Share

Chapter 2

Penulis: Ahnluv_
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-18 19:35:00

Celeste Amara Valdez (POV)

“Celeste, gising na anak.”Narinig ko ang mahinang tawag ni Papa habang bahagya niyang kinatok ang dingding ng kuwarto. Malamig pa ang simoy ng hangin, halatang madaling araw pa lang

 Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at napansin ang dilim na unti-unting hinihiwa ng liwanag mula sa maliit na bintana.

“Hmm, Papa?” mahina kong sagot, paos pa ang boses ko dahil kakagising lang.

“Magpapa-pasada na ako. Pero may nakahanda nang almusal niyo. Kumain ka agad para may lakas ka mamaya,” sabi niya, sabay sumilip ng bahagya sa pinto. 

Kita ko yung pawis sa noo niya kahit maaga pa. Ganito siya araw-araw maaga gumising para makapaghanapbuhay.

Umupo ako sa papag at inayos ang buhok ko gamit ang daliri. “Okay, Pa. Sasamahan na lang kita saglit bago ka umalis.”

Ngumiti siya ng pagod pero masaya. “Sige, princess—ay este, Celeste. Huwag ka masyadong mapagod ha.”

Napangiti rin ako kahit medyo antok pa. Kahit anong biro niya, ramdam ko yung pagmamahal.

Tumayo ako at sumunod papunta sa maliit naming kusina. Amoy ko agad yung sinangag na kanin at pritong itlog na niluto ni Mama. Simple lang, pero nakaka-enganyo.

“Good morning, Pa,” bati ko habang nakaupo siya sa maliit na bangko, nag-aayos ng tsinelas at susi ng pedicab.

“Good morning din, anak.” Napatigil siya sandali at tiningnan ako. 

“Ang aga mong bumangon ah. Hindi ka na sanay gumising ng ganito.”

Napailing ako. “I just want to see you before you leave.”

Umiling siya pero halatang tuwang-tuwa. “Salamat, anak.”

Habang kumakain ako ng kanin at itlog, nakikita ko si Papa na inaayos ang mga gamit niya.

Ang dami kong gustong itanong kung hindi ba siya napapagod, kung hindi ba mabigat para sa kanya na ganito araw-araw. Pero pinili kong manahimik. Mas okay nang magpasalamat sa oras na binibigay niya.

Bago siya tuluyang lumabas, nilapitan ko siya. “Ingat ka po, Pa.”

Inayos niya yung buhok ko saglit. “Ikaw din, alagaan mo ang mga kapatid mo habang wala kami ng Mama mo.”

Tumango ako. “Yes, Papa.”

Lumabas siya, sumakay sa pedicab at umalis. Kumaway pa ako hanggang sa hindi ko na siya makita sa kanto.

Pagbalik ko sa loob ng bahay, nakita ko yung mga kapatid ko tulog pa. Tahimik ang paligid. Kinuha ko yung walis at sinimulan kong clean ng sala. Hinawi ko yung mga toys nina Enzo at Lucas na nakakalat kagabi, inayos yung mga mat, at pinunasan yung maliit na table.

Habang nagwawalis ako, naririnig ko yung huni ng mga birds sa labas at yung tilaok ng manok sa kapitbahay. Ang tahimik pero buhay ang paligid.

Pagkatapos maglinis, lumabas ako para diligan yung mga halaman sa harap ng bahay. May ilang paso ng gumamela at halaman ni Mama na inaalagaan niya. Kinuha ko yung tabo, sinalok ng tubig, at dahan-dahang dinilig ang lupa. Napatitig ako sa mga dahon simple pero nakaka-relax.

Huminga ako nang malalim. Ang fresh ng air sa morning. Napatingin ako sa paligid maliit na kalsada, mga kapitbahay na unti-unting nagigising, at ang liwanag ng araw na sumisilip pa lang sa bundok.

Na-curious ako. Matagal na rin kasi akong hindi nakakalabas-labas mag-isa. Kaya naisipan kong maglakad saglit.

Binuksan ko ang maliit na gate at lumabas. “Saglit lang ako, Ma,” sigaw ko pabalik sa loob. Narinig ko yung mahina niyang boses, “Ingat ka, anak.”

Naglakad ako sa makipot na daan, nakikita yung mga bahay na gawa rin sa kahoy at yero. May ilang kapitbahay na nagsisibihis na ng pangtrabaho, may nagwawalis din sa labas, at may mga bata na nakikipaghabulan.

“Good morning, Celeste!” bati ni Mang Teryo, kapitbahay naming nagtitinda ng gulay.

Ngumiti ako. “Good morning din po, Mang Teryo.”

“Ang aga mo ah,” biro niya.

 “Naglalakad-lakad ka na parang turista dito.”

Natawa ako. “Just enjoying the morning po.”

Sumunod, may lumapit na babae, halos kaedad ko. May dalang basket ng paninda. “Hi, Celeste. Maaga ka rin ah,” bati niya.

“Hi!” sagot ko. “Good morning. San ka papunta?”

“Maglalako lang ng kakanin,” sabi niya. “Ako nga pala si Liza, kapitbahay niyo lang sa kabilang kanto. Lagi kitang nakikita pero di pa tayo maayos nagkakilala.”

Ngumiti ako. “Nice to meet you, Liza. Ako si Celeste. Well, obviously,” natawa ako.

Natawa rin siya. “Sana maging mag kaibagan tayo. Wala ka pang masyadong kakilala dito, diba?”

Tumango ako. “Oo eh. That would be nice.”

Nagpatuloy ako sa paglalakad at ilang beses pang may bumati sa akin si Aling Nora na kilala na namin, ilang matatandang nakatambay, pati mga bata na kumaway habang naglalaro. Nakaka-warm ng puso kasi parang ang bait ng lahat.

Habang naglalakad ako, napapaisip ako. Dati, lagi akong awkward sa ganitong setting. Hindi ako sanay makisalamuha sa simpleng buhay. Pero ngayong nakikita ko yung mga tao simple lang, masayahin, magalang parang may naaalala akong hindi ko ma-explain.

Minsan napapaisip ako, bakit ako ganito kumilos? Bakit kahit simpleng pagbati, parang natural na natural pero may halong sosyal na tono? Nakikita ko yung pagkakaiba ko, pero sa halip na pagtawanan, tinatanggap nila.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa maliit na tindahan. Pumasok ako at bumili ng tinapay.

“Celeste! Ang aga mo ah,” bati ng tindera.

 “Bihira kang lumabas ng ganito kaaga.”

Ngumiti ako. “Yes po. Na-curious lang ako sa paligid. Ang ganda ng morning.”

“Oo, presko dito. Bumili ka ng pandesal?”

“Opo, 10 po.”

Binilang niya at inabot sa akin. Habang nagbabayad ako, may dalawang babae na pumasok din. “Uy, si Celeste yan diba? Ang ganda niya,” bulong ng isa.

Napangiti na lang ako at binati sila. “Good morning.”

Medyo nagulat sila, pero ngumiti rin pabalik. “Good morning.”

Lumabas ako ng tindahan na may dalang paper bag ng pandesal. Habang naglalakad pabalik, nakasalubong ko si Liza ulit.

“Uy, bumili ka ng pandesal?” tanong niya.

“Yes. You want?” alok ko.

Natawa siya. “Hindi na, may baon ako.”

Naglakad kami sabay hanggang sa kanto. “Celeste, kung gusto mo, minsan sumama ka sa akin maglako. Para makalibot ka rin at makilala mo pa ibang tao dito.”

Nagulat ako sa alok niya. “Really? Hindi ba nakakahiya?”

“Hindi no. Masaya nga eh. Para may experience ka rin.”

Napaisip ako sandali, pero ngumiti. “Sige, why not.”

---

Pag-uwi ko, nakita ko si Mama at inaayos ang mga gamit sa kusina. “Oh, saan ka galing anak?”

“Ma, naglakad-lakad lang po ako. Bumili din ako ng pandesal.” Inabot ko sa kanya yung paper bag.

Ngumiti siya. “Ay salamat. Magugustuhan yan ng mga kapatid mo pag gising nila.”

Nag-ayos ako ng mesa, nilagay yung pandesal, tapos tumulong kay Mama sa ibang gawain.

Habang nagtutulungan kami, naiisip ko yung mga bagong tao na nakilala ko. Liza, yung mga kapitbahay, at yung simpleng saya ng pagbati nila.

Ramdam ko na unti-unti, nagiging bahagi ako ng lugar na ito. Kahit may mga tanong pa rin ako tungkol sa sarili ko, parang gumagaan ang pakiramdam kapag nakikita kong tanggap nila ako kung sino ako ngayon.

At sa bawat ngiti nila, lalo akong natututo… paano maging simple, paano maging totoo, at paano maging masaya kahit hindi sosyal ang paligid.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Amnesia's Curse, Mafia's Love   Chapter 6

    Celeste’s POVMaaga pa lang, maingay na agad ang paligid. Para bang walang tulog ang buong barangay may mga nagwawalis, may nag-aayos ng mesa, at yung mga bata, naglalaro na agad sa labas. May amoy ng bagong lutong kakanin na sumisingaw mula sa kapitbahay, halatang may handaan na mangyayari mamayang gabi.Pagdilat ko, halos mapatalon ako nang marinig ang malalakas na busina. Sumilip ako sa bintana — oh my gosh, may malaking puting van na kakapark lang sa tapat ng bahay namin.Biglang pumasok si Mama, excited na excited. “Anak, bumaba ka na. Nandito na mga pinsan mo galing Manila.”“Pinsan?!” napaangat kilay ko. “Like… sosyal cousins?”“Oo, mga anak ng Tito Rodel mo. Bilis na, wag ka nang magpa-star diyan.”Agad akong tumayo, pero bago ako bumaba, inayos ko muna buhok ko gamit kamay. Hindi ako pwedeng magpakita na parang kagigising lang. Hello, first impression counts.Paglabas ko, ayun na sila. Parang fashion show sa kalsada branded outfits, shades kahit umaga, tapos yung vibe nila pa

  • Amnesia's Curse, Mafia's Love   Chapter 5

    Celeste Amara Valdez (POV) Madaling araw, biglang bumigat ang dibdib ko. Para akong nakalutang sa dilim. Hindi ko alam kung saan ako naroroon, walang direksyon, walang ilaw puro echo lang ng mga hakbang at boses na hindi ko makita ang pinagmulan. "Dónde estás…?" "She shouldn’t be here…" "Corre… rápido…" "We will find you." Nanlamig ako. Hindi ko kilala yung mga boses, pero halong Spanish at English yung mga salita nila. Malabo, parang nagmu-murmur lang sa tenga ko pero diretso pasok sa utak. At habang tumatagal, parang palapit nang palapit. Biglang may malamig na kamay na parang humahawak sa braso ko. Napasigaw ako: “Stop! No! Please!” Pagdilat ko ng mata, pawis na pawis ako. Basang-basa ang pisngi ko dahil umiiyak pala ako habang natutulog. Tumayo ako bigla, hinahabol yung hininga ko, hawak ang dibdib na parang sasabog. Buti na lang, hindi nagising sina Mama at Papa, pati mga kapatid ko. Kung narinig nila ako, baka sobra silang mag-alala. Pilit kong inaalala yung panagini

  • Amnesia's Curse, Mafia's Love   Chapter 4

    Celeste Amara Valdez (POV) Nagmulat ako ng mata nang medyo mabigat pa ang pakiramdam ko. Normally, sanay na akong magising nang maaga these past days, pero ngayon… hindi. Ang sakit ng katawan ko, parang may binagsak na unan sa ulo ko. Napahilot ako sa sentido at napangiti habang naaalala ko kagabi. Right. I slept late. Not because of stress or kung ano mang problema pero dahil napasarap ang kwentuhan at laro naming magkakapatid kagabi. Napahiga ako ulit, ini-stretch yung braso ko. Sa totoo lang, hindi ako sanay na ganito kagulo bago matulog. Ewan ko ba basta feeling ko Hindi ako ganito mamuhay. But here, last night, parang lahat ng rules tinapon sa bintana. Kagabi kasi, pagkatapos naming kumain, bigla na lang nagyaya yung mga kapatid kong maglaro. “Ate Celeste! Laro tayo, please!” sigaw ni Noel, yung pinakabunso na halos hindi na bumitaw sa kamay ko mula nang dumating ako. “Play? Hmm, what kind of play?” tanong ko, half-English half-Tagalog, habang nakaupo ako sa papag. “Tagu-

  • Amnesia's Curse, Mafia's Love   Chapter 3

    Celeste Amara Valdez (POV) Maaga pa lang, gising na ako. Hindi ko nga alam kung bakit. Siguro dahil excited ako? O baka naman kinakabahan. Basta ang alam ko, mas maaga pa akong gumising kaysa kay Mama. Napatingin ako sa paligid ng kwarto naming maliit yung papag na gawa sa kahoy, banig na tinutulugan ng mga kapatid ko, at mga laruan nilang nakakalat pa rin sa gilid. “Celeste, this is it,” bulong ko sa sarili ko habang dahan-dahan akong tumayo. Kinuha ko agad yung maliit na salamin na nakasabit sa dingding. Medyo nagulat ako kasi may konting eyebags pa ako at sabog ang buhok ko. “Oh my gosh, no. Hindi pwede ito.” Napabuntong-hininga ako pero natawa rin. Kahit pala dito, hindi ko maiwasang mag-arte. Pero bago lahat, inuna ko ang maglinis. Oo, me—Celeste Amara Valdez, na dati allergic sa household chores, ngayon kusa nang kumukuha ng walis tambo. Hinawi ko muna ang mga laruan nina Enzo at Lucas. Pinulot ko yung maliit na kotse na naiwan ni Noel kagabi, tapos inayos sa tabi ng pap

  • Amnesia's Curse, Mafia's Love   Chapter 2

    Celeste Amara Valdez (POV)“Celeste, gising na anak.”Narinig ko ang mahinang tawag ni Papa habang bahagya niyang kinatok ang dingding ng kuwarto. Malamig pa ang simoy ng hangin, halatang madaling araw pa lang Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at napansin ang dilim na unti-unting hinihiwa ng liwanag mula sa maliit na bintana.“Hmm, Papa?” mahina kong sagot, paos pa ang boses ko dahil kakagising lang.“Magpapa-pasada na ako. Pero may nakahanda nang almusal niyo. Kumain ka agad para may lakas ka mamaya,” sabi niya, sabay sumilip ng bahagya sa pinto. Kita ko yung pawis sa noo niya kahit maaga pa. Ganito siya araw-araw maaga gumising para makapaghanapbuhay.Umupo ako sa papag at inayos ang buhok ko gamit ang daliri. “Okay, Pa. Sasamahan na lang kita saglit bago ka umalis.”Ngumiti siya ng pagod pero masaya. “Sige, princess—ay este, Celeste. Huwag ka masyadong mapagod ha.”Napangiti rin ako kahit medyo antok

  • Amnesia's Curse, Mafia's Love   Chapter 1

    *1 year and now after ng accident* Celeste Amara Valdez (POV) Mainit ang sikat ng araw nang magising ako. Pumasok ang liwanag sa maliit na bintana ng bahay namin. Kahoy at yero lang ang gawa nito, pero puno ng buhay sa ingay ng mga kapatid ko at tawanan nila. Huminga ako nang malalim, naramdaman ko yung init ng araw sa balat ko. Kahit papaano, nakakagaan ng pakiramdam. Ako si Celeste Amara Valdez, 25 years old, panganay sa anim na magkakapatid. Nakaupo ako sa gilid ng papag, tuwid ang likod, parang sanay na sanay sa proper posture. Hindi ko alam kung bakit automatic na ganito ako umupo. Kahit simpleng duster lang ang suot ko, lagi nilang sinasabi na may dating pa rin ako kutis porselana, mahaba at makintab ang buhok, parang sosyal daw. Ako mismo, minsan nagtataka kung bakit ganito ako. “Celeste, anak, kumain ka muna bago ka mag-igib,” tawag ni Mama mula sa kalan. Si Camille Valdez, nanay ko. Maliit lang ang kusina, pero amoy na amoy ang pritong tuyo. Nag-ayos ako ng upo at ngumit

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status