Share

Kabanata 5

Sa isang iglap, ngayong gabi rin mismo, nakasakay si Yasmien sa isang mamahaling van na sasakyan na hindi niya pa nakita sa tanang buhay niya.

Napakabango sa loob, at kahit na kulay itim ang mga kagamitan sa loob ay kitang-kita niya ang kanyang repleksyon sa sobrang kinang niyon. Inisip niya, na pwedeng-pwede siyang manirahan sa loob ng van.

“Masaya ako na kasama na natin si Mommy pabalik sa mansyon!” habang nakakandong si Lance sa mga hita ni Yasmien ay hindi maitatago ang masaya nitong mukha.

Si Rence, na siyang hindi nakakaintindi sa mga nangyayari ay natutuwa ring pumalakpak nang makitang masaya si Lance sa tabi nito.

Samantalang sa kaharap nilang upuan, ay madilim ang pagmumukha ng lalaking nakasuot ng suit. Magkakrus ang mga braso nito habang nakaupo ng de kwatro. Sa tabi rin nito ay ang nakasimangot na si Leo.

“Ano, um, salamat.” nahihiya man ay pilit kinakapalan ni Yasmien ang mukha. “Salamat sa pagpayag sa munting kahilingan ni Lance sa pagsama niyo sa akin.”

“Hindi naman ‘yon kahilingan, banta ‘yon, eh,” sarkastikong tugon ni Leo sa kanya.

“Leo,” sinamaan ng tingin ni Lance ang kapatid. “Huwag mo ngang kausapin sa ganiyang tono si Mommy. Wala kang respeto.”

Mas lalong napabusangot si Leo, halatang masama ang loob. “Hindi mo alam kung anong gulo ang pinasok mo, Lance.”

“Handa ako sa consequences. Basta makapiling ko lang ulit si Mommy!”

“Ahehe,” awkward na ngumiti si Yasmien at hinagod ang likod ni Lance. “Huwag kayong mag-away, baka umiyak ulit si Rence.”

Ang malalaki at mapupungay na mga mata ni Lance ay nagningning habang nakatingala sa kanya. “Yes po, Mommy.”

Paano nga ba siya napunta sa ganitong sitwasyon? Ang totoo niyan, noong magbanta si Lance na hindi ito sasama pabalik sa kanilang mansyon ng hindi siya kasama, ay kaagad na sumuko ang kanilang ama na mukhang mamamatay-tao.

Sinabi sa kanya ng lalaking iyon ‘Fine. Come with us right this instant.’ Kaya naman dali-daling inimpake ni Yasmien ang kanyang mga damit, kagamitan at lahat ng pagmamay-ari niya, sinilid niya sa plastic bag.

Sa isipan niya, ito na lamang ang natatanging pagkakataon sa buhay niya na binigyan siya ng daan para makatakas sa piling ni Carding. Sawa na siyang umiyak sa pangmamaltrato nito at ayaw niya sa kasalukuyang hirap ng kanilang buhay. 

Kung kinakailangan niyang gamitin ang amnesia niya para libreng makatira sa isang mansyon ay gagawin niya! Kung kinakailangan niyang utuin ang mga batang ito ay gagawin niya. Aakto siyang mga ina nito o kahit yaya ng mga ito, basta kung kapalit nito ay makakakain siya ng tatlong beses sa isang araw, hindi malapa ng mga insekto, at hindi mapisikal ng kahit sino.

Alam niyang mapoprotektahan siya ni Lance laban sa mamamatay-taong ama nito na kanina pa matalim ang pagkakatitig sa kanya.

Mukha namang lumalambot at tumitiklop kaagad ang lalaking ito sa isiping mawawala rito ang sariling mga anak.

***

“Mommy, okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni Lance sa kanya pagkalabas nila ng airport.

Naka-ilang suka na si Yasmien at nanlalambot na ang kalamnan niya. “Hindi ko naman alam na kailangang bumyahe ng tatlong oras sa van at sumakay ng elikapter bago makauwi sa inyo. Grabe, ang layo ng narating niyo para lang matunton ako, ah?”

May pagmamalaking napahagikhik ng tawa si Lance habag hawka ang isang kamay niya. “I was dedicated and desperate to find you, Mommy, that's why! Pero what's elikapter? The thing that we just ride is called a private jet, Mommy.”

“Private jet?” namilog ang labi ni Celeste sa paghanga. “Wow, hindi ba ‘yung jet, ayun ‘yung sinasakyan papuntang outer space?”

“H-Huh?” natameme si Lance.

“Brainflux!” si Leo na nakikinig lang sa usapan nila ay napahiyaw bigla. Inayos nito ang suot na salamin sa mata habang tingala-tingala si Yasmien. “Old lady, private jets and rockets are different things. Private jets are not designed to fly in outer space. They are designed for atmospheric flight within the Earth's atmosphere. White rockets are commonly used in space exploration, satellite launches, and intercontinental ballistic missiles! This is one of the possible reasons why you can't be our mother! You have brainflux!”

Nahilo lalo si Yasmien sa sinabi ni Leo. “A-Ano raw? Anong brainflux? Sakit ba ‘yon?”

“Urgh!” nasapo ni Leo ang sariling ulo, wari'y hindi kaya ang pagiging ‘hindi matalino’ ni Yasmien.

“Leo! Stop being rude to our mother! Kung wala ka namang magandang sasabihin, pwede bang ‘wag ka nang dumikit sa amin? Nakalimutan mo na bang may amnesia siya? I'm sure mommy is way smarter than daddy!” umaasa si Lance na tumingala muli sa kanya. “Right, Mommy? Alam kong matalino ka, kailangan lang natin nagpa-doktor at ibalik ang alaala mo!”

“A-Ah, eh…” napaiwas ng tingin si Yasmien. Matalino ba siya? Kailangan ba nasa lahi nila ang pagiging matalino?

Pero teka, kapag nagpa-doktor ba siya, magagawang ibalik ang alaala niya? Paano na lang kung bumalik ang alaala niya at malaman na hindi talaga siya ang ina! Ibabalik na naman siya roon kay Carding! At paano na lang kung mas lalong sumama ang loob ni Carding sa kanya sa ginawa niyang pagtakas at bugbugin siya hanggang sa hindi na siya makalakad!

Sa naging reaksyon ni Yasmien, kaagad na nabasa ni Leo ang nasa isip ng babaeng ito. Lumakas ang pagdududa niya na hindi ito ang kanilang ina. Dahil hindi tulad ni Lance, alam niya sa sarili na siya ang higit na nakakaalam ng katotohanan at malakas ang kumpiyansa niya sa kakayahan ng kanyang pag-iisip sa murang edad.

Nagmamadali si Leo na iniwan ang puwesto nina Lance at Yasmien. Nagmamadali siyang nagtungo sa ama niya na kausap ang right-hand man nito na si Dwayne, habang karga-karga ng ama niya ang natutulog na si Rence.

“Dad, daddy!” hinila niya ang dulo ng suot nitong coat.

Nahinto agad ang seryosong pag-uusap ng kanyang ama at ni Dwayne, bago may marahang tingin na yumuko sa kanya. Pinatong nito ang mabigat na kamay sa ulo ni Leo bago iyon nilagay sa likod niya.

“Yes, son? What's the problem?”

“That lady!” tinuro ni Leo ang kinalalagyan nila Yasmien sa ‘di kalayuan. “That lady is the problem. She could not be our mother and your wife, right, Daddy? Bakit hindi na tayo magpa-DNA test agad-agad? Pagkauwi sa mansyon, tawagan na natin sila Doc. Joross para mapaalis na natin siya agad! Baka mapahamak pa si Lance at Rence, dad.”

Natikom ni Lucas, ang ama ng makukulit na triplets na ito ang kanyang bibig. Ang mga matatalim na mga mata nito ay masamang nakatitig kay Yasmien. Bago niya winaksi ang paningin sa mga anak niyang lalaki.

Having triplets is hard enough, but having smart—no, genius triplets—is much harder. Mga anim na taong gulang pa lang ang mga anak niya, pero nagawa na nila ang nakakakilabot na bagay na ito, habang siya'y abala sa business trip.

Kung sana ay normal na mga bata lang ang mga anak niya ay walang magiging problema at magagawa niyang masolusyunan ito ng maayos, subalit hindi. Maging si Rence na hindi nakakapagsalita ay nagawang makapag-travel mag-isa, kung kaya't mali siya sa pag-aakalang ito lang ang normal sa tatlo.

Mariing napapikit si Lucas ng mga mata. This matter is not easy to handle, and he knew they shouldn't do a DNA test or else...

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status