Hindi masukal ang lugar, hindi madumi, hindi puro kawayan o yero, kundi kabaliktaran niyon at times ten pa sa ganda!
“A dreams come true…” bulong niya pa sa hangin.Hindi naman iyon nakatakas sa pandinig ng matalinong ssi Leo. “You mean, a dream came true?” masungit na anito. “Please don't speak English when you know you're grammatically incorrect.”
Naputol ang pagpapantasya ni Yasmien sa sungit ng batang ito. Nakayuko niya itong tiningnan at ngumiti parin ng matamis. “Eh pa'no, ‘di ko naman alam na mali grammar ko. Pwede mo ba ako turuan mag-ingles magmula ngayon? Tutal dito na rin ako titira.” makapal na mukhang aniya.
Nagsalubong ang kilay ni Leo. “Not for long! Sisiguraduhin ko na paglabas na paglabas ng DNA test ay hindi ka na magtatagal dito, po!”
“You!” dali-daling bumaba ng sasakyan si Lance para lumapit kay Yasmien at ipagtanggol siya mula sa kapatid. “Ilang beses ko bang sasabihin na respetuhin mo si Mommy?!”
“What? Nagsabi naman ako ng po, ah? Hindi ba pagrespeto ‘yon?”
“No, it's not, brainflux! Bakit ‘di mo na lang subukang magbasa ng dictionary at alamin ang pagkakaiba ng sarcastic at respect?”
“Oooh…” natutuwang pumanig si Yasmien kay Lance.
“Ha!” mas naging sarkastiko si Leo. “Bakit hindi na lang ikaw ang magturo sa impostor na ‘yan ang grammar nang hindi siya mapahiya!”
“I-Inaano ka ba ng grammar ko?” hindi makapaniwalang tanong ni Yasmien. “Humahanga lang naman ako sa ganda ng mansyon ninyo kaya ko iyon nasabi.”
“What we despised the most was someone with brainflux!” tugon ni Lance at bumaling kay Leo. “Good luck with enduring her sickness!”
“Oh, I will! It's none of your business anymore. I am going to fix our mother on my own! Good luck din, sana hindi ka niya mahalin!”
Napaigtad si Lance. “Duh! I don't need a cheater, loosy, brainflux mother.”
Nakita ni Yasmien na mukhang matatalo si Lance sa bangayan nila at mukhang nagpaplano pa na sugurin ulit si Lance, kung kaya't mabilis na niyang kinuha ang kamay nito at matamis na nginitian.
“Lance, bakit hindi mo ako i-tour sa mansyon niyo kapag pinapasok na ako sa loob ng daddy niyo?”
Nawala agad ang init ng ulo ng bata. “Yes po, mommy! And I'm also going to show you my secret hideout!”
“Wow, secret! Ako lang ba ang makakapasok diyan?”
“Yes po, Mommy! Pinaghandaa ko ‘yon buong buhay ko!”
“Ahahaha! Buong buhay---anim na taon?”
Samantalang si Leo na nakikinig sa usapan ng dalawa ay nakaramdam ng poot at selos sa dibdib. Hindi pa siya nakakapasok sa secret hideout ni Lance, tapos itong impostor nilang ina ay agad-agad nitong papapasukin?
Sa katunayan, hindi naman sila noon magkaaway ni Lance, at close silang tatlo nila Rence, pero magmula nang maalarma sila sa babaeng dini-date ng kanilang ama, ay nagsimula nang sabihin ni Lance ang plano nito na hanapin ang tunay nilang ina.
Alam ni Leo na patay na ang tunay nilang ina, dahil siya lang ang nakakakita ng pagluluksa ng kanilang ama noon. Hindi maintindihan ni Leo, alam niyang masama ang ugali ng kanilang tunay na ina at hindi rin ito naging mabuti sa kanila, kung kaya't bakit pa ito pinagluluksaan ng ama nila, pati na si Lance?
Hindi parin nawawagli sa kakaibang utak ni Leo ang ginawang pagpalo at pananakot sa kanya ng mommy niya na iyon noong siya'y dalawang taong gulang pa lamang.
At ang gusto lang naman ni Leo ngayon ay proteksyunan ang dalawa niyang kapatid mula sa mga potensyal na banta sa kanilang pamilya, isa na roon ang babaeng ito na si Yasmien. Halata naman sa mukha nito na may iba itong intensyon sa pagpayag na sumama sa kanilang mansyon!
Pero itong si Lance, si Lance lang talaga ang pasaway at gustong ipahamak ang sarili!
“Um,” natigilan sa pag-iisip si Leo nang humawak sa kamay niya si Rence. Sumenyas ito gamit ang isang kamay. Ibig-sabihin ay, “Are you okay, brother?”
Tipid na ngumiti si Leo sa kapatid. “I'm not okay, Rence. And you're not going to be okay either from now on.”
“Why?” senyas nitong tanong.
“It's hard to explain, especially since you're not that smart. But hey, I promise I'll protect you as the eldest brother here.”
Bumitaw ang isa nitong kamay para muling mag-sign language. “Why is Brother Lance not paying attention to us? She's been with the beautiful lady.”
“Urgh? That lady is not beautiful. Look at the rag she's wearing. Anyway, Lance does seem to be paying less attention to you since he found another playmate. So you and I will be playing with each other from now on.”
Nanlumo si Rence. “I want the three of us to play together just like before. The dominoes puzzle we're building is not yet done, and Daddy's birthday is approaching.”
“I'm afraid we will not be able to continue it anymore, since Lance brought home big trouble to be able to focus on that!”
“But what about the surprise for Daddy?” namasa ang mga mata ni Rence na pati ang pagsenyas sa kamay ay tumamlay.
“I'm sorry. Don't worry; once the problem is solved, we’re going back to the usual.”
“Okay…”
“Don't be sad, Rence. This is just for temporary reasons.” pagpapalakas ng loob ni Leo kay Rence at niyakap pa ito.
Sa kabilang banda, nang masaksihan iyon ni Yasmien ay napakamot siya sa batok. Nagmukha siyang evil fake mother para sa dalawang bidang bata. Ano kaya ang dapat niyang gawin sa mga ito para mapatunayan na wala siyang intensyong saktan ang mga ito?
“Oh my gosh!!” nawiwindang napatili si Yasmien. Napayuko at napaluhod siya sa harapan ni Rence. Una muna ay pinunasan niya ang mga luha nito. Gamit ang dulo ng kanyang damit ay pinunasan niya rin ang madungis nitong labi, saka niya pinasinga ang sipon sa ilong ng bata.Matapos niyon ay hindi makapaniwala niyang hinagod-hagod niya ang likod nito. “Rence? Do you say Mommy? Hindi ba ako nabibingi? Tinawag mo akong mommy! Hindi lang sa sign language kundi tinawag mo akong mommy gamit ang boses mo!”Ang boses na narinig ni Yasmien ay walang pinagkaiba kina Lance at Leo. Magkakapareho na ng mukha, magkakapareho pa ng boses! Gustong mapasigaw ni Yasmien sa tuwa na animo nanalo sa loto, subalit inipit niya ang boses upang hindi matakot o mabigla si Rence, lalo na't kasalukuyan pari itong umiiyak.Binubuka ni Rence ang bibig, subalit hindi tulad kanina, wala nang tinig ang lumalabas.Agad na nawala ang kasiyahan ni Yasmien at nabalot ng pag-aalala dahil sa paraan ng paghagulgol nito. Dali-dal
Masakit ang likod at balakang ni Yasmien habang naglalakad patungo sa kusina. Lumaghok siya ng malamig na tubig saka hinihingal na napahiyaw sa kaginhawaan. Kanina sa garden ay nakita niya ang nagseselos na mukha ni Lucas lalo na't inagaw nito sa kanya ang dalawang bata para lamang papasukin na sa loob. Pagkatapos no'n ay tinapunan pa siya ng matalim na tingin ng lalaki bago tinalikuran kasama ang dalawang bata. Noong una’y ayaw pang sumama ni Lance, pero dahil nakita nito ang ibang awra ng ama—awra ng selos---ay natatakot na lamang itong sumunod at naluluhang nagpaalam sa kanya. “Tsk!” napamaywang si Yasmien habang inaalala iyon. “Kasalanan ko bang walang amor sa kanya ang anak niya?” Naglakad siya muli palabas ng kusina at aksidenteng nakasalubong ang yaya ni Rence. Naalala niya ang iuutos niya sana rito kung kaya't hinarang niya ang dinaraanan nito. “Madam!” nagugulat itong napahinto. Tumingin kaliwa't-kanan saka umasik. “Padaan ho. Ayaw ko pang masisante dahil lang sa inyo!”
“Oh no! Mommy! Baka mahulog ka po!”“Ahh!”“Madam, bumaba ka diyan!”Mahigpit na nakakapit sa sanga ng puno si Yasmien, pilit na inaabot ang laruang eroplanong nakasabit doon habang pinipigilan ang sariling mga paa na dumulas sa puno na maaaring ikahulog niya.Bakit nga ba siya nalagay sa ganitong sitwasyon? Iyon ay dahil hindi siya pinapansin ng mga hardenerong lalaki sa kanyang pakiusap na kunin ang laruan ng mga bata sa punong ito. Lalapit pa nga lang siya para manghingi ng tulong, kaagad na silang umiiwas at kumakaripas ng takbo. Batid niyang dahil iyon sa utos ni Lucas na walang sinuman dapat ang tumulong sa kanya kundi ay masisisante sa trabaho. Hindi rin naman siya aakyat sa punong ito kung hindi lang nagngangawa sina Lance at Rence. Kaya heto siya't ginagawa ang lahat para makuha lang ang laruang eroplano.“M-Malapit na!” nahihirapan niyang pag-abot sa laruan. Nang hindi talaga maabot ay umakyat pa siya sa isang matigas at matibay na sanga. Hindi lang naman ito ang unang bese
“Dito lang si Mommy, Lance,” wika ni Yasmien sa bata kinabukasan ng hapon. “Panonoorin ko lang kayong maglaro ni Rence mula rito.” naupo siya sa bench.“Okay, Mommy! Watch us habang nagpapalipad ng unmanned aircraft!” tuwang-tuwang sabi ni Lance. Tumakbo ito patungo kay Rence sa malawak na field ng garden.Ang nilalaro ng dalawa ay isang lumilipad na eroplano na kayang kontrolin gamit ang remote control na kanilang hawak. Naihalintulad iyon ni Yasmien sa mga saranggola, na parati ding nilalaro ng mga maliliit na bata sa probinsya. Talaga nga namang moderno na pati mga laruan ng mga mayayaman at napag-iiwanan ang mga mahihirap. Pero para sa kanya, mas masaya parin ang pagpapalipad ng saranggola kaysa sa de kontrol na eroplano.“Hahaha! Look up, Rence! Isn’t this amazing? I think we could fly higher than that tree!”Napapatalon naman si Rence sa pananabik. Hindi kalauna'y gusto na nitong agawin sa kamay ni Lance ang remote control. “No! Wait for your turn!” hindi naman agad nagparaya s
Habang nakahiga sa sariling kwarto si Yasmien at nakatulala sa kisame, lumalarawan parin sa kanyang isipan ang problemadong mukha ni Lucas sa kabila ng masamang pagkakatitig sa kanya kanina sa dining room.Sa huli, hindi rin sila nakakain ng sabay dahil sa pagwa-walk out ni Leo na sinundan naman ni Lucas. Kung kaya't naiwan lamang sila Yasmien, Lance, at Rence sa hapagkainan para ituloy ang pagkain.“Hmm… mukhang namomoblema talaga si Sir Lucas sa triplets ah.” Subalit ang pinaka-inaalala ni Yasmien ay siya na naman ang masisi na may kasalanan sa pag-aaway ng mga bata. “Ano kayang pwede kong gawin?”Matagal siyang napaisip. Sa sobrang katapangan ng mga bata ay pati nga siya natatakot. Ano naman ang magagawa niya?“Mommy!” walang katok-katok na pumasok si Lance sa kanyang kwarto.Napaupo si Yasmien at ngumiti nang makitang may bitbit na tray ng cookies ang bata. Mayroon pa silang isang oras at kalahati para magkasama ngayong araw kaya kampante pa siya na pinaupo si Lance sa kanyang kam
“Good morning, Lance!” magiliw na bungad ni Yasmien sa bagong gising na bata kinaumagahan.Humikab ito sa harapan niya. Nakasuot parin ng pajama na may disenyong spiderman si Lance na saktong kabababa lang din mula sa kwarto nito.Subalit hindi kagaya ng nakasanayan, hindi pinansin ni Lance si Yasmien ngayong umaga. Nilagpasan lamang siya nito at nagtungo sa sala para maupo sa sofa at manood ng palabas na cartoons sa TV.Napapakamot sa ulo na sumunod si Yasmien sa bata at naupo sa tabi nito. Tamad namang umurong si Lance palayo sa kanya nang hindi parin siya binabalingan ng pansin.Karaniwan na pagkagising sa umaga ay bagong ligo at nakabihis na ng pambahay na damit si Lance. Pero ngayon ay nakasuot parin ng pajama, magulo ang buhok, may natuyo pang laway sa gilid labi at muta sa gilid ng mata.Batid ni Yasmien na nagtatampo parin sa kanya si Lance dahil sa ginawa niyang pagtago mula rito kahapon. Nasaksihan pa nitong ‘nakikipaglaro’ siya kay Rence. Kaya ganito na lang kung hindi siy