Share

Chapter 4- Mysterious Persons

Hindi alam ni Elyse kung ano ang dapat na maramdaman niya. Kung magiging masaya ba siya dahil kahit papaano ay magkakaayos na sila ng kaniyang Mommy Claudette o kung magagalit o magtatampo ba siya sa ginawa ng kaniyang best friend na si Katy. Pakiramdam niya kasi ay trinaydor siya nito. Ngayon lamang din ito nangyari kung kaya't medyo masakit din naman sa kaniya. Pero, after all ay malaki ang parte nito kung sakali nga'ng magkaayos sila ng kaniyang Mommy.

"We're here Hija."

Tumigil ang kanilang sasakyan sa harap ng isang eleganteng bahay. Maliit lamang ito kung ikukumpara sa dati nilang tahanan na mansiyon. Ngunit ang mga disenyo naman ay makabago. Kung titignan ay simple lamang ang panlabas nito.

Bumaba sila sa kanilang kotse at pumasok sa gate. Agaran namang ipinark 'yon ng kanilang personal driver. Pagpasok pa lamang niya ay sinalubong na sila ng mga maid, house keeper, hardinero, guards, at iba pang mga tao na ngayon lamang niya nakita. Siguro ay bago hire lamang sila.

Kaagad sila
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status