Share

Chapter:22

Author: Miss Jesszz
last update publish date: 2026-03-10 20:26:16

Halos hindi maigalaw ni Elaina ang katawan mula sa pagkakaupo sa gilid ng kanilang kama. Nasa kwarto na siya at matamang nagpapahinga. Malalim na ang gabi at katatapos lang niya maglinis ng mga pinagkainan ni Donya Octavia at ng mga kaibigan nito. Namumula at namamaga naman ang kamay niya dahil sa mga mabibigat na gawaing ibinigay sa kanya ni Donya Octavia ngayong maghapon.

Dinampot niya ang cellphone mula sa lamesa sa gilid ng kama. Malalim siyang napabuntong-hininga nang makitang wala man la
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:24

    Tahimik ang buong laundry area. Nakayuko si Elaina habang kinukuskos ang sahig gamit ang kanyang mga kamay. Namumula na ang kanyang mga palad at nanginginig ang kanyang mga braso sa pagod. Sobrang hapdi na rin ng kanyang braso na natapunan ng kape. Ngunit wala siyang reklamo. Tahimik lamang siyang nagtitiis. Sa kabilang dako ng bakuran, nakasandal si Sonia sa pader habang nanonood sa kanya. Nakatupi ang mga braso nito. At sa labi nito ay nakapinta ang isang mapanuyang ngiti. Masayang-masaya siya na nagtagumpay ang mga plano niya. Sisiguraduhin niya na sa susunod pang mga araw ay hindi lamang sampal, sabunot, at pagbuhos ng mainit na kape ang gagawin ni Donya Octavia kay Elaina. Nangako siya sa kanyang amo na sa pagbabalik nito ay wala na ang babaeng mangmang na ito sa pamamahay ng mga Delavega. “Ang bilis naman niyang maparusahan,” mahinang bulong ni Doray habang lumalapit kay Sonia. Hindi man lang inalis ni Sonia ang tingin kay Elaina. Nakangisi siyang umiling-iling kay Doray

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:23

    Lalong dumilim ang mukha ni Donya Octavia sa kanya. “Hindi ikaw?” malamig nitong ulit. Humakbang ito palapit sa kanya, mabagal ngunit puno ng galit ang bawat hakbang nito. “Sinong may gawa nito? Multo?” mapanglait nitong tanong. “D-Donya Octavia, maayos ko pong nilabhan ang mga iyan kahapon. Wala pong punit ang mga iyan nang isampay ko—” “Tumahimik ka!” Napaatras si Elaina nang muling sumigaw ang matandang donya. Mariing hinablot ni Donya Octavia ang kanyang buhok, dahilan upang mapangiwi siya sa sakit. “Hindi mo pa rin aaminin, ha?” gigil nitong bulong sa kanya. “Sinira mo ang mga kurtina ko na imported pa mula sa Paris, tapos ngayon tatanggi ka sa harap ko?” Napapikit si Elaina. “Hindi ko po sinira—” Isang malakas na sampal sa kanyang pisngi ang muling dumapo. “Boba! Sinungaling!” Napatilapon siya sa sahig dahil sa lakas ng pagtulak at sampal na iyon ni Donya Octavia sa kanya. Halos manginig ang kanyang mga kamay habang pilit niyang inaangat ang sarili. S

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:22

    Halos hindi maigalaw ni Elaina ang katawan mula sa pagkakaupo sa gilid ng kanilang kama. Nasa kwarto na siya at matamang nagpapahinga. Malalim na ang gabi at katatapos lang niya maglinis ng mga pinagkainan ni Donya Octavia at ng mga kaibigan nito. Namumula at namamaga naman ang kamay niya dahil sa mga mabibigat na gawaing ibinigay sa kanya ni Donya Octavia ngayong maghapon. Dinampot niya ang cellphone mula sa lamesa sa gilid ng kama. Malalim siyang napabuntong-hininga nang makitang wala man lamang missed call doon. Kahapon pa umalis si Arkin, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tinatawagan ng asawa. Baka busy. Iyon ang siksik niya sa kanyang isipan. Muli siyang napabuntong-hininga nang maisip ang sinabi kanina sa kanya ni Doray. “Kaya kung ako sa’yo, hiwalayan mo na si Arkin. Dahil hindi kayo nababagay. Langit siya, habang ikaw ay lupa.” Hinding-hindi niya iyon gagawin. Mahal na mahal niya ang kanyang asawa. Magtitiis siya sa mga kalupitan ni Donya Octavia alang-alang kay

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:21

    Hindi pa sumisikat ang araw ay gising na si Elaina. Hindi dahil sa kusa siyang nagising. Kundi dahil sa malamig na tubig na biglang ibinuhos sa kanyang mukha. “A-ano—?!” Napabalikwas siya ng bangon. Basang-basa ang damit niya. Nanlalamig ang kanyang balat. Sa harap ng kama ay nakatayo si Donya Octavia. Hawak pa ang pitsel. Nakataas ang kilay at matalim ang tingin sa kanya. “Sa bahay na ito,” malamig nitong sabi, “ang mga katulong ay gumigising bago ang amo.” Nanlaki ang mga mata ni Elaina. “M-Mama—ay D-Donya… ako po ay—” “Katulong.” Putol nito. “Iyan ka simula ngayon,” putol nito sa iba pa niyang sasabihin. Ni hindi siya pinahintulutang magpalit agad. Pinababa siya sa kusina nang basa ang damit. Halos mangatog ang tuhod niya dala ng sobrang lamig. Alas-singko pa lamang ng umaga. Agad siya nitong inutusan ng mga gagawin, lalo na ang pagluluto. Pinagbalat siya ng patatas. Pinaghiwa ng karne. Pinaghugas ng sandamakmak na pinggan kahit malilinis na ang mga iyon. At kapag bumab

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:20

    A-aalis ka?”Tanong ni Elaina nang makita na nag-iimpake si Arkin ng mga damit nito sa maleta. Panandalian itong tumigil sa ginagawa at hinarap siya. Kinuha nito ang magkabilang kamay ng asawa at marahang hinagkan ang mga iyon.“Yes, babe. Sorry kung hindi ko agad sa’yo nasabi. But don’t worry, two weeks lang akong mawawala.”Two weeks? Nanlumo siya sa narinig buhat sa asawa. Nilukuban siya ng takot. Tila tambol din sa lakas ng tibok ang puso ni Elaina. Iyong isang linggo na nga lang na wala rito sa mansyon ang asawa niya ay para na siyang mamatay sa mga pinaggagawa sa kanya ng ina nito. Dalawang linggo na naman siyang pahihirapan ng kanyang matapobreng biyenan. At panigurado rin siya na sa dalawang linggo na iyon ay katakot-takot na gutom ang aabutin niya.“Babe, huwag ka nang malungkot. Babalik din naman ako agad. Kailangan ko lang talaga mag-out of the country dahil sa ka-business meeting ko sa US. I need to do this dahil sa naging sunod-sunod na problema ng kumpanya. Saka araw-ara

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:19

    Hapong-hapon na nang matapos si Elaina sa paglilinis. Masakit ang kanyang likod at mga braso, ngunit pinili niyang huwag magreklamo. Tahimik niyang inayos ang huling kurtina at saka muling tiningnan ang kabuuan ng silid. Malinis. Maayos. Walang kapintasan. Malalim siyang humugot ng hininga. Sa nakikita niya, maayos na nagawa niya ang paglilinis ng guest room. Marahil hindi na siya masi-sermonan ni Donya Octavia. Marahang bumukas ang pinto. Napalingon siya. Napatigil si Arkin sa may entrada ng guest room. Nakasuot pa rin ito ng coat, tila kagagaling lamang sa kung saan. Ngunit ang mga mata nito—agad bumagsak sa kanya. “At bakit ikaw ang naglilinis nito?” Kunot na kunot ang noo tanong sa kanya ni Arkin. Mababa ang boses nito, ngunit nasa tinig nito ang pagtataka. Nagulat siya. “A-Arkin… kanina ka pa?” Hindi ito sumagot. Lumapit ito, mabagal ang hakbang. Tumingin ito sa kanyang mga kamay—may bahid pa ng panlinis. Sa kanyang noo—may manipis na pawis. “Sino ang nag-utos sa’yo?”

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   CHAPTER:17(SPG SEXUAL CONTENT!!!(

    “Ah… asawa ko!…” Hindi mapigilan ang halinghing ni Elaina nang ipasok ni Arkin ang pagkalalaki nito sa kanyang pagkababae at ang sunod-sunod na pag-ulos na ginawa nito sa kanyang loob. Hindi niya malaman kung saan niya ipapaling ang sariling ulo. Halos ibaon na niya ang sariling katawan sa mala

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:7

    Imbes na bumaba at salubungin niya ang asawa ay nagmamadali siyang bumalik sa kanilang kwarto ni Arkin. Nasapo niya ang sariling dibdib. Tila nanlambot siya sa nakita niya. Alam niya na gentleman ang asawa niya, pero hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng selos. Lalo pa at dalawang linggo din sil

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:15

    Buong akala niya, pagpasok ng mansyon ay matatahimik na ang kalooban niya. Buong akala niya ay nakaalis na si Priea, ngunit nagkamali siya nang maabutan ito sa malaking sala ng mansyon. Prente itong nakaupo roon, animoy isang prinsesa. Nakapaskil sa mukha nito ang saya. Tumatawa ito habang magiliw

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:6

    Mapait siyang napangiti nang maalala kung paano niya nakilala ang asawang si Arkin. Naaksidente ito, at sa kabutihang-palad ay nakita ng kanyang ama at kapatid. Nang gumaling ang lalaki, inakala niyang iyon na ang huli nilang pagkikita. Ngunit laking gulat niya nang isang araw ay naging bisita nila

    last updateLast Updated : 2026-03-17
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status