Share

Amnesia's Curse, Mafia's Love
Amnesia's Curse, Mafia's Love
Author: Ahnluv_

Chapter 1

Author: Ahnluv_
last update Last Updated: 2025-09-18 19:34:56

*1 year and now after ng accident*

Celeste Amara Valdez (POV)

Mainit ang sikat ng araw nang magising ako. Pumasok ang liwanag sa maliit na bintana ng bahay namin. Kahoy at yero lang ang gawa nito, pero puno ng buhay sa ingay ng mga kapatid ko at tawanan nila. Huminga ako nang malalim, naramdaman ko yung init ng araw sa balat ko. Kahit papaano, nakakagaan ng pakiramdam.

Ako si Celeste Amara Valdez, 25 years old, panganay sa anim na magkakapatid. Nakaupo ako sa gilid ng papag, tuwid ang likod, parang sanay na sanay sa proper posture. Hindi ko alam kung bakit automatic na ganito ako umupo. Kahit simpleng duster lang ang suot ko, lagi nilang sinasabi na may dating pa rin ako kutis porselana, mahaba at makintab ang buhok, parang sosyal daw. Ako mismo, minsan nagtataka kung bakit ganito ako.

“Celeste, anak, kumain ka muna bago ka mag-igib,” tawag ni Mama mula sa kalan. Si Camille Valdez, nanay ko. Maliit lang ang kusina, pero amoy na amoy ang pritong tuyo.

Nag-ayos ako ng upo at ngumiti. “Yes, Ma. Wait, let me just… prepare myself.”

Napailing siya. “Naku anak, tubig lang ang kukunin, para kang pupunta sa party.”

Bumukas ang pinto, si Papa dumating, si Anthony Valdez, pawisan galing pasada ng pedicab. “Good morning, princess,” biro niya.

Napatingin ako sa kanya. “Papa, don’t call me princess, I’m—” Napahinto ako sandali bago ngumiti. “Well, maybe I am a little bit.”

Nagtawanan sila. Ewan ko ba, minsan parang ang dali lang magdala ng sarili ko, pero iba ang tingin nila sa akin.

Umupo kaming lahat sa mesa. Naghain si Mama ng tuyo at kanin. Kinuha ko ang kutsara’t tinidor, maingat at maayos ang hawak ko, parang sanay sa hotel restaurant. Habang kumakain ako, nakatitig sa akin ang mga kapatid ko.

“Ate, bakit parang ang arte mong kumain?” tanong ni Lucas, nakakunot ang noo.

“This is not arte, Lucas. This is proper etiquette,” sagot ko na parang automatic lumabas sa English tone ko.

“Grabe, Tagalog please,” natatawa si Enzo. “Di ka namin gets minsan.”

“Pero Ate sounds sosyal,” sabi naman ni Mia na nakangiti. “Gusto ko din matutong mag-English.”

Umiling si Mama. “Hala kayo, wag kayong puro English. Dapat marunong din kayo ng Tagalog.”

Natawa ako. “Sorry, Ma. I’ll try. Pero sometimes it just comes out naturally.”

Nagkatinginan lang sila habang kumakain. Ako naman, pilit kong ginagaya sila, pero kahit anong gawin ko, iba pa rin ang kilos ko.

Matapos kumain, sumama ako kay Mama mag-igib ng tubig. Bitbit ang balde, naglakad ako dahan-dahan, parang ayaw kong madumihan ang mga daliri ko. Ang hirap. Mabigat siya sobra.

“Anak, ilagay mo sa balikat, hindi ganyan,” turo ni Mama.

“Oh my gosh, Ma, that’s heavy! How can you even—ugh!” Halos mabitiwan ko ang balde. Natapon pa ang kalahati ng tubig.

Nagtawanan agad ang mga kapatid ko. “Ate, para kang artista!” sigaw ni Enzo.

“Exactly,” sagot ko, inayos ang buhok na nahulog sa mukha ko. “That’s why this doesn’t suit me.”

Napailing si Mama pero nakangiti. Parang natutuwa na rin siya kahit nahihirapan ako.

~

Hapon, tinuruan naman ako maglaba. Pinakita ni Mama paano kusutin ang damit.

“Like this lang, anak, simple lang yan.”

Tiningnan ko yung lumang t-shirt na hawak ko. Kinusot ko nang dahan-dahan, parang mamahaling tela. “Ma, this is… so hard. My hands are not designed for this.”

“Hands mo dinisenyo para magtrabaho, anak,” sabi ni Papa habang nakatingin. “Kahit sosyal ka, dapat matuto ka.”

Napabuntong-hininga ako. “Fine, I’ll try…”

Pero ramdam ko, ang lambot ng kamay ko, parang hindi bagay sa ganitong gawain. Minsan nga naiisip ko, bakit parang iba ako?

Nandoon si Aling Nora, kapitbahay namin, dumaan at nanuod. “Ay nako, Camille,” sabi niya kay Mama, “itong si Celeste parang hindi lumaki dito. Ang ganda kumilos, parang anak ng mayaman.”

Natawa si Mama. “Ganyan talaga siya. Pero masipag din yan, kahit nahihirapan.”

“Ang cute pa nga eh,” dagdag ni Aling Nora.

“Tingnan mo, parang nanonood kami ng artista pag nag-iigib siya.”

Nagtawanan silang lahat, pati mga kapitbahay na napadaan. Nahihiya ako pero ngumiti rin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiilang.

--

Kinagabihan, habang nag-aayos ako ng mga labahin, napatingin ako sa sarili ko. Maingat ako sa bawat galaw, parang takot akong madumihan. Pagtingin ko sa balat ko maputi, makinis. Hindi bagay sa hirap ng buhay namin. Doon na ako napaisip.

“Bakit ganito ako? Bakit parang… iba ako?” bulong ko sa sarili.

Tumingin ako kay Mama. “Ma, bakit po parang ang arte ko minsan? Hindi ako sanay sa mga gawaing bahay. Minsan hindi ko maintindihan bakit hindi ako kagaya ninyo.”

Huminto siya, may hawak na basang damit, at huminga nang malalim. “Anak, normal lang yan. Hindi ka kasi lumaki dito sa umpisa. Naalala mo yung lagi kong kinukwento?”

Tumango ako, pero hindi ako satisfied. “About… the accident?”

“Oo,” sagot niya. “Pauwi ka noon galing trabaho sa bayan. May jeep na nasangkot sa aksidente. Ikaw ang isa sa mga pasahero. Anak, muntik ka nang mawala. Pero nung nakaligtas ka, hindi mo na maalala yung mga nakaraan. Blanko na lahat. Dinala ka dito, at mula noon, kami na ang pamilya mo.”

Natigilan ako, nakatingin sa sahig. “Pero bakit parang… iba ako? The way I move, the way I talk. Ma, I don’t even know bakit ang dali ko mag-English. Tapos kayo, nahahawa na rin. Minsan nga si Enzo biglang mag-English kahit mali-mali,” natawa ako pero halatang nalilito.

Ngumiti si Mama, pero may bakas ng lungkot. “Anak, minsan nga nagtatanong din ako. Pero importante, nandito ka. Hindi ko man alam lahat ng sagot, pero isa lang ang sigurado mahal ka namin.”

Lumapit si Papa, nilagay ang kamay niya sa balikat ko. “Celeste, wag ka masyado mag-isip. Basta tandaan mo, pamilya mo kami. At kahit anong mangyari, hindi magbabago yun.”

Napapikit ako. Totoo, mahal nila ako. Pero habang nakatingin ako sa makinis kong balat at sa kwintas na laging suot ko, lalo lang dumami ang tanong sa isip ko.

Why do I act like this? Why do I speak like this? Why do I feel like I don’t belong here… kahit mahal ako ng pamilya ko?

Pinisil ko ang pendant. May pumatak na luha sa gilid ng mata ko. Hindi ko alam kung sino ako noon. Pero ngayon, ako si Celeste Amara Valdez. Ate. Anak. Kahit mahirap, ito ang pamilya ko. Ito ang tahanan ko. Ito ang pagmamahal.

Sa labas, rinig ko ang tawanan ng mga kapatid ko. Pati mga kapitbahay, nag-uusap pa rin tungkol sa akin. May halong tuwa, minsan biro, minsan tanong. Pero sa totoo lang, nakikita ko yung saya nila kahit simpleng buhay lang. At doon ko naisip, siguro hindi importante kung saan ako galing. Ang importante, nandito ako ngayon.

Dahan-dahan akong nahiga. Unti-unting pumikit ang mga mata ko. Hindi ko alam na ang mga tanong na bumabagabag sa akin ay simula pa lang ng mas malaking kwento na darating.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Meryl Ann
Recommended ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Amnesia's Curse, Mafia's Love   Chapter 17

    Celeste Amara Valdez (POV)Umaga na.Nagising ako sa ingay ng mga yabag sa labas ng kwarto. Ang dami ko pang antok, pero naririnig ko na yung mga pinsan at tita’t tito ko na abala na sa paghahanda. May mga nagbubukas ng maleta, may nag-aayos ng mga gamit sa sala, may tumatawa, may nagsisigawan na para bang ang daming ginagawa pero ang saya pa rin ng tunog.Napahikab ako at bumangon. Pagharap ko sa salamin, medyo sabog pa yung buhok ko. Pero syempre, kahit bagong gising, dapat presentable pa rin ako. Hinawi ko ng kaunti yung buhok ko at ngumiti ng pilit.“Good morning, world. Today is… dramatic day,” bulong ko sa sarili ko habang inaayos ang sarili.Paglabas ko ng kwarto, naamoy ko agad ang nilulutong sinangag ni Mama at yung bagong pritong tuyo. Nakaka-gutom kahit busog pa ako kagabi. Sa mesa, andun na yung iba kong pinsan, kumakain ng pandesal habang nakatayo lang at nagtatawanan.“Uy, gising na si sleeping beauty!” sigaw ng isa kong pinsan.Nag-arte ako ng konti. “Excuse me, hindi a

  • Amnesia's Curse, Mafia's Love   Chapter 16

    Celeste Amara Valdez (POV)Pagbaba ko ng sasakyan, ako na ang nauna. “I’ll go ahead,” sabi ko, medyo malamig pero maayos pa rin ang tono ko. May pilit akong ngiti, kasi ayokong mag-alala pa lalo sina Mama at Papa.“Magpapahinga na ako.”Tumango lang si Mama, halatang pagod na rin. Narinig ko pa yung mga pinsan ko sa likod na nag-aayos ng gamit, pero hindi na ako lumingon. Diretso na ako sa kwarto.Pagpasok ko, isinara ko agad ang pinto at humiga sa kama. Ramdam ko ang lamig ng hangin na pumapasok sa maliit na bintana, pero hindi iyon sapat para ma-comfort ako.“Why do I feel so empty?” bulong ko sa sarili.Pinikit ko ang mga mata ko, pilit na iniisip lahat ng alaala na dapat meron ako—pero wala. Blurry lahat. Parang puzzle na kulang-kulang ang piraso. Parang pelikula na putol-putol.Ano ba talaga ang nangyari sa akin bago yung accident? Sino ba talaga ako?Ramdam ko yung frustration na unti-unting pumipiga sa dibdib ko. Oo, alam ko na si Celeste Amara Valdez ako—anak nina Mama at P

  • Amnesia's Curse, Mafia's Love   Chapter 15

    Celeste Amara Valdez (POV)Madilim.Pero sa dilim, may boses akong naririnig. Malambing, parang musika na nakakalma kahit may lungkot sa ilalim.“My daughter…”Parang may ilaw na sumilip sa harap ko. Doon ko nakita ang isang babae mahaba ang buhok, maputi, at may ngiti na pamilyar pero hindi ko maipaliwanag. Suot niya ang isang simpleng dress, pero sa paningin ko, parang anghel siya.“My daughter, Aurelia…”Who's Aurelia???Me?!!Halos lumambot ang tuhod ko sa narinig ko. Who is she? Why does she feel so… familiar?“Mommy?” bulong ko, pero halos wala ring tunog na lumabas.Lumapit siya. Hinaplos ang pisngi ko. “Anak… you’ll be okay. Huwag kang matakot. Mommy is always here.”Pero bago ko pa siya tuluyang makita nang malinaw, biglang lumabo ang paligid. Parang nagmistulang usok ang imahe niya at nag-fade. Sinubukan kong abutin siya, pero wala nawala siya.“Mommy! Wait! Please don’t leave me!” halos pasigaw na ako. Pero huli na.At doon, bigla akong nagising.Pagmulat ko ng mata, puti a

  • Amnesia's Curse, Mafia's Love   Chapter 14

    Chapter 14 – Celeste Amara Valdez (POV)Para akong natulala sa kinatatayuan ko. Nasa harap ko yung tatlong lalaking lasing, parehong nakangisi na parang may iniisip na hindi maganda. Nakaharang sila sa exit ng kuwebang parang kanina lang ay parang paraiso sa paningin ko, pero ngayon… naging parang kulungan. My heart was pounding so fast na para bang gusto nang lumabas sa dibdib ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. “Excuse me,” sabi ko ulit, this time mas firm yung boses ko. Nag-raise ako ng kilay kahit nanginginig na ako sa loob. “I said move. Like, now.” Pero imbes na umurong, mas lalo silang lumapit. “Uy, English pa oh,” sabi nung isa, sabay tawa. “Parang hindi taga-rito. Ang sosyal.” Napakagat labi ako. Oh my gosh, bakit ba kasi ako nag-English? Nakakainis! Huminga ako nang malalim. “Please, let me pass. Hindi ako nakikipagbiruan dito.” Pero yung isa, sinubukan hawakan braso ko. Agad kong iniwas at umatras. “Don’t touch me!” sigaw ko, this time mas mataas yung pitch

  • Amnesia's Curse, Mafia's Love   Chapter 13

    Celeste Amara Valdez (POV)Pagkatapos naming magtampisaw kanina, tuloy-tuloy pa rin ang bonding namin ng mga pinsan ko. Para kaming mga bata ulit na walang iniisip kundi tawanan at kwentuhan habang naliligo sa lawa. Ang sarap pala ng ganitong pakiramdam walang pressure, walang iniisip na responsibilidad, kundi puro kasiyahan lang.“Grabe, Celeste, ang puti mo pa rin kahit naliligo tayo sa araw. Hindi ka ba naiinitan?” biro ni Camille habang nagsplash ng tubig sa akin.“Ay excuse me, darling, hindi ako basta basta iniinitan. Alam mo naman, pang-mayaman ang balat ko. Parang automatic may sunblock kahit wala.” sabay taas baba ako ng kilay na parang model.Nagkatawanan silang lahat. Yung pinsan kong sila kuya Renz at Louie, parehong lalaki, biglang serious mode kasi they notice something.“Uy, napapansin n’yo ba? May mga nakatingin dito sa atin. Lalo na sayo, Celeste,” bulong ni kuya renz sabay wink sa akin.Napalingon ako discreetly at ayun nga may ilang group ng mga lalaki sa hindi kala

  • Amnesia's Curse, Mafia's Love   Chapter 12

    Celeste Amara Valdez (POV)Pagkababa namin, halos matulala ako.“Wait… excuse me, is this even real?!” napalakas yung boses ko habang nakataas ang kamay na parang nag-o-audition sa drama.As in, hindi ko kinaya. The lake was sparkling kulay emerald na may touch of turquoise, tapos sobrang linaw ng tubig na parang pwede kang uminom diretso pero syempre hindi, hello, arte ako pero smart pa din.Yung hangin? Fresh! As in legit fresh, hindi yung fake fresh sa air freshener na binibili sa mall. Nakakakuryente sa ilong in a good way.“Like, oh my gosh, Camille… parang Switzerland pero provincial version,” sabi ko, sabay talikod sa kanya with matching flip ng hair.Tawa nang tawa si Camille. “Grabe ka, Celeste, wala pa nga tayo sa mismong lake proper, may comparison ka na agad.”“Excuse me, cousin, kailangan natin i-document ang moment. Hindi pwedeng deadma. Look at that mountain oh my gosh, parang naka-green velvet cover! Tapos yung clouds, parang cotton candy. As in, pwede siyang backgro

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status