Share

Chapter:28

Author: Miss Jesszz
last update publish date: 2026-04-04 17:29:43

Malamig ang hangin sa loob ng conference room.

Tahimik.

Tanging tunog lamang ng mahihinang pag-click ng ballpen at paglipat ng mga papel ang maririnig.

Nasa gitna ng mahabang mesa si Arkin.

Diretso ang kanyang likod. Nakaayos ang suot nitong mamahaling suit. Ngunit sa kabila ng pormal nitong anyo, hindi maitago ang bahagyang pagkakunot ng kanyang noo.

Pagod.

At tila may iniisip.

Sa kanyang harapan ay nakaupo ang tatlong foreign investors. Pawang seryoso ang mga mukha habang nakati
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:28

    Malamig ang hangin sa loob ng conference room. Tahimik. Tanging tunog lamang ng mahihinang pag-click ng ballpen at paglipat ng mga papel ang maririnig. Nasa gitna ng mahabang mesa si Arkin. Diretso ang kanyang likod. Nakaayos ang suot nitong mamahaling suit. Ngunit sa kabila ng pormal nitong anyo, hindi maitago ang bahagyang pagkakunot ng kanyang noo. Pagod. At tila may iniisip. Sa kanyang harapan ay nakaupo ang tatlong foreign investors. Pawang seryoso ang mga mukha habang nakatingin sa presentation na naka-project sa malaking screen. “Mr. Delavega,” ani ng isa sa mga ito, isang matandang banyaga na may salamin, “your proposal is impressive. However, we need more assurance regarding the recent financial setbacks of your company.” Bahagyang tumango si Arkin. “I understand,” kalmado nitong sagot, ngunit may diin ang bawat salita. “The issues you’re referring to are already being resolved. In fact, within the next few weeks, we expect full recovery.” Nagpalitan ng

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:27

    Malamig ang simoy ng hangin sa banyagang lungsod na iyon. Sa labas ng mamahaling hotel ay kumikislap ang mga ilaw mula sa matataas na gusali. Sa loob ng presidential suite, tahimik na nakatayo si Arkin sa may malawak na salaming bintana. Hawak niya ang isang baso ng wine ngunit ni isang lagok ay hindi niya magawang inumin iyon. Mula roon ay tanaw niya ang makulay na siyudad sa ibaba. Ngunit sa kabila ng ganda ng tanawin, iisa lamang ang laman ng kanyang isip. Si Elaina.Piping naisantinig niya na sana,ay kasama niya ngayon ang kanyang asawa. Napabuntong-hininga siya at muling inilapag ang baso sa mesa. Kanina lamang ay nakausap niya ang kanyang asawa sa telepono. Maikli lamang ang kanilang pag-uusap dahil kailangan niyang habulin ang isa na namang meeting. Ngunit sa maikling sandaling iyon ay ramdam niyang tila may kakaiba sa tinig ng asawa. Tahimik. Mahina. At tila pinipilit lamang nitong magpakatatag. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Hindi niya maipaliwanag, ngunit

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:26

    Malungkot na napayuko si Elaina matapos marinig ang mga sinabi ni Manang Erma. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa mga tanong nito dahil siya man ay hindi rin tiyak kung hanggang kailan niya kakayanin ang lahat ng ito. Ang tanging malinaw lamang sa kanyang isip ay ang pagmamahal niya kay Arkin. Iyon ang nagsisilbi niyang sandalan sa bawat araw na lumilipas sa mansyon na iyon. “Manang, hayaan n’yo na po muna,” mahina niyang saad habang ibinababa ang tingin sa hawak niyang plato. “Ayoko po talaga ng gulo. Kapag nalaman po ni Arkin ang lahat, siguradong masasaktan siya. Ayoko rin po na mag-away sila ng mama niya nang dahil sa akin.” Napabuntong-hininga si Manang Erma. Kita sa mukha nito ang awa at panghihinayang para sa kanya. “Elaina, hindi na tama ang lahat ng ito,” malungkot na sambit ng matandang mayordoma. “Hindi ka dapat tinatrato nang ganiyan sa pamamahay na ito. Asawa ka ni Senyorito Arkin, hindi ka katulong.” Mapait siyang napangiti. Ilang beses na ba niyang narinig iyo

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:25

    “H-hello?” ani niya at napahikab. Sobrang pagod at antok na rin siya. Ni ang kumakalam niyang sikmura ay hindi na niya inintindi. Ang tanging gusto na lamang niya ay makapagpahinga. “Hello, babe?” Tila nawala ang kanina lamang na antok na nararamdaman niya. Ang pagkapagod ay tila naibsan iyon ng kaginhawahan nang marinig niya ang boses ng kanyang asawang si Arkin. “A-asawa ko?” panigurado pa niya buhat sa kabilang linya. “Yeah. Ako nga. Nagising ba kita? Kumusta ka diyan?” Sunod-sunod na tanong ni Arkin. Gusto niya maiyak at gusto niyang magsumbong sa asawa. Gusto niyang sabihin dito na kung maaari ay umuwi na ito upang matigil na ang pagmamalupit sa kanya ni Donya Octavia. Ngunit nanatiling pipi ang kanyang bibig. Alam niya na kaya ito nasa ibang bansa ay para maresolba ang problema ng kumpanya. At ayaw na niya na makadagdag pa ng isipin sa asawa. Wala naman siyang ibang maitutulong dito, kaya nararapat siguro na itago na lamang niya ang mga nangyayari sa kanya sa mansyon. Mal

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:24

    Tahimik ang buong laundry area. Nakayuko si Elaina habang kinukuskos ang sahig gamit ang kanyang mga kamay. Namumula na ang kanyang mga palad at nanginginig ang kanyang mga braso sa pagod. Sobrang hapdi na rin ng kanyang braso na natapunan ng kape. Ngunit wala siyang reklamo. Tahimik lamang siyang nagtitiis. Sa kabilang dako ng bakuran, nakasandal si Sonia sa pader habang nanonood sa kanya. Nakatupi ang mga braso nito. At sa labi nito ay nakapinta ang isang mapanuyang ngiti. Masayang-masaya siya na nagtagumpay ang mga plano niya. Sisiguraduhin niya na sa susunod pang mga araw ay hindi lamang sampal, sabunot, at pagbuhos ng mainit na kape ang gagawin ni Donya Octavia kay Elaina. Nangako siya sa kanyang amo na sa pagbabalik nito ay wala na ang babaeng mangmang na ito sa pamamahay ng mga Delavega. “Ang bilis naman niyang maparusahan,” mahinang bulong ni Doray habang lumalapit kay Sonia. Hindi man lang inalis ni Sonia ang tingin kay Elaina. Nakangisi siyang umiling-iling kay Doray

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:23

    Lalong dumilim ang mukha ni Donya Octavia sa kanya. “Hindi ikaw?” malamig nitong ulit. Humakbang ito palapit sa kanya, mabagal ngunit puno ng galit ang bawat hakbang nito. “Sinong may gawa nito? Multo?” mapanglait nitong tanong. “D-Donya Octavia, maayos ko pong nilabhan ang mga iyan kahapon. Wala pong punit ang mga iyan nang isampay ko—” “Tumahimik ka!” Napaatras si Elaina nang muling sumigaw ang matandang donya. Mariing hinablot ni Donya Octavia ang kanyang buhok, dahilan upang mapangiwi siya sa sakit. “Hindi mo pa rin aaminin, ha?” gigil nitong bulong sa kanya. “Sinira mo ang mga kurtina ko na imported pa mula sa Paris, tapos ngayon tatanggi ka sa harap ko?” Napapikit si Elaina. “Hindi ko po sinira—” Isang malakas na sampal sa kanyang pisngi ang muling dumapo. “Boba! Sinungaling!” Napatilapon siya sa sahig dahil sa lakas ng pagtulak at sampal na iyon ni Donya Octavia sa kanya. Halos manginig ang kanyang mga kamay habang pilit niyang inaangat ang sarili. S

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:9

    Matamis niyang nginitian si Priea at tumango rito. “Beautiful…” ani niya at saka inalalayan ang babae. Pagkatapos mamili ay nagyaya si Priea na kumain sa paborito nilang restaurant noong sila pa ng babae. Napatigil siya sa ginagawa nang masuyong hawakan ni Priea ang kamay niya. “Do you st

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:7

    Imbes na bumaba at salubungin niya ang asawa ay nagmamadali siyang bumalik sa kanilang kwarto ni Arkin. Nasapo niya ang sariling dibdib. Tila nanlambot siya sa nakita niya. Alam niya na gentleman ang asawa niya, pero hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng selos. Lalo pa at dalawang linggo din sil

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:15

    Buong akala niya, pagpasok ng mansyon ay matatahimik na ang kalooban niya. Buong akala niya ay nakaalis na si Priea, ngunit nagkamali siya nang maabutan ito sa malaking sala ng mansyon. Prente itong nakaupo roon, animoy isang prinsesa. Nakapaskil sa mukha nito ang saya. Tumatawa ito habang magiliw

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:16

    “P-pasensya na po kayo, Manang. Pati kayo, nagtatalo na dahil sa akin,” hingi ng paumanhin ni Elaina kay Manang Erma. Tigas na pag-iling ang ginawa ng matandang mayordoma sa kanya.“Wala kang dapat hingin ng pasensya, Elaina. Sila ang dapat na humingi ng pasensya sa’yo dahil sa maling asal at pakik

    last updateLast Updated : 2026-03-17
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status