Share

2 - Laurente Cousins

Carrie's POV

"Wala ka namang gusto sa kanila, but why do you need to do that? Nauubusan ka na ba ng lalake kaya pati ang magpinsan ay hinahayaan mong manligaw sayo!" 

Inis kung ibinaba ang hawak kong libro nang lumapit na lang bigla sa'kin si Nicole, one of my classmate here in Hariente Community College. She likes Roi Laurente, kaya hindi na ako magtataka kung bakit siya nandito at namumuyos sa galit, pero hindi ba nito nakikita that I'm busy?

"I'm doing something here, Nicole. Saka ka na magpuputak putak diyan kapag wala akong ginagawa, pwede? Saka, girl! Hindi mo ba alam ang purpose ng panliligaw? Palibhasa kasi ikaw ang nanliligaw at hindi ikaw ang nililigawan," sambit ko sabay irap.

Tumawa lang ito na animo'y nakakatawa ang sinabi ko.

"Purpose ng panliligaw? Joke ba 'yan? Nagpapatawa ka ba? Ang sabihin mo, ubos na ang lalake mo kaya you make the Laurente cousins court you. Huwag ka ngang magpatawa, HCC students knows you very well na pinayagan mo ang dalawang magpinsan para paglaruan sila-- What the hell!" Bulyaw nito nang muntikan na siyang mabasa nang sabuyan ko siya ng juice, buti na lang at nakailag ito kung hindi ay magmumukha itong basang sisiw.

Napansin ko ang pagsulyap sa amin nang ilang nasa cafeteria. God! I hate this kind of attention. 

"Why don't you just say that you are just jealous? Don't worry, Nicole, hindi kita pagtatawanan basta aminin mo lang na nagkakaganyan ka dahil ako ang gusto ni Roi at hindi ikaw." I said before getting my things on the table.

"Hey! Hindi pa ako tapo--"

"Kung may problema ka dahil nililigawan ako ngayon ni Roi then you are free to stop him," sambit ko sabay sulyap kay Roi na ngayon ay papalapit sa pwesto namin. Tinaasan ko ng kilay si Nicole bago magpatuloy sa sasabihin. "'Yun ay kung mapipilit mo siyang tumigil," sambit ko at tumalikod na.

Hindi pa ako nakakalayo nang may humawak na sa kamay ko. 

"Let's talk, Carrie," sambit nito, pero umiling ako.

"Talk to Nicole first, sabihin mo na huwag niya akong ginagambala," sambit ko tatalikod na sana ulit ako, pero muli niya akong pinigilan.

"Totoo ba? Na pinayagan mong manligaw si Chester?" Seryosong tanong nito.

Dahil sa sinabi niya ay hinarap ko siya. 

"Why? Titigil ka na? Ngayong liligawan ako ng pinsan mo ay susuko ka na?" Nakataas na kilay na tanong ko.

He just smirk. "Of course, not," sambit nito at kinuha ang dalawang librong bitbit ko at kinuha rin ang bag ko. Nauna itong naglakad kaya napasulyap ako kay Nicole na ngayon ay nakasimangot na. 

*****

Naibaba ko ang hawak na phone at tinanggal ang airpods na suot. Kahit na nakikinig ng music at nakatutok ang atensyon sa phone ay ramdam at pansin ko ang titig ng isang lalake.

Nang sulyapan ko siya ay kumindat ito.

You know what funny is? He is with her girlfriend, pero nagagawa niyang tumitig sa'kin ng malagkit. Masasabi ko na buong linaw at sigurado na girlfriend niya ang kasama dahil pagkarating ko rito ay napasulyap ako sa kanila dahil subra ang pinapakita nilang public display of affection.

I just can't get boys. Kinagat ko ang labi at tinali ang buhok. Napansin ko ang pagtayo ng babae at tinungo ang comfort room. 

Kung may kasama ako ngayon, nakipagpustahan na ako na lalapit ang lalakeng 'yun na kanina ko pa napapansing tumititig sa'kin. Lihim akong natawa nang tumayo nga ito at naglakad papalapit sa'kin. Haist! Kahit kailan talaga tama ako sa mga ganito.

Ohh, come on, boys.

Nasa restaurant ako ngayon. I'm waiting my brother. Pinaghihintay nanaman ako ng isang 'yun. Siguro ay may natipuhan nanaman na babae sa daan kaya late nanaman.

Boys is always a boys. Hindi nakukuntento ang isang lalake, that is base on my experience. May babae ang papa ko, rason kaya nakipaghiwalay ang mama ko sa kanya. I hate him for doing that.

"Hi, beautiful." Gusto kong irapan siya, gusto ko siyang sungitan, pero shempre hindi ko ginawa.

"Hi, handsome," balik kong sambit.

Handsome? Hindi ko nga mahanap kung nasaan ang handsome sa mukha niya. Hindi ko maiwasang taasan siya ng kilay nang maupo ito sa tabi ko. 

"I'm Jerome, you are?" He ask.

"Me? It's not important. Just answer me, why are you here? And what brought you here? I've seen that you have a girlfriend, baka magalit siya na nandito ka," sambit ko sa kanya habang gamit ang mapang-akit na ngiti.

"No, she's not my girlfriend. She is just my cousin," sambit nito habang tumatawa.

Hinawi ko ang buhok ko at hindi na rin maiwasang matawa. Hindi ko rin maiwasan ang mapa-iling. She't not her girlfriend. She is just her cousin. Nakakatawa siya. Anong akala niya sa'kin? Tanga?

"Okay," simpleng sambit ko at ininom ang juice na nasa harap ko.

"Can I get your number? So we can... you know get to know each other," sambit nito.

Boys! 

"I'm sorry, but I'm not giving my number sa kakakilala ko lang," sambit ko, but I have plan. 

Lihim akong nagbunyi nang kinuha niya ang panyo niya at sinulatan. It's his number. 

"Call me," sambit nito sabay kindat sa'kin. Tumayo rin naman na agad siya at bumalik sa kinauupuan.

Kinuha ko ang panyo na may number niya at tumayo. Pagtalikod ko ay hindi ko na mapigilan ang ngiti sa labi ko. Tinungo ko ang comfort room, then there she is. 

She is fixing her hair. Napasulyap pa ito sa'kin at ngumiti. I don't give him a smile back, hindi kami close.

Tinignan ko muna ang sarili sa salamin bago ako magsalita nang hindi siya sinusulyapan.

"Panyo 'to ng boyfriend mo hindi ba?" Sabay lapag ko ng panyo sa pagitan namin.

"Oh, nahulog niya? Salamat," sambit nito at kinuha iyon. Nakita ko ang paglagay niya agad iyon sa bag niya. Hindi niya nakita ang numero ng boyfriend niya.

Natawa ako at nagpahid ng lipstick. Nang malagyan ng lipstick ang labi ko ay sunulyapan ko na siya.

"Examine the handkerchief. Hindi ko 'yan napulot. Hindi ako pumupulot ng panyo. Binigay niya 'yan sa'kin," sambit ko.

Tumitig ito. She's pretty, pero nagpapaloko siya sa isang lalakeng hindi naman gwapo. You deserve better, yung hindi ka lolokuhin.

"Miss, what do you mean? Are you telling me that my boyfriend is flirting with you?" Irita niyang tanong.

"Why don't you examine the handkerchief first, Miss?"

Timitig ito ng matagal bago buksan ang bag at tignan ang panyo. Kitang kita ko ang gulat sa kanya nang makita ang isang cellphone number sa panyo ng boyfriend niya.

"Pagka-alis mo ay lumapit siya, we talk and alam mo kung anong pakilala niya sayo?"

Hindi ito nagsalita. Titig na titig lang sa number na nasa panyo. Parang tinitignan niya nang maayos kung talaga bang number 'yun ng boyfriend niya.

"He said that you are not his girlfriend, and you are just his cousin. He wanted to get my number, pero ayaw ko, so instead giving him my number, binigay na lang niya ang sa kanya-"

"Shut up!" Seryosong sambit niya.

"Okay," simpleng sambit ko bago siya tinalikuran at bumalik sa lamesa, nakita ko na naghihintay na rin roon ang magaling kung Kuya.

Hindi nakaligtas sa'kin ang panonood sa'kin ng lalake kanina. I smiled at him. Goodluck!

 Pagkaupo ko sa upuan ko ay tinignan ko na agad ng masama ang kapatid ko.

"Hervey, you are late again!" Madiin kong sambit.

"Mas matanda ako sa--" Natigilan siya nang makarinig ito ng malakas na tunog. Pareho pa kaming sumulyap sa kinauupuan ng manlolokong lalakeng 'yun.

"Ohh that's ouch," d***g ni Hervey na animo'y siya ang sinampal. Napanguso ako. Deserve!

Sumulyap ako roon at pinanood ko ang pagtapon ng panyo sa dibdib ni... Jerry? Jeron? Ano nga pangalan niya? Gosh! Hindi talaga ako magaling sa pangalan.

Napansin ko ang pagsulyap sa'kin ng lalake kaya kinindatan ko na lang. Kung magaling siya maglaro ng babae? Magaling din ako maglaro ng lalake.

Muli siyang sinampal ng babae bago umalis, naiwan ang lalake roon na hindi makapaniwala sa nangyare. Nang muli iyong sumulyap sa'kin na animo'y alam na ang ginawa ko ay naglakad na ito tungo sa lamesa namin.

"Na late lang ako ng ilang minuto, may pinasok ka nanaman pa lang gulo. Kailan ka ba magbabago?" Rinig kong sambit ni Harvey, mukhang napansin nito na patungo sa'kin ang lalakeng galit na galit.

"Itaboy mo 'yan, kasalanan mo rin naman dahil na late ka," sambit ko sabay inom ko, kasabay iyon nang pagkarating niya sa mesa namin.

"You bitch--"

"Lahat ng tumawag ng ganyan sa babaeng kaharap ko nawawalan ng ngipin," mabilis na pagputol ni Harvey sa sasabihin ng lalakeng 'yun.

I can't help myself but laugh. "Huwag mo takutin," mahinang tawa pa ring sambit ko.

"At sino ka naman?" Ngayon ay kay Harvey na siya nakaharap.

Tumayo si Harvey at hindi ko na mapigilan ang matawa. Tinignan naman agad ako ni Harvey kaya napanguso na lang ako.

Kinagat ko ang labi ko. Nagmistulang isang bata ang lalakeng 'yun. Matangkad si Harvey, at ang kaharap niya ay matatawag ng bansot. Parang natakot 'yung lalake dahil napaatras ito.

"Gusto mo talagang mawalan ng ngipin? If not umalis ka na. Busy kami rito," sambit ni Harvey ng seryoso.

Ayaw pa nito umalis, pero nang itulak ni Harvey ang upuan niya palikod ay walang sabi-sabi na itong tumalikod at umalis.

"Aalis din pala, pinatayo pa ako," bulong nito sa sarili bago maupo.

"Thank you, Kuya," natatawa ko nang sambit.

"Ngayon tatawagin mo akong kuya? Ikaw! Ayos ayosin mo buhay mo. Huwag ka ngang masyadong playgirl! Ano 'tong nababalitaan ko na iba't ibang Laurente ang ka date mo? Magpipinsan 'yun, Carrie, kaya umayos ka!" Bulyaw nito.

Nagkibit balikat ako. "If boys like you can be a playboy, then girls like me can be a playgirl as well. Anong masama do'n? That is what we called equality," sambit ko habang nakangiti.

Yes, I'm a playgirl. Kung kayang paglaruan ng mga lalake ang mga babae, kaya ko rin silang paglaruan. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status