LOGINNami Ashantelle Santiago’s POV
Present Time... Tatlong taon na ang nakalipas mula nang ikasal kami ni Luigi. Pero kahit isang araw, hindi niya ako itinuring na asawa. Para bang wala lang akong halaga sa kanya—na parang hindi kami magkasama sa iisang bubong. Mula kasi nang ikasal kami, agad kaming pinagsama sa mansion na ito. Sabi ng mga magulang namin, mag-asawa na raw kami kaya dapat nakabukod na. Wala na raw excuse. Sabi ko pa dati, “Wow, I'll finally live with my celebrity crush!” But reality hits hard. Hindi ito ‘yung tipong kilig na inaasahan ko. From day one, Luigi made it clear. “Asawa sa papel ka lang.” Sakit, diba? Akala mo, akala mo nanalo ka na sa lotto, sa jueteng lang pala. Kasalukuyan akong nasa kusina, tahimik na hinihintay ang tubig na kumulo para sa tsaa ko. Nakaupo ako sa isa sa mga high chairs sa bar counter, pinagmamasdan ang paligid. Tahimik. Gaya ng nakasanayan ko. This house is so big, pero parang mas malaki pa ang distansya namin ni Luigi kahit nasa ilalim lang kami ng parehong bubong. Kahit pa madalas kaming magkasalubong sa bahay, parang hindi niya ako nakikita. When he does notice me, it's usually to throw some backhanded insult about my appearance. Napangiti ako nang mapait habang iniisip ang kalagayan namin ngayon. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niyang sinabi ang mga salitang: "You're nothing to me." "I didn’t want this marriage." “Don’t expect me to care about you." Masakit, oo, pero hindi ko magawang umalis. Bakit? Kasi martir ako. Hindi ba’t gano’n naman ang mga nagmamahal? Pero seryoso, even before all this, may lihim na akong paghanga sa kanya. Napapanood ko siya lagi sa TV—ang gwapo niya, promise. 'Yung tipong kahit walang effort, ang lakas maka-heartthrob. Alam ko, hindi lang ako ang may crush sa kanya. Siguro kalahati ng populasyon ng mga babae sa Pilipinas gusto siyang maging jowa. Kaya noong sabihin ni Papa na ikakasal ako sa kanya, hindi na ako nagreklamo. Sino ba naman ang magrereklamo kung ang celebrity crush mo, magiging asawa mo? Pero syempre, hindi lahat ng kinang ay ginto. After the wedding, Luigi turned out to be the complete opposite of what I imagined. Ang gwapo, pero ang sungit. Ang yaman, pero ang yabang. He’s cold, mapanglait, at puro sarili lang ang iniisip. Gets ko naman na hindi niya ako gusto dahil sa itsura ko. I mean, aminin ko na—hindi ako ‘typical artista wife material’. I'm no fashionista. My go-to outfits are oversized blouses and long skirts. Mukha akong titser sa probinsya kahit hindi naman. Hindi rin ako confident, lagi akong awkward sa harap niya, lalo na kapag tinitingnan niya ako mula ulo hanggang paa na parang sinisiguro kung talagang tao ako. Inabot pa nga ako ng tatlong taon bago ko napraktis ang hindi mautal sa harap niya. Kabisado ko na nga ang mga linya niya. Lalo na yung "You’re not my type," iyon kasi ang paulit-ulit na sinasabi niya. As if hindi ko pa gets. But you know what? I don’t care anymore. Basta ako, ginagawa ko ang part ko bilang asawa kahit hindi niya makita. Kahit hindi niya ma-appreciate. The sound of the door opening broke my thoughts. There he was—papasok dito sa kusina. Nakasuot pa rin siya ng itim na leather jacket na mukhang galing sa isang eksena, ang daya na mukha pa rin siyang fresh tignan kahit pagod. Kung ako ‘yan ay baka sinabihan na niya akong mukha akong dugyot. Bakit ba kasi ang pangit ng ugali ng asawa ko? Napansin niya ako, kaya tumigil siya sa may pinto. Tumaas ang kilay niya. Uh-oh. Here we go again. "What are you doing here? It’s late," tanong niya gamit ang malamig na tono. I hesitated for a moment, then answered honestly, "Wala… hinihintay kita." Bahagyang lumalim ang kunot ng noo niya. "Hinihintay mo ako? Bakit?" Alanganin akong ngumiti. “Kasi… mag-asawa tayo?” Napangisi siya. Isa sa mga trademark smirks niya na parang nagsasabing, “Really? You think that’s a valid excuse?” “Seriously? Stop dreaming. Asawa lang kita sa papel. Daig mo pa ang artista, masyado kang kumakapit sa karakter mo.” Ouch! Ang sakit! Para akong sinampal kaliwa’t kanan. Gusto kong magsisi na hinintay ko pa siya. Pero kahit na, hindi rin naman ako nakakatulog agad. Kung wala siyang pake sa akin, ako meron. Hihintayin ko nalang siguro ang panahon na ako na mismo ang mapagod sa kanya. Sa ngayon, paninindigan ko ang pagiging asawa sa kanya. I cleared my throat, trying to shake off the sting of his words. “Asawa sa papel is still asawa. Gusto kong maisip mo na may mabuti kang asawa na laging nandito para sa’yo.” Napangiwi siya. “Next time, don’t wait for me. Hindi ko naman hinihingi iyon.” “Kahit ano pa ang sabihin mo, manhid na ako. Hindi na ako tatablan niyan. Unless, of course, may maging babae ka.” He frowned, confused. "What do you mean?" I took a deep breath. “Simple lang. Kung mahuhuli kitang may ibang babae, lalayasan kita. Basta ngayon, kahit tratuhin mo akong parang basura, dito lang ako. Pero once na niloko mo ako, tapos na tayo.” “Tsk,” asik niya. He grabbed the cup of tea I had just prepared, sipped it, and let out a sigh. "Madaling araw na para magdrama ka pa. Mauna na ako sa kwarto." As usual, he walked away, dismissing me like a scene he was done filming. Pero sa totoo lang, sanay na ako. Mabilis kong tinabi ang mga baso sa lababo at nagmadaling hinabol siya. “Wait! May sasabihin pa ako. Wag ka munang umalis,” hinigit ko ang braso niya. He turned, clearly annoyed. “Ano na naman ba?” I bit my lip, nervous but determined. “3rd Anniversary na natin bukas. Baka naman pwedeng lumabas tayo?” “Ayoko.” “Please? Kahit isang dinner lang?” “Ano bang saysay ng pag-celebrate natin? Hindi naman kita mahal.” Napabusangot ako. Hindi man lang niya finilter ang sasabihin niya. Pinamukha pa talaga sa akin. “Ayaw mo?” “Oo, hindi mo ba ako narinig? Ulit-ulitin ko ba? Tapos kapag nasaktan kita sa mga salita ko ay magkukulong ka na naman sa banyo kakaiyak? Akala ng mga katulong ay napano ka na,” sagot niya, napalabi naman ako. “Ah, ganoon? Sige, hindi ako matutulog sa kwarto. Doon na lamang ako sa guest room.” Bumitaw ako sa kanya at nagmarcha paalis. Nagbilang ako ng hanggang tatlo at naramdaman ko nalang ang mainit niyang palad na dumampi sa braso ko. “Oh? Bakit mo ako hinahawakan?” Inayos ko ang salamin ko na bahagyang nahulog sa aking ilong. “Oo na! Mag cecelebrate na tayo bukas!” Napabungisngis naman ako! Yes! Sabi na e, gagana. Natatakot kasi siyang matulog mag-isa sa kwarto. Kalalaking tao, gwapo, mabango, malapad ang mga balikat, matipuno ang pangangatawan, kaso takot sa multo! Suplado pero hindi makatulog ng walang katabi, kesyo hindi raw siya sanay sa mansyon na ito. Nakakapanaginip daw siya ng masama tuwing hindi kami parehas ng kwartong tutulugan. Pagdating namin sa kwarto, Luigi went straight to the bathroom. Narinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa shower. I froze for a moment, my mind wandering. Ano kayang itsura niya kapag wet look? “Napaka-matatakutin mo talaga, Luigi!” Inayos ko ang tatlong unan at nilagay sa gitna namin. Ayaw niya kasi na nagkakadikit ang balat namin sa pagtulog. “I told you! Namamahay ako,” sigaw niya mula sa bathroom ng kwarto namin. “Namamahay? Tatlong taon na tayo dito sa bahay. Ito na ang tirahan mo, uy!” “Matulog ka na kung gusto mong matuloy tayo bukas.” Napaayos naman ako ng higa sa kama. Kinumot ko ang makapal na comforter sa aking tiyan. Tinanggal ko rin ang eyeglasses ko at nilagay ang aking sleep mask. Mas madali kasi akong makakatulog kapag may gan’to sa mata. Narinig kong bumukas ang pinto ng bathroom at ang yabag ng kanyang paa sa tiles. Siguro ay nagbibihis na siya. Gusto kong tumingin. Kaso, baka mabadrip na naman ’yon sa akin at hindi pa ako siputin bukas. Huwag na nga! "Ano ba ’yan, kung hindi naka-eyeglass, naka-sleep mask naman. Ano ba ’tong nerd na ’to," narinig kong bulong niya, sabay marahan ang paggalaw ng kama. Mukhang nahiga na siya. Napangiti ako nang bahagya bago sumagot, "Naririnig kita, Luigi." “Pinarinig ko talaga sa’yo,” balik niya, halatang may halong inis. “Goodnight, asawa ko.” Narinig ko ang mahinang buntong-hininga niya, na para bang nadidiri pa rin siya sa term of endearment ko. Pero ayos lang. Kahit ano pa ang reaksyon niya, ako pa rin ang panalo. Ako pa rin ang asawa niya. Ako ang may dala ng apelyido niya.Third Person POVNanubig ang mga mata ni Nami. Tila isang malamig na kutsilyo ang tumarak sa puso niya. Mabuti na lamang tulog na ang mga kasama nila sa bahay. Dahil hindi niya ata kakayanin kung mayroong makarinig at kaawaan pa siya. Naguilty si Luigi, ngunit hindi niya na iyon kaya pang bawiin, dahil huli na. He already said it, nakasakit na siya. Binuka niya ang bibig para dagdagan pa sana ang sasabihin ngunit nang makita ang nakakaawang mukha ni Nami ay bahagya siyang natigilan. “Ganoon mo ba kaayaw ang mukha ko, Luigi? Bakit labis mo ako kung kamuhian. Alam ko naman na malayo ako sa gusto mo, pero hindi ba pwedeng kahit papaano ay pakitunguhan mo ako ng maayos. Nagawa mo naman na e. Nitong mga nakaraan, ayos na tayo—”“Oh, kaya nag-assume ka na?”Parang sampal ang bawat salitang lumabas kay Luigi. Walang emosyon, walang init, puro talim. Luigi’s words cut deeper than a knife. Nami swallowed, ramdam niya ang bigat na bumabalot sa pagitan nila. Nanginginig ang kamay niyang nakaka
Third Person POV“Problema mo, dude? “You look like shit today,” tinaas ni Jax ang baso ng alak kay Luigi.Hindi umimik si Luigi ngunit maagap na tinanggap nito ang baso. Mabilis niya itong tinungga bago pumikit nang mariin. Mapakla ang whiskey, parang sinusunog ang lalamunan niya, pero mas gusto niya iyon kaysa maramdaman ang kahit ano pa.Si Jax Anderson ang kauna-unahang naging kaibigan niya sa industriya. Gaya niya, alaga rin ito ni Kiko. They’ve been friends for years now kaya kilala siya nito—kilala sa lahat ng ugali, kalokohan, pati trip sa babae. Alam ni Jax na may nagiging distraction kay Luigi, kaya pagkatapos ng taping nila ay nag-aya agad ito na uminom.Nagtatawanan ang iba nilang kasama sa VIP area ng elite na bar sa Maynila. Malamlam ang ilaw, puro gold at glass ang interior. Mula sa taas ay tanaw ang city lights na parang mga bituing nakakulong sa lungsod. Ito lamang ang bar na pwede nilang puntahan nang hindi mauuwi sa scandal. The bar was known for its privacy and its
Third Person POVHalos manlamig si Luigi sa kinatatayuan. Dinig ang sinabi ng Direktor sa buong production team — beteranong artista, baguhan, cameraman, utility, stylist, lahat. Kiko’s words were true. May ilang napangisi, halatang hinihintay ang araw na madapa ang “golden boy.”“I’m sorry. I’ll take full responsibility for this. I’ll make sure lahat kayo dito will be compensated,” umiikot ang tingin niya sa buong crew bago muling bumalik sa Direktor. “Pasensya na po ulit.”“Go on. Bayaran mo sila. But I’ll refuse your offer.” Malamig ang boses ng Direktor, walang emosyon. “Ang pinaka-ayaw ko ay ‘yung mga taong porket may pera pang-bayad, akala nila puwede nang baliwalain ang oras at pagod ng iba. I hate those people to the core.”Umawang ang labi ni Luigi. Gusto niyang ipaliwanag na ngayon lang ito nangyari. Ngayon lang siya nagkamali. Ngayon lang siya hindi nakahanda. He wanted to defend himself — pero anong laban niya sa direktor na may malaking punto.Kiko glared at him, almost a
Third Person POVHalos isang buwan na ganoon ang naging routine ng mag-asawang Luigi at Nami. Palagi pa rin silang nag-aaway, pero madalas ay nauuwi rin sa matinding lambingan—lalo na sa gabi. Nami thought their relationship was finally getting better. Mas madalas na siyang paboran ni Luigi sa mga desisyon, hinihingan ng opinyon, at minsan pa, siya na ang nasusunod.Nagpapaliban na rin si Luigi sa taping dahil mas gusto nitong manatili sa bahay. May mga araw na bigla siyang mag-absent sa shoot para lang makasama ang asawa. Kapag nasa bahay sila, nagma-movie marathon, nagyayakapan, at nagluluto nang magkasama. Slowly, nagiging tahimik ang buhay nila.“Where the hell are you?” nagisising ang diwa ni Luigi sa malakas na sigaw ng kanyang manager sa kabilang linya. Napamura siya. Nahuli na naman siya ng gising. Paniguradong late na naman siya sa set. He turned his head to look at Nami. Mahimbing ang tulog nito, cheek pressed against the pillow, delicate and peaceful in a way na hindi niya
Nami Ashantelle Santiago’s POVThe words barely left my mouth before I felt it—my chest tightening, stomach twisting, and a small, nagging fear crawling up my spine. Huli na nang mapagtantong tila sumobra ako sa sinabi. Halos tapikin ko ang noo sa takot na baka masira ang mood niya. Luigi didn’t respond immediately. His eyes narrowed slightly, not with anger… but with that unreadable, serious expression he always wore. Kulang nalang tumalon ang puso ko sa kaba. What is he thinking? Ang hirap niyang hulaan.“I… I didn’t mean to—” agap ko, bahagyang nanginig ang aking labi na agad ko rin kinagat. No. Don’t say it. Don’t ruin this moment, Nami!He tilted his head, watching me carefully. The silence between us stretched, heavy and loud, and I felt like I could hear my own heartbeat echoing in the kitchen. Matutumba yata ako sa paraan nang pagtitig niya. “Hmm,” he finally murmured, and I flinched at the sound. “I see.”“K-kalimutan mo nalang ang sinabi ko! Nadala lang ako, hindi ako g-g
Nami Ashantelle Santiago’s POVMasakit ang buong katawan ko. Hindi ko pa man naimumulat ang mga mata ko, ramdam ko na agad iyon. Memories of last night flooded my mind, at napamura ako nang maisip na kaya ganito kasakit ang katawan ko… ay dahil naka-lima kami.Napabalikwas ako nang bangon nang makitang mataas na ang sinag ng araw. Gosh! I overslept! Nilingon ko ang kabilang kama at wala na si Luigi doon. Agad akong nag-panic. Hindi ko siya napagluto ng almusal. I know he almost never touches the meals I prepare, but I’ve grown used to cooking for him anyway.Para bang routine ko na ‘yon at habang buhay kong gustong gawin. Halos magkandaugaga ako sa pagtitingin ng oras. It’s already 10 a.m. Grabe! Ganito katagal ako natulog? Sabagay, pagod ako sa lakad namin kagabi, tapos idagdag pa ang pagtatalik namin na inabot ng limang rounds.Mabilis akong tumayo upang maghilamos. Itatanong ko nalang kila manang kung anong oras umalis ang asawa ko. “Nami! You’re still sore, napakadumi talaga ng







