala itong magluto!“Ano? Hindi mo na ako nakikilala?” mahinahong sabi ni Clark habang maingat na inilalapag ang pasta sa mesa, saka dahan-dahang tinanggal ang apron at itinapon iyon sa gilid.Tama nga ang hinala niya, underwear lang ang suot nito sa ilalim ng robe. Pero dahil maiksi lang ang robe, hindi nito natatakpan ang mahahaba nitong mga binti. Payat at perpekto ang hubog, walang kahit anong taba, at ang kutis nito’y kasing puti na kayang ikahiya ng maraming babae.Halos lumuwa ang mga mata ni Alyanna habang nakatitig sa napakagandang mga binti nito, pakiramdam niya’y dumadaloy na ang

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 88

    Sa isang iglap, hindi mapigilan ni Alyanna ang panginginig ng kanyang puso.Para siyang nakuryente, nanigas ang buong katawan, at naglaho ang lahat ng laman ng kanyang isipan.“Ho-honey… a-ako…” pautal-utal niyang bulong, ni hindi niya alam kung ano ang gusto niyang sabihin.“Gusto mo ba ng halik na ganito?” malamlam ngunit puno ng pang-akit ang tinig ni Clark, habang bahagyang kinakagat ang kanyang mga labi. Ang boses nito’y mababa, paos, at nakakabighani.“Hi-hindi,” iiling-iling na sagot ni Alyanna, halos hindi makatagal sa init ng tingin ng asawa.“Kung gano’n, subukan natin ang ibang paraan.” Mabilis na hinawakan ni Clark ang kanyang dila, at ang mga halik nito’y naging mas mapusok, mas mariin, at mas mapang-angkin.Napayakap siya nang mahigpit sa matipunong likod ng lalaki, tila ba wala na siyang ibang magagawa kundi ang sumabay sa agos ng nagbabagang damdamin.Habang magkahinang ang kanilang katawan, ramdam ni Clark ang mabilis na pag-akyat ng kanyang dugo, at hindi na niya map

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 87

    “Pipilitin mong mahalin ang isang taong hindi mo naman gusto? ’Yan ang totoong pananakit. Hindi lang para sa’yo, kundi pati kay Gilbert. Karapat-dapat si Gilbert sa mas mabuting babae.”“Susubukan ko siyang kausapin mamaya.” Alam ni Clark na matagal na silang magkaibigan ni Gilbert kahit pa magpinsan sila at sabay na dumaan sa hirap at ginhawa. “Wala namang dahilan para tuluyang masira ang pagkakaibigan dahil lang sa pumalpak ang isa sa pag-ibig.”Ngumiti si Lou, malapad ang ngiti na iyon sa kanyang labi. “Advance thank you! Kapag kailangan mo ng tulong in the future, sabihin mo lang.”“Huwag mo na sabihing ‘future’ kasi kailangan ko na ng tulong mo ngayon,” sabi ni Clark, sabay taas ng tingin sa kanya.Kumindat si Lou at kumaway ng parang hari. “Sige, sabihin mo lang sa akin kung ano iyon. Basta kaya ko, walang problema sa akin iyan.”“Hindi naman malaking bagay,” wika ni Clark. “Si Alyanna, gusto niyang magtrabaho. Journalism ang major niya, at since close ka sa mga tao sa TV statio

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status