Share

Kabanata 4

Napakurap-kurap si Yasmien at naitabingi niya ang kanyang ulo habang nakikipagtitigan sa lalaki. Yvainne?

Naramdaman niya ang paghigpit ng pagkakapulupot ng maiikling braso ni Lance sa leeg niya at ang pagbaon nito ng sariling mukha sa leeg niya, tila'y nagtatago.

“Mommy…”

Kinarga niya ito ng maayos at niyakap din ng mahigpit. Mukhang ayaw nitong bumaba para salubungin ang lalaki, ‘di tulad nila Rence at Leo.

“Ano,” may nahihiyang pagkausap ni Yasmien sa lalaki. “Ikaw ho ba ang ama ng mga bata?”

Matagal na sandaling hindi tumugon ang lalaki sa kanya, sa halip ay nanatili itong nakatitig sa kanya na animo napako na parang isang estatwa.

“Um, hello?” bahagya siyang lumapit dito. “Pasensya na, pero kasi nasa loob kayo ng pamamahay ko ngayong gabi at naguguluhan ako sa nangyayari. Bakit hindi ho muna kayo maupo at magkaroon tayo ng pag-uusap.”

“Y-Yvainne…” nangilid ang mga luha ng lalaki na kinagulat pa ni Yasmien. “Yvainne!”

“Daddy, no, she's not—!!”

“!!” Nanigas siya sa kinatatayuan nang may malalaking hakbang ang lalaki na tinawid ang pagitan nila at mabilis siyang niyakap!

“Ouch!” naipit si Lance sa pagitan nila at napareklamo. “Go away, Daddy!”

“S-Sandali lang,” mabilis na nataranta si Yasmien. “Pakawalan niyo ho ako, pakiusap! May asawa na ako!”

Malaki at matangkad ang pangangatawan ng lalaki na halos hanggang dibdib lang siya! Matangkad na siyang babae kaya ka-height na niya si Carding at kung minsan pa nga'y mas matangkad pa siya kumpara sa mga lalaki rito sa probinsya. Kaya nagugulat siya ngayon na makatagpo ng ganito katangkad na lalaki! Abot-kamay na nito ang bubong sa kubo niya!

“Yvainne…” sa halip ay mas humigpit pa ang pagkakayakap ng lalaki sa kanya imbes na pakawalan siya.

“Yasmien! Yasmien ho ang pangalan ko, sir.” aligaga niyang sabi dahil sa kakasambit nito sa pangalang hindi pamilyar sa kanya.

“What…?” awtomatikong napahiwalay sa yakap ang lalaki. Nananatili ang gulat at ‘di pagkapaniwala sa ekspresyon ng mukha ng lalaki. “Yas… Yasmien?”

Hindi katulad sa kanina nitong ekspresyon ay ngayo'y biglang nabura ang pamamasa ng mga mata nito at bigla na lamang nabalot ng dilim ang awra nito!!

“S-Sir…” natakot siya at napaatras. “Pasensya na, pero hindi tama na basta-basta na lang kayong pumasok dito sa loob ng pamamahay ko gayong hindi ko kayo kilala!”

“What?” sa isang iglap ay nabura ang anumang reaksyon nito, kundi nabalot lamang ng panlalamig at intensyong pagpatay na hindi niya maintindihan!

“Don't you dare hurt Mommy, Daddy!” galit na sigaw na Lance bigla na nakatingala sa ama nito mula sa distansya.

“Lance…” pagtawag ng lalaki sa anak na maayroong mababa aat nakakatakot na boses ‘di tulad kanina na balot pag-aalala. “Come here,” nilahad pa nito ang kamay. “She's not your mother.”

Naramdaman ni Yasmien ang takot ni Lance. “N-No!”

Nahabag siya sa bata at niyakap ito ng mahigpit. Naging seryoso si Yasmien na tumitig sa mga mata ng lalaki. “Sir, paano lalapit sa'yo ang bata kung tinatakot mo?”

Ganoon na lang ang paraan ng pagtalim ng paningin ng lalaki sa kanya. “He’s my son; hindi ko siya tinatakot. Let him go.”

“M-Mommy…” ayaw bumitaw ni Lance.

Siguro’y may daddy issue ‘tong bata, o hindi naman kaya'y masama ang trato ng ama nito sa kanya kung kaya't mukhang malayo ang loob nito. Tsk! Pawang nainis si Yasmien sa isiping iyon. Unfair treatment sa sariling mga anak o hindi naman kaya'y may favoritism ang ama nito kung kaya't hinahanap ni Lance ang mommy niya!

“Maitanong ko lang kung nasaan ang asawa mo, sir? Sa kanya ko na lang ibibigay ang bata dahil klarong natatakot siya sa’yo.”

Kitang-kita ni Yasmien ang napakasamang timpla ng mukha ng lalaki. Kahit pa hindi niya naiintindihan kung bakit, ayon naman sa mga nasaksihan niya ngayong gabi ay batid na niyang wala na ang asawa nito matapos magloko.

“Hindi ko alam ang buong detalye ng problema niyong pamilya, sir, dahil isa lamang akong ‘di hamak na estranghero, pero dahil nanggugulo kayo sa pamamahay ko mismo ay kailangan niyong magpaliwanag. Tiyak na hindi magugustuhan ng asawa ko kung madadatnan niya ang ganitong klase ng sitwasyon.”

“Yasmien.” matigas at puno ng panggagalaiting sambit ng lalaki. “Hindi ba’t sa ating dalawa, ikaw ang may mas dapat na ipaliwanag? How the fuck, of all times, how the fuck you’re alive and well? H-How…” nakita niya ang pagkimkim ng galit sa mga mata nito! “What the hell did you do?!”

“A-Anong…”

Hindi makapaniwala si Yasmien nang matunugan niyang gusto siyang saktan ng lalaki. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya.

“Stop it, daddy!” yumakap sa magkabilang binti nito ang dalawang bata na sina Leo at Rence.

“This woman should be put in jail!! No, I'll kill her myself!”

Nangininginig sa takot na sunod-sunod na napaatras si Yasmien. Demonyo! Isang demonyo ang lalaki!

“She has amnesia!!” sabay na sigaw nina Lance at Leo na nagpatigil sa akmang gagawin ng lalaki kay Yasmien!

“What?” lukot na lukot ang mukha ng lalaki na napasalit-salit ng paningin sa dalawang anak niya na may boses. Bigla ay napahawak ito sa noo na animo ininda ang labis na sakit. “Lance and Leo, how the heck did you find her? Kailangan ninyong ipaliwanag sa ‘kin ang lahat bago ko mapatay ang babaeng ‘yan.”

“Hindi mo pwedeng patayin si Mommy!” naiiyak na sigaw ni Lance. “This is why I hate you! How can you kill your own wife in front of your children! I hate you, daddy! Sasama na ako kay Mommy, hinding-hindi na ako babalik sa mansyon!!”

Nagugulat na napamulagat ng mga mata ang ama. “L-Lance… I, I'm sorry; I didn't mean to scare you. Please, just please come with me and let go of that woman. She's not your mother, okay?” nanunuyo at naging marahan ang boses nito.

“Sinabi ko nang siya si Mommy!”

“Please, son.” wala nang kasing lambot ang ekspresyon ng lalaki. “Maniwala ka sa ‘kin. Sasabihin ko lahat sa'yo pagkatapos nito. Sa ngayon, kailangan mong bitawan si Yasmien dahil delikado ang babaeng ‘yan, please?”

“Delikado?” hindi nagustuhan ni Yasmien ang sinabi nito. “Ano sa tingin mo ang gagawin ko sa mga anak mo, Sir? Hindi ako ganoong tao na magtatangka ng masama sa mga musmos na bata! Pasalamat ka nga at sa akin sila napadpad dahil kung sa iba pa ay baka… alam niyo na.”

Matagal na nabalot ng katahimikan ang lugar. Nilalabanan ni Yasmien ang nakakatindig-balahibong titig ng lalaki.

“You…” kumuyom pa ang malaking kamao nito. “Do you really have amnesia?” agad itong napapangisi na umiling. “No. This must be one of the games you want to play with me. Kahit ilang taon na ang lumipas… hinding-hindi ka parin nagbabago. At hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa mo, Yasmien.”

“Hindi ko maintindihan ang sinasabi niyo sa totoo lang.” seryosong tugon ni Yasmien. “Totoo nga na may amnesia ako. Pero kalabisan naman kung may nangyari sa pagitan natin sa nakaraan kong buhay! Pakiusap, kung hindi niyo ipapaliwanag ang lahat sa ‘kin, bukas ang pinto, makakaalis na kayo!”

“M-Mommy?” natakot si Lance na hindi parin bumababa mula sa pagkakabuhat niya rito.

“Um,” napalunok siya at hinagod ang likod ng bata. “Iho-hostage ko muna ‘tong isang ‘to.”

“Yes!”

“Lance!” iritadong sumigaw si Leo. “You idiot! Hindi mo ginagamit sa tama ‘yang utak mo!”

“Go away! Mommy and I are staying here. Take Daddy with you and go back to the mansion! I don't want to go back unless Mommy comes with us.”

Natikom ni Yasmien ang bibig. Mansyon? Nakatira sila sa mansyon? Paano kung… gawin niya itong opurtunidad para makaalis sa kubo na ito at makatakas sa pang-aabuso ni Carding sa kanya?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status