Matapos libutin nina Lance at Yasmien ang kabuuan ng mansyon ay inabot sila ng matinding gutom. Sa laki ng lugar ay halos mahilo-hilo pa si Yasmien, subalit nang makita niya ang halos sampung putahe sa hapagkainan ay nawala ang hilo niya.Sa mahabang lamesa na isang dosena ang upuan nakahain sa kanyang harapan ang masasarap at mababangong pakain! First time niyang makakita ng ganito sa tanang buhay niya!“Oh my gosh!” hindi niya maiwasang mapabulalas. Tuwang-tuwa niyang binalingan si Lance sa kanyang tabing upuan. “Isa ka bang anghel, Lance? Sinagip mo ang buhay ko!”Pinamulahan ng mukha ang batang lalaki sa komento sa kanya ng ina. “Gagawin ko ang lahat para sa'yo, Mommy!”Napatawa si Yasmien at ginulo-gulo ang buhok ni Lance. “Maraming salamat, Lance. Gagawin ko rin ang lahat para sa'yo magmula ngayon, ayos ba ‘yon?”Masayang tumango-tango si Lance. “Ayos na ayos, Mommy! We'll protect each other from now on! Just the two of us!”“Okay~ Kain na tayo! Excited ako matikman ang mga pagk
“I was a girl in the province doing not fine~ then, I became a mommy overnight~” habang kinakanta ang intro ng Sofia the first at iniiba ang liriko ay masayang sinusuklay ni Yasmien ang kanyang buhok sa salamin.Halos isang linggo na siya rito sa loob ng mansyon at wala na siyang ibang mahihiling pa. Mayroon siyang sariling kwarto na may malambot na kama, may telebisyon, at electric fan! Libre din ang masasarap na pagkain na animo araw-araw fiesta, at higit sa lahat, walang pakialam ang mga tao sa loob ng mansyon sa kanya kung kaya't malaya niyang nagagawa ang gustong gawin kasama ang makulit na bata na si Lance!Ano pa nga bang mahihiling niya? Wala na. Isang daang por ciento ay kuntento na siya sa ganitong klase ng buhay!“Bitawan mo ako, Nanny! Kailangan kong makausap ang impostor na babaeng ‘yun!”“Hmm?” natigil siya sa pagsusuklay ng buhok at dali-daling nagtungo sa kanyang pintuan para buksan iyon.Bumungad sa kanya ang isang maliit na batang may salamin sa mata, walang iba kun
“T-Takot ako sa karayom! Kailangan ba akong kunan ng dugo?” nag-aalala at kabadong tanong pa ni Yasmien sa mga bata.Kasalukuyan sila ngayong naglalakad sa hagdanan pataas sa second floor, kung saan nila tinutukoy ang clinic room.“Don't worry, Mommy. You'll be fine. Si Doctor Joross ay isa sa mga pinakamagaling na doktor sa buong mundo, kaya hindi mo po kailangan matakot sa gagawin niya.” pagpapakalma pa sa kanya ni Lance habang hawak-hawak ang kaliwa niyang kamay.“Obviously, natatakot siya dahil alam niyang hindi siya si Mommy.” nagmamalaki at puno namang sarkastikong pagsasalita ni Leo na sumasabay sa paglalakad ni Lance. “Maybe dapat ka na ring kabahan, Leo.”Nanatiling kalmado si Lance. “I'm one hundred percent sure she's our mommy. Kaya hindi ako matatakot.”Nakagat ni Yasmien ang ibabang labi. Mas lalo lamang kumakabog ang dibdib niya dahil sa kumpiyansa at tiwala ng inosenteng bata na si Lance.Ayaw man niyang aminin, pero tama si Leo. Natatakot si Yasmien sa malaking posibil
“And it's done!” nakangiting saad ng doctor kay Yasmien sa loob ng kyubikel ng clinic.Napuno ng pagtataka si Yasmien. “‘Yun na ‘yon, doc? Tapos na agad?”“Yes, tapos na.”“O-Okay…” napakamot siya sa batok. Kinuha lamang pala ang laway niya sa bunganga at tapos na agad. “Aalis na po ba ako?”Sandaling pinakatitigan ng doktor ang mukha niya. “You really look and sound like her…”“Po?” napakurap siya bago mapagtanto ang tinutukoy nito. “Aah, ‘yung mommy ng mga bata at asawa po ba ni Sir Lucas?”Bumuntong-hininga ang doctor at tumango. “Ikaw ba talaga siya?”“Ah, eh, malaki po ang posibilidad.” pilit niyang nilakasan ang loob niya. “Mayroon po kasi akong amnesia, kaya hindi ko maalala.”Napangiwi ang labi ng doctor. “Okay, let's go now.”Tumayo ang lalaking doctor kung kaya't napatayo rin siya. Umalis sila mula sa kyubikel, saka pinuntahan ang mga bata sa kanina nitong kinauupuan.Nagliwanag ang mukha ni Lance nang makita siya, kaagad na tumakbo sa kanya upang magpakarga, na agad naman n
“Hello, pwede ba akong mangialam sa malaki ninyong kusina para magluto?” malaki ang pagkakangiti niyang tanong sa isang katulong sa loob ng kusinang iyon.Halatang natigilan ang babae sa pagkausap niya rito. Kaagad na nag-iwas ng paningin ang babae sa kanya at tinalikuran siya na para bang walang nakita.“??” Napalabi siya.Nang makita ang isa pang paparating na babaeng katulong ay agad niya iyong hinarang. “Excuse me, pwede ba akong makigamit sa kusina---"Ngunit hindi pa siya natatapos sa pagsasalita ay mabilis na siyang nilampasan ng pangalawang babae na iyon.“Wow.” natatameme niyang sambit.Hindi siya sumuko, at nang may makitang pangatlong babae na pumasok sa kusina ay kaagad niya iyong kinausap. Sa pagkakataong ito ay hinarang na niya ang kanyang sarili upang hindi ito hayaang makaalis.“Pakiusap, pwede ko bang gamitin ang kusina panandalian dahil gusto kong magluto ng sarili kong pagkain? Hindi naman siguro ako mananagot kung kukuha rin ako ng mga sangkap at pagkain sa cabinet
“Ang sabi po ni Rence ay nalalasahan niya raw po ang luto ni mommy sa luto niyo.” pagpapaliwanag ni Lance. “Ang ibig sabihin lang po no’n ay kahit hindi matalino si Rence ay nakikilala niya parin na kayo talaga ang mommy namin!”Napatanga si Yasmien sa sinabi ni Lance sa kanya. Naniningkit ang mga mata niyang napatanong. “Ibig sabihin, hindi masarap magluto ang mommy niyo?”“That! Of course not!” sunod-sunod na napailing si Lance. “Masarap kaya ang breakfast for today!”Muling binalingan ni Lance ang pagkain niya para muli iyong kainin. Nakita ni Yasmien na pumait ang timpla sa mukha nito ng isang segundo, ngunit agad ding nabura para masayang tumingingala sa kanya na animo nasasarapan.“It's yummy, so sarap!”Napalabi si Yasmien. Kanina lang ay halos isumpa nito ang pagkain, pero nang malaman na siya ang nagluto ay nagbago ang pananaw nito.“Lance! What are you doing? Alam mo nang pangit ang lasa, tapos pipilitin mo pang kainin! Ayan, ginagaya ka na ni Rence! Paano kung parehong suma
Kinagabihan ay patay na ang mga ilaw at napakatahimik na ng buong mansyon nang umuwi si Lucas galing trabaho.Nananakit ang likod at leeg niya dala ng ngalay dahil sa buong araw na pag-upo sa at pagtutok sa laptop at mga papeles na kinakailangan niyang trabahuhin.At dahil tapos na ang summer vacation ng mga triplets, hindi pa siya makakapagpahinga kaagad ngayong gabi para naman ayusin ang schooling ng mga ito.Kung normal na mga bata ang mga anak niya ay malamang nasa grade one pa lamang sila, ngunit ang kaso ay hindi. Gusto na agad nila Lance at Leo na mag-take ng exam sa sikat na mga unibersidad sa bansa at tumungtong na agad ng grade six para kapag eigth years old nila ay nas high school na sila. Samantalang hindi naman magpapaiwan si Rence, kaya malamang ay susunod at susunod ito sa yakap ng mga kapatid niya kahit gaano pa ito mahirapan.Iniisip pa lamang ni Lucas ay sumasakit na ang ulo niya. Gusto niyang ma-enjoy ng mga anak niya ang buhay pagkabata, pero malayo na ang nararatin
Nakailang buntong-hininga na si Yasmien habang nakatingin sa malaking pintuan sa harapan niya. Nangangatog ang mga binti niya sa kaba at para bang maiihi na siya sa takot.Nang sa wakas ay bahagya siyang kumalma ay tatlong beses siyang kumatok sa pintuan.“Come in.” agad na tugon ng malaking boses na lalaki sa loob.Kumabog ang kaba sa dibdib niya. Gusto pa sana niyang tumalikod at humarurot ng takbo, pero alam niyang hindi niya maaaring gawin iyon.Kaya naman kahit pinanlalamigan ng buong katawan at nanginginig ay binuksan niya parin ang pintuan para pumasok sa loob ng opisina sa mansyon. “Sir Lucas? Pinatawag niyo raw po ako?” Nasa harapan niya ngayon ang ama ng triplets. Nakaupo si Lucas sa office chair, harap ang mga nakapatong na sangkatutak na mga papeles sa lamesa nito. Nakasuot din ito ng salamin sa mata ngayon, humahawig sa itsura ni Leo.Hindi talaga mapagkakaila na ito ang ama ng mga triplets dahil kuhang-kuha nila ang mukha nito!Pero bakit nga ba siya pinapatawag ni Luca