LOGINPaglipas ng mga araw, linggo, at buwan ay tuluyan nang nawalan ng gana at pakialam si Arkin kay Elaina. Tila hangin na lamang na dumadaan si Elaina para kay Arkin.Magkaganoon pa man, si Elaina naman ay patuloy pa ring pinagsisilbihan si Arkin. Lahat ng kailangan ng asawa ay siya ang personal na nag-aasikaso para rito. Siya ang namamalantsa ng mga damit nito, higit sa lahat ang mga office attire nito. At bago pa man dumating ang asawa galing opisina ay nakahanda na ang maligamgam na tubig para sa paglilinis o pampaligo nito.Nakasanayan na rin niya na siya mismo ang maghanda ng almusal ni Arkin bago ito pumasok sa opisina. Kahit pa nga pambabalewala lamang ang natatamo ni Elaina mula sa asawa, umaasa pa rin siya na muling babalik ang Arkin na kanyang minahal.May mga araw na napapagod na siya at nawawalan na ng pag-asa dahil sa malamig na pakikitungo at pambabalewala sa kanya. Ngunit mahal na mahal niya si Arkin. Kaya hindi niya ito susukuan. Hangga't hindi mismo ang asawa niya ang na
"Kita mo ba kanina,sobrang sweet ni senyorito Arkin kay señorita Priea habang kumakain sila. " napapatiling tanong ni Sonia kay Doray. Hindi man sabihin,ngunit bakas sa boses ng mga atribidang kasambahay na kinikilig ito sa nakita. Hindi niya alam kung totoo man mga sinasabi nito kay Doray dahil hindi naman niya nakita iyon kanina dahil abala siya sa pagtulong kay manang Erma sa pagluluto kanina. "Abay oo naman. Parang si siñorita Priea pa nga ang asawa ni sir,at hindi yang si Elaina na yun. Kung asikasuhin ni senyorito kanina si senorita,kulang na lang,subuan nito kanina sa sobrang sweet nila sa isa't isa. " "Kaya nga eh. Alam mo ate Doray,kung hindi lang sana pinakasalan ni senyorito Arkin yang Elaina na yan,baka may chance pa silang mag kabalikan dalawa no.?"saad ni Sonia na bakas sa boses ang labis na panghihinayang. "Ano ka ba naman Sonia,kung talaga gugustuhin ni senyorito na balikan si senyorita,abay madali lang naman iyon,kase may pera at saka mayroon magagaling na aboga
"Asawa ko, baka maaari mo na akong turuan sa pagsusulat at pagbabasa ko." Nakangiting saad ni Elaina kay Arkin matapos ang dinner ng pamilya Delavega kay Priea. Wala naman kasi itong ginagawa ngayon, kaya naisipan na rin ni Elaina na magpaturo dito. Napahawak sa sentido si Arkin. Tila sumakit ang ulo nito sa sinabi ni Elaina. Sa totoo lang ay wala na siyang gana pang turuan ang asawa. Parang unti-unti ay nawawalan na siya ng interes na turuan pa ito. Bakit pa nga ba niya tuturuan ito? Para saan pa? Magsasayang lamang siya ng oras para sa mangmang na asawa. Wala naman itong naitutulong na maganda sa kanya, lalo na sa kumpanya nila. Marahil ay tama nga ang ina niyang si Donya Octavia. Nagpadalos-dalos siya. Mali ang babaeng pinakasalan niya. Nadala lamang siya ng kabaitan nito at ng pamilya ni Elaina Pinakasalan lamang niya ito dahil sa utang na loob sa ama nito na nagligtas sa kanyang buhay. At ngayon, na-realize niya na mali na nagpatali siya sa isang kagaya ni Elaina. Ni hindi
Halos manlamig siya nang makita niya na hinalikan ni Priea si Arkin sa labi. Ni hindi man lamang umiwas ang kanyang asawa. Bagkus, ay tila nasiyahan pa nga ito. "Oh, your wife is here, baby." Nakangising saad ni Priea kay Arkin. Biglang nawala ang nakapaskil na ngiti sa labi ni Arkin. Napalunok ito at saka bahagyang humiwalay kay Priea. "Bakit ikaw ang nagdala niyan dito?" Matabang na tanong ni Arkin sa kanya. Imbes na saluhin nito ang malaking mangkok na dala-dala niya, ay mas pinili pa nga nitong ipaghila si Priea ng upuan kaysa tulungan siya. Tila kinurot ng pino ang puso niya dahil sa inasal ng kanyang asawa. Hindi naman kasi ganoon dati ang kanyang asawa. Ayaw na ayaw nito na inuutusan siya sa bahay. Ngunit iba ngayon. Parang ibang Arkin ang kaharap niya. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang pagngisi ni Donya Octavia. "M-may ginagawa kasi si Manang Erma, kaya ako na ang nagdala rito." "Mabuti at nagkusa kang tumulong. Bagay naman sa'yo ang ganiyang gawain." Saad ni Do
"Hndi ka pa ba kakain?" Tanong ni Manang Erma nang maabutan nito si Elaina sa dining area. Ilang oras na itong naghihintay kay Arkin, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ang kanyang asawa. Pasado alas-onse na ng gabi. "Manang, hinihintay ko pa po kasi si Arkin eh," malungkot na saad ni Elaina. Kahit wala naman talagang kasiguraduhan kung uuwi ba ang kanyang asawa. Napansin niya nitong mga huling araw na gabing-gabi na ito kung umuwi, kung hindi naman ay nag-uumaga na. Kapag tinatanong niya, ang madalas na sagot ng kanyang asawa ay may tinatapos na trabaho sa opisina, di kaya ay may meeting at kailangang mag-overnight. Kung dati-rati ay nagagawa nito na tawagan siya upang kamustahin at paalalahanan, ngayon ay hindi na iyon magawa ng kanyang asawa. "Kumain ka na, baka mamaya pa dumating si Arkin. Magugutom ka niyan." Pagpupumilit na sabi ni Manang Erma. Maging ito man ay pansin ang tila pagbabago ni Arkin, lalo na sa pakikitungo nito kay Elaina. Madalas na itong walang oras sa asa
Ilang minuto lang at agad na narating ni Arkin ang condo unit ni Priea. May kalayuan ang condo ng babae sa mansyon ng mga Delavega. Ngunit hindi hadlang ang layo na iyon upang magtagal siya sa biyahe. Sabik na sabik na siya sa babae niya na naghihintay sa kanya. Sunod-sunod na pagdo-doorbell ang kanyang ginawa. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng condo. Iniluwa noon si Priea na matamis na nginitian siya. Pagkapasok pa lamang niya ay agad na lumambitin sa kanyang leeg ang babae at binigyan siya ng mainit na halik sa labi. Napakislot ang kanyang alaga nang maramdaman niya na walang kahit anong saplot pang-ilalim ito. Dumiin ang malaki nitong dibdib sa kanya at ang pagkababae nito na tumama sa kani-kanina lang ay natutulog niyang alaga. "Buti naman at dumating ka." Malambing na saad nito kay Arkin na ngayon ay tila nag-aapoy na sa init ng katawan. Ibinaba ni Arkin ang paper bag na naglalaman ng mga T-back at mga lingerie nito. "Hmmm... of course. Di'ba sabi ko naman sa'yo, pupu







